Nagkwentuhan lang kami about sa mga bagay bagay. Napunta sa graduation hanggang sa mga kurso na kukunin sa college. Nanatili lang akong tahimik. Nakikinig lang ako sa kanila. Ngunit minsa’y sumusulyap sa kaniya. Ganoon din siya. Kaya kapag napapatingin kami sa isa’t isa, lumilipat ang tingin ko sa mga puno o di kaya’y susubo ng bagong pagkain kahit hindi pa ubos ang nasa harapan ko.
Hindi ko naman kasi maintindihan kung bakit panay din ang sulyap niya sa akin. Crush niya ba ako? Pareho ba kami ng nararamdaman?
Assume pa, Millie.
Kung ipagpapatuloy niya ang ganito, hindi na ako makakahon pa. Tuluyan na akong mahuhulog. Tapos sa huli, ako lang ang masasaktan. Big time.
Palihim akong huminga nang malalim.
“Huh?”
Napalingon kami kay Mia na tutok na sa cellphone niya habang nakasandal sa upuan. Naantala sina Hannie, Carol, Cadence sa pagkekwentuhan dahil bigla siyang nagsalita.
Maski ako na nananahim
Hanggang lumipas ang gabi. Kahit nagkaroon ng selebrasyon ang birthday ko, hindi ako makuntento. May kulang. Malapit na nga mag-11, matatapos na ang birthday ko, wala pa rin siyang bati!"Anong oras kayo uuwi?" tanong ko sa kanilang apat na prenteng nakatambay pa rin sa sala namin. Nanonood sila ngayon ng TV habang kumakain. Nagsisimula na akong magligpit ng kalat sa sala.Umuwi na rin ang mga bisita. Kinatatakutan ko ay ang magiging kalat kinabukasan sa labas. Malamang ako na naman ang paglilinisin ni mama niyan.Lumingon si Carol sa akin. "Pinapauwi mo na agad kami? Grabe ka!" Inirapan niya ako saka sumiksik kay Calum. Natawa lang siya asta ng jowa niya. Talagang sa harapan ko pa talaga."Tanga! Nagtatanong lang!" angil ko.“Pwede bang dito na lang kami matulog?” tanong ni Hannie at humikab sa tabi ni Mia na kasalukuyang busy sa phone niya.Natigilan naman ako. “Gusto mo ba? Lilinisin ko ang buong sala-&
Hindi muna ako pumasok sa loob ng bahay pagkatapos naming ihatid ni mama si papa palabas ng gate. Tumingala ako sa langit. Punong puno ng bituin at ang ganda ng buwan.Huminga ako nang malalim.Hindi ko masabing malungkot ang birthday ko, hindi ko rin masabing masaya.Siguro nasa pagitan.Hindi na rin ako nagtagal.Agad na rin akong tumalikod para bumalik sa loob pero napatigil ako. Muli akong humarap. Umawang ang labi ko. Bumilis ang tibok ng puso ko. Bulto pa lang, alam kong siya ang nakapamulsa at nakayuko habang nakasandal sa poste.Dumiretso ako ng tayo. "C-Cadence?” wika ko at hindi naman malayo ang poste sa amin. Alam kong rinig niya ang sinabi ko.Umangat siya ng tingin. Hindi ko gaano maaninag ang mukha niya dahil kalahati lang ang liwanang ang nasa kaniya.“How’s your feeling?” rinig kong tanong niya at habang naglalakad siya palapit sa akin, pabilis nang pabilis ang tibok ng puso ko. &ld
“Iba talaga kapag gusto ka rin ng taong gusto mo ‘no? Parang dati nakabusangot mukha mo kapag nagbabasa ng libro, ngayon nakangiti na. Ay, iba.” Umiling si Mia.“So, ano na status niyo?” Naramdaman kong lumapit ang mukha ni Hannie sa akin.“Sigurado ka bang kumpleto ang kinwento mo sa’min?” Kinalabit naman ako ni Carol.Unting unti umangat ang tingin ko sa tatlong ugok na nakaupo sa harapan ko. Naglaho ang ngiti ko at binigyan sila ng masamang tingin. Pinatong ko sa lap ang librong hawak ko at humalukipkip sa harapan nila.“Pwede ba lumayo kayo sa akin? Baka mahawaan ako ng kapangitan niyo.”Agad naman sila umusog palayo sa akin habang hindi pa rin ako nilulubayan ng tingin. Sarap nilang kurutin ng nail cutter.Pagkatapos ng birthday ko, agad din naman ako nagkwento sa kanila tungkol sa nangyari noong gabi. Syempre kilig na kilig ang mga gaga. Ang daming tinanong sa’kin. Sobra
Pagdating naming sa sisigan, kaunti lang ang customer kaya agad kaming nakahanap ng bakanteng pwesto. Sa gilid kami umupo para solo namin ang electric fan. Nag-volunteer na si Carol na siya na ang mag-o-order. Hindi na niya kami tinanong dahil kabisado naman na niya ang palaging ino-order namin. Ginaya ko na rin ang order nila Mia dahil nasa mood akong lumamon ngayon.Nang mag-text si Cadence (yes, may number na kami ng isa’t isa) sa akin na late na naman siya makakauwi, nag-reply agad ako. Palagi na lang. Minsan gusto ko na rin sugurin ‘yung head ng Student Council dahil sa dami ng pinapagawa sa presidente. Hindi ba nila alam na may buhay din siya sa labas ng eskwelahan?Kung hindi lang siya busy ngayon, siguradong nandito rin siya."Sigurado ka na ba kay Pres?"Mula sa phone na hawak ko, umangat ang tingin ko kay Mia. Sinalubong niya ako ng seryosong mukha habang nakatingin sa akin. Napatingin din si Hannie sa kaniya na katabi niya.
Infairness dahil kahit mainit, mahangin naman. Malinis din ang buong paligid. Alagang alaga.At ano nga bang magagawa ko? Kung relaxation ito para sa kaniya, relaxtion na rin ito para sa akin. At least kasama namin ang isa’t isa.Sa sobrang dami ng ginawa niya, mukhang na-miss niya maglakad lakad ng walang inaalala. Sabi niya pa, nitong mga nakaraang araw, sa akin lang siya nakakapagpahinga. Kahit isang oras lang kami nag-uusap sa isang araw. Kinikilig ang pwet ko sa t’wing babanatan niya ako ng"Ikaw ang pahinga ko,"Pamilyar nga sa akin 'yan, parang may nabasa akong ganiyan. Pero ang punto ko, kinilig pa rin ako. Iba pala talaga kapag mahal mo ang nagsabi niyan."Oo o hindi lang naman sagot, ano ba 'yan," bulong ko saka naunang naglakad sa kaniya. Pansin ko kasi na nagkaka usap na silang dalawa. Nagiging close na nga sila. Hindi katulad noon na halos hangin lang ang trato ni Cadence kay Calum. Kapag may kailangan lang, saka niy
"Iho?” "H-Huy!” Sabay pa kami ni mama. Nagkatinginan kami kaya pinanliitan niya ako ng mata. Binigyan niya ako ng isang maliit na ngiti bago siya lumapit kay mama. "Good evening po," nakangiti niyang bati. Nagtatakang lumingon sa akin si mama. Nakagat ko ang ibabang labi nang salubungin ko ang tingin niya. “Siya ba ang kinekwento mong presidente sa school niyo na crush mo?" Bahagya akong nagulat ngunit dahan dahan akong tumango. Oo nga pala’t pinakita ko sa kaniya ang picture ni Cadence dahil gusto niyang malaman kung gwapo ba daw ang crush ko. Isang beses ko lang naman pinakita iyon pero agad namukhaan ni mama si Cadence ngayong gabi! Kakaiba memorya ni mama! "Oh siya tara pumasok tayo sa loob," sabi ni mama na siyang ikinagulat ko kaya pinigilan ko si mama. “Bakit ma? Close ba kayo?” nagtataka kong tanong habang palipat lipat ang tingin sa kanila. “Kilala mo na ba siya?” Lumingon siya sa akin
Nang tumingin ako sa kaniya ay saka niya kinuha ang basket saka inilabas ang mga baon namin doon. Pinagmasdan ko lang si mama na gawin iyon. Sobrang proud ako sa nanay ko. Sa kabila ng pang iiwan ng tatay ko ay nakayanan niya lahat. Hindi niya pinakita na mahina siya sa harap namin. Mahal na mahal ko siya at kapag nakatapos talaga ako ng pag-aaral, iaahon ko sila sa hirap. Magpapakasawa sila sa yaman.Mabuti na lang din ay mahal ako ni Cadence. Kapag siya ang nakatuluyan ko, hindi ako mahihirapan sa future. HIHIHIHI."Ma, pakasalan ko na kaya si Cadence para instant mayaman na tayo?"Napatigil siya at tumingin sa akin. "Isupalpal ko kaya ang mga damo dito sa'yo?" Sumama ang tingin niya sa akin."Tss. Joke joke lang, 'e," ani ko at dahil bored na akong panoorin ang kapatid kong mukhang tanga na kanina pa gumagawa ng bubbles, nag-picture na lang ako ng view. Perfect shot naman ang una kong nakunan kaya ni-story ko agad sa IG ko. Buti
Mga bandang alas-dos ay ako na ang unang dinaanan ng magkapatid. Nagulat pa ako dahil isang van ang dala nila. At akala ko isa sa kanila ang magiging driver, iyon pala may personal driver silang kasama. Nang lumabas si Cadence ay napasinghap na lang ako. Kulay krema ang cargo short niya at isang yellow na long sleeve na may putting shirt sa loob. Nakabukas ang tatlong butones nito sa unahan. Bagong wax ang buhok na palaging may hati sa gilid. Wala akong masabi sa kagwapuhan niyang taglay. Napipipi ako. Kung ikukumpara ako sa kaniya, magmumukha akong yaya. Isang denim na pants na may belt at black turtle neck ang suot ko. Naka-braid ang mahaba kong buhok na nasa iisang side lang ang pwesto. Tapos may shoulder bag pa ako. Hindi ko alam kung babagay ba ako kay Cadence. “Pretty,” bati niya sa akin nang makalapit siya sa labas ng pinto kung nasaan ako. Napanguso lang ako. Kaya pala siya bumaba ay dahil gusto niya mismo magpaalam kay mama na aalis k
The ambiance was getting lighter and lighter as their chitchat got longer. The four suddenly lost in their world to catch up with each other’s life. Tila’y kulang pa ang isang araw para sa kwentuhan nilang apat sa mga nangyari sa loob ng apat na taon. They also told each other’s plans for the future or did they even wanted to get married. While the three are happily telling their plans, Millie is only smiling the whole time. She wanted to get married. She wanted to have children. But how will that happen kung single pa rin siya hanggang ngayon? Kung mahal na mahal niya pa rin ang nakaraan? She knew her wound had already healed. Wala na siyang pait na nararamdaman sa nakaraan. Gusto na niya lang itong patawarin. Sa apat na taon na nagdaan, wala naman siyang ibang ginawa kundi pagpahingain ang puso. She also tried to forget him, but she failed. Iniisip niya pa lang na kalimutan ito, hindi na niya magawa. Cadence left a huge space in her heart. N
Nobody’s perfect. Nothing is perfect. Even love that makes everything in its place is flawless. There will be times when things won’t fit in their respective place. There will be chaos. We will doubt. We will get hurt. We will fight weak, and people will leave us in the middle of a battle. But how ironic that even love makes us tired; we keep trying to love and be loved. Love may be flawless, yet it is one of the beautiful things in the world. Hindi napagbigyan ang kahilingan ni Cadence na magkaroon ng second chance ang pagmamahalan nila ni Millie. It’s because of one reason—she was drained. She’s tired. Iniisip niya na baka lalong masira sila kung susubok pang muli si Millie. Cadence got no choice but to accept her decision. She has a point after all. Why you will tumble into a battle restless and weak? Hindi ba’t sa huli, hindi ka rin makakaligtas? You will die right away because you’re too weak to fight against the enemy. You’re too weak to hold a sword. On the ot
“Congratulations, Pres!” People who pass by greet me as soon as they see me. I greeted them back with a genuine smile. While making my way through the venue, I couldn’t help but wander my eyes around. As expected, everybody’s excited while doing an errand. Wearing their best dresses and polo, with toga’s on, we’re all going to leave this place together, indeed. They are scattered all over the lobby. May nag-pi-picture taking, may kinakausap ng teachers, and some are crying… tears of joy? I hope. After six years in high school, finally, we will be able to step out of our little zone. This is not the end. This is just the beginning of our life or maybe another chapter. Then, after four years of college, it will be another chapter of our life. Life is life, indeed. It will continue to evolve as years passes by. I just hope that when it’s another chapter of my life, I’m now with her… My feet automatically stop halfway as soon as my eyes spot her with her friends.
Cadence's POV “L-Lou?” Aria immediately got up as soon as she saw me. “You’re here?” Her eyes widened as if she saw a ghost or something. Palipat lipat ang tingin niya sa akin at sa parents niya na nasa likuran ko. After a while, they left us para makapag-usap kami. Confused and shocked still registered on her face. I shook my head while a smile lingered on my face. I placed the flower I brought on my way on the side table. I also noticed some fresh flowers. Nasa sahig na nga ‘yung iba dahil sa sobrang dami. A lot of people must have visited her before me. I’m glad that she still got people who have loved her through the years. Who would forget this woman? Her existence has a significant impact on everyone’s lives. Suddenly, I remember how we started. I was 12 when I prison myself in my zone. I got a broken family when my mom caught my dad cheating. So, my mom left for Canada. I was left with my father until his affair and son
“Look how my wish become true in an instant.”Pinagmasdan niya ang sarili saka umiling. Napatingin din ako sa wheelchair niya na nakatiklop sa tabi niya, sa gilid. Bigla akong nalungkot. Dahil malala ang natamo niya, hindi pa niya mailakad nang maayos ang mga paa. Kakailnganan niya pa ng wheelchair pansamantala. Mabuti nga't may pag-asa pa siyang makalakad. 'Yung mga napapanood ko kasi, forever na silang naka-wheel chair. Mas nakakalungkot iyon.“As soon as I woke up, I looked for Cadence. Siya kasi ang huling nasa isip ko before I slept for too long. But he’s not around,” lumungkot ang boses niya.Tumango ako. Sumubo ako ng pasta. Kaunti lang ang tao sa resto kaya payapa kaming nakakapag-usap. Mayroon pang mabagal na kanta sa paligid. "When I realized Cadence was nowhere to be found, I suddenly burst out of crying in front of my parents. I begged them na I needed to see him, to talk to him. Even it seems like it was against t
Nagtuloy tuloy ang normal na buhay ko hanggang sa sumapit ang Marso. Wala akong ibang ginawa kundi ang magpokus sa pag-aaral. Tinutulungan ako ng mga kaibigan ko kapag nakikita nila na nawawala na naman ako sa sarili, meaning kung nalulugmok ako sa lungkot dahil naiisip ko ang natapos naming relasyon. Kasi hanggang ngayon, kumikirot pa rin ang puso ko sa t’wing naaalala ko siya. Gustuhin ko mang iwasan siya, hindi ko magawa. Araw araw ko siyang nakikita. Ngayon ko lang napagtanto na ang liit pala ang eskwelahan namin.Kung nasaan ako, nakikita ko siya, naririnig ko siya.Kahit wala siya, siya pa rin ang bukambibig ng paligid.Kaya kung gusto kong mawala siya sa sistema at buhay ko, kailangan kong um-absent. Hindi ko naman magawa dahil kailangan kong mag-comply sa requirements ng mga guro para makasama ako sa graduation.Hindi ko naman pwedeng isakripisyo ang graduation ko dahil lang sa kaniya. Sino ba siya? Isa lang naman siyang cheater, ma
Tumango ako at ibinalik ang tingin sa unahan. Unting unti ng dumadami ang mga tao. Hindi ako sumagot. Tahimik ko lang inubos ang milk tea ko. “We’re not close dahil late ko na siyang nakilala, through eavesdropping pa.” Bumalik ang tingin ko sa kaniya. Nakakunot ang noo ngunit natatawa. “Chismoso,” ani ko. Tumawa siya. Itinaas niya ang dalawang paa at pinatong sa tuhod ang dalawang braso niya. Nakalawit ang kamay. Malayo ang naging tingin niya at kalauna’y ginaya ko siya. “I was in high school that time when I overheard my parents and Aria’s parents talking in our living room. Cadence was also there. It was that day when I knew Cadence’s girlfriend got into an accident. I was shocked because I never thought he has a girlfriend. He’s an introvert, inside and outside of our house. Daddy niya lang ang kinakausap niya which is reasonable for us. Galit siya sa amin dahil pinalitan namin ang mommy niya. That day, they were talking about what really
Si Aria ang nagturo sa kaniya kung paano magmahal. Siya ang nasa tabi ni Cadence noong nasa madilim na parte siya ng mundo. Nagsilbi siyang ilaw sa buhay nito. Ilang taon nilang minahal ang isa’t isa kaya alam kong malaki pa rin ang parte ni Aria sa puso niya.Hindi naman ako pinalaki ni mama para lang maging saling kitkit sa buhay ng tao. Pero… willing ako… willing akong akuin ang kaunting espasyo ni Aria sa puso niya kasi mahal na mahal ko siya.Pero tangina… wala akong karapatan. Hindi ko iyon tungkulin at hindi deserve ni Aria ang magkaroon ng kahati sa puso ng mahal niya. Hindi niya deserve na masaktan kapag nalaman niyang nagkaroon ng ibang girlfriend si Cadence habang nag-aagaw buhay siya sa hospital ng ilang taon.“L-Look at me…”Umiling ako habang patuloy sa paghikbi. Walang silbi ang paulit ulit kong pagpunas sa mukha ko dahil segu segundong bumabagsak na parang ulan ang luha sa mukha ko. Se
Kung nakatayo lang ako, siguradong matutumba ako sa mga nalalaman ko. Wala talagang taong perkpekto. Ang taong inakala kong perkepto mula ulo hanggang paa ay siya pala ang may madilim na nakaraan sa amin. Sumandal na lang ako saka pumikit. Naramdaman ko ang mahinang pagtapik ni Carol sa akin na sinusubukan akong i-comfort.“’Yung mga oras na dapat kasama niyo ako, pero dinadahilan ko na may emergency sa bahay o pumunta ako sa bahay ng lola ko… hindi totoo ang lahat ng iyon.”“Kasi nag-i-imbestiga ka,” sabat ni Carol.Narinig ko ang mahinang tawa ni Mia. “Oo. Saka hindi ko na kayang makita si Cadence noong mga oras na iyon. Mas lumalaki lang ang duda ko sa kaniya. Baka kapag sumama pa ako sa inyo, may masabi ako na gugulantang sa inyo. Nagkaroon naman ako ng lakas na sabihin sa’yo ang lahat pero iyon ang araw na dinala ka niya sa beach upang bumawi sa naging kasalanan niya. Kaya hindi ko na nagawa…&rdq