Home / Romance / Tugging at your Heartstrings / Chapter 1 - Chapter 10

All Chapters of Tugging at your Heartstrings: Chapter 1 - Chapter 10

37 Chapters

Kabanata 1

Do you know what's weird about crushes? You're 99% sure that your crush doesn't like you, but that 1% keeps you going. And why do they call it a crush? Because that's how you feel when they don't feel the same way in return. I also read online that when you like someone, you notice every single detail about them no matter how small it is. And when they do something for you, you feel so touched even if it was the most simple thing in the world. "Hoy, umikot na siya sa kabilang building nakatitig ka pa rin d'yan!" Napakamot ako sa aking ulo nang bigla akong sinabunutan ni Steph, kaibigan ko. "Ang cute niya talaga, 'no?" I asked and smiled dreamily, ignoring her pulling my hair. "Suplado naman, tsaka mahaba ang pila, girl! Wala kang chance d'yan," she really made it sound that I should stop admiring him. I pouted. Alam ko naman 'yon. Tsaka hindi naman siya suplado, e! Hindi lang talaga siya approachable, but I know he's ni
Read more

Kabanata 2

"Anak, tumawag pala ang Ate mo, nangangamusta," sabi ni Mama habang kumakain kami ng hapunan."Dapat tinawagan niya ako, hihingi sana akong pang-allowance," nagtatampong sagot ko.Bahagyang tumawa si Mama. "Ikaw talaga masyado kang spoiled sa Ate mo. Hayaan mo, bibigyan ka rin no'n."Paanong hindi mai-spoiled, e, ako lang naman ang kapatid niya. Maski rin naman si Mama ay spoiled sa kaniya. Nasa ibang bansa ngayon si Ate at doon nagta-trabaho."Oo nga pala, galing na naman dito si Adler. Kailan mo ba siya papansinin, anak? Boto naman ako do'n para sa 'yo," sabi ni Mama na ikinasira ng mukha ko."Ayoko nga sa seaman, Ma! Ayoko ng LDR," simpleng sagot ko. Quality time ang love language ko kaya ekis siya sa 'kin. "Puwede naman kayong magtext o tawag, e! Mabait na bata naman 'yon si Adler, habulin nga lang ng bakla."Bahagya akong natawa sa sinabi ni Mama. Totoo 'yon. Kahit noong estudyante pa lang siya ay habulin na talaga siya ng
Read more

Kabanata 3

6:30 PM pa lang ay nakapag-ayos na ako. Hindi naman sa excited ako, 'no! Ayoko lang magbago ang isip ni Mama. Gano'n pa naman 'yon, pabago-bago ng isip. "Siguraduhin mo lang na makakauwi ka bago mag-alas dose, huh!" sabi ni Mama habang inaayos ko ang buhok kong kinulot ko na. "Alas dose daw po kami uuwi, e! Ihahatid naman ako ni Ynna," sagot ko. "Kapag ikaw umuwing lasing, makikita mo. Kukurutin ko talaga 'yang singit mo, Amara Lorraine." Napangiwi ako. "Oo na." Nang marinig ko ang busina sa labas ng bahay ay alam kong nand'yan na si Ynna. Siya palagi ang nagdadala ng kotse kapag ganitong may ayaan dahil siya lang ang hindi nalalasing. "Nand'yan na po si Ynna. Alis na 'ko, Ma!" paalam ko."Sige, ingat kayo!" Ngumiti ako sa kaniya at nagmamadaling lumabas ng bahay. Pagkabukas ko ng pinto ng kotse ay kumpleto na silang tatlo sa loob. "Gara ng suotan, ah? Mukhang lalandi mamaya," komento n
Read more

Kabanata 4

Kinabukasan, kasama kong tumambay ang tatlo sa gazebo malapit sa cafeteria dahil ayaw pa nilang umuwi. Ako ang bida ngayon dahil 'di ko mapigilang hindi kiligin sa nangyari kahapon. "Gusto pa nga niya akong i-piggyback, e, kaso nahiya naman ako. Tapos tumabi siya sa 'kin para sabayan ako sa paglalakad kasi akala niya masakit ang ulo ko. Tapos pinagbili niya ako ng tubig. Tapos binigyan niya ako ng gamot kasi sabi niya 'I don't think you're okay. You look pale'. Tapos, girl, siya ang nagbukas ng bottled water para sa akin." Nangingiti kong hinawakan ang magkabila kong pisngi.Halos gumulong ako sa kilig. Nakakakilig pala lalo kapag kinu-kwento. Nakangiti rin ang tatlo sa akin, si Steph ang sobrang natutuwa. "Tapos sinabihan niya akong magdala palagi ng payong para daw hindi ako magkasakit ulit. E, wala naman akong sakit no'n, e! Palusot lang 'yon ni Steph. 'Di ba, Steph?" Tanong ko, nakangiting tumango naman siya sa akin. "Naging cupid ka
Read more

Kabanata 5

"Ano'ng dapat kong gawin? Kinakabahan ako."Kanina pa ako hindi mapakali. Silang tatlo naman ay busy sa akin. Si Ynna ay nasa likod ko, inaayos ang mahaba kong buhok. Si Nam naman ay siyang nagre-retouch sa mukha ko. At si Steph, wala nakaupo lang sa harapan ko habang kumakain ng cheese cake.Nandito kami sa gazebo malapit sa College of Engineering para hintayin si Calvin. Sinabi ko kasing puwede akong turuan ngayong araw. Of course, I should grab the opportunity. Kaya naman nang mag-reply siyang 30 minutes pa bago sila i-dismiss ay agad akong inayusan ng mga kaibigan ko."Akitin. Lakasan mo loob mo para maakit mo siya," walang kwentang sagot ni Steph."Parang tanga naman," sagot ko at umirap."Makinig ka lang sa ituturo niya sa 'yo mamaya para kapag may tanong siya, masasagot mo kaagad. Plus points 'yon kasi alam niyang nakikinig ka sa tinuturo niya." si Nam."True! Tapos syempre ilibre mo rin. Saan ba kayo mamaya?" Tanong ni Ynna."
Read more

Kabanata 6

"Any updates, Amara? Ano'ng nangyari kahapon? Spill it, come on."Tumingin ako kay Nam na halatang excited sa iku-kuwento ko. Kasama ko sila ngayon dito sa field para tumambay dahil free time naming apat."Masaya. 5 PM na kami natapos," tanging sagot ko."Tapos? Ayusin mo naman mag-kuwento, pabitin ka naman," pagsusungit ni Steph.Bumuntong-hininga ako. Mukhang hindi nila ako titigilan hanggang sa hindi nila nakukuha ang sagot. "Ayun nga, 5 PM na kami natapos. Tapos kumain kami sa McDo. Tapos syempre kaunting usap, gano'n. Almost 7 PM na ako nakauwi sa bahay,""Oh, my god!" Ynna exclaimed. "Niyaya ka niyang kumain sa McDo?""Hindi!" Umiling ako. "Ako ang nagyaya pero siya ang nagbayad. Libre ko dapat 'yon pero hindi niya tinanggap 'yong pera ko.""Shems, akala ko study lang. Humirit pa pala ng date," tumawa silang tatlo sa sinabi ni Steph. Hindi naman date 'yon pero natawa na rin ako."Tapos tinanong ko pala siya kung sino 'yon
Read more

Kabanata 7

Pagkabalik namin sa table ay malisyosang nakatingin sa amin ang pinsan niya. Nakangisi siya kay Calvin pero nang magtama ang paningin namin ay ngumiti siya ng malapad. Pakiramdam ko tuloy ay may iniisip siyang hindi maganda."Mom texted me, Calvin! Baka hindi mo muna ako matuturuan ngayon," sabi ni Bea pagkaupo namin. "Ha? Bakit daw?" nagtatakang tanong ni Calvin. Nagkibit-balikat ang babae. "No idea. Next time na lang, ha? Si Amara na lang muna ang turuan mo ngayon. Bye!" Nakangiting kumaway pa ito sa amin bago nagmamadaling umalis. The heck? Natutop ko tuloy ang aking bibig dahil kasama ko na naman siya. And take note, this is unexpected. Akala ko pa naman ay makakapag-aral ako ng tahimik. "Hindi ka pa uuwi?" Tanong ko makalipas ang ilang minutong katahimikan.Tumingin siya sa 'kin. "Hindi pa. Tuturuan na lang kita tutal nandito na tayo," Unti-unti akong tumango at pinigilan ang sariling huwag ngumiti.
Read more

Kabanata 8

Halos dalawang linggo na ang lumipas simula noong naging instant tutor ko si Calvin. Noong nakaraan nga ay three consecutive days niya akong tinuruan kaya labis ang tuwa ko no'n. Sa mga araw na nagdaang kasama ko siya ay lalo lang akong nahulog. Hindi ko alam kung ganoon ba talaga siya, pero grabe siya magturo sa akin. Tinatamad na ako pero siya ay pursigido pa ring matuto ako."You should know how to design a website. Next school year ay baka ituturo na sa inyo 'yan kaya aralin mo 'to." He silently tapped the book that was rested on the table."Next school year pa naman 'yon, e!" Pagdadahilan ko.Tumingin siya sa 'kin kaya napaiwas ako. "Sulitin mo na 'tong mga oras na tinuturuan kita dahil baka hindi na 'to mangyari sa susunod na pasukan," aniya."Bakit naman?" Kunot-noong tanong ko."I'm turning 5th year. Masyado nang busy sa acads, baka wala na akong oras sa pagtuturo sa 'yo. And besides, two months lang ang sinabi ni Ynna na tuturuan kita," he
Read more

Kabanata 9

"Sabi ko sa 'yo gano'n 'yon, e! Nalito ka lang siguro sa formula. Dapat talaga iniintindi mo kung paano siya iso-solve."Napakamot ako sa aking ulo at gusto nang ihagis itong ballpen ko sa white board dahil sa inis. Nandito ako sa room ngayon katabi si Jackson dahil nagpaturo ako sa Math. Kanina pa niya ako tinuturuan pero wala pa rin talaga akong maintindihan, sumasakit lang lalo ulo ko.Isa sa mga dahilan kung bakit ko kinuha itong course na 'to ay dahil akala ko walang Math, scam pala 'yon."Tuturuan kita ulit tapos bibigyan kita ng equation para masagutan mo," aniya. Tinuruan niya ulit ako sa pagkakasunod ng formula. Pilit kong sinisiksik sa utak ko ang tinuturo niya kaya sana ay maalala ko kapag nagsagot na.Ikakagalit ba ni Einstein at Newton kapag nag-imbento ako ng sarili kong formula?"Sumasakit ang ulo ko, Jackson! Ilayo mo sa akin 'yang libro na 'yan," reklamo ko, bahagya naman siyang tumawa."Mage-gets mo rin 'to, Amara! Aralin m
Read more

Kabanata 10

"Hoy, Amara! Nakita ko 'yong kahapon sa bus station, ah!"Kakarating lang ni Steph sa room ay ganito kaagad ang ibinungad niya sa akin bago umupo sa tabi ko. Sinulyapan ko siya saglit habang nakakunot ang noo."Ang alin? Ang aga-aga mo mag-ingay," inaantok na sambit ko. Hindi ako masyadong nakatulog dahil sa kakaaral kagabi."Kitang-kita ng dalawa kong mata, Amara! Akala ko ba si Jackson ang kasabay mong umuwi kahapon? Bakit nakita kong kasama niyo si Calvin? Lalapit nga sana ako kaso biglang umalis si Jackson," paliwanag niya.Humikab ako at idinuko ang ulo sa desk. "Nag-text si Calvin kung nasaan ako, e! E, 'di sinabi kong nasa bus station, kaya ayun. Bakit ba?"Nakakaloko naman siyang ngumisi sa 'kin at inilapit ang mukha sa tainga ko. "Haba ng buhok mo, ah? Tinext ka para lang tanungin kung nasaan ka? Iba na 'yan, girl,""Baliw! Pinapunta ko rin siya kasi naiilang ako kay Jackson, buti na lang sumunod sa 'kin,""Sus! Hindi naman m
Read more
PREV
1234
DMCA.com Protection Status