“So, ano nga? Bakit wala kang kinekwento sa amin? Alam namin may mga nangyari kaya biglang naging mabait ka sa kaniya, ‘wag mo ng i-deny.” “Natitiis mo ng magsikreto sa amin, Millie? Hindi mo na kami mahal?” “Meron nga?” Pagkatapos namin magmeryenda (salamat kay Cadence sa pa-cake at frappe niya), nagpatuloy kami sa pag-aaral. Bumalik ang ilang ko kay Cadence. Mas lumala pa nga dahil sa sigaw ni Mia! Mabuti na lang nasa baba siya no’n dahil nag-order siya. Kung narinig niya ‘yun, wala na akong mukhang iapapakita. Kaya ang ginawa ko binalewala ko na lang ang presensiya niya. Nagtagumpay naman ako sa huli. Makalipas ang kalahating oras, nagdesisyon na rin kaming umuwi. Nandito kami sa terminal at naghihintay ng jeep. May tumigil na sa harap namin at imbes na sumakay na kami, umupo muna kami sa waiting shed. Napansin kasi nila na kakaiba ang mood ko ngayon. Mula noong nakita ko si Cadence at hanggang sa makauwi kami, napansin nila na hind
Read more