"Any updates, Amara? Ano'ng nangyari kahapon? Spill it, come on."
Tumingin ako kay Nam na halatang excited sa iku-kuwento ko. Kasama ko sila ngayon dito sa field para tumambay dahil free time naming apat.
"Masaya. 5 PM na kami natapos," tanging sagot ko.
"Tapos? Ayusin mo naman mag-kuwento, pabitin ka naman," pagsusungit ni Steph.
Bumuntong-hininga ako. Mukhang hindi nila ako titigilan hanggang sa hindi nila nakukuha ang sagot. "Ayun nga, 5 PM na kami natapos. Tapos kumain kami sa McDo. Tapos syempre kaunting usap, gano'n. Almost 7 PM na ako nakauwi sa bahay,"
"Oh, my god!" Ynna exclaimed. "Niyaya ka niyang kumain sa McDo?"
"Hindi!" Umiling ako. "Ako ang nagyaya pero siya ang nagbayad. Libre ko dapat 'yon pero hindi niya tinanggap 'yong pera ko."
"Shems, akala ko study lang. Humirit pa pala ng date," tumawa silang tatlo sa sinabi ni Steph. Hindi naman date 'yon pero natawa na rin ako.
"Tapos tinanong ko pala siya kung sino 'yong babaeng lagi niyang kasama, pinsan lang pala niya 'yon. Close lang daw talaga sila,"
Nam laughed. "Pucha, pinagselosan ang pinsan," tumawa rin ang dalawa. Hindi ko naman kasi alam na magpinsan pala sila. Kung alam ko lang ay hindi na sana ako nagselos.
"E 'di go ka pa rin kay Calvin? Tulungan ka namin, ano?" si Steph.
Nagkibit-balikat ako. "Hindi pa raw siya ready mag-girlfriend. Ayokong umamin dahil ayokong ma-reject. Okay na ako sa ganitong set-up,"
Mas gugustuhin ko pang titigan siya mula sa malayo kaysa marinig sa kaniya ang mga salitang ayokong marinig. Ayoko ng sakit sa puso, hindi pa ako handa para doon.
Pagkatapos ng free time namin ay bumalik na kami sa room. Pagkaupo ko pa lang ay tumabi na sa 'kin kaagad si Jackson at nakangiti.
"Hi, Amara! Nagawa mo na 'yong pinapagawa sa atin sa Gimp?" Tanong niya.
"Hindi pa, nahihirapan pa ako. Ang pangit nga ng gawa ko doon, e! Hindi tugma ang kulay sa mismong picture," sagot ko. "Bakit? Tutulungan mo na naman ba ako?" Biro ko sa kaniya.
Ngumiti siya. "Oo sana. Kaunting ayos na lang doon ay matatapos na ako. Gusto mo palit tayo ng pwesto mamaya sa lab para gawin ko 'yong iyo?"
"Hindi na. Ako na ang gagawa para mapag-aralan ko din," nakangiting sagot ko.
Nakakahiya kung pati sa simpleng activity namin ay siya ang gagawa. Hindi nagtagal ang usapan namin dahil tinawag siya ng kaklase namin kaya nagpaalam na siya bago umalis sa tabi ko.
"Iba rin gumalaw 'yang si Jackson, e, 'no? Buti hindi ka nahuhulog? Halos ilang buwan na 'yang duma-damoves sa 'yo," bulong ni Steph.
"Mabait lang talaga 'yon," sagot ko.
Inismiran niya ako. "Gaga, kung mabait, e, 'di sana tinutulungan niya rin mga kaibigan niya. Sa 'yo lang ganyan 'yan, napapansin ko."
Hindi na ako sumagot. Walang sinasabi si Jackson pero kaunti na lang ay magco-conclude na ako na may gusto nga talaga siya sa 'kin. Ganyan naman kasi talaga ang ibang mga lalaki. Kapag may nagugustuhan silang babae, nagpapa-impress.
Well, it goes both ways. Parang ako, nagpapa-impress ako kay Calvin dahil gusto ko siya.
Pagkatapos ng one hour lesson namin sa programming ay dumiretso na kaming computer laboratory. Last subject na 'to pero 3 hours ang itatagal namin.
Hinayaan kami ng prof na tapusin ang activity last meeting. Nai-stress pa ako dahil halos hindi ko pa nakakalahati ang ginagawa ko. Matapos ang isang oras ay sinave ko na kaagad. Hindi siya kagandahan pero okay na siguro 'yon, at least may gawa.
"Napakatagal niyo naman," reklamo ni Nam at Ynna nang makalapit kami sa kanila. Uwian na kaya magkakasama ulit kami ngayon.
"Sisihin mo prof namin, 'wag kami." sagot ni Steph at umirap.
"Hayaan mo na. Tara na— Uy, bebe mo, o!" Kinalabit ako ni Ynna at may itinuro. Sinundan ko naman kung saan nakaturo ang kamay niya. Kasama ulit ni Calvin ang mga kaibigan niyang naglalakad papuntang gate.
"O, ngayon?" tanong ko.
Umirap si Nam at hinawakan ako sa kamay. Hinila niya ako at naglakad papunta sa direksyon nila Calvin na ikinabilis ng tibok ng puso ko. Ang dalawa naman ay nakasunod lang sa amin. Ito na naman sila, tinutulak na naman ako kay Calvin.
"Hi, Calvin! Uuwi na kayo?" Tanong ni Nam nang makalapit kami sa kanila. Sila naman ay napatigil sa paglalakad at tumingin sa amin.
"Oo sana, bakit? May kailangan ba ulit kayo?" tanong niya.
Ngumiti si Nam at umiling. Hinawakan niya ang braso ko at inakbayan. "May sasabihin daw itong kaibigan kong si Amara Lorraine sa 'yo."
Nanlaki ako mata ko at gulat na napatingin sa kaniya. Bwisit! Palagi na lang nilang binabanggit nang buo ang pangalan ko sa kaniya. At ano daw? Wala naman akong sasabihin. Imbento talaga 'tong mga kaibigan ko.
"Nahihiya lang siya. Sige na, Amara Lorraine, sabihin mo na," sambit ni Ynna at bahagyang hinampas ang kamay ko.
"Ha? Wala nam—" Hindi ko na natuloy sa sasabihin dahil pinandilatan niya ako ng mata.
Bumuntong-hininga ako. Wala naman kasi talaga akong sasabihin pero sasakyan ko na lang ang trip nila. "Ano... S-Salamat sa pagtuturo sa 'kin kahapon... Calvin,"
I bit my lower lip afterwards. My world stopped when he smiled genuinely at me. Ugh, my heartbeat, it's fast and too loud, making me grasp for some air. He is really driving me insane.
"Wala 'yon. Ayun lang ba?"
Umatras na ako kaunti dahil wala naman na akong sasabihin. Wala naman kasi talaga pero napilitan lang ako dahil baka balatan ako ng buhay nitong mga kaibigan ko.
"Oo, ayun lang. Sige na, go na ulit kayo," sabi ni Steph. Ngumiti siya sa amin bago umalis. Narinig ko pang para siyang inaasar ng mga kaibigan niya habang naglalakad sila palayo sa amin.
"Alam niyo, aatakihin ako sa puso sa mga pinaggagawa niyo sa 'kin. Lagi niyo akong pinapakaba sa mga ginagawa niyo," inis kong sabi sa kanila.
"Pinupush ka lang namin para naman magka-lovelife ka na. Choosy ka pa? Mabuti nga pinapansin ka na niya, e!" Nagtaas ng kilay si Nam. Inis naman akong bumuntong-hininga.
"Kawawa ka kasi tingnan na palagi kang nakatingin sa malayo, tapos minsan nagiging stalker ka pa kakasunod kung saan siya pupunta. You better make your move kasi. Wala namang mawawala if you'll give it a shot." Seryosong litanya ni Ynna. Muli akong bumuntong-hininga para pakalmahin ang sarili.
"You only live once. So, you better confess or at least make some move. Hindi manhid ang mga lalaki. Nararamdaman nila kung may gusto sa kanila ang isang tao. Kaya 'wag kang matakot. Kapag ayaw niya, e 'di stop na. Kasama talaga sa buhay natin ang rejections." si Nam.
Hanggang sa pag-uwi ko ay hindi mawala sa isipan ko ang mga sinabi nila sa 'kin. Give it a shot? Siguro naman ay kaya ko 'yon, natatakot lang talaga ako sa thought na baka he won't like me back.
I'm not afraid make the first move. I'm just afraid of making him uncomfortable.
Ugh! Happy crush ko lang dapat kasi siya, e! Bakit ganito na ang nangyayari? Puwede bang turuan ang puso na huwag lalong mahulog sa kaniya para hindi gaanong masakit kapag ni-reject?
Inis kong binagsak ang sarili sa kama pagkatapos mag-shower. Ilang oras ko nang iniisip kung ano ang dapat kong gawin, kung ano ang una kong step. I even searched online para may idea ako kahit papaano kung paano magustuhan ng isang lalaki.
I inhaled a large amount of air and slowly exhaled it. Fine, it's now or never. I nervously grabbed my phone that was rested on my bed. I opened it and went to Calvin's number on my contacts.
"Baka kasi tulog na 'yon, e!" Bulong ko sa sarili. It's 9 PM already. Gusto ko siyang itext pero baka tulog na siya. Tsaka hindi ko rin alam ang sasabihin ko.
Inis kong ginulo ang aking buhok. Sana lang ay magreply siya kasi kung hindi, baka hindi ko siya kayaning harapin. Binago ko muna ang name niya sa contact ko. Gusto kong pangalan niya ang makikita ko kaya 'yon ang pinalit ko.
To: Calvin
Hi
Pikit mata akong nagdadasal na sana ay magreply siya. Abot-abot pa ang kaba ko habang naghihintay. Halos magsa-sampung minuto na ay wala pa rin siyang reply, siguro ay tulog na.
Napanguso ako at humiga na. Nakatitig lang ako sa kisame habang malalim ang iniisip. Ano kayang ginagawa niya ngayon?
Napabalikwas ako nang biglang tumunog ang phone ko. Dali-dali ko pa itong kinuha at napangiti ng malapad nang makita ang pangalan niya.
From: Calvin
Hello. Bakit?
Almost 20 minutes akong naghintay para lang dito. Mukha akong tangang nakangiti habang nakatitig sa reply niya.
To: Calvin
Masyado ka yatang kinilig sa text ko. Tagal mong nagreply eh :)
Agad kong binura iyon dahil nakakahiya, baka sabihin pa niyang ang assuming ko. I typed my reply again.
To: Calvin
Patulong naman sa Physics.
I smiled nervously when my message was sent. After 10 minutes of waiting, he replied again.
From: Calvin
Sure. Tell me about it.
To: Calvin
Here's the problem: If car A and car B left at the same time with car A at 160kph and car B at 180kph, how long do I have to wait for you to be with me?
Humiga ako sa kama pagka-send at gumulong-gulong doon habang tumitili. Nagmumukha na akong siraulo dahil sa sinabi ko.
From: Calvin
You can be with me tomorrow if you want.
Hindi ko na naiwasan kaya napatili na ako ng malakas at gumulong ulit sa kama dahil sa sobrang kilig. Shet, hindi ko inaasahan 'yong reply niya. Akala ko kasi ay tatawanan niya ako, bumabanat lang naman ako, e!
To: Calvin
Joke ba yan? I don't like you messing around with me.
From: Calvin
Okay? What do you want, then?
I smiled and bit my thumb nail.
To: Calvin
I want you to be serious with me lol
Five minutes na ay hindi pa rin siya nagrereply. My god, don't tell me kinilig siya sa sinabi ko, ha? Nakakabaliw pala ka-text 'tong si Calvin.
From: Calvin
Smooth hahaha. Anyway, I have to sleep now. Good night!
To: Calvin
Okay! Good night :)
Hindi man nagtagal ang usapan namin sa text ay abot-langit na ang tuwa ko. Muli kong binasa ang convo namin. Pati pag-type niya ay ang linis. Kumpleto sa punctuations, akala mo naman ay nagsusulat ng email o essay.
Nakangiti lang ako hanggang sa pagtulog. Pagkagising ko ay pakiramdam ko kumpletong-kumpleto ako sa tulog dahil agad akong bumangon na kinakatamaran ko noon. Naligo na ako kaagad at nag-ayos bago bumaba.
"Ang aga mo naman," komento ni Mama pagkaupo ko sa harap ng mesa.
Ngumiti ako. "Wala lang, nae-excite lang akong pumasok,"
"Sus, dahil sa crush mong Engineering na naman ba 'yan?" Tanong niya habang nagtitimpla ng kape para sa aming dalawa.
"Oo, Ma! Nakatext ko siya kagabi. O, 'di ba, pinansin na niya ang ganda ko. Sabi na, e, it takes time," nakangiting sabi ko.
Nakangiting umiling si Mama. Nilagay na niya ang kape sa harapan ko kaya nagsimula na akong kumain. Nakaka-excite talaga pumasok kapag may inaabangan kang makita sa school. Ilang minuto pa ay umalis na kaagad ako ng bahay para maagang makarating sa school. Inspirado ako ngayon.
"Good mood, ah? Saya 'yan?" Tanong ni Steph pagkaupo ko sa tabi niya.
"Hindi lang masaya, sobrang masaya. Hulaan mo kung bakit,"
Umirap siya. "Hindi ako manghuhula,"
"Kj mo. Ganito kasi 'yon, nakatext ko si Calvin kagabi," proud na sabi ko.
"Okay? Tapos?"
Ngumiti ako at pinabasa sa kaniya ang conversation namin kagabi. Halos mapunit naman ang labi niya habang binabasa 'yon.
"Kaya mo naman pala lumandi, e! Tingnan mo nga, oh, nakuha pang bumanat," natatawang saad niya.
I proudly smiled and crossed my arms. "Na-realize ko lang kasi 'yong sinabi ng dalawa kahapon kaya ayan, kinapalan ko ang mukha ko para i-text siya."
Hindi na kami nakapag-usap pa ulit dahil dumating na ang prof namin for our first subject. Napatigil siya sa pagdi-discuss nang may kumatok sa pinto. Bumukas iyon at lumuwa ang gwapong mukha ni Calvin.
"Mr. Villanueva, what brings you here?"
Lumapit si Calvin sa kaniya at may inabot na papel. Hindi naman magkamayaw sa pagtibok ng mabilis ang puso ko dahil sa hindi inaasahang makikita ko siya nang ganito kaaga. Lumingon siya sa paligid at nagtama ang tingin namin kaya bahagya akong nagulat. Ngumiti lang siya ng tipid pero umiwas ako ng tingin.
Lumabas na siya room kaya nagpatuloy ang prof namin sa pagtuturo. Parang ang sarap tuloy mag-aral sa araw na 'to.
Nang matapos ang klase ay dumiretso na kaagad ako ng library. Ayaw akong samahan ni Steph dahil hindi na raw kaya ng utak niyang mag-aral ng codes. Hindi ko na pinilit dahil gusto ko rin namang tahimik na mag-aral. Kailangan kong aralin ng maigi ang mga lessons namin these past few days.
Umupo ako sa kabilang table katabi ang ibang students. Marami-rami ang estudyante ngayon kumpara noong nandito kami ni Calvin. Inilapag ko ang bag ko bago kinuha 'yong book na itinuro niya sa akin noong nakaraang araw. I want to study more dahil nangangamote na talaga ako sa activities namin. Three months na lang ay matatapos na ang school year pero wala pa rin akong natututunan.
Ibinuklat ko ang libro kung saang page kami huling nag-aral. Tahimik akong nagte-take down notes nang may nagsalita sa tabi ko. Nagulat pa ako kaya dumulas ang ballpen ko sa notebook.
"Ano ba— Calvin," gulat na tawag ko sa kaniya.
Tumabi siya sa akin at ngumiti. "Sorry, nagulat kita. Himala yata at nandito ka," napatingin ako sa likuran niya. Kasama niya 'yong babaeng pinsan daw niya at nakangiti siya sa akin.
Nahihiya akong ngumiti. "Uh... Eh... Oo, gusto ko kasing humabol sa lessons namin,"
Umupo ang babae sa harapan namin habang nakangiti pa ring nakatingin sa amin. Hindi siya nagsasalita pero mukha namang mabait.
"By the way, she's Beatrice, my cousin. Beatrice, this is Amara Lorraine," he introduced. Fuck! Nakakakilig naman na binanggit niya ng buo ang first name ko.
"Oh, right! So, she's the one you've been—"
"Go get your books so I can teach you now," pagputol niya sa sasabihin no'ng babae. Ngumisi naman ito sa kaniya bago tumayo.
"Gusto mo bang turuan na rin kita ngayon?" mahinang tanong niya sa 'kin.
Umiling ako. "Hindi na. Siya na lang muna ang turuan mo, next time na ako." Ngumiti ako at tumayo. "Wait lang, huh! May kukunin pa akong isang libro." palusot ko.
Agad akong tumayo at naglakad papunta sa shelves sa dulo ng library. Hawak ko ang aking dibdib habang habol ang hininga.
Lord, wala man lang warning. Binibigla mo rin ako, e!
"Amara, are you okay?" Gulat akong napatingin sa likuran ko at nakitang naroon si Calvin. May kukunin rin ba siyang libro?
Napalunok ako. "Uh... O-oo naman," Hilaw akong ngumiti at kunyaring may hinahanap sa book shelf. Nang makita ang medyo makapal na libro ay pilit ko itong inaabot pero 'di ko kayang abutin. Bigla akong nanlamig nang lumapit si Calvin sa likuran ko at siya ang kumuha no'ng libro.
"Physics?" he chuckled. "Ito ba 'yong gusto mong ipa-tulong sa akin kagabi?" Nakangiting tanong niya. Sa dinami-rami ng libro dito, bakit Physics pa ang nakuha ko?
Dumaloy lalo ang kaba sa akin. "H-Ha? Ano... Uh..."
Bahagya siyang tumawa at humarap sa 'kin. "I already helped you to your question about Physics last night, right?"
"Ha? A-Ano ba 'yon?" Maang-maangan kong tanong na parang wala akong sinabi sa kaniya kagabi.
He leaned forward a bit to equalled my face. "You asked if how long do you have to wait to be with me, right? I'm here, you're with me now." Lalo pa niyang inilapit ang kaniyang mukha sa akin kaya napaatras ako. "And I'm not messing around, Amara. I'm serious!" He uttered before leaving me here, not able to say anything.
Pagkabalik namin sa table ay malisyosang nakatingin sa amin ang pinsan niya. Nakangisi siya kay Calvin pero nang magtama ang paningin namin ay ngumiti siya ng malapad. Pakiramdam ko tuloy ay may iniisip siyang hindi maganda."Mom texted me, Calvin! Baka hindi mo muna ako matuturuan ngayon," sabi ni Bea pagkaupo namin."Ha? Bakit daw?" nagtatakang tanong ni Calvin.Nagkibit-balikat ang babae. "No idea. Next time na lang, ha? Si Amara na lang muna ang turuan mo ngayon. Bye!" Nakangiting kumaway pa ito sa amin bago nagmamadaling umalis.The heck? Natutop ko tuloy ang aking bibig dahil kasama ko na naman siya. And take note, this is unexpected. Akala ko pa naman ay makakapag-aral ako ng tahimik."Hindi ka pa uuwi?" Tanong ko makalipas ang ilang minutong katahimikan.Tumingin siya sa 'kin. "Hindi pa. Tuturuan na lang kita tutal nandito na tayo,"Unti-unti akong tumango at pinigilan ang sariling huwag ngumiti.
Halos dalawang linggo na ang lumipas simula noong naging instant tutor ko si Calvin. Noong nakaraan nga ay three consecutive days niya akong tinuruan kaya labis ang tuwa ko no'n. Sa mga araw na nagdaang kasama ko siya ay lalo lang akong nahulog. Hindi ko alam kung ganoon ba talaga siya, pero grabe siya magturo sa akin. Tinatamad na ako pero siya ay pursigido pa ring matuto ako."You should know how to design a website. Next school year ay baka ituturo na sa inyo 'yan kaya aralin mo 'to." He silently tapped the book that was rested on the table."Next school year pa naman 'yon, e!" Pagdadahilan ko.Tumingin siya sa 'kin kaya napaiwas ako. "Sulitin mo na 'tong mga oras na tinuturuan kita dahil baka hindi na 'to mangyari sa susunod na pasukan," aniya."Bakit naman?" Kunot-noong tanong ko."I'm turning 5th year. Masyado nang busy sa acads, baka wala na akong oras sa pagtuturo sa 'yo. And besides, two months lang ang sinabi ni Ynna na tuturuan kita," he
"Sabi ko sa 'yo gano'n 'yon, e! Nalito ka lang siguro sa formula. Dapat talaga iniintindi mo kung paano siya iso-solve."Napakamot ako sa aking ulo at gusto nang ihagis itong ballpen ko sa white board dahil sa inis. Nandito ako sa room ngayon katabi si Jackson dahil nagpaturo ako sa Math. Kanina pa niya ako tinuturuan pero wala pa rin talaga akong maintindihan, sumasakit lang lalo ulo ko.Isa sa mga dahilan kung bakit ko kinuha itong course na 'to ay dahil akala ko walang Math, scam pala 'yon."Tuturuan kita ulit tapos bibigyan kita ng equation para masagutan mo," aniya. Tinuruan niya ulit ako sa pagkakasunod ng formula. Pilit kong sinisiksik sa utak ko ang tinuturo niya kaya sana ay maalala ko kapag nagsagot na.Ikakagalit ba ni Einstein at Newton kapag nag-imbento ako ng sarili kong formula?"Sumasakit ang ulo ko, Jackson! Ilayo mo sa akin 'yang libro na 'yan," reklamo ko, bahagya naman siyang tumawa."Mage-gets mo rin 'to, Amara! Aralin m
"Hoy, Amara! Nakita ko 'yong kahapon sa bus station, ah!"Kakarating lang ni Steph sa room ay ganito kaagad ang ibinungad niya sa akin bago umupo sa tabi ko. Sinulyapan ko siya saglit habang nakakunot ang noo."Ang alin? Ang aga-aga mo mag-ingay," inaantok na sambit ko. Hindi ako masyadong nakatulog dahil sa kakaaral kagabi."Kitang-kita ng dalawa kong mata, Amara! Akala ko ba si Jackson ang kasabay mong umuwi kahapon? Bakit nakita kong kasama niyo si Calvin? Lalapit nga sana ako kaso biglang umalis si Jackson," paliwanag niya.Humikab ako at idinuko ang ulo sa desk. "Nag-text si Calvin kung nasaan ako, e! E, 'di sinabi kong nasa bus station, kaya ayun. Bakit ba?"Nakakaloko naman siyang ngumisi sa 'kin at inilapit ang mukha sa tainga ko. "Haba ng buhok mo, ah? Tinext ka para lang tanungin kung nasaan ka? Iba na 'yan, girl,""Baliw! Pinapunta ko rin siya kasi naiilang ako kay Jackson, buti na lang sumunod sa 'kin,""Sus! Hindi naman m
"A confession? I'll go for yes. Remember, you only live once. Why don't you just ask him out? Who cares if he'll say no? At least you have the confidence to ask and that's hot, honey!"Lalo lang gumulo ang isip ko dahil sa sinabi ni Ynna. Napanguso ako at nilaro-laro ang aking daliri habang nakasandal sa couch para pakalmahin ang sarili. Nalilito na ako. Hindi ko naman dapat ito nararamdaman."Yes! Tsaka sa panahon ngayon, uso na ang babae ang nanliligaw. Try mo na hangga't single pa siya," pagkumbinsi ni Steph.Napabuntong-hininga ako at inis na ininom ang soju na nasa baso. Hindi naman ganito ang plano ko dati, e! Okay na ako sa sulyap lang. Hindi ko naman kasi akalain na magiging malapit kami sa isa't-isa at doon ako lalong mahuhulog sa kaniya."Ganito kasi 'yan, e! The more you hide your feelings to someone, the more you fall for them. Make some moves. Hindi naman siguro siya manhid para hindi niya maramdamang you like him," sabat ni Nam."True
"Ano'ng ibig mong sabihin?" Kunot-noong tanong ko.He leaned forward a little more. Naduduling tuloy ako sa sobrang lapit niya. Halos lumabas na rin ang puso ko sa aking dibdib dahil sa sobrang kaba."Paano mo nasabing wala kang chance? Sino'ng nagsabi sa 'yo?" He uttered using his deep manly voice.I gulped and looked away. "A-Ano... B-Bakit? Totoo naman, h-hindi ba? Lahat naman ng nagkakagusto sa 'yo ay walang pag-asa,""What if I told you you're an exception?" He grinned."H-Ha?"Umayos na siya ng upo na ikinahinga ko nang maluwag. Narinig ko pa ang mahina niyang pagtawa na lalong ikinabog ng dibdib ko. Mataman naman siyang nakatingin sa akin habang nakangisi kaya hindi ko siya magawang tingnan. Nakakalunod ang mga tingin niya."I feel the same way, Raine!"Just by hearing those words, I knew what he is talking about. Is he confessing to me right now? As in ngayong araw talaga?"You heard me?" He added.Gulat a
"Really ba? Oh my gosh! I'm so proud of you, nabihag mo 'yong nerd na 'yon," masayang sambit ni Ynna. Sinamaan ko naman siya nang tingin dahil ayan na naman siya, tinatawag na nerd si Calvin.She pursed her lips and slightly smiled. "Sorry!" She made a peace sign.I rolled my eyes and crossed my hands on my chest. "Tigil-tigilan niyo ang kakatawag ng nerd sa kaniya. Manliligaw ko na 'yon at soon to be husband. Ayokong tinatawag niyo siyang gano'n,""Landi mo," mahina akong hinampas ni Nam sa balikat kaya masama ko siyang tiningnan, siya naman ay nakangisi sa akin. "Masyado kang advance mag-isip. Soon to be husband amputa. Maghihiwalay din kayo niyan. Hindi na uso ang pang-matagalang relasyon ngayon. Karamihan ay puro laro na lang.""Napaka-bitter mo. Na-ghost ka rin ba kagaya ng kawawang 'yan?" Ngumuso si Ynna kay Steph kaya agad na sumama ang timpla niya."Gago," mahinang sambit ni Steph.Nam chuckled. "Hindi, 'no! Walang nang-goghost sa ak
Halos dalawang linggo na simula noong nanligaw sa akin si Calvin. At sa dalawang linggo na 'yon ay lalo ko siyang nagustuhan. I didn't know that he's much better than what I expected. Sa nakikita ko kasi sa iba, ang mga lalaking nanliligaw sa babae ay binibigyan sila ng bulaklak at chocolate.Calvin is different. Araw-araw, naghihintayan kami sa bench malapit sa field para sabay kaming kumain bago umuwi. Halos sakalin ko na nga siya dahil ayaw niya akong pagbayarin. Araw-araw din niya akong hinahatid sa amin kahit na mahirap ang byahe.At ngayon, nandito ako sa condo niya dahil may napanood daw siyang bagong recipe sa YouTube na mukhang masarap. Gusto niyang matikman namin pareho."Gawain mo bang manood ng ganiyan kapag bored ka? Akala ko pa naman subsob ka sa pag-aaral," sambit ko habang nakasandal sa counter at naka-krus ang dalawang kamay.Humarap siya sa akin saglit at ngumiti bago ibinaling ulit ang paningin sa niluluto. "Minsan. Nakita ko lang 'to s
"Miss, are you okay?"Napaangat ako ng tingin nang marinig ang baritonong boses. Madilim na kaya naman hindi ko makita ang mukha niya, puno rin ng luha ang mata ko kaya hindi ko siya maaninag."Go away," pangtataboy ko."Here's a handkerchief. Wiped your tears. It's not safe here," Inabot niya sa akin ang puting panyo pero hindi ko ito kinuha, baka mamaya ay may malanghap ako doon at makatulog ako."I said go away. Hindi kita kailangan kaya umalis ka na," saad ko habang humihikbi. Nainis ako lalo dahil imbis na umalis siya, umupo siya sa tabi ko."Okay, you can cry, but I will just be here. It's not safe for you being alone in this dark area," simpleng sagot nito.Hindi ko na siya pinansin pa. Lumuha akong muli kaya inabot niya ulit sa akin ang panyo. This time ay tinanggap ko na dahil sa dami ng luha ko."You know, it's good to open up to a stranger. You can talk to me while crying your heart out," kalmadong sabi niya. Pinunasan ko a
"Heto, kainin mo 'yan. Nagdala talaga ako niyan para sa 'yo," Steph slid two bananas and one ponkan on the table. I smiled and shyly grabbed it."Hindi naman na kailangan, Steph!" nahihiyang saad ko.Umirap siya. "Wala kang magagawa kung gusto kitang dalhan ng prutas. Aba, magiging ninang ako ng baby mo kaya dapat puro healthy foods ang ipapakain ko sa Mommy,"Ngumiti ako at pabirong umirap. Dalawa lang kaming magkasama na kumakain sa cafeteria dahil lunch time na. Pagkatapos nito ay balik trabaho ulit ako sa thesis namin. Hindi ko ka-grupo si Steph dahil sabi ng prof ko, nakakasira daw ng friendship ang thesis kaya inayawan ako ni Steph. Ayaw niya yatang masira kaming dalawa nang dahil sa thesis."Nagyayaya nga pala si Nam this Saturday night sa condo niya, sleep over daw tayo doon. Sabi ko nga ay sa club na lang pero tinatamad na daw siyang mag-party sa labas," ani Steph habang kumakain."Hindi ko alam kung papayagan ako ni Mama," sagot ko.
Umiling-iling ako at dismayado na rin sa sarili. Inaasahan ko na na sasabihin niya ito, pero ayoko pa ring maniwala. Hindi. Hindi ito nangyayari.Binigyan ako ng reseta ng doktora pero wala sa sarili ko itong tinanggap. Kinuha naman ito ni Mama sa akin para tingnan kung ano ang nakasulat doon."Alagaan mo ang sarili mo lalo na't first baby mo 'yan. Huwag kang magpapaka-stress. You should also eat healthy foods and stop sleeping late. Kailangan mong sundin ang resetang binigay ko para sa 'yo at sa baby mo. It's a God's blessing so you should be proud," nakangiting sambit ng doktora.God's blessing, yes! But this is not the right time to get pregnant. I'm still chasing for my dreams, readying myself to become better for the future. Hindi ko inaasahan na may mabubuong bata dahil nagte-take naman ako ng pills.Hindi ko alam kung sasabihin ko ba ito kay Calvin at sa mga kaibigan ko. Pakiramdam ko ay wala na akong mukhang maihaharap sa kanila kapag nalaman nila
Matapos ang away namin na 'yon ni Calvin, naging payapa na ulit ang relasyon naming dalawa. Though, nag-aaway kami minsan pero naaayos din kaagad kagaya nang palaging nangyayari. He would never let me sleep with a heavy heart.We also spent our birthdays, Christmas and New Year together. Sadyang napakabilis ng araw dahil hindi ko namamalayan na ilang buwan na lang ay 3rd Anniversary na namin. Maraming problema at away na ang dumaan sa amin pero nalampasan namin ito lahat.I am sure about him. Sigurado na ako na siya ang gusto kong makasama habang buhay. Kung hindi si Calvin ang makakatuluyan ko ay pakiramdam ko hindi ko na kayang magmahal pa nang iba. I am so attached and deeply in love with him. Handa na akong ialay ang buong buhay ko sa kaniya at makasama siya habang buhay."Saan mo naman balak gawin itong plano mo?" tanong ni Steph habang nag-iikot kami sa bookstore. I want to buy some decorations for my surprise for him on our Anniversary."Magchechec
"B-Babe," gulat na tawag ko sa kaniya.Madilim ang mga mata niyang nakatingin sa akin. Dumaloy tuloy ang matinding kaba sa sistema ko dahil ngayon ko pa lang siya nakitang ganito."Anong ginagawa niya sa bahay niyo?" seryosong tanong niya."M-Masakit, b-bitawan mo ako," Ngumiwi ako habang pilit na tinatanggal ang mahigpit na hawak niya sa aking braso. Binitawan din naman niya ito kaagad nang hindi inaalis ang masamang tingin sa akin."Answer me, Amara Lorraine! Bakit siya nandito sa inyo?" tanong niyang muli."N-Nagpatulong lang siyang gumawa ng letter para sa babaeng gusto niya," sagot ko."Nagpatulong ba talaga o may ginagawa kayong iba?" he scoffed. "Tang ina, Amara! Text ako nang text, tawag rin ako nang tawag pero ni isa ay wala kang sinagot. Pinuntahan kita dito sa inyo para makita ka tapos ito ang madadatnan ko? Makikita kong may lalaking lumabas mula sa bahay niyo?"Nakagat ko ang aking labi habang ang puso ko ay labis sa pagp
Pagkapasok namin sa bahay ay sumalubong sa amin ang gulat na ekspresyon ni Mama nang makita si Jackson na kasama kong pumasok. Nakatingin lang siya sa amin kaya naman parang ang awkward nang paligid.Ngumiti ako sa kaniya. "Ma, si Jackson po, blockmate ko. Nagpapatulong lang siya sa akin gumawa ng regalo para sa babaeng nagugustuhan niya,"Tumango si Mama habang tipid ang mga ngiti. Bumaling ang tingin niya kay Jackson kaya nginitian niya si Mama."Good afternoon po," magalang nitong bati."Kaklase ka pala ng anak ko. Umupo ka muna, ipaghahanda ko kayo ng makakain," tugon ni Mama.Pumunta na si Mama sa kusina kaya naman iminuwestra ko ang aking kamay sa couch para paupuin si Jackson. Inilibot muna niya ang paningin sa bawat sulok ng bahay bago umupo at ngumiti sa akin."Magbibihis lang ako saglit. Kain muna tayo bago magsimula," paalam ko."Sige lang," nakangiting sagot niya.Umakyat na ako kaagad sa kuwarto at nagbihis. Maong
"Amara, are you okay?" nag-aalalang tanong ni Jackson."Uwi na tayo," tanging sagot ko.Hinawakan ni Jackson ang baba ko kaya nagtama ang tingin naming dalawa. Puno ng pag-aalala ang mga mata niya habang ang sa akin namin ay namumuo na ang mga luha."I'll bring you home. Ayaw mo bang kumain muna bago umuwi?" marahang tanong nito, umiling lang ako dahil hindi ko kayang magsalita. "Okay! Tara na!"Tahimik kaming dalawa habang tinatahak ang daan papuntang parking. Hindi siya umiimik pero nararamdaman kong panay ang tingin niya sa akin. Nang makasakay sa kotse ay agad kong kinuha ang phone ko para i-text si Calvin.To: Babehi babe nasa work ka?Hindi naman sa gusto ko siyang hulihin, pero gusto ko lang malaman kung magsisinungaling ba siya o magsasabi ng totoo."Mag-drive thru na lang tayo, Amara, gusto mo? Akala ko ba gusto mong magpalibre? Uubusin ko sana ang pera ko ngayon para sa ipapalibre mo, e!" bahagya pa siyang tumawa kay
"Malapit na ang prelim, nag-review ka na ba?"Iyon ang tanong na ibinungad sa akin ni Jackson pagkarating ko pa lang ng room. Tumabi siya kaagad sa akin para daldalin na naman ako."Hindi pa lahat. Hihintayin ko muna kung ano ang e-examin sa first day para 'yon muna ang re-reviewhin ko. Baka kapag ni-review ko lahat mag-shuffle na 'yong mga words sa utak ko," seryosong sagot ko.Wala pa akong ganang makipag-usap dahil pakiramdam ko ay lutang pa ako. Halos 11 PM na ako nakatulog kagabi dahil ka-video call ko si Calvin at hindi ko namalayan ang oras.Umayos ng upo si Calvin at nakangiting humarap sa akin. "Anyway, I have something to tell you," excited na saad niya."Ano 'yon?""Samahan mo ako mamayang uwian sa bookstore. May gusto lang akong bilhin na decorations para sa kaniya,"Ngumisi ako. "'Yong babaeng 'yon na naman? Anong klaseng decoration ba?""Colored papers gano'n tapos pen na pang-lettering. Gusto ko rin sanang tulung
Warning: R-18 Read at your own risk."Alam ko 'yang iniisip mo," seryosong sabi ko.Mahina siyang tumawa. "I want you," bulong niya."Nanonood pa tayo, Calvin! Tsaka nandito tayo sa bahay niyo, baka may biglang kumatok," sagot ko."No," Ipinasok niya ang kanyang kamay sa loob ng suot kong dress at minasahe ang ibabang parte ng katawan ko. Napakagat tuloy ako ng aking labi dahil sa sensasyong nararamdaman."C-Calvin... baka may makakita sa atin," nahihirapang sambit ko, lalo pa niyang pinaglaruan ang sensitibong parte niyon kaya napaawang ang bibig ko."I locked the door. And trust me, walang makakakita sa atin,"Kumubabaw siya sa akin habang pilyong nakangisi. Napalunok tuloy ako dahil alam ko kung anong titig iyon."Tapusin muna natin ang movie," saad ko.Inayos niya ang pagkakahiga ko bago ako sinunggaban ng halik. Dikit na dikit ang katawan namin kaya naman nararamdaman ko ang kanya na tumatama sa akin.