Home / YA/TEEN / Mr. President Cheated That Day / Chapter 41 - Chapter 50

All Chapters of Mr. President Cheated That Day: Chapter 41 - Chapter 50

58 Chapters

Chapter 41

Mga bandang alas-dos ay ako na ang unang dinaanan ng magkapatid. Nagulat pa ako dahil isang van ang dala nila. At akala ko isa sa kanila ang magiging driver, iyon pala may personal driver silang kasama. Nang lumabas si Cadence ay napasinghap na lang ako. Kulay krema ang cargo short niya at isang yellow na long sleeve na may putting shirt sa loob. Nakabukas ang tatlong butones nito sa unahan. Bagong wax ang buhok na palaging may hati sa gilid. Wala akong masabi sa kagwapuhan niyang taglay. Napipipi ako. Kung ikukumpara ako sa kaniya, magmumukha akong yaya. Isang denim na pants na may belt at black turtle neck ang suot ko. Naka-braid ang mahaba kong buhok na nasa iisang side lang ang pwesto. Tapos may shoulder bag pa ako. Hindi ko alam kung babagay ba ako kay Cadence. “Pretty,” bati niya sa akin nang makalapit siya sa labas ng pinto kung nasaan ako. Napanguso lang ako. Kaya pala siya bumaba ay dahil gusto niya mismo magpaalam kay mama na aalis k
Read more

Chapter 42

Pagbaba namin sa ferris wheel, hindi na namin binitawan ang isa’t isa. Mahigpit ang hawak ni Cadence sa kamay ko na para bang wala siyang balak na bitawan ito. Minsan napapatingin ako sa kaniya pero mas madalas tumagal ang tingin ko sa magkahawak naming kamay.Hindi ko maipaliwanag ang saya.Naglaho lahat ng takot sa katawan ko na baka may makakita sa amin at maging issue tapos kumalat sa school, tapos masisira ang imahe niya. Naisip kong si Cadence Montes nga pala ito, lahat nagagawan niya ng paraan.At ngayong boyrfriend ko na siya, may karapatan na akong ipagsigawan sa buong mundo na akin siya. Parang ang sarap ngang ipamukha kay Lorie na kami na pagbalik namin sa school. Na-i-imagine ko na ang magiging reaksiyon niya.Tinawagan ako ni Carol na nasa seaside na silang lahat, nakatambay. Nakabili na rin ng pagkain. Kami na lang ang hinihintay. Ewan ko pero bigla akong kinabahan. Wala pa kasi akong balak sabihin ngayon mismo sa kanila. Kahit na nagp
Read more

Chapter 43

Nakatitig lang ako sa kaniya buong call. Siya itong daldal nang daldal tungkol sa experience niya sa Baguio. Ang dami niyang baon. Pinili ko na lang makinig tapos titigan ang gwapo niyang mukha. Base sa background niya, mukhang nasa loob pa siya ng isang kwarto tapos malapit sa bintana. May naririnig kasi akong ingay sa tabi niya. Bigla naman akong kinilig kasi mas pinili niyang makausap ako kaysa makihabilo sa labas. Tango lang ako nang tango sa kaniya. Tapos minsan sabay kaming tatawa. Tapos lalo akong ma-i-inlove. Lumiliwanag kasi ang mukha niya kapag masaya siya. Naantala lang ang pag-uusap namin nang makita kong may pumasok. Matangkad ito. Medyo mataba at may edad na. Halos nababalot na rin ng puting buhok ang ulo niya at ang tindig niya ay halata mong isang mayaman o baka nga may-ari ng isang kumpanya. Tumitig ako sa mukha niya. Nanlaki ang mata ko at umayos ng tindig. Mukhang tatay ni Cadence! "Happy new year, son. Can we talk?"
Read more

Chapter 44

Kapag free si Cadence ay sa library ang tambayan naming dalawa. Palihim kaming nagkikita sa pinaka dulong shelf. Madalang lang kasi ang mga tao doon. Syempre wala naman kaming ginagawang kababalaghan!Kumukuha ng libro si Cadence para ipantakip niya sa mukha niya saka hihiga sa lap ko habang nakaupo ako at nakasandal sa maliliit na shelf. Kapag gusto niyang matulog ay ganoon ang gusto niyang posisyon. Mabuti na lang napipigilan ko ang pag utot. "Kapag ba umutot ako, mamahalin mo pa rin ako?" bigla kong tanong. Kanina pa ako nakatitig sa kaniya. Bahagya niyang ibinaba ang libro hanggang sa mata niya lang ang nakikita ko sa kaniya. Sobrang ganda ng mata niya kahit nakapikit. Mas mahaba pa ang pilikmata niya kaysa sa pasensiya ko. Ang kapal pa ng kilay niya. Hay. Sobrang perkpeto talaga ng lalaking ‘to."Just don't poop here," sagot niya nang nakapikit pa rin. Mahina kong sinapak ang tiyan niya. Siraulo pala 'to. Sinong tanga n
Read more

Chapter 45

Tinadtad ako ng text at call ni Cadence noong uwian. Pero hanggang sa makauwi ako ng bahay, hindi ko siya pinansin. Hindi rin muna ako kinausap ni Carol. Nang ikwento niya kila Hannie at Mia ang nangyari, hinayaan din muna nila ako na palipasin ang galit ko. Kung galit ako kay Cadence, mas galit ako sa sarili ko. Ako ang naging puno’t dulo ng lahat. Ako ang nagsimula. Kaya tama lang na magdusa ako ngayon.“Hindi ko siya kayang harapin, ma. Pauwiin mo na po.”Alas-otso na. Kasalukuyan akong gumagawa ng assignment ko pero naantala dahil dumating si mama para sabihin sa akin na nasa labas daw si Cadence. Gusto niya daw ako maka-usap. Pero pinili kong ipagpatuloy ang ginagawa ko.“Layla.”Huminga ako nang malalim at muling tumingin sa kaniya. Nasa gilid siya ng pinto ko.“Ma, please.”Ilang segundo siyang nakatitig sa akin bago bumuntong hininga.“Kung ano mang ‘yang problema niyo, ayu
Read more

Chapter 46

"H-Hindi ako marunong sumayaw," sabi ko sa kaniya nang ilagay niya ang kamay ko sa balikat niya at pinulupot naman ang kamay niya sa baywang ko. Ang kaninang naantalang sayawan ay ngayon natuloy na. Hindi ako makatingin nang maayos kay Cadence dahil nahihiya ako. Ito kasi ang unang pagkakataon na makakasayaw ako nang ganito. Sa budots lang ako magaling. Nakikipag-showdown pa ako sa barangay namin. Pero ito talagang mabagal na sayaw na ‘to, sa palabas ko lang ‘to nakikita.Mabuti na lang wala si Carol dito dahil hinatid niya si Hannie sa rest house. Kung nandito lang ‘yun, malamang pagtatawanan niya ako. Pagod na raw si Hannie at gusto na niyang magpahinga. Hindi na tuloy namin siya naisayaw. Habang si Calum naman ay nagpaalam na may nakalimutan siyang kunin sa van.Kaya sa huli, kaming dalawa lang ni Cadence ang naiwan. Kahit na may mga tao naman sa paligid, pakiramdam ko solo pa rin namin ang buong beach."Then, step on my foot,"
Read more

Chapter 47

Carol’s POV “Nakita mo kung gaano ka-inlove ‘yung dalawa?” nakangiti kong tanong kay Calum na nananahimik sa tabi ko. I can’t help but to reminisce all the past. Parang dati lang ay kinasusuklaman ni Millie si Pres. I still remembered how she despised him kasi siya lang ang nakakapigil sa kalokohan niya. Same feeling with Pres. Kitang kita ko kung paano siya na-stress kay Millie noon. We thought hanggang doon lang ang magiging relasyon nila but wow, they are the perfect example of enemies to lovers. Kasalukuyan kaming pabalik sa pwesto. Hinatid ko lang si Hannie sa rest house at saktong nakasalubong ko si Calum. Paalam niya may kukunin lang daw sa siya sa Van pero wala naman siyang hawak na iba kundi ang phone niya. Ano kayang ginawa niya doon?  Bukas na bukas din ay uuwi na rin kami. We can’t stay here longer dahil may pasok pa at madami pang tatapusin ang magkapatid. They are so busy, yet, they still made time for us. That was wholesome! Sobran
Read more

Chapter 48

Hindi na kami nagdalawang isip pa na iuwi si Millie gamit ang van na nagpunta sa amin dito. Hindi kami sumama because we can’t leave this place without confronting Cadence about everything. Pinaubaya muna namin siya kay Kuya Lester, personal na driver ng magkapatid. But before they leave, ang dami kong palala kay kuya na kung sakaling may kakaibang gawin o sabihin si Millie, he has to focus on his purpose. Kailangan makauwi ni Millie ng buhay kahit ano man ang mangyari. He needs to update us kung nakauwi ba siya ng safe. I was feeling empty right now. Hindi pa rin maalis sa isipan ko ang mukha ni Millie kanina. I never seen her in pain like that before. Honestly, I didn’t recognize her earlier. Para bang ibang tao ang nasa harapan ko habang nagmamakaawa na pauwiin na siya, and that was enough to break my heart into pieces. I shook my head nang maramdaman kong may tumulong luha na naman sa mukha ko. Calum and I failed to save her from the heartbreak again. Especially
Read more

Chapter 49

Millie's POVHindi nagalit si mama.Noong ikwento ko ang lahat ng nangyari sa beach, wala siyang naging reaksiyon kaya hinuha kong hindi siya galit… o baka pinipigilan niya lang. Nang umuwi ako sa bahay noong gabing iyon, nagulat siya. Walang sabi sabi’y niyakap ko lang siya nang mahigpit noong oras na iyon. Sinubukan kong pigilan ang sarili na humagulgol ngunit sa huli, pinagbigyan ko ang sarili. Hindi ako pinaulanan ni mama ng tanong. Bagkus ay niyakap niya lang ako nang mahigpit.Kinabukasan, saka ko kinwento sa kaniya ang lahat. Sinabihan niya ako na ‘wag munang pumasok para makapagpahinga ang utak ko. Sinunod ko naman siya. Tama si mama. Kailangan kong magpahinga. Baka kapag nakita ko ulit sila, bumigay ako.Wala siyang sinabing kahit ano kay Cadence. Tahimik lang siyang nakikinig sa akin. Pero alam kong samu’t samong emosyon ang ibinibigay ko sa kaniya dahil maya’t maya ang pag-inom niya ng tubig. Napakagat ako sa ibab
Read more

Chapter 50

Kung nakatayo lang ako, siguradong matutumba ako sa mga nalalaman ko. Wala talagang taong perkpekto. Ang taong inakala kong perkepto mula ulo hanggang paa ay siya pala ang may madilim na nakaraan sa amin. Sumandal na lang ako saka pumikit. Naramdaman ko ang mahinang pagtapik ni Carol sa akin na sinusubukan akong i-comfort. “’Yung mga oras na dapat kasama niyo ako, pero dinadahilan ko na may emergency sa bahay o pumunta ako sa bahay ng lola ko… hindi totoo ang lahat ng iyon.”“Kasi nag-i-imbestiga ka,” sabat ni Carol.Narinig ko ang mahinang tawa ni Mia. “Oo. Saka hindi ko na kayang makita si Cadence noong mga oras na iyon. Mas lumalaki lang ang duda ko sa kaniya. Baka kapag sumama pa ako sa inyo, may masabi ako na gugulantang sa inyo. Nagkaroon naman ako ng lakas na sabihin sa’yo ang lahat pero iyon ang araw na dinala ka niya sa beach upang bumawi sa naging kasalanan niya. Kaya hindi ko na nagawa…&rdq
Read more
PREV
123456
DMCA.com Protection Status