"I TOLD YOU, stay away from him. Umpisa pa lang, 'di ba, sinabihan na kita? Bakit hindi ka ba nakikinig sa 'kin? Pinapahamak mo lang siya, lalong-lalo na ang sarili mo! For pete's sake, Venixe! Pwede bang, makinig ka naman sa 'kin?" panenermon ni Cloud kay Venixe habang nagmamaneho. Nakatingin lang siya sa labas ng bintana habang pinapakinggan ito. Bukod sa inaantok siya, ayaw niyang marinig ang sermon nito. Alam na alam naman niya ang bagay na iyon. "Are you listening?" Bahagya niyang tinapunan nang sulyap ang binata saka muling binaling ang tingin sa labas ng bintana. Malakas pa rin ang ulan, pero kailangan na nilang bumiyahe. Iniwan niyang tulog na tulog pa si Xander dahil naka-ilang ulit na may namagitan sa kanilang dalawa. Tinawagan niya si Cloud kagabi pa, para sunduin siya nito sa hotel na tinuluyan nila ni Xander. Mabuti na lang at pumayag ito na sunduin siya kahit may gagawin pa ito. "I'm listening... Inaantok lang ako." "I'm
Read more