Home / All / Mr. President Cheated That Day / Chapter 31 - Chapter 40

All Chapters of Mr. President Cheated That Day: Chapter 31 - Chapter 40

58 Chapters

Chapter 31

Sinigurado kong malayo pa rin ako kay Cadence. Dahil kung literal na magkadikit kami, baka marinig niya ang lakas ng tibok ng puso ko. Maya’t maya nga ang pag-inom ko sa gulaman. Hindi mapakali ang mga internal organ ko. Gusto rin lumabas mula sa katawan ko katulad ng puso ko. Maya’t maya din ang paglunok ko.Parang matatae na nga ako anytime. Ganito pala pakiramdam kapag katabi mo ang taong gusto mo.Nakakabalisa.Namataan ko pa si Lorie sa kabilang table kasama ng mga alipores niya. Masama ang tingin niya sa akin pero kapag kay Cadence ay nagpapa-cute ang gaga. Mukha siyang aso. Hindi ko na lang pinansin. Mabuti na lang hindi rin pansin ni Cadence ang aso na 'yun. Nakatutok lang siya sa pagkain tapos maya't maya ang tingin sa akin. Parang tanga.Kita na ngang hindi ako mapakali, tingin pa nang tingin.“Okay ka lang ba, Millie? Parang natatae ka diyan?”Humigpit ang hawak ko sa kubyertos at
last updateLast Updated : 2021-11-18
Read more

Chapter 32

Ngumiti siya.Nginitian niya ako.Mabilis akong umiwas ng tingin.“Umuwi ka na. ‘Wag ka na mag stay. Kung may gagawin ka pa, ipagpabukas mo na lang. Baka sa hospital ka na niyan madiretso kapag pinilit mo pa sarili mo ngayon.”Sinubukan kong hindi magmukhang concern sa kaniya (kahit iyon naman ang totoo) Baka kasi ma-weirduhan siya sa akin. Kung anu ano pa isipin niya.“Okay po,” malumanay niyang sagot.Shuta.“E-Edi tara na!”Tumayo na ako.Sinabihan siya ng nurse na uminom ng gamot kung sakaling lagnatin siya. Kailangan niya rin daw maglaan ng oras para ipahinga ang sarili, magkaroon ng sapat na tulog at kumain sa tamang oras. Hindi niya pwede ipagpatuloy ang pag-o-overwork sa sarili dahil hospital na ang bagsak niya kapag nagkataon.Inulit ulit ko iyon sa kaniya hanggang sa makalabas kami sa clinic. Tumango lang siya sa akin.Sabay kaming naglakad sa hallway. Wal
last updateLast Updated : 2021-11-19
Read more

Chapter 33

Nagkwentuhan lang kami about sa mga bagay bagay. Napunta sa graduation hanggang sa mga kurso na kukunin sa college. Nanatili lang akong tahimik. Nakikinig lang ako sa kanila. Ngunit minsa’y sumusulyap sa kaniya. Ganoon din siya. Kaya kapag napapatingin kami sa isa’t isa, lumilipat ang tingin ko sa mga puno o di kaya’y susubo ng bagong pagkain kahit hindi pa ubos ang nasa harapan ko.Hindi ko naman kasi maintindihan kung bakit panay din ang sulyap niya sa akin. Crush niya ba ako? Pareho ba kami ng nararamdaman?Assume pa, Millie. Kung ipagpapatuloy niya ang ganito, hindi na ako makakahon pa. Tuluyan na akong mahuhulog. Tapos sa huli, ako lang ang masasaktan. Big time.Palihim akong huminga nang malalim.“Huh?”Napalingon kami kay Mia na tutok na sa cellphone niya habang nakasandal sa upuan. Naantala sina Hannie, Carol, Cadence sa pagkekwentuhan dahil bigla siyang nagsalita.Maski ako na nananahim
last updateLast Updated : 2021-11-20
Read more

Chapter 34

Hanggang lumipas ang gabi. Kahit nagkaroon ng selebrasyon ang birthday ko, hindi ako makuntento. May kulang. Malapit na nga mag-11, matatapos na ang birthday ko, wala pa rin siyang bati! "Anong oras kayo uuwi?" tanong ko sa kanilang apat na prenteng nakatambay pa rin sa sala namin. Nanonood sila ngayon ng TV habang kumakain. Nagsisimula na akong magligpit ng kalat sa sala. Umuwi na rin ang mga bisita. Kinatatakutan ko ay ang magiging kalat kinabukasan sa labas. Malamang ako na naman ang paglilinisin ni mama niyan.Lumingon si Carol sa akin. "Pinapauwi mo na agad kami? Grabe ka!" Inirapan niya ako saka sumiksik kay Calum. Natawa lang siya asta ng jowa niya. Talagang sa harapan ko pa talaga. "Tanga! Nagtatanong lang!" angil ko.“Pwede bang dito na lang kami matulog?” tanong ni Hannie at humikab sa tabi ni Mia na kasalukuyang busy sa phone niya.Natigilan naman ako. “Gusto mo ba? Lilinisin ko ang buong sala-&
last updateLast Updated : 2021-11-21
Read more

Chapter 35

Hindi muna ako pumasok sa loob ng bahay pagkatapos naming ihatid ni mama si papa palabas ng gate. Tumingala ako sa langit. Punong puno ng bituin at ang ganda ng buwan.Huminga ako nang malalim.Hindi ko masabing malungkot ang birthday ko, hindi ko rin masabing masaya.Siguro nasa pagitan.Hindi na rin ako nagtagal.Agad na rin akong tumalikod para bumalik sa loob pero napatigil ako. Muli akong humarap. Umawang ang labi ko. Bumilis ang tibok ng puso ko. Bulto pa lang, alam kong siya ang nakapamulsa at nakayuko habang nakasandal sa poste. Dumiretso ako ng tayo. "C-Cadence?” wika ko at hindi naman malayo ang poste sa amin. Alam kong rinig niya ang sinabi ko.Umangat siya ng tingin. Hindi ko gaano maaninag ang mukha niya dahil kalahati lang ang liwanang ang nasa kaniya.“How’s your feeling?” rinig kong tanong niya at habang naglalakad siya palapit sa akin, pabilis nang pabilis ang tibok ng puso ko. &ld
last updateLast Updated : 2021-11-22
Read more

Chapter 36

“Iba talaga kapag gusto ka rin ng taong gusto mo ‘no? Parang dati nakabusangot mukha mo kapag nagbabasa ng libro, ngayon nakangiti na. Ay, iba.” Umiling si Mia.“So, ano na status niyo?” Naramdaman kong lumapit ang mukha ni Hannie sa akin.“Sigurado ka bang kumpleto ang kinwento mo sa’min?” Kinalabit naman ako ni Carol.Unting unti umangat ang tingin ko sa tatlong ugok na nakaupo sa harapan ko. Naglaho ang ngiti ko at binigyan sila ng masamang tingin. Pinatong ko sa lap ang librong hawak ko at humalukipkip sa harapan nila.“Pwede ba lumayo kayo sa akin? Baka mahawaan ako ng kapangitan niyo.”Agad naman sila umusog palayo sa akin habang hindi pa rin ako nilulubayan ng tingin. Sarap nilang kurutin ng nail cutter.Pagkatapos ng birthday ko, agad din naman ako nagkwento sa kanila tungkol sa nangyari noong gabi. Syempre kilig na kilig ang mga gaga. Ang daming tinanong sa’kin. Sobra
last updateLast Updated : 2021-11-23
Read more

Chapter 37

Pagdating naming sa sisigan, kaunti lang ang customer kaya agad kaming nakahanap ng bakanteng pwesto. Sa gilid kami umupo para solo namin ang electric fan. Nag-volunteer na si Carol na siya na ang mag-o-order. Hindi na niya kami tinanong dahil kabisado naman na niya ang palaging ino-order namin. Ginaya ko na rin ang order nila Mia dahil nasa mood akong lumamon ngayon.Nang mag-text si Cadence (yes, may number na kami ng isa’t isa) sa akin na late na naman siya makakauwi, nag-reply agad ako. Palagi na lang. Minsan gusto ko na rin sugurin ‘yung head ng Student Council dahil sa dami ng pinapagawa sa presidente. Hindi ba nila alam na may buhay din siya sa labas ng eskwelahan?Kung hindi lang siya busy ngayon, siguradong nandito rin siya."Sigurado ka na ba kay Pres?"Mula sa phone na hawak ko, umangat ang tingin ko kay Mia. Sinalubong niya ako ng seryosong mukha habang nakatingin sa akin. Napatingin din si Hannie sa kaniya na katabi niya.
last updateLast Updated : 2021-11-24
Read more

Chapter 38

Infairness dahil kahit mainit, mahangin naman. Malinis din ang buong paligid. Alagang alaga.At ano nga bang magagawa ko? Kung relaxation ito para sa kaniya, relaxtion na rin ito para sa akin. At least kasama namin ang isa’t isa.Sa sobrang dami ng ginawa niya, mukhang na-miss niya maglakad lakad ng walang inaalala. Sabi niya pa, nitong mga nakaraang araw, sa akin lang siya nakakapagpahinga. Kahit isang oras lang kami nag-uusap sa isang araw. Kinikilig ang pwet ko sa t’wing babanatan niya ako ng "Ikaw ang pahinga ko,"Pamilyar nga sa akin 'yan, parang may nabasa akong ganiyan. Pero ang punto ko, kinilig pa rin ako. Iba pala talaga kapag mahal mo ang nagsabi niyan."Oo o hindi lang naman sagot, ano ba 'yan," bulong ko saka naunang naglakad sa kaniya. Pansin ko kasi na nagkaka usap na silang dalawa. Nagiging close na nga sila. Hindi katulad noon na halos hangin lang ang trato ni Cadence kay Calum. Kapag may kailangan lang, saka niy
last updateLast Updated : 2021-11-25
Read more

Chapter 39

"Iho?” "H-Huy!” Sabay pa kami ni mama. Nagkatinginan kami kaya pinanliitan niya ako ng mata.  Binigyan niya ako ng isang maliit na ngiti bago siya lumapit kay mama. "Good evening po," nakangiti niyang bati.  Nagtatakang lumingon sa akin si mama. Nakagat ko ang ibabang labi nang salubungin ko ang tingin niya. “Siya ba ang kinekwento mong presidente sa school niyo na crush mo?" Bahagya akong nagulat ngunit dahan dahan akong tumango. Oo nga pala’t pinakita ko sa kaniya ang picture ni Cadence dahil gusto niyang malaman kung gwapo ba daw ang crush ko. Isang beses ko lang naman pinakita iyon pero agad namukhaan ni mama si Cadence ngayong gabi! Kakaiba memorya ni mama! "Oh siya tara pumasok tayo sa loob," sabi ni mama na siyang ikinagulat ko kaya pinigilan ko si mama.  “Bakit ma? Close ba kayo?” nagtataka kong tanong habang palipat lipat ang tingin sa kanila. “Kilala mo na ba siya?” Lumingon siya sa akin
last updateLast Updated : 2021-12-05
Read more

Chapter 40

Nang tumingin ako sa kaniya ay saka niya kinuha ang basket saka inilabas ang mga baon namin doon. Pinagmasdan ko lang si mama na gawin iyon. Sobrang proud ako sa nanay ko. Sa kabila ng pang iiwan ng tatay ko ay nakayanan niya lahat. Hindi niya pinakita na mahina siya sa harap namin. Mahal na mahal ko siya at kapag nakatapos talaga ako ng pag-aaral, iaahon ko sila sa hirap. Magpapakasawa sila sa yaman. Mabuti na lang din ay mahal ako ni Cadence. Kapag siya ang nakatuluyan ko, hindi ako mahihirapan sa future. HIHIHIHI. "Ma, pakasalan ko na kaya si Cadence para instant mayaman na tayo?" Napatigil siya at tumingin sa akin. "Isupalpal ko kaya ang mga damo dito sa'yo?" Sumama ang tingin niya sa akin. "Tss. Joke joke lang, 'e," ani ko at dahil bored na akong panoorin ang kapatid kong mukhang tanga na kanina pa gumagawa ng bubbles, nag-picture na lang ako ng view. Perfect shot naman ang una kong nakunan kaya ni-story ko agad sa IG ko. Buti
last updateLast Updated : 2021-12-06
Read more
PREV
123456
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status