Share

Kabanata 2

Author: jvstbeingmae
last update Last Updated: 2021-08-10 10:52:06

"Anak, tumawag pala ang Ate mo, nangangamusta," sabi ni Mama habang kumakain kami ng hapunan.

"Dapat tinawagan niya ako, hihingi sana akong pang-allowance," nagtatampong sagot ko.

Bahagyang tumawa si Mama. "Ikaw talaga masyado kang spoiled sa Ate mo. Hayaan mo, bibigyan ka rin no'n."

Paanong hindi mai-spoiled, e, ako lang naman ang kapatid niya. Maski rin naman si Mama ay spoiled sa kaniya. Nasa ibang bansa ngayon si Ate at doon nagta-trabaho.

"Oo nga pala, galing na naman dito si Adler. Kailan mo ba siya papansinin, anak? Boto naman ako do'n para sa 'yo," sabi ni Mama na ikinasira ng mukha ko.

"Ayoko nga sa seaman, Ma! Ayoko ng LDR," simpleng sagot ko. Quality time ang love language ko kaya ekis siya sa 'kin. 

"Puwede naman kayong magtext o tawag, e! Mabait na bata naman 'yon si Adler, habulin nga lang ng bakla."

Bahagya akong natawa sa sinabi ni Mama. Totoo 'yon. Kahit noong estudyante pa lang siya ay habulin na talaga siya ng babae at bakla dito sa amin. Matangkad kasi tsaka moreno.

"May iba akong gusto, Ma! Huwag kang makulit d'yan, hindi ko type 'yon," nakangusong saad ko.

"Sino? Iyong kinukwento mo na crush mo na Engineering?" Tumango ako. Alam 'yon ni Mama dahil open ako sa kaniya. Hindi naman siya nagagalit kaya naging komportable akong magkwento sa kaniya tungkol sa buhay pag-ibig ko.

"Hina mo naman, anak! Hanggang ngayon hindi ka pa rin pinapansin? Akala ko pa naman magaling na manligaw ang mga babae sa henerasyon na 'to," umiling-iling pa si Mama.

Napakamot ako ng ulo. "Mukhang may iba kasi yata siyang nagugustuhan, e! Ico-confirm ko muna bago magback-out." May bahid ng lungkot na sabi ko.

Naalala ko tuloy sila. Ilang araw ko na silang nakikitang magkasama palagi sa school. Sinusundan ko nga sila minsan ng palihim, e! Madalas sila sa library, sabay na nag-aaral.

Nainggit ako bigla.

Sana makasama ko rin siyang mag-aral.

Kinagabihan, payapa akong nanonood ng K-drama sa laptop ko dahil hindi pa ako inaantok. Ito talaga ang hilig kong gawin imbis na mag-aral. Minsan, nakaka-guilty rin maging tamad sa pag-aaral, pero kasi nakakatamad talaga, e! Kahit anong pilit ko sa sarili, kung wala ako sa mood mag-aral, wala talaga. Hindi na mapipilit.

Lunes ng umaga, maaga akong pumasok dala-dala ang isang pink na papel. Masaya akong naglalakad patungo sa building nila Calvin para iwan ulit itong sulat ko sa desk niya na palagi kong ginagawa. Simpleng tula lang naman ang palagi kong binibigay na sana ay nababasa niya.

"Ayan, sana mabasa ka ng baby ko na 'yon. D'yan ka lang, ha? Huwag mong hahayaan na liparin ka ng hangin." Para akong tanga dahil nakangiti ako habang masayang kinakausap 'yong papel na nilapag ko sa desk ni Calvin.

"Aalis na ako. Stay ka lang d'yan, ha? Magandang tula ang isinulat ko d'yan," dugtong ko pa bago mabilis na lumabas ng room nila dahil baka may makakita sa akin.

Pagkabalik ko sa room namin, naroon na ang iilang kaklase ko. Nakangiti akong umupo sa puwesto ko at nilabas ang phone para libangin ang sarili saglit dahil matagal pa naman magsisimula ang first subject.

"Hi, Amara! Natapos mo na ba 'yong activity natin?" Tanong ni Jackson nang tumabi siya sa 'kin.

Ngumiti ako. "Hindi pa. Salamat pala sa codes, huh! Gagayahin ko na lang tutal paulit-ulit lang naman ang codes no'n. Sana matapos ko na mamaya."

Ngumiti rin siya. "Tutulungan kita mamaya para matapos mo. Patapos na kasi ako doon, e! Nakakaantok naman kung wala akong gagawin sa lab, 3 hours pa naman tayo do'n."

Tumango ako at ngumiti. Nakakatuwa talaga 'tong lalaking 'to. Kapag kasi nahihirapan ako sa lessons at activity namin ay ready to rescue siya. Nakakahiya pero 'yon ang pag-asa para makaraos. Hindi naman siya nanghihingi ng kapalit sa mga tulong na binibigay niya.

"Nakita ko 'yon. Anong pinag-usapan niyo, ha?" Mapang-asar na tanong ni Steph nang makapasok siya ng room.

"Wala! Tsismosa!" singhal ko, umirap ako at ibinalik ang pagbabasa ng codes na puwedeng magamit mamaya.

"Ay sus, wala daw. Nanliligaw na ba?" Tanong niya ulit.

"Hindi," bored na sagot ko.

"Ganoon? Sabagay, okay na rin 'yon. Alam ko namang ire-reject mo lang dahil hulog na hulog ka doon sa nerd na 'yon," walang pakialam na sagot niya.

My brow shot up. "Excuse me! Hindi siya nerd, 'no! Naka-specs lang nerd kaagad? Bobo nito!"

Tumawa naman siya na parang may nakakatawa sa sinabi ko. Alam niya na ayokong sinasabihan niyang nerd si Calvin pero ginagawa pa rin para lang maasar ako.

"Hintayin natin sila Nam at Ynna mamaya. Samahan niyo ako ulit kay Calvin," dugtong ko.

Nalukot naman ang kaniyang mukha. "Naku, ayan na naman. Ano ba kasi 'yang ibibigay mo't kating-kati kang pumunta sa kanila?"

Isinara ko ang aking binder at hinarap siya. "Basta nga kasi. Sabihin mo lang kung ayaw mo akong samahan. Dami pang sinasabi, e!"

"Oo na, sasama naman ako. Drama mo!" nakangisi pa siya kaya umirap na lang ako. Ganyan 'yan, puro reklamo pero hindi rin naman niya kami matitiis. Of course, we're besties.

Lumabas na kami ng room para pumunta sa computer lab dahil iyon ang next subject. Pagkatapos nito ay uwian na, nabuhayan tuloy ako bigla.

"Nagugutom na ako," sabi ni Steph habang nakanguso.

"Takaw mo! 3 hours pa tayo sa lab," natatawang sagot ko.

"Bili muna tayo saglit. Palagi naman nale-late 'yon si Ma'am, e!" Hinatak niya ako bigla kaya pati ako ay napatakbo na rin. Pagkabili niya ay agad naman kaming bumalik sa lab. Buti na lang wala pa rin 'yong prof.

"See? I told you!" bulong ni Steph nang makaupo kami. Sinimulan na niyang kumain habang ako naman ay inaaral 'yong codes. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin makabisado, ang dami kasi. Kada basa ko ay nagshu-shuffle lang ang mga letters sa utak ko.

Lord, bakit po ba kasi hindi niyo ako ginawang matalino? Ang hirap tuloy mag-aral.

"I'll give you one hour to finish our last activity. Make sure na matatapos niyo 'yan dahil may bago akong idi-discuss sa inyo." Sabi ng prof.

Sinimulan ko na kaagad ang pagco-code. Nakita kong may nag-email sa akin kaya in-open ko 'yong tab. It was sent by Jackson. Puro codes lang iyon kagaya ng palagi niyang ginagawa. Lumingon ako sa kaniya at nang magtama ang tingin namin ay ngumiti ako.

"Salamat!" I mouthed, he just smiled and gave me a thumbs up.

Wala pang isang oras ay sa wakas natapos na ako. Ganoon din si Steph dahil iisa lang naman ang code na ginawa namin. Tulungan lang. 

Matapos ang walang sawang activity sa lab ay dinismiss na kami. Tinext ko sina Ynna at Nam na nandito sa kami sa tapat ng building nila. Hindi naman kalayuan iyon sa building namin.

"Last na 'to, huh! Siguraduhin mo lang na mabibigay mo 'yang balak mong ibigay." sabi ni Ynna habang naglalakad kami papunta sa building nila Calvin.

Ngumuso ako. "Oo na."

Sa gilid kami naglakad para natatakpan kami ng mga nagtataasang puno. Hinawakan ako ni Nam sa braso kaya napahinto ako sa paglalakad.

"Ano?" iritadong tanong ko.

"Ayun 'yong hinahanap mo, o!" Sinundan ko ang kaniyang tingin. May kasama si Calvin na tatlong lalaki at dalawang babae habang naglalakad. Siguro ay mga ka-blockmates niya.

"Ano? Lalapitan ba natin?" nag-aalangang tanong ni Ynna.

Agad akong umiling. "Huwag na, nakakahiya! Tara na uwi na lang tayo," Hinila ko si Ynna kaya sumunod 'yong dalawa.

Hay! Malas!

"Uuwi na ako. Sa Sabado, ha? G na tayo d'yan," paalala ni Nam.

Tumango kami sa kaniya. Ako naman ay humiwalay na sa kanila dahil iba ang way ko. I was secretly hoping na sana ay makita ko ulit si Calvin sa bus station. Gusto ko na ulit siyang makausap kahit saglit lang. Kahit isang minuto lang.

Sadyang mapaglaro ang tadhana.

Nandoon nga siya pero kasama niya pa rin mga kaklase niya. Nagtatawanan pa sila na halatang nag-eenjoy kasama ang isa't-isa. Bumuntong-hininga ako at bahagyang yumuko para hindi niya ako mapansin.

"Napakatinik mo talaga, Calvin. Share mo naman secret mo kung paano maging habulin ng babae," rinig kong sabi ng isang lalaki.

"It's not my fault if they find me attractive. Mababait naman sila pero ayoko pa talagang mag-girlfriend sa ngayon. Lisensya muna bago girlfriend," sagot niya.

Awts pain.

"Even Ashley? Todo deny ka pa d'yan, e, halata namang may gusto ka do'n. Make your move, pare! Mauunahan ka niyan," asar sa kaniya.

"How about the mysterious girl you told us? Ang dami-daming nagbibigay sa 'yo ng sulat pero sa kaniya ka nahulog? Siguro ay magandang dilag 'yon, ano?" Mapanudyong asar naman ng isang lalaki.

Humigpit ang hawak ko sa strap ng aking bag. Sino 'yong Ashley at mysterious girl na 'yon? Anong year? Anong course? Maganda ba 'yon? Kasi kung oo, may panlaban ako. Pero kung matalino, wala, talo.

Alat naman!

"Hindi ako nahuhulog sa kaniya. Natutuwa lang ako sa mga sulat niya kasi napakahiwaga. Among all the letters I always received, RR's letter was my favorite." he was smiling while saying those words.

RR? Sounds familiar. Ayun ba ang nickname niya sa mysterious girl na tinutukoy ng lalaki?

Nang may dumating nang bus ay inunahan ko silang sumakay dahil naiinis ako sa narinig ko. Bakit pala ako naiinis? E, hindi naman kami close. Hindi ko nga rin alam kung naaalala pa niya itsura ko dahil sa dami ng babaeng nag-aadmire sa kaniya.

Sa bandang unahan lang ako umupo para mabilis ako makababa mamaya. Pa-simple ko naman silang sinilip kung saan sila uupo at sa kamalas-malasan, dito pa siya tumabi sa akin. And to make it worst, katabi niya 'yong babaeng palagi niyang kasama. Tuloy ay nasa bintana lang ang tingin ko buong byahe dahil ayokong makita niya ako.

"Punta na lang ako sa inyo sa Sabado. Wala talaga akong naintindihan sa mga tinuro ni Sir," rinig kong sabi no'ng babae.

"Sige! Wala rin naman akong gagawin sa araw na 'yon. Hindi mo kasi iniintindi ang mga tinuturo sa atin," natatawang sagot niya. Naiinis ako pero hindi ko mapigilang hindi kiligin sa boses niya. Puwede ba 'yon? Nababaliw na nga talaga yata ako.

"Gusto mo sa coffee shop na lang para gala tayo after review?"

"Hindi kita matuturuan ng maayos kapag doon tayo mag-aaral. Sa bahay na lang, mabilis ka pa naman ma-distract kapag may nakikitang guwapo," seryosong sagot nito, tumawa naman ang babae at narinig ko ang paghampas niya sa braso ni Calvin.

Parang nadurog ang puso ko sa sagot niyang 'yon. Ayaw niya sa crowded places dahil hindi niya daw matuturuan ng maayos ang babae. Kaya sa bahay na lang nila, gano'n? Bakit gusto niyang sa bahay pa nila mag-aral? Puwede namang sa Lunes na lang doon sa room nila.

"Gusto mo pala si Ashley?" biglang tanong ng babae.

"Not really. Type ko lang dahil matalino. You know I like brainy girls," diretsong sagot niya.

"Para may kwentang kausap? Ayaw mo ba ng nilalandi ka? Daming lumalandi sa 'yo, o! Hina mo naman kasi."

"I told you, Bea, no girlfriend first. Tsaka wala pa sa plano ko ang sumubok ulit."

"Minalas ka lang doon sa babaeng 'yon, pero hindi naman lahat ng babae kagaya ng ex mo. May makikilala ka ring magpapatiklop sa 'yo, Calvin!" sabi ng babae na ikinatahimik niya.

Napapikit ako ng mariin. Just by hearing his words, I conclude that he's completely not interested committing into a relationship again. Hindi ko alam kung study first ba talaga siya o natatakot lang sumubok ulit magmahal.

Malakas akong bumuga ng hangin nang makababa sila. Pakiramdam ko ay hindi ako nakahinga buong byahe dahil sa kaba. Dapat pala hindi ako sumabay sa kanila sa bus. Kung bakit ba naman kasi sa tabi ko pa siya umupo, e!

"O, anong mukha 'yan?" bungad sa akin ni Mama nang makapasok ako ng bahay.

"Wala, Ma! Akyat na ako," pagod na sagot ko.

"Baliw, kumain ka muna. Nagluto ako ng ampalaya,"

I sighed. Bitter na nga ako ngayon dahil sa narinig ko kanina tapos bitter pa ang ulam. Pambihira!

"Sige po. Magbibihis lang ako."

Umakyat na ako sa kwarto at pabagsak na umupo sa kama. Nawalan tuloy ako ng gana kumilos. Bakita kaya gano'n, 'no? Kapag may nalaman ka sa taong gusto mo na ikasasakit mo, tinatamad kang kumilos. Or ako lang?

Pagkababa ko ay mukhang kausap ni Mama si Ate dahil nakatingin siya sa cellphone niya. Ngumiti naman siya sa akin at sinalubong ako sa hagdan dala ang kaniyang phone.

"O, eto na ang pasaway mong kapatid. Kakauwi lang," sambit ni Mama. Tumingin ako sa screen at doon ay nakita ko si Ate, nakangiti ng malapad na halos nakapikit na.

"Ate," masayang bati ko. "Kumusta ka d'yan? Puwede bang mag-request?" malambing na sabi ko.

Bahagya siyang tumawa. "Alam ko na 'yan. Pera na naman, 'no? Ikaw talaga napaka-gastador mo,"

Napanguso ako. "Iniipon ko kaya 'yon. Pero kung wala kang mabibigay, okay lang naman. May pera pa naman ako, e! Nagbabaka sakali lang," I laughed a bit.

"Sus, arte-arte mo. O sige, papadalhan ko kayo d'yan. May pang-grocery ba kayo? Baka naman ginugutom niyo ang sarili niyo d'yan, huh! Pag-uuntugin ko kayo ni Mama," she joked.

Of course, it was just a joke. Ganoon lang talaga kaming tatlo ka-close.

"May stock pa naman dito, Shaine! Ikaw ang 'wag magpapagutom d'yan," si Mama.

"Sagana ako sa pagkain dito, Ma! Huwag kayong mag-alala sa akin." Ngumiti si Ate to assure us na she's really okay.

Nagpatuloy sila sa pag-uusap habang ako ay kumain na. Nae-excite tuloy ako kung kailan magpapadala si Ate. Balak ko kasing bilhin 'yong pink na shoulder bag na nakita ko sa department store noong nakaraang araw.

Kinabukasan, nakita kong nakangiti si Steph habang may ka-chat sa phone niya pagkapasok ko ng room. Bahagya ko naman siyang hinampas kaya napatingin siya sa 'kin.

"Ang aga mong lumandi," asar ko sa kaibigan, nilapag ko ang aking bag sa upuan bago umupo.

Ngumiti siya. "Tangi, fling lang 'to para iwas boring. Hindi naman ako magpapadala sa kaniya,"

Ngumiwi ako. "Sus, scam 'yan. Marami akong nakikita sa F******k na fling lang daw pero may nararamdaman na 'yong isa. Kadalasan nga ghosted pa, e!"

"Trust me on this, friend! I can handle myself." She winked and focused on her phone again.

Panay ang tingin ko sa kaniya habang nakangiti siyang nagta-type. I wonder kung ganiyan din ba ako kapag dumating 'yong time na magkaka-chat na kami Calvin. Siguro ay abot langit ang kilig ko no'n.

Pero hanggang pangarap lang 'yon.

Nang maglunch break ay sabay-sabay kaming kumain sa cafeteria. Um-order ako ng two rice, pork steak at cola dahil sa sobrang gutom. 

"Hala, sorry!" gulat na saad ko.

Nataranta ako bigla nang hindi ko sinasadyang nasiko ang nasa likuran ko. Hindi naman 'yon masyadong malakas but I have to say sorry. Pero agad na bumilis ang tibok ng puso ko nang makitang si Calvin 'yon. Hawak-hawak niya ang kanyang tagiliran na nasiko ko.

Mukhang napalakas yata.

"Bro, okay ka lang? Bakit kasi hindi ka nag-iingat, Miss?" Tanong ng lalaking nasa likuran niya.

"Hey, stop! Okay lang ako. Don't scold a girl in front of everyone," awat ni Calvin.

I pursed my lips. "Sorry! H-Hindi ko naman sinasadya," I looked at him and he's also looking at me. Napaiwas tuloy ako dahil sa hiya.

"It's okay! You can go now," he assured. Tipid akong ngumiti sa kaniya at umalis na sa harapan nila. How embarrassing!

Kumain na kami nang maka-order na kaming apat. Mabilis pa din ang pagtibok ng puso ko dahil sa nangyari kanina. Mukhang hindi naman iyon nakita ng mga kaibigan ko dahil hindi nila ako tinanong.

"Anong oras tayo sa Sabado?" tanong ko.

"Mga 8 PM. Hanggang alas dose lang tayo, huh! Ayokong mangyari 'yong nangyari noong nakaraang bar natin," she sounds embarrassed the moment she remembered what happened in the bar.

Paano kasi, noong huling punta namin ng bar ay nagpakalasing siya. Sa sobrang lasing ay hindi niya sinasadyang nasukahan ang damit noong nakausap niya. Pinagbayad pa siya ng lalaki dahil bago daw iyong damit at binili pa sa Japan.

Tumawa ako at pinagpatuloy ang pagkain. Pa-simple akong tumingin sa table nila Calvin. Wala doon 'yong babae na kahit papaano ay ipinagpapasalamat ko.

Pero kahit 'di niya kasama 'yon, naiinis pa rin ako dahil alam kong magsasama sila sa bahay nila Calvin sa Sabado.

Ang sarap pala magwalwal sa araw na 'yon.

Related chapters

  • Tugging at your Heartstrings   Kabanata 3

    6:30 PM pa lang ay nakapag-ayos na ako. Hindi naman sa excited ako, 'no! Ayoko lang magbago ang isip ni Mama. Gano'n pa naman 'yon, pabago-bago ng isip."Siguraduhin mo lang na makakauwi ka bago mag-alas dose, huh!" sabi ni Mama habang inaayos ko ang buhok kong kinulot ko na."Alas dose daw po kami uuwi, e! Ihahatid naman ako ni Ynna," sagot ko."Kapag ikaw umuwing lasing, makikita mo. Kukurutin ko talaga 'yang singit mo, Amara Lorraine."Napangiwi ako. "Oo na."Nang marinig ko ang busina sa labas ng bahay ay alam kong nand'yan na si Ynna. Siya palagi ang nagdadala ng kotse kapag ganitong may ayaan dahil siya lang ang hindi nalalasing."Nand'yan na po si Ynna. Alis na 'ko, Ma!" paalam ko."Sige, ingat kayo!" Ngumiti ako sa kaniya at nagmamadaling lumabas ng bahay. Pagkabukas ko ng pinto ng kotse ay kumpleto na silang tatlo sa loob."Gara ng suotan, ah? Mukhang lalandi mamaya," komento n

    Last Updated : 2021-10-14
  • Tugging at your Heartstrings   Kabanata 4

    Kinabukasan, kasama kong tumambay ang tatlo sa gazebo malapit sa cafeteria dahil ayaw pa nilang umuwi. Ako ang bida ngayon dahil 'di ko mapigilang hindi kiligin sa nangyari kahapon."Gusto pa nga niya akong i-piggyback, e, kaso nahiya naman ako. Tapos tumabi siya sa 'kin para sabayan ako sa paglalakad kasi akala niya masakit ang ulo ko. Tapos pinagbili niya ako ng tubig. Tapos binigyan niya ako ng gamot kasi sabi niya 'I don't think you're okay. You look pale'. Tapos, girl, siya ang nagbukas ng bottled water para sa akin." Nangingiti kong hinawakan ang magkabila kong pisngi.Halos gumulong ako sa kilig. Nakakakilig pala lalo kapag kinu-kwento. Nakangiti rin ang tatlo sa akin, si Steph ang sobrang natutuwa."Tapos sinabihan niya akong magdala palagi ng payong para daw hindi ako magkasakit ulit. E, wala naman akong sakit no'n, e! Palusot lang 'yon ni Steph. 'Di ba, Steph?" Tanong ko, nakangiting tumango naman siya sa akin."Naging cupid ka

    Last Updated : 2021-10-15
  • Tugging at your Heartstrings   Kabanata 5

    "Ano'ng dapat kong gawin? Kinakabahan ako."Kanina pa ako hindi mapakali. Silang tatlo naman ay busy sa akin. Si Ynna ay nasa likod ko, inaayos ang mahaba kong buhok. Si Nam naman ay siyang nagre-retouch sa mukha ko. At si Steph, wala nakaupo lang sa harapan ko habang kumakain ng cheese cake.Nandito kami sa gazebo malapit sa College of Engineering para hintayin si Calvin. Sinabi ko kasing puwede akong turuan ngayong araw. Of course, I should grab the opportunity. Kaya naman nang mag-reply siyang 30 minutes pa bago sila i-dismiss ay agad akong inayusan ng mga kaibigan ko."Akitin. Lakasan mo loob mo para maakit mo siya," walang kwentang sagot ni Steph."Parang tanga naman," sagot ko at umirap."Makinig ka lang sa ituturo niya sa 'yo mamaya para kapag may tanong siya, masasagot mo kaagad. Plus points 'yon kasi alam niyang nakikinig ka sa tinuturo niya." si Nam."True! Tapos syempre ilibre mo rin. Saan ba kayo mamaya?" Tanong ni Ynna."

    Last Updated : 2021-10-16
  • Tugging at your Heartstrings   Kabanata 6

    "Any updates, Amara? Ano'ng nangyari kahapon? Spill it, come on."Tumingin ako kay Nam na halatang excited sa iku-kuwento ko. Kasama ko sila ngayon dito sa field para tumambay dahil free time naming apat."Masaya. 5 PM na kami natapos," tanging sagot ko."Tapos? Ayusin mo naman mag-kuwento, pabitin ka naman," pagsusungit ni Steph.Bumuntong-hininga ako. Mukhang hindi nila ako titigilan hanggang sa hindi nila nakukuha ang sagot. "Ayun nga, 5 PM na kami natapos. Tapos kumain kami sa McDo. Tapos syempre kaunting usap, gano'n. Almost 7 PM na ako nakauwi sa bahay,""Oh, my god!" Ynna exclaimed. "Niyaya ka niyang kumain sa McDo?""Hindi!" Umiling ako. "Ako ang nagyaya pero siya ang nagbayad. Libre ko dapat 'yon pero hindi niya tinanggap 'yong pera ko.""Shems, akala ko study lang. Humirit pa pala ng date," tumawa silang tatlo sa sinabi ni Steph. Hindi naman date 'yon pero natawa na rin ako."Tapos tinanong ko pala siya kung sino 'yon

    Last Updated : 2021-10-17
  • Tugging at your Heartstrings   Kabanata 7

    Pagkabalik namin sa table ay malisyosang nakatingin sa amin ang pinsan niya. Nakangisi siya kay Calvin pero nang magtama ang paningin namin ay ngumiti siya ng malapad. Pakiramdam ko tuloy ay may iniisip siyang hindi maganda."Mom texted me, Calvin! Baka hindi mo muna ako matuturuan ngayon," sabi ni Bea pagkaupo namin."Ha? Bakit daw?" nagtatakang tanong ni Calvin.Nagkibit-balikat ang babae. "No idea. Next time na lang, ha? Si Amara na lang muna ang turuan mo ngayon. Bye!" Nakangiting kumaway pa ito sa amin bago nagmamadaling umalis.The heck? Natutop ko tuloy ang aking bibig dahil kasama ko na naman siya. And take note, this is unexpected. Akala ko pa naman ay makakapag-aral ako ng tahimik."Hindi ka pa uuwi?" Tanong ko makalipas ang ilang minutong katahimikan.Tumingin siya sa 'kin. "Hindi pa. Tuturuan na lang kita tutal nandito na tayo,"Unti-unti akong tumango at pinigilan ang sariling huwag ngumiti.

    Last Updated : 2021-10-18
  • Tugging at your Heartstrings   Kabanata 8

    Halos dalawang linggo na ang lumipas simula noong naging instant tutor ko si Calvin. Noong nakaraan nga ay three consecutive days niya akong tinuruan kaya labis ang tuwa ko no'n. Sa mga araw na nagdaang kasama ko siya ay lalo lang akong nahulog. Hindi ko alam kung ganoon ba talaga siya, pero grabe siya magturo sa akin. Tinatamad na ako pero siya ay pursigido pa ring matuto ako."You should know how to design a website. Next school year ay baka ituturo na sa inyo 'yan kaya aralin mo 'to." He silently tapped the book that was rested on the table."Next school year pa naman 'yon, e!" Pagdadahilan ko.Tumingin siya sa 'kin kaya napaiwas ako. "Sulitin mo na 'tong mga oras na tinuturuan kita dahil baka hindi na 'to mangyari sa susunod na pasukan," aniya."Bakit naman?" Kunot-noong tanong ko."I'm turning 5th year. Masyado nang busy sa acads, baka wala na akong oras sa pagtuturo sa 'yo. And besides, two months lang ang sinabi ni Ynna na tuturuan kita," he

    Last Updated : 2021-10-19
  • Tugging at your Heartstrings   Kabanata 9

    "Sabi ko sa 'yo gano'n 'yon, e! Nalito ka lang siguro sa formula. Dapat talaga iniintindi mo kung paano siya iso-solve."Napakamot ako sa aking ulo at gusto nang ihagis itong ballpen ko sa white board dahil sa inis. Nandito ako sa room ngayon katabi si Jackson dahil nagpaturo ako sa Math. Kanina pa niya ako tinuturuan pero wala pa rin talaga akong maintindihan, sumasakit lang lalo ulo ko.Isa sa mga dahilan kung bakit ko kinuha itong course na 'to ay dahil akala ko walang Math, scam pala 'yon."Tuturuan kita ulit tapos bibigyan kita ng equation para masagutan mo," aniya. Tinuruan niya ulit ako sa pagkakasunod ng formula. Pilit kong sinisiksik sa utak ko ang tinuturo niya kaya sana ay maalala ko kapag nagsagot na.Ikakagalit ba ni Einstein at Newton kapag nag-imbento ako ng sarili kong formula?"Sumasakit ang ulo ko, Jackson! Ilayo mo sa akin 'yang libro na 'yan," reklamo ko, bahagya naman siyang tumawa."Mage-gets mo rin 'to, Amara! Aralin m

    Last Updated : 2021-10-22
  • Tugging at your Heartstrings   Kabanata 10

    "Hoy, Amara! Nakita ko 'yong kahapon sa bus station, ah!"Kakarating lang ni Steph sa room ay ganito kaagad ang ibinungad niya sa akin bago umupo sa tabi ko. Sinulyapan ko siya saglit habang nakakunot ang noo."Ang alin? Ang aga-aga mo mag-ingay," inaantok na sambit ko. Hindi ako masyadong nakatulog dahil sa kakaaral kagabi."Kitang-kita ng dalawa kong mata, Amara! Akala ko ba si Jackson ang kasabay mong umuwi kahapon? Bakit nakita kong kasama niyo si Calvin? Lalapit nga sana ako kaso biglang umalis si Jackson," paliwanag niya.Humikab ako at idinuko ang ulo sa desk. "Nag-text si Calvin kung nasaan ako, e! E, 'di sinabi kong nasa bus station, kaya ayun. Bakit ba?"Nakakaloko naman siyang ngumisi sa 'kin at inilapit ang mukha sa tainga ko. "Haba ng buhok mo, ah? Tinext ka para lang tanungin kung nasaan ka? Iba na 'yan, girl,""Baliw! Pinapunta ko rin siya kasi naiilang ako kay Jackson, buti na lang sumunod sa 'kin,""Sus! Hindi naman m

    Last Updated : 2021-10-23

Latest chapter

  • Tugging at your Heartstrings   Kabanata 37

    "Miss, are you okay?"Napaangat ako ng tingin nang marinig ang baritonong boses. Madilim na kaya naman hindi ko makita ang mukha niya, puno rin ng luha ang mata ko kaya hindi ko siya maaninag."Go away," pangtataboy ko."Here's a handkerchief. Wiped your tears. It's not safe here," Inabot niya sa akin ang puting panyo pero hindi ko ito kinuha, baka mamaya ay may malanghap ako doon at makatulog ako."I said go away. Hindi kita kailangan kaya umalis ka na," saad ko habang humihikbi. Nainis ako lalo dahil imbis na umalis siya, umupo siya sa tabi ko."Okay, you can cry, but I will just be here. It's not safe for you being alone in this dark area," simpleng sagot nito.Hindi ko na siya pinansin pa. Lumuha akong muli kaya inabot niya ulit sa akin ang panyo. This time ay tinanggap ko na dahil sa dami ng luha ko."You know, it's good to open up to a stranger. You can talk to me while crying your heart out," kalmadong sabi niya. Pinunasan ko a

  • Tugging at your Heartstrings   Kabanata 36

    "Heto, kainin mo 'yan. Nagdala talaga ako niyan para sa 'yo," Steph slid two bananas and one ponkan on the table. I smiled and shyly grabbed it."Hindi naman na kailangan, Steph!" nahihiyang saad ko.Umirap siya. "Wala kang magagawa kung gusto kitang dalhan ng prutas. Aba, magiging ninang ako ng baby mo kaya dapat puro healthy foods ang ipapakain ko sa Mommy,"Ngumiti ako at pabirong umirap. Dalawa lang kaming magkasama na kumakain sa cafeteria dahil lunch time na. Pagkatapos nito ay balik trabaho ulit ako sa thesis namin. Hindi ko ka-grupo si Steph dahil sabi ng prof ko, nakakasira daw ng friendship ang thesis kaya inayawan ako ni Steph. Ayaw niya yatang masira kaming dalawa nang dahil sa thesis."Nagyayaya nga pala si Nam this Saturday night sa condo niya, sleep over daw tayo doon. Sabi ko nga ay sa club na lang pero tinatamad na daw siyang mag-party sa labas," ani Steph habang kumakain."Hindi ko alam kung papayagan ako ni Mama," sagot ko.

  • Tugging at your Heartstrings   Kabanata 35

    Umiling-iling ako at dismayado na rin sa sarili. Inaasahan ko na na sasabihin niya ito, pero ayoko pa ring maniwala. Hindi. Hindi ito nangyayari.Binigyan ako ng reseta ng doktora pero wala sa sarili ko itong tinanggap. Kinuha naman ito ni Mama sa akin para tingnan kung ano ang nakasulat doon."Alagaan mo ang sarili mo lalo na't first baby mo 'yan. Huwag kang magpapaka-stress. You should also eat healthy foods and stop sleeping late. Kailangan mong sundin ang resetang binigay ko para sa 'yo at sa baby mo. It's a God's blessing so you should be proud," nakangiting sambit ng doktora.God's blessing, yes! But this is not the right time to get pregnant. I'm still chasing for my dreams, readying myself to become better for the future. Hindi ko inaasahan na may mabubuong bata dahil nagte-take naman ako ng pills.Hindi ko alam kung sasabihin ko ba ito kay Calvin at sa mga kaibigan ko. Pakiramdam ko ay wala na akong mukhang maihaharap sa kanila kapag nalaman nila

  • Tugging at your Heartstrings   Kabanata 34

    Matapos ang away namin na 'yon ni Calvin, naging payapa na ulit ang relasyon naming dalawa. Though, nag-aaway kami minsan pero naaayos din kaagad kagaya nang palaging nangyayari. He would never let me sleep with a heavy heart.We also spent our birthdays, Christmas and New Year together. Sadyang napakabilis ng araw dahil hindi ko namamalayan na ilang buwan na lang ay 3rd Anniversary na namin. Maraming problema at away na ang dumaan sa amin pero nalampasan namin ito lahat.I am sure about him. Sigurado na ako na siya ang gusto kong makasama habang buhay. Kung hindi si Calvin ang makakatuluyan ko ay pakiramdam ko hindi ko na kayang magmahal pa nang iba. I am so attached and deeply in love with him. Handa na akong ialay ang buong buhay ko sa kaniya at makasama siya habang buhay."Saan mo naman balak gawin itong plano mo?" tanong ni Steph habang nag-iikot kami sa bookstore. I want to buy some decorations for my surprise for him on our Anniversary."Magchechec

  • Tugging at your Heartstrings   Kabanata 33

    "B-Babe," gulat na tawag ko sa kaniya.Madilim ang mga mata niyang nakatingin sa akin. Dumaloy tuloy ang matinding kaba sa sistema ko dahil ngayon ko pa lang siya nakitang ganito."Anong ginagawa niya sa bahay niyo?" seryosong tanong niya."M-Masakit, b-bitawan mo ako," Ngumiwi ako habang pilit na tinatanggal ang mahigpit na hawak niya sa aking braso. Binitawan din naman niya ito kaagad nang hindi inaalis ang masamang tingin sa akin."Answer me, Amara Lorraine! Bakit siya nandito sa inyo?" tanong niyang muli."N-Nagpatulong lang siyang gumawa ng letter para sa babaeng gusto niya," sagot ko."Nagpatulong ba talaga o may ginagawa kayong iba?" he scoffed. "Tang ina, Amara! Text ako nang text, tawag rin ako nang tawag pero ni isa ay wala kang sinagot. Pinuntahan kita dito sa inyo para makita ka tapos ito ang madadatnan ko? Makikita kong may lalaking lumabas mula sa bahay niyo?"Nakagat ko ang aking labi habang ang puso ko ay labis sa pagp

  • Tugging at your Heartstrings   Kabanata 32

    Pagkapasok namin sa bahay ay sumalubong sa amin ang gulat na ekspresyon ni Mama nang makita si Jackson na kasama kong pumasok. Nakatingin lang siya sa amin kaya naman parang ang awkward nang paligid.Ngumiti ako sa kaniya. "Ma, si Jackson po, blockmate ko. Nagpapatulong lang siya sa akin gumawa ng regalo para sa babaeng nagugustuhan niya,"Tumango si Mama habang tipid ang mga ngiti. Bumaling ang tingin niya kay Jackson kaya nginitian niya si Mama."Good afternoon po," magalang nitong bati."Kaklase ka pala ng anak ko. Umupo ka muna, ipaghahanda ko kayo ng makakain," tugon ni Mama.Pumunta na si Mama sa kusina kaya naman iminuwestra ko ang aking kamay sa couch para paupuin si Jackson. Inilibot muna niya ang paningin sa bawat sulok ng bahay bago umupo at ngumiti sa akin."Magbibihis lang ako saglit. Kain muna tayo bago magsimula," paalam ko."Sige lang," nakangiting sagot niya.Umakyat na ako kaagad sa kuwarto at nagbihis. Maong

  • Tugging at your Heartstrings   Kabanata 31

    "Amara, are you okay?" nag-aalalang tanong ni Jackson."Uwi na tayo," tanging sagot ko.Hinawakan ni Jackson ang baba ko kaya nagtama ang tingin naming dalawa. Puno ng pag-aalala ang mga mata niya habang ang sa akin namin ay namumuo na ang mga luha."I'll bring you home. Ayaw mo bang kumain muna bago umuwi?" marahang tanong nito, umiling lang ako dahil hindi ko kayang magsalita. "Okay! Tara na!"Tahimik kaming dalawa habang tinatahak ang daan papuntang parking. Hindi siya umiimik pero nararamdaman kong panay ang tingin niya sa akin. Nang makasakay sa kotse ay agad kong kinuha ang phone ko para i-text si Calvin.To: Babehi babe nasa work ka?Hindi naman sa gusto ko siyang hulihin, pero gusto ko lang malaman kung magsisinungaling ba siya o magsasabi ng totoo."Mag-drive thru na lang tayo, Amara, gusto mo? Akala ko ba gusto mong magpalibre? Uubusin ko sana ang pera ko ngayon para sa ipapalibre mo, e!" bahagya pa siyang tumawa kay

  • Tugging at your Heartstrings   Kabanata 30

    "Malapit na ang prelim, nag-review ka na ba?"Iyon ang tanong na ibinungad sa akin ni Jackson pagkarating ko pa lang ng room. Tumabi siya kaagad sa akin para daldalin na naman ako."Hindi pa lahat. Hihintayin ko muna kung ano ang e-examin sa first day para 'yon muna ang re-reviewhin ko. Baka kapag ni-review ko lahat mag-shuffle na 'yong mga words sa utak ko," seryosong sagot ko.Wala pa akong ganang makipag-usap dahil pakiramdam ko ay lutang pa ako. Halos 11 PM na ako nakatulog kagabi dahil ka-video call ko si Calvin at hindi ko namalayan ang oras.Umayos ng upo si Calvin at nakangiting humarap sa akin. "Anyway, I have something to tell you," excited na saad niya."Ano 'yon?""Samahan mo ako mamayang uwian sa bookstore. May gusto lang akong bilhin na decorations para sa kaniya,"Ngumisi ako. "'Yong babaeng 'yon na naman? Anong klaseng decoration ba?""Colored papers gano'n tapos pen na pang-lettering. Gusto ko rin sanang tulung

  • Tugging at your Heartstrings   Kabanata 29

    Warning: R-18 Read at your own risk."Alam ko 'yang iniisip mo," seryosong sabi ko.Mahina siyang tumawa. "I want you," bulong niya."Nanonood pa tayo, Calvin! Tsaka nandito tayo sa bahay niyo, baka may biglang kumatok," sagot ko."No," Ipinasok niya ang kanyang kamay sa loob ng suot kong dress at minasahe ang ibabang parte ng katawan ko. Napakagat tuloy ako ng aking labi dahil sa sensasyong nararamdaman."C-Calvin... baka may makakita sa atin," nahihirapang sambit ko, lalo pa niyang pinaglaruan ang sensitibong parte niyon kaya napaawang ang bibig ko."I locked the door. And trust me, walang makakakita sa atin,"Kumubabaw siya sa akin habang pilyong nakangisi. Napalunok tuloy ako dahil alam ko kung anong titig iyon."Tapusin muna natin ang movie," saad ko.Inayos niya ang pagkakahiga ko bago ako sinunggaban ng halik. Dikit na dikit ang katawan namin kaya naman nararamdaman ko ang kanya na tumatama sa akin.

DMCA.com Protection Status