Share

Kabanata 4

Author: jvstbeingmae
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

Kinabukasan, kasama kong tumambay ang tatlo sa gazebo malapit sa cafeteria dahil ayaw pa nilang umuwi. Ako ang bida ngayon dahil 'di ko mapigilang hindi kiligin sa nangyari kahapon. 

"Gusto pa nga niya akong i-piggyback, e, kaso nahiya naman ako. Tapos tumabi siya sa 'kin para sabayan ako sa paglalakad kasi akala niya masakit ang ulo ko. Tapos pinagbili niya ako ng tubig. Tapos binigyan niya ako ng gamot kasi sabi niya 'I don't think you're okay. You look pale'. Tapos, girl, siya ang nagbukas ng bottled water para sa akin." Nangingiti kong hinawakan ang magkabila kong pisngi.

Halos gumulong ako sa kilig. Nakakakilig pala lalo kapag kinu-kwento. Nakangiti rin ang tatlo sa akin, si Steph ang sobrang natutuwa. 

"Tapos sinabihan niya akong magdala palagi ng payong para daw hindi ako magkasakit ulit. E, wala naman akong sakit no'n, e! Palusot lang 'yon ni Steph. 'Di ba, Steph?" Tanong ko, nakangiting tumango naman siya sa akin. 

"Naging cupid ka pala kahapon, Steph! Good job!" Nag-thumbs up pa si Ynna. 

"Masyadong mahina 'tong kaibigan natin, e! Babagal-bagal, kulang sa seminar," mayabang na sagot niya. 

Nakangiti akong umirap. "At least, 'di ba, kahit kahapon lang nakasama ko siya. Medyo awkward nga lang pero the best talaga kahapon. Hindi ko malilimutan 'yon," 

And it was all credit to Steph. Kung hindi dahil sa kaniya ay hindi ko makakasama kahapon 'yong crush ko na 'yon.

"E 'di nabigay mo na 'yong gusto mong ibigay?" Tanong ni Nam. 

Unti-unting nawala ang ngiti ko. "Oo, nabigay ko na." 

At dahil nabigay ko na 'yong panyo, wala na akong rason para hagilapin pa siya at makausap. Ayoko namang kausapin siya nang walang sasabihin dahil baka magmukha akong tanga sa harapan niya. 

"Gusto mo ng another moment with him, Amara? Sagot agad," nagmamadaling tanong ni Nam. Kumunot naman ang noo ko pero sumagot din. 

"Syempre! Tinatanong pa ba dapat 'yon?" 

Ngumisi siya at sa hindi ko inaasahan, sinigaw niya ang pangalan ni Calvin. Agad na nanlaki ang mata ko at kinabahan. Tumayo si Nam pero hindi ko tiningnan kung saan papunta dahil yumuko ako. Nandito pa pala 'yong baby ko na 'yon. 

Lalo lang akong kinabahan nang marinig ko ang boses ni Nam na papalapit sa amin. Alam kong kasama niya si Calvin dahil mukhang may kausap siya. 

"Upo ka," masayang wika ni Nam.

Mariin akong pumikit nang nandito na sila sa pwesto namin. Pilit namang tinulak ni Nam si Calvin na umupo sa tabi ko, lumipat pa si Steph na katabi ko kanina kaya tatlo silang nasa harapan ko ngayon. Tanging si Calvin lang ang katabi ko kaya lihim ko silang pinandilatan ng mata. Ang mga bruha naman ay nakangisi lang. 

"Pauwi ka na ba sana, Calvin? Sorry, nahila ka, huh! May kailangan lang kasi kaming itanong, e! Matalino ka naman kaya ikaw ang nilapitan ko," panimula ni Nam. 

Pakiramdam ko ay malalagutan ako ng hininga. Kada malapit talaga siya sa akin ay hindi ko maiwasang hindi kabahan. Nakaka-concious kasi! Hindi pa naman ako nag-ayos pagka-dismiss sa amin kanina kaya nakamessy bun lang ako. Hindi rin ako nag-spray ng perfume dahil makapit naman ang Chanel, pero sana ay mabango ako. 

"Pauwi na sana. Ano ba 'yong itatanong niyo?" 

Kinagat ko ang aking ibabang labi dahil kinikilig talaga ako sa boses niya. Normal lang naman siguro 'yon, 'no? 

"Ito kasing kaibigan ko nahihirapan sa programming nila. Since Electronics Engineering student ka naman at medyo related ang course niyong dalawa, puwede bang pakituruan naman siya? By the way, her name is Amara Lorraine Hermosa. BSIT student."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Nam. Ano daw? Did she just commanding Calvin to teach me? Oo nahihirapan ako pero ayokong turuan ako ni Calvin. And I know he will reject it, anyway! Sino ba naman ako para turuan niya, 'di ba? We're not even close.

I heard him chuckled a bit. "Yeah, I know her. Pinakilala siya sa akin ng kaklase niya kahapon. It's you, right?" Nakita ko namang nakangiting tumango si Steph. Mga bruha na 'to, nakangiti silang tatlo habang ako ay maiihi na sa kaba. 

"Help her, please! I will pay for your service, promise! Just, please, help my friend. 1st year pa lang kasi siya kaya nahihirapan pa." Sabat ni Ynna. Wala na, binebenta na ako ng mga kaibigan ko. 

"Uhh... pag-iisipan ko, ha? May tinuturuan din kasi ako ngayon. Pero kung may oras naman ako, puwede ko siyang turuan," sagot niya. Napanguso tuloy ako dahil kilala ko kung sino 'yong tinuturuan niya. 

"Thank you! By the way, puwede bang makuha niya number mo? Para text-text na lang kung kailan ka puwedeng magturo." Masama kong tiningnan si Ynna. Walang hiyang 'to, nakakahiya!

"Hindi naman na kaila—"

"Oo naman," pagputol ni Calvin sa sasabihin ko kaya napabaling ang tingin ko sa kaniya.

Nagtama ang tingin namin ni Ynna. Pinandilatan ko siya ng mata pero nakangisi lang siya sa akin. "Akin na phone mo, Amara Lorraine Hermosa." 

Inirapan ko muna siya bago kinuha sa 'king bulsa ang phone ko. Inabot ko ito sa kaniya nang masama ang tingin pero hindi naman niya pinansin. Inabot niya kay Calvin ang phone ko at lumapad ang ngiti ni Ynna nang ibalik ito sa kaniya. May tinype pa siya na kung ano doon bago niya ibinalik ang phone ko sa 'kin.

"Ayan na-text na kita. I-save mo 'yong number, ha? Amara Lorraine ilagay mo." Masayang sabi ni Ynna. I stared at my phone for a second. Totoo bang nasa phone ko na 'to ang number niya? Kasi kung oo, kakabisaduhin ko agad. 

"Sige, mamaya. May kailangan pa ba kayo?" Tanong ni Calvin. 

"I have one last request. Puwede bang mag-shake hands kayo ni Amara Lorraine?" Sabi ni Steph. Sinamaan ko siya ng tingin pero kumindat lang siya.

Lord, ano ba 'tong mga kaibigan ko, nagiging abnormal na yata.

"Uh... Sige!" 

Sinamaan nila akong tatlo ng tingin na para bang sinasabi nilang gawin ko ang pinapagawa nila. I rolled my eyes and nervously wiped my right hand on my slacks. Humarap ako kaunti kay Calvin pero napaiwas din ako ng tingin nang makitang nakangiti siya. 

Nahihiya kong inabot sa kaniya ang kamay ko at siya na ang nag-shake ng mga kamay namin pagkadikit. Uminit bigla ang pisngi ko dahil for the first time, nahawakan ko ang kamay niya. It wasn't that soft but the hell I care.

"Nice meeting you, Amara Lorraine!" sambit niya at ngumiti. 

Bumilis ang tibok ng puso ko at nahihiyang ngumiti. "Likewise!" 

Siya ang unang bumitaw at humarap sa mga kaibigan ko. Nakatitig lang ako sa kamay kong hinawakan niya. Fuck, parang ayoko nang basain ang kamay ko. 

"Paano, mauuna na ako, ha?" paalam niya sa tatlo. "Itetext na lang kita, Amara, kung kailan ako puwede." 

Wala sa sarili akong tumango. Nagpasalamat ang tatlo kong kaibigan sa kaniya bago siya umalis. Hindi rin nagtagal ay sabay-sabay silang tumili at kinikilig na lumapit sa 'kin. 

"My gosh, Amara, oras mo na 'to. Hindi mo na kailangang pumila," kinikilig na sabi ni Steph. 

"You should thank me. Kung hindi ko siya hinila dito ay hindi mo makukuha ang number niya," si Nam. 

"True! Tapos tuturuan ka pa niya. O, 'di ba? Ang galing ng ginawa ni Nam. The best ka talaga, girl." Masayang nag-palakpakan naman si Ynna at Nam. 

Bumuntong-hininga ako at binuksan ang phone. Sa contact list kaagad ako pumunta para hanapin kung totoo bang na-save talaga ang number niya. Mayro'n akong nakitang unfamiliar sa contact list. 

Baby

"Bakit naman ganito ang pinangalan mo? Baby? Really?" Hindi makapaniwalang tanong ko. 

Inismiran ako ni Ynna. "Tangi, okay na 'yan. Tayo-tayo lang naman ang nakakaalam kung sino 'yang baby na 'yan. 'Di ba, girls?" Tumingin siya sa dalawa at nakangiti silang tumango. 

I sighed and smiled to them. "Alam niyo, bwisit kayo! Pero thank you! Kinabahan ako sa ginawa niyo." 

"Walang mangyayari kung hindi ka kikilos. Kaya kami na ang magpu-push para sa 'yo." Sagot ni Nam. Bumaling ulit ako sa aking phone at pinakatitigan ang numero niya. Nakakatuwa lang dahil nakabisado ko ito kaagad. 

How dare my brain memorized his number that fast but not the formulas in Math?

Isang oras pa kaming tumambay doon bago namin naisipang umuwi. Wala nang masyadong tao sa bus station kaya naman nakasakay ako kaagad. Hindi ko man siya nakasabay ngayon sa bus, winner pa rin ako dahil naka-save na ang number niya sa akin. 

Hindi ko maiwasang hindi ngumiti habang nasa byahe. Nakakabaliw pala si Calvin. 

"Ma, nakauwi na ako," sigaw ko nang makapasok ng bahay. 

"Nandito ako sa kusina," sigaw niya. Pumunta kaagad ako doon dahil nauuhaw na rin ako. 

"Ang tagal mong umuwi. Saan na naman kayo gumala?" tanong niya habang naghihiwa ng apple. 

"Tumambay lang po sa school," sagot ko. Kinuha ko ang pitsel sa ref at sinalinan ang aking baso. "Ma, guess what? Grabe ang nangyari sa akin bago nakauwi," nakangiting sambit ko bago uminom. Umupo ako sa harapan niya at siya naman ay natigil sa ginagawa. 

"Bakit? May nangyari ba sa 'yong masama?" nag-aalalang tanong niya. 

Umiling ako. "Hindi. Good news 'to. Mayro'n na akong phone number ng crush ko," kinikilig na banggit ko. 

Bumuntong-hininga si Mama. "Jusko akala ko naman kung ano. Lumandi ka ba bago umuwi? Ikaw talaga," 

"Hindi ah," depensa ko. "Si Ynna ang kumuha ng number niya. 'Yong mga baliw na 'yon malaki ang naitulong sa akin ngayong araw." Kinagat ko ang aking ibabang labi pero napapangiti pa rin ako kapag naaalala ko. Kahit saglit ko lang siyang nakasama ay binuo niya pa rin ang araw ko.

Nakangiting tumingin sa akin si Mama. "Alam kong gustong-gusto mo 'yon, pero ang pag-aaral 'wag papabayaan, ha? Maawa ka sa Ate mong nagpapaaral sa 'yo," 

I smiled and held her hand. "Alam ko naman po 'yon, Ma! Huwag kang mag-alala, kaya kong pagsabayin ang landi sa pag-aaral. Talent ko 'yon." 

Bahagya siyang tumawa at inabutan ako ng apple. Masaya naming pinagsaluhan iyon dahil good mood ako. 

---

Lumipas ang dalawang araw nang wala pa ring text sa akin si Calvin. Halos minu-minuto kong chine-check phone ko, umaasa na magtetext siya... pero wala. Two days na akong naghihintay.

"Baka busy pa. Sabi naman niya na magtetext siya kapag free siya, 'di ba?" Sabi ni Steph nang mai-kwento ko sa kaniya.

"Ewan ko. Baka naman sinabi niya lang 'yon para hindi na siya kulitin ni Nam at Ynna? Baka palusot lang niya 'yon. Walang oras 'yon magturo sa akin dahil may tinuturuan din siya," sagot ko. 

Bahagya siyang tumawa at hinaplos ang buhok ko. "Napaka-nega mo. Busy lang 'yon, okay? Maghintay tayo ng isang linggo. Kapag wala pa rin, susugurin namin siya." 

Nanlaki ang mata ko. "Baliw, huwag! Hayaan na lang natin. Huwag pilitin ang taong ayaw." 

Though, I'm silently praying na sana ay magtext na siya kahit 'Hi' lang. Sayang naman ang pag-save niya ng number sa phone ko kung hindi naman magno-notif na nagtext siya. 

Umayos ako ng upo nang dumating ang prof namin sa Oral Communication. Palagi kaming tahimik sa subject na 'to dahil bawal magsalita ng Tagalog. Puwedeng magdaldalan pero dapat ay English speaking. Sakit sa ilong kaya nananahimik na lang kami.

Dumaan muna kami sa faculty ni Steph pagka-dismiss sa amin dahil kakausapin niya 'yong prof namin sa P.E. Nasira kasi ang P.E uniform niya at hindi pa makabili dahil wala pang stock sa size niya. 

Tahimik lang akong naghihintay sa labas ng faculty. Hindi naman mainit dahil may mga punong humaharang sa sinag ng araw. Chineck ko ulit ang phone ko. Napanguso ako nang wala pa rin text mula sa kaniya.

Umupo muna ako saglit dahil ang tagal lumabas ni Steph. Napako ang tingin ko sa building nila Calvin dahil kaharap lang ito ng faculty. Tinitigan ko ang room nila at maya-maya lang ay nagulat ako nang makita siyang lumabas ng room. Hinintay ko ang pagbaba niya pero nalungkot lang ako dahil sa nakita. Katabi niya 'yong babae habang nasa likuran ang dalawang lalaki. Nagtatawanan sila at mukhang nag-aasaran. 

I smiled bitterly. See? Paano siya makakapag-text kung busy siya sa mga kaibigan niya? Sinundan ko lang sila ng tingin hanggang sa mawala sila sa paningin ko. Ang sakit naman no'n. 

"Sorry natagalan. Tara na!" Napabaling ang tingin ko kay Steph nang marinig ang boses niya. Tumayo na ako at pinulupot niya ang kaniyang braso sa akin bago naglakad. 

Nagpaalam na ako sa kaniya pagkalabas namin ng gate. Nakakunot pa ang noo niya sa akin dahil malungkot ang mukha ko at tahimik pero mabuti na lang ay hindi siya nagtanong pa. Nagpatuloy ako sa paglalakad sa ilalim ng matirik na araw papuntang bus station. Tuwang-tuwa pa naman akong nilagay ang payong sa bag ko kanina dahil iyon ang gusto niya, pero tinatamad akong gamitin dahil sa nakita ko. 

Napahinto ako sa paglalakad nang makitang nandoon sila sa kiosk 'di kalayuan sa bus station. Silang dalawa na lang ang magkasama at masayang kumakain ng siomai. Lalo lang akong nasaktan. 

Ano kayang pangalan niya? Mabuti pa siya, nakakasama palagi si Calvin at mukhang close na close pa. Ang swerte niya dahil nakukuha niya ang atensyon ng taong gustong-gusto ko. Ang swerte niya dahil tinuturuan siya ng lalaking ilang taon ko nang gusto. At ang swerte niya dahil nakakausap niya si Calvin nang walang ka-effort-effort. 

Nakatayo lang ako 'di kalayuan sa kanila hanggang sa matapos silang kumain. Tsaka lang ako nagpatuloy sa paglalakad nang makasakay na sila ng bus. 

Crush ko lang naman siya pero bakit ganito ang impact sa akin? Normal lang bang masaktan sa crush lang? Siguro oo dahil may nararamdaman ako doon sa tao. 

Kinagabihan, maaga akong naghalf-bath dahil pakiramdam ko ay pagod na pagod ako ngayong araw. 9 PM pa lang ay nakahiga na ako sa kama habang hawak ang phone ko, nag-iingay na naman sa GC namin 'yong tatlo. 

Ynna: Siraulo nga 'yon e. Panay ang punta sa studio para lang magpapansin. 

Steph: In denial pa halata namang kinikilig, para ka ring si Amara e. Sarap niyong pag-untugin. 

Nam: Okay lang yan. Lumandi lang kayo habang bata pa. Collect then select ganon. 

Steph: Berigud ka dyan, Nam. 

Amara: Iingay niyo magsi-tulog na kayo. 

Ynna: Himala online si hopeless romantic. Mukhang may ka-chat to. Pakilala mo naman. 

Amara: Baliw wala. Gege matutulog na ako. Night!! 

Pinatay ko na ang internet para hindi na tumunog ang Messenger ko dahil alam kong aasarin lang nila ako. Halos gabi-gabi silang maingay sa GC na akala mo ay ilang araw na hindi nagkikita. Hindi sila nauubusan ng topic. 

Inilapag ko na sa nightstand table ang phone ko. I was about to sleep when I heard my phone beeped. Inis kong kinuha ito ngunit agad ring napabangon sa gulat nang mabasa kung sino ang nagtext. Napatakip pa ako sa bibig dahil hindi ko ito inaasahan. 

From: Baby

Hi, Raine! Sorry it took me so long to text you. Btw, I can teach you tomorrow after class. Reach me out if you're available, too. Have a nice sleep!

Related chapters

  • Tugging at your Heartstrings   Kabanata 5

    "Ano'ng dapat kong gawin? Kinakabahan ako."Kanina pa ako hindi mapakali. Silang tatlo naman ay busy sa akin. Si Ynna ay nasa likod ko, inaayos ang mahaba kong buhok. Si Nam naman ay siyang nagre-retouch sa mukha ko. At si Steph, wala nakaupo lang sa harapan ko habang kumakain ng cheese cake.Nandito kami sa gazebo malapit sa College of Engineering para hintayin si Calvin. Sinabi ko kasing puwede akong turuan ngayong araw. Of course, I should grab the opportunity. Kaya naman nang mag-reply siyang 30 minutes pa bago sila i-dismiss ay agad akong inayusan ng mga kaibigan ko."Akitin. Lakasan mo loob mo para maakit mo siya," walang kwentang sagot ni Steph."Parang tanga naman," sagot ko at umirap."Makinig ka lang sa ituturo niya sa 'yo mamaya para kapag may tanong siya, masasagot mo kaagad. Plus points 'yon kasi alam niyang nakikinig ka sa tinuturo niya." si Nam."True! Tapos syempre ilibre mo rin. Saan ba kayo mamaya?" Tanong ni Ynna."

  • Tugging at your Heartstrings   Kabanata 6

    "Any updates, Amara? Ano'ng nangyari kahapon? Spill it, come on."Tumingin ako kay Nam na halatang excited sa iku-kuwento ko. Kasama ko sila ngayon dito sa field para tumambay dahil free time naming apat."Masaya. 5 PM na kami natapos," tanging sagot ko."Tapos? Ayusin mo naman mag-kuwento, pabitin ka naman," pagsusungit ni Steph.Bumuntong-hininga ako. Mukhang hindi nila ako titigilan hanggang sa hindi nila nakukuha ang sagot. "Ayun nga, 5 PM na kami natapos. Tapos kumain kami sa McDo. Tapos syempre kaunting usap, gano'n. Almost 7 PM na ako nakauwi sa bahay,""Oh, my god!" Ynna exclaimed. "Niyaya ka niyang kumain sa McDo?""Hindi!" Umiling ako. "Ako ang nagyaya pero siya ang nagbayad. Libre ko dapat 'yon pero hindi niya tinanggap 'yong pera ko.""Shems, akala ko study lang. Humirit pa pala ng date," tumawa silang tatlo sa sinabi ni Steph. Hindi naman date 'yon pero natawa na rin ako."Tapos tinanong ko pala siya kung sino 'yon

  • Tugging at your Heartstrings   Kabanata 7

    Pagkabalik namin sa table ay malisyosang nakatingin sa amin ang pinsan niya. Nakangisi siya kay Calvin pero nang magtama ang paningin namin ay ngumiti siya ng malapad. Pakiramdam ko tuloy ay may iniisip siyang hindi maganda."Mom texted me, Calvin! Baka hindi mo muna ako matuturuan ngayon," sabi ni Bea pagkaupo namin."Ha? Bakit daw?" nagtatakang tanong ni Calvin.Nagkibit-balikat ang babae. "No idea. Next time na lang, ha? Si Amara na lang muna ang turuan mo ngayon. Bye!" Nakangiting kumaway pa ito sa amin bago nagmamadaling umalis.The heck? Natutop ko tuloy ang aking bibig dahil kasama ko na naman siya. And take note, this is unexpected. Akala ko pa naman ay makakapag-aral ako ng tahimik."Hindi ka pa uuwi?" Tanong ko makalipas ang ilang minutong katahimikan.Tumingin siya sa 'kin. "Hindi pa. Tuturuan na lang kita tutal nandito na tayo,"Unti-unti akong tumango at pinigilan ang sariling huwag ngumiti.

  • Tugging at your Heartstrings   Kabanata 8

    Halos dalawang linggo na ang lumipas simula noong naging instant tutor ko si Calvin. Noong nakaraan nga ay three consecutive days niya akong tinuruan kaya labis ang tuwa ko no'n. Sa mga araw na nagdaang kasama ko siya ay lalo lang akong nahulog. Hindi ko alam kung ganoon ba talaga siya, pero grabe siya magturo sa akin. Tinatamad na ako pero siya ay pursigido pa ring matuto ako."You should know how to design a website. Next school year ay baka ituturo na sa inyo 'yan kaya aralin mo 'to." He silently tapped the book that was rested on the table."Next school year pa naman 'yon, e!" Pagdadahilan ko.Tumingin siya sa 'kin kaya napaiwas ako. "Sulitin mo na 'tong mga oras na tinuturuan kita dahil baka hindi na 'to mangyari sa susunod na pasukan," aniya."Bakit naman?" Kunot-noong tanong ko."I'm turning 5th year. Masyado nang busy sa acads, baka wala na akong oras sa pagtuturo sa 'yo. And besides, two months lang ang sinabi ni Ynna na tuturuan kita," he

  • Tugging at your Heartstrings   Kabanata 9

    "Sabi ko sa 'yo gano'n 'yon, e! Nalito ka lang siguro sa formula. Dapat talaga iniintindi mo kung paano siya iso-solve."Napakamot ako sa aking ulo at gusto nang ihagis itong ballpen ko sa white board dahil sa inis. Nandito ako sa room ngayon katabi si Jackson dahil nagpaturo ako sa Math. Kanina pa niya ako tinuturuan pero wala pa rin talaga akong maintindihan, sumasakit lang lalo ulo ko.Isa sa mga dahilan kung bakit ko kinuha itong course na 'to ay dahil akala ko walang Math, scam pala 'yon."Tuturuan kita ulit tapos bibigyan kita ng equation para masagutan mo," aniya. Tinuruan niya ulit ako sa pagkakasunod ng formula. Pilit kong sinisiksik sa utak ko ang tinuturo niya kaya sana ay maalala ko kapag nagsagot na.Ikakagalit ba ni Einstein at Newton kapag nag-imbento ako ng sarili kong formula?"Sumasakit ang ulo ko, Jackson! Ilayo mo sa akin 'yang libro na 'yan," reklamo ko, bahagya naman siyang tumawa."Mage-gets mo rin 'to, Amara! Aralin m

  • Tugging at your Heartstrings   Kabanata 10

    "Hoy, Amara! Nakita ko 'yong kahapon sa bus station, ah!"Kakarating lang ni Steph sa room ay ganito kaagad ang ibinungad niya sa akin bago umupo sa tabi ko. Sinulyapan ko siya saglit habang nakakunot ang noo."Ang alin? Ang aga-aga mo mag-ingay," inaantok na sambit ko. Hindi ako masyadong nakatulog dahil sa kakaaral kagabi."Kitang-kita ng dalawa kong mata, Amara! Akala ko ba si Jackson ang kasabay mong umuwi kahapon? Bakit nakita kong kasama niyo si Calvin? Lalapit nga sana ako kaso biglang umalis si Jackson," paliwanag niya.Humikab ako at idinuko ang ulo sa desk. "Nag-text si Calvin kung nasaan ako, e! E, 'di sinabi kong nasa bus station, kaya ayun. Bakit ba?"Nakakaloko naman siyang ngumisi sa 'kin at inilapit ang mukha sa tainga ko. "Haba ng buhok mo, ah? Tinext ka para lang tanungin kung nasaan ka? Iba na 'yan, girl,""Baliw! Pinapunta ko rin siya kasi naiilang ako kay Jackson, buti na lang sumunod sa 'kin,""Sus! Hindi naman m

  • Tugging at your Heartstrings   Kabanata 11

    "A confession? I'll go for yes. Remember, you only live once. Why don't you just ask him out? Who cares if he'll say no? At least you have the confidence to ask and that's hot, honey!"Lalo lang gumulo ang isip ko dahil sa sinabi ni Ynna. Napanguso ako at nilaro-laro ang aking daliri habang nakasandal sa couch para pakalmahin ang sarili. Nalilito na ako. Hindi ko naman dapat ito nararamdaman."Yes! Tsaka sa panahon ngayon, uso na ang babae ang nanliligaw. Try mo na hangga't single pa siya," pagkumbinsi ni Steph.Napabuntong-hininga ako at inis na ininom ang soju na nasa baso. Hindi naman ganito ang plano ko dati, e! Okay na ako sa sulyap lang. Hindi ko naman kasi akalain na magiging malapit kami sa isa't-isa at doon ako lalong mahuhulog sa kaniya."Ganito kasi 'yan, e! The more you hide your feelings to someone, the more you fall for them. Make some moves. Hindi naman siguro siya manhid para hindi niya maramdamang you like him," sabat ni Nam."True

  • Tugging at your Heartstrings   Kabanata 12

    "Ano'ng ibig mong sabihin?" Kunot-noong tanong ko.He leaned forward a little more. Naduduling tuloy ako sa sobrang lapit niya. Halos lumabas na rin ang puso ko sa aking dibdib dahil sa sobrang kaba."Paano mo nasabing wala kang chance? Sino'ng nagsabi sa 'yo?" He uttered using his deep manly voice.I gulped and looked away. "A-Ano... B-Bakit? Totoo naman, h-hindi ba? Lahat naman ng nagkakagusto sa 'yo ay walang pag-asa,""What if I told you you're an exception?" He grinned."H-Ha?"Umayos na siya ng upo na ikinahinga ko nang maluwag. Narinig ko pa ang mahina niyang pagtawa na lalong ikinabog ng dibdib ko. Mataman naman siyang nakatingin sa akin habang nakangisi kaya hindi ko siya magawang tingnan. Nakakalunod ang mga tingin niya."I feel the same way, Raine!"Just by hearing those words, I knew what he is talking about. Is he confessing to me right now? As in ngayong araw talaga?"You heard me?" He added.Gulat a

Latest chapter

  • Tugging at your Heartstrings   Kabanata 37

    "Miss, are you okay?"Napaangat ako ng tingin nang marinig ang baritonong boses. Madilim na kaya naman hindi ko makita ang mukha niya, puno rin ng luha ang mata ko kaya hindi ko siya maaninag."Go away," pangtataboy ko."Here's a handkerchief. Wiped your tears. It's not safe here," Inabot niya sa akin ang puting panyo pero hindi ko ito kinuha, baka mamaya ay may malanghap ako doon at makatulog ako."I said go away. Hindi kita kailangan kaya umalis ka na," saad ko habang humihikbi. Nainis ako lalo dahil imbis na umalis siya, umupo siya sa tabi ko."Okay, you can cry, but I will just be here. It's not safe for you being alone in this dark area," simpleng sagot nito.Hindi ko na siya pinansin pa. Lumuha akong muli kaya inabot niya ulit sa akin ang panyo. This time ay tinanggap ko na dahil sa dami ng luha ko."You know, it's good to open up to a stranger. You can talk to me while crying your heart out," kalmadong sabi niya. Pinunasan ko a

  • Tugging at your Heartstrings   Kabanata 36

    "Heto, kainin mo 'yan. Nagdala talaga ako niyan para sa 'yo," Steph slid two bananas and one ponkan on the table. I smiled and shyly grabbed it."Hindi naman na kailangan, Steph!" nahihiyang saad ko.Umirap siya. "Wala kang magagawa kung gusto kitang dalhan ng prutas. Aba, magiging ninang ako ng baby mo kaya dapat puro healthy foods ang ipapakain ko sa Mommy,"Ngumiti ako at pabirong umirap. Dalawa lang kaming magkasama na kumakain sa cafeteria dahil lunch time na. Pagkatapos nito ay balik trabaho ulit ako sa thesis namin. Hindi ko ka-grupo si Steph dahil sabi ng prof ko, nakakasira daw ng friendship ang thesis kaya inayawan ako ni Steph. Ayaw niya yatang masira kaming dalawa nang dahil sa thesis."Nagyayaya nga pala si Nam this Saturday night sa condo niya, sleep over daw tayo doon. Sabi ko nga ay sa club na lang pero tinatamad na daw siyang mag-party sa labas," ani Steph habang kumakain."Hindi ko alam kung papayagan ako ni Mama," sagot ko.

  • Tugging at your Heartstrings   Kabanata 35

    Umiling-iling ako at dismayado na rin sa sarili. Inaasahan ko na na sasabihin niya ito, pero ayoko pa ring maniwala. Hindi. Hindi ito nangyayari.Binigyan ako ng reseta ng doktora pero wala sa sarili ko itong tinanggap. Kinuha naman ito ni Mama sa akin para tingnan kung ano ang nakasulat doon."Alagaan mo ang sarili mo lalo na't first baby mo 'yan. Huwag kang magpapaka-stress. You should also eat healthy foods and stop sleeping late. Kailangan mong sundin ang resetang binigay ko para sa 'yo at sa baby mo. It's a God's blessing so you should be proud," nakangiting sambit ng doktora.God's blessing, yes! But this is not the right time to get pregnant. I'm still chasing for my dreams, readying myself to become better for the future. Hindi ko inaasahan na may mabubuong bata dahil nagte-take naman ako ng pills.Hindi ko alam kung sasabihin ko ba ito kay Calvin at sa mga kaibigan ko. Pakiramdam ko ay wala na akong mukhang maihaharap sa kanila kapag nalaman nila

  • Tugging at your Heartstrings   Kabanata 34

    Matapos ang away namin na 'yon ni Calvin, naging payapa na ulit ang relasyon naming dalawa. Though, nag-aaway kami minsan pero naaayos din kaagad kagaya nang palaging nangyayari. He would never let me sleep with a heavy heart.We also spent our birthdays, Christmas and New Year together. Sadyang napakabilis ng araw dahil hindi ko namamalayan na ilang buwan na lang ay 3rd Anniversary na namin. Maraming problema at away na ang dumaan sa amin pero nalampasan namin ito lahat.I am sure about him. Sigurado na ako na siya ang gusto kong makasama habang buhay. Kung hindi si Calvin ang makakatuluyan ko ay pakiramdam ko hindi ko na kayang magmahal pa nang iba. I am so attached and deeply in love with him. Handa na akong ialay ang buong buhay ko sa kaniya at makasama siya habang buhay."Saan mo naman balak gawin itong plano mo?" tanong ni Steph habang nag-iikot kami sa bookstore. I want to buy some decorations for my surprise for him on our Anniversary."Magchechec

  • Tugging at your Heartstrings   Kabanata 33

    "B-Babe," gulat na tawag ko sa kaniya.Madilim ang mga mata niyang nakatingin sa akin. Dumaloy tuloy ang matinding kaba sa sistema ko dahil ngayon ko pa lang siya nakitang ganito."Anong ginagawa niya sa bahay niyo?" seryosong tanong niya."M-Masakit, b-bitawan mo ako," Ngumiwi ako habang pilit na tinatanggal ang mahigpit na hawak niya sa aking braso. Binitawan din naman niya ito kaagad nang hindi inaalis ang masamang tingin sa akin."Answer me, Amara Lorraine! Bakit siya nandito sa inyo?" tanong niyang muli."N-Nagpatulong lang siyang gumawa ng letter para sa babaeng gusto niya," sagot ko."Nagpatulong ba talaga o may ginagawa kayong iba?" he scoffed. "Tang ina, Amara! Text ako nang text, tawag rin ako nang tawag pero ni isa ay wala kang sinagot. Pinuntahan kita dito sa inyo para makita ka tapos ito ang madadatnan ko? Makikita kong may lalaking lumabas mula sa bahay niyo?"Nakagat ko ang aking labi habang ang puso ko ay labis sa pagp

  • Tugging at your Heartstrings   Kabanata 32

    Pagkapasok namin sa bahay ay sumalubong sa amin ang gulat na ekspresyon ni Mama nang makita si Jackson na kasama kong pumasok. Nakatingin lang siya sa amin kaya naman parang ang awkward nang paligid.Ngumiti ako sa kaniya. "Ma, si Jackson po, blockmate ko. Nagpapatulong lang siya sa akin gumawa ng regalo para sa babaeng nagugustuhan niya,"Tumango si Mama habang tipid ang mga ngiti. Bumaling ang tingin niya kay Jackson kaya nginitian niya si Mama."Good afternoon po," magalang nitong bati."Kaklase ka pala ng anak ko. Umupo ka muna, ipaghahanda ko kayo ng makakain," tugon ni Mama.Pumunta na si Mama sa kusina kaya naman iminuwestra ko ang aking kamay sa couch para paupuin si Jackson. Inilibot muna niya ang paningin sa bawat sulok ng bahay bago umupo at ngumiti sa akin."Magbibihis lang ako saglit. Kain muna tayo bago magsimula," paalam ko."Sige lang," nakangiting sagot niya.Umakyat na ako kaagad sa kuwarto at nagbihis. Maong

  • Tugging at your Heartstrings   Kabanata 31

    "Amara, are you okay?" nag-aalalang tanong ni Jackson."Uwi na tayo," tanging sagot ko.Hinawakan ni Jackson ang baba ko kaya nagtama ang tingin naming dalawa. Puno ng pag-aalala ang mga mata niya habang ang sa akin namin ay namumuo na ang mga luha."I'll bring you home. Ayaw mo bang kumain muna bago umuwi?" marahang tanong nito, umiling lang ako dahil hindi ko kayang magsalita. "Okay! Tara na!"Tahimik kaming dalawa habang tinatahak ang daan papuntang parking. Hindi siya umiimik pero nararamdaman kong panay ang tingin niya sa akin. Nang makasakay sa kotse ay agad kong kinuha ang phone ko para i-text si Calvin.To: Babehi babe nasa work ka?Hindi naman sa gusto ko siyang hulihin, pero gusto ko lang malaman kung magsisinungaling ba siya o magsasabi ng totoo."Mag-drive thru na lang tayo, Amara, gusto mo? Akala ko ba gusto mong magpalibre? Uubusin ko sana ang pera ko ngayon para sa ipapalibre mo, e!" bahagya pa siyang tumawa kay

  • Tugging at your Heartstrings   Kabanata 30

    "Malapit na ang prelim, nag-review ka na ba?"Iyon ang tanong na ibinungad sa akin ni Jackson pagkarating ko pa lang ng room. Tumabi siya kaagad sa akin para daldalin na naman ako."Hindi pa lahat. Hihintayin ko muna kung ano ang e-examin sa first day para 'yon muna ang re-reviewhin ko. Baka kapag ni-review ko lahat mag-shuffle na 'yong mga words sa utak ko," seryosong sagot ko.Wala pa akong ganang makipag-usap dahil pakiramdam ko ay lutang pa ako. Halos 11 PM na ako nakatulog kagabi dahil ka-video call ko si Calvin at hindi ko namalayan ang oras.Umayos ng upo si Calvin at nakangiting humarap sa akin. "Anyway, I have something to tell you," excited na saad niya."Ano 'yon?""Samahan mo ako mamayang uwian sa bookstore. May gusto lang akong bilhin na decorations para sa kaniya,"Ngumisi ako. "'Yong babaeng 'yon na naman? Anong klaseng decoration ba?""Colored papers gano'n tapos pen na pang-lettering. Gusto ko rin sanang tulung

  • Tugging at your Heartstrings   Kabanata 29

    Warning: R-18 Read at your own risk."Alam ko 'yang iniisip mo," seryosong sabi ko.Mahina siyang tumawa. "I want you," bulong niya."Nanonood pa tayo, Calvin! Tsaka nandito tayo sa bahay niyo, baka may biglang kumatok," sagot ko."No," Ipinasok niya ang kanyang kamay sa loob ng suot kong dress at minasahe ang ibabang parte ng katawan ko. Napakagat tuloy ako ng aking labi dahil sa sensasyong nararamdaman."C-Calvin... baka may makakita sa atin," nahihirapang sambit ko, lalo pa niyang pinaglaruan ang sensitibong parte niyon kaya napaawang ang bibig ko."I locked the door. And trust me, walang makakakita sa atin,"Kumubabaw siya sa akin habang pilyong nakangisi. Napalunok tuloy ako dahil alam ko kung anong titig iyon."Tapusin muna natin ang movie," saad ko.Inayos niya ang pagkakahiga ko bago ako sinunggaban ng halik. Dikit na dikit ang katawan namin kaya naman nararamdaman ko ang kanya na tumatama sa akin.

DMCA.com Protection Status