Home / Romance / Beautiful Liar / Chapter Thirteen

Share

Chapter Thirteen

Author: Pam Quen
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

"I TOLD YOU, stay away from him. Umpisa pa lang, 'di ba, sinabihan na kita? Bakit hindi ka ba nakikinig sa 'kin? Pinapahamak mo lang siya, lalong-lalo na ang sarili mo! For pete's sake, Venixe! Pwede bang, makinig ka naman sa 'kin?" panenermon ni Cloud kay Venixe habang nagmamaneho.

Nakatingin lang siya sa labas ng bintana habang pinapakinggan ito. Bukod sa inaantok siya, ayaw niyang marinig ang sermon nito. Alam na alam naman niya ang bagay na iyon.

"Are you listening?"

Bahagya niyang tinapunan nang sulyap ang binata saka muling binaling ang tingin sa labas ng bintana. Malakas pa rin ang ulan, pero kailangan na nilang bumiyahe.

Iniwan niyang tulog na tulog pa si Xander dahil naka-ilang ulit na may namagitan sa kanilang dalawa. Tinawagan niya si Cloud kagabi pa, para sunduin siya nito sa hotel na tinuluyan nila ni Xander. Mabuti na lang at pumayag ito na sunduin siya kahit may gagawin pa ito.

"I'm listening... Inaantok lang ako."

"I'm serious, Ven. Maging maingat ka."

Hinarap niya ang binata. "Cloud, alam na alam ko ang bagay na iyan. Siya nga pala, kailan ang balik ni Balsier ng bansa? May nalaman ka na ba?"

"Two months from now." Nagkatinginan silang dalawa. "Mas maghanda pa tayo. May dalawang buwan pa tayo para makapaghanda nang mabuti."

Tumango si Venixe. Nabuhay na naman ang kaniyang nararamdamang galit pagkatapos marinig ang balita na iyon ni Cloud. "Ano nga pala ang ginagawa mo ngayon sa Maynila?"

"N-othing."

Lingid sa kaalaman ni Cloud, ay nalaman na ni Venixe kung ano ang ginagawa nito sa Maynila. Hindi na siya nag-usisa pa dahil ayaw nito ipaalam sa kaniya ang ginagawa nito.

NAKANGITING kinapa ni Xander ang katabi ngunit bigo siyang napamulat ng mata ng wala na si Venixe sa kaniyang tabi pagkagising. Agad siyang bumangon. Naisip niyang nasa loob marahil ng banyo ang dalaga.

"Babe?" namamaos na tawag niya sa dalaga. Hindi na siya nag-abalang magbihis muna. Dumiretso na siya sa banyo habang nakangiti, expecting Venixe was there inside the bathroom. But to his dismay, wala si Venixe.

'Where is she?' tanong niya sa sarili. Malakas pa ang ulan at alas siete pa lang ng umaga. Nagbihis na agad siya.

Damn it! Umalis na ang dalaga at iniwan siya nito sa hotel. Agad siyang nagbihis at tinawagan ang secretary. Wala na rin ang mga gamit nito. Kung gano'n, talagang umalis na ang dalaga at iniwan siya nito. She's really different from all the women that he dated. Ang mga babae niya noon ay sila pa ang nagrerequest sa kaniya na magstay, tapos itong si Venixe ay basta na lamang siya iniwan pagkatapos nitong ibigay ang pinakaiingatan niya. Mas lalong hindi niya pakakawalan ngayon ang dalaga.

"Thinz, nagawa mo na ba ang inuutos ko sa 'yo?" tinawagan niya ulit ang kaniyang secretary.

"Yes, sir. Nakapagset na po ako ng meeting sa Manager," sagot ni Thinz sa kabilang linya na kinakabahan sa kaniyang boss dahil sa maagang pagtawag at pag-utos nito sa kaniya.

"No. I don't like to talk to the manager. I want to talk to the owner. Do it immediately. Make sure na siya ang makakameeting ko or else, maghanap ka na ng ibang trabaho! Do you understand?" mariin nitong utos sa secretary.

"S-ir naman."

"Just do it, okay?"

"Yes sir," sagot ni Thinz kahit nagdadalawang isip siya kung mapapayag nito ang mismong may-ari ang kakausapin niya. Ang sabi pa naman ng manager na nakausap niya ay nasa bakasyon ang boss nito. Pero wala siyang choice kun'di ang sumunod, dahil mawawalan siya ng trabaho.

"AKALA KO ay matatagalan ka pa sa bakasyon mo, Venixe?" bungad na tanong ni Dorris kay Venixe pagkababa na pagkababa nito sa sasakyan ni Cloud.

Nakakunot ang noo ng matanda habang nakatingin kay Cloud na bumaba na rin ng kaniyang sasakyan. Isang makahulugang ngiti ang ginawad ng matanda sa kanilang dalawa ni Venixe at Cloud. Ito ang unang beses na nagdala ng lalaki si Venixe sa kaniyang bahay bukod kay Miguel.

"Dorris, si Cloud kaibigan ko," walang ganang pakilala nito sa binata. Hindi niya maintindihan ang sarili, pero naiinis siya nang umalis siya ng 'di nakapagpaalam sa binata. May kung anong nararamdaman siya na ayaw niyang aminin sa sarili. She misses him.

"Aakyat na ako, Dorris. Ikaw na ang bahala kay Cloud. Paghanda mo na lang siya ng almusal. Mamaya na ako kakain."

"Ven," seryosong boses ni Cloud. Alam kasi ni Cloud na naiinis ang dalaga.

"I'm tired and sleepy, Cloud. I can't join you on breakfast. Just suit yourself," paalam na niya saka tumalikod at pumasok sa loob ng bahay.

Mabilis naman siya nahabol ni Cloud at nahawakan sa braso. "Let's talk some other time, Cloud. I want to rest. You can stay here for a while. Alam kong pagod ka na rin sa biyahe. Thank you."

Hinayaan na lamang siya ni Cloud at sinundan ng tingin ang dalaga.

"Sir Cloud, halika na po kayo sa dining. Kumain na kayo ng almusal. Ihahanda ko lang ang kwarto na gagamitin niyo," yakag ni Dorris sa kaniya.

"Hindi na Dorris. I'll go ahead. May pupuntahan pa ako, thanks."

Marahan na tumango na lang si Dorris bago tumalikod si Cloud at lumabas ng bahay ni Venixe.

"MA'AM IKAW po talaga ang gustong kausapin ni Mr. Montereal," imporma ng secretary ni Venixe sa kaniya.

Kakahiga pa lang niya sa kama nang tumawag sa kaniya ang kaniyang manager sa coffee shop niya.

"Tell him, I'm busy. O kaya sabihin mo na nasa bakasyon pa ako. Hindi pa ako umuuwi," naiinis niyang saad. Napahilot siya ng sintido.

"Nasabi ko na po 'yan, Ma'am kaso ayaw po talaga pumayag ni Mr. Montereal."

Napabangon siya habang patuloy na minamasahe ang sintido. "Fine. Kailan ba ang meeting na 'yan?" Wala naman siyang magagawa dahil kailangan niyang makipag-usap sa may-ari ng building. Bigla-bigla na lang ay gustong ipasara ang coffee shop niya dahil may gusto ng bumili property na iyon. Maganda ang nakuha niyang lugar dahil talagang daanan at centro ng mga gusali sa Makati.  Papakiusapan niya ang may-ari ng building. Ayaw naman kasi sa kaniya ibenta ang lugar na 'yon.

"Tomorrow, Ma'am. I'll send the details Ma'am Venixe."

"Okay. Thank you, Mary." Hinagis niya pagkatapos ang cellphone sa kama. Naiinis siya nang hindi niya talaga maintindihan ang sarili.

Muli siyang humiga sa kama at nakatingin sa kisame. "Bakit ganito ang nararamdaman ko? Dapat ay matuwa ako dahil hindi ko na makikita ulit si Xander," kausap niya sa sarili. Napapikit na lamang siya at niyakap ang malaking unan.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Wilma Reyes
unlock po ganda ng story
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Beautiful Liar   Chapter Fourteen

    ISANG TAWAG ng Elder ng Balzi ang nagpabangon kay Venixe. Napaupo siya sa kama at agad na sinagot ang tawag. Kinakabahan siya dahil hindi naman ito tatawag kung hindi importante."Haya, bakit ka napatawag?""Lady V, maghanda ka na. Babalik na si Balsier ng bansa sa susunod na buwan. Nais ka niyang makilala at makita ng personal," imporam sa ka kaniya ng isa sa mga Elder na mabait sa kaniya.Lady V ang ginagamit niyang pangalan sa organisasyon. Malakas ang tibok ng puso niya sa mga oras na iyon sa binalita sa kaniya ni Haya. Malapit na niyang makamtam ang hustisya. Malapit na niyang maisagawa ang kaniyang matagal na plano.Akala niya ay dalawang buwan pa ang hihintayin niya tulad ng sinabi ni Cloud sa kaniya. Natuwa siya sa nalaman ngayon ngunit nakaramdam din siya nang lungkot. Ibig sabihin, kapag bumalik na si Balsier, ito na rin ang katapusan niya. Buhay ni Balsier, kapalit ng buhay niya. Wala siyang pagpipilian. Pinasok niya 'to at ginusto. Umpisa pa l

  • Beautiful Liar   Chapter Fifteen

    NANINGKIT ang mga mata ni Venixe pagkakita sa taong iniiwasan niya. Si Xander. Ano ang ginagawa niya sa unit ni Mr. Montereal?Oh, no! Alexander Montereal ay si Mr. Montereal! Hindi makapaniwalang napagtanto ni Venixe na iisa lang ang taong tinakasan niya at ang taong papakiusapan niya. Bakit nga ba hindi niya naisip iyon? Natampal niya ang sarili sa katangahan niya."You?!" turo niya sa binata.Agad siyang tumayo at taas noo siyang naglakad patungo sa pintuan. Nakasuod siya ng strapless classy jumpsuit na kulay black at nakaheels. She appears to be sophisticated and classy. Nakalugay lang ang kaniyang buhok dahil hindi na siya nakapag-ayos kanina.MAS LALONG namangha si Xander sa ayos ni Venixe. Sinalubong niya ito ng isang mapusok na halik. Nabigla pa ito sa ginawa niya kaya nagpupumiglas pa ito sa kaniya. Niyakap niya ang dalaga habang masibasib niya itong hinahalikan para hindi makawala sa kaniya."Mmmmp!"Hindi niya pinansin ang pagpupu

  • Beautiful Liar   Chapter Sixteen

    SUMASAKIT lang ang ulo lalo ni Venixe pagkatapos na may nangyari sa kanila ngayon ni Xander. Pinahiram siya nito ng t-shirt niya at iyon lang ang suot-suot niya.Pinagmamasdan niya ang binata na abala sa pagluluto. Nakaupo siya sa couch. May kasiyahan na sumisilay sa kaniyang labi habang nakatingin siya sa binata na tanging brief lang nito na kulay puti ang suot at naka-apron habang nagluluto ng kanilang dinner.Yes, dinner dahil inabot na siya ng gabi sa unit ng binata. Nasa ibaba lang ang kaniyang coffee shop at kanina pa siya tinatawagan ni Mary para kumustahin ang kanilang pag-uusap ni Xander. Hindi naman nila alam na kilala niya ang Montereal na may-ari nitong buong building. Hindi lang basta kilala, kun'di kanina pa niya katalik ang binata.Condo itong building na hindi naman gano'n kataas tapos ang ibaba ay mga establishment na, at isa na doon ay ang coffee shop niya.She's just wondering kung paano nalaman ni Xander na nandito ang kanyang bu

  • Beautiful Liar   Chapter Seventeen

    NAIINIS na nakatitig si Venixe sa harap ng kaniyang laptop sa loob ng opisina niya sa coffee shop. Paulit-ulit niyang naririnig sa kaniyang isipan ang sinabi sa kaniya ni Xander bago sila naghiwalay noong nakaraang araw.'Be my girlfriend and this place will be yours.'Nasisiraan na ba talaga siya ng ulo? Bakit naman niya susundin ang sinabi ng binata sa kaniya. She loves the coffee shop but she can't be Xander's girlfriend. She heaved a deep sigh. Sinara niya ang laptop at pinaglaruan ang hawak na ballpen sa kamay.Mas naging kumplikado ang sitwasyon niya, nila ng binata. Why can't she resist him? Ano ba ang mayro'n sa binata at hirap na hirap siyang layuan ito? Everytime he tried to come near her, wala na siyang nagagawa kun'di ang magpaubaya rito.Isang katok ang nagpabalik sa kaniya mula sa malalim na pag-iisip. Nakabukas naman ang pintuan ng office niya. Si Mary."Ma'am, nariyan po si Mr. Montereal sa labas, hinahanap kayo.""Ano?!" Nag

  • Beautiful Liar   Chapter Eighteen

    VENIXEWala na sa tabi ko si Xander pagkagising ko. Bumangon ako at kinuha ang t-shirt niyang nalaglag sa kama at sinuot. Mabango pa rin ito kahit na nasuot na niya ito kahapon. Naghalo ang pabango ni Xander at ang natural scent nito. Napangiti lang ako habang inaamoy ko ang t-shirt niya.Hindi ko makita ang suot kong undies kagabi na basta na lang niyang tinapon kung saan. Hindi na ako nag-abala na hanapin iyon. Kumakalam na ang sikmura ko kaya naisipan ko ng lumabas ng silid niya. Bago pa ako makalabas ay tumunog ang phone ko. Nilapitan ko ang phone ko na nasa loob ng bag ko, na nakapatong sa upuan na naroon.Si Cloud ang tumatawag. Tinitigan ko muna nang matagal ang phone hanggang sa namatay na ang pagring nito, pagkatapos ay nagring ulit. I heaved a deep sigh before I turned it off. I don't know, pero ayoko makarinig muna ng tungkol sa Balzi o tungkol kay Balsier. Gusto ko muna ilayo ang sarili ko sa bagay na iyon kahit ngayong araw lang. Gusto ko lang magin

  • Beautiful Liar   Chapter Nineteen

    VENIXEDINALA AKO ni Miguel sa loob ng kaniyang opisina, sa kaniyang restaurant. Basang-basa ako dahil sa ulan. Iyong jacket niya ang pinahiram sa 'kin para hindi ako lamigin.Nagpabili rin siya sa staff niya ng damit na pamalit ko sa isang mamahaling botique, katapat ng kaniyang restaurant."What happened?" tanong niya sa 'kin habang binabaan ang lamig ng temperatura ng aircon.I just cried. Hindi ko magawang sabihin sa kaniya ang totoo. I heard him sighed."Is it about Alexander?" tanong niya sa 'kin ng hindi ako nagsalita.Nakaupo siya sa katapat swivel chair na hinila niya sa harap ng couch na inuupuan ko. Yakap-yakap ko ang jacket niyang nakasuot sa akin habang umiiyak na nakatingin sa kaniya. I couldn't lie. I couldn't tell him either. I just want to release these heavy burdens inside of me.Banayad niyang hinaplos ang pisngi ko. Napayuko ang sa ginawa niya at mariing napapikit. Bakit ang sakit? Bakit ang sakit-sakit nang

  • Beautiful Liar   Chapter Twenty

    VENIXE"ARE YOU not going inside?" pukaw ni Cloud sa malalim kung pag-iisip.Kaarawan ng isa sa mga Elder namin ngayon na si Alpha. Isa siya sa mga mayayamang negosyante ng bansa. Lahat ng mga negosyante ng bansa ay halos inimbitahan nito."I'm sorry. Halika na," hinging paumanhin ko at nginitian siya nang tipid."Masama ba ang pakiramdam mo?"tanong sa 'kin ni Cloud kaya napatigil ako sa pagbukas ng sasakyan at nilingon siya.Masama nga talaga ang pakiramdam ko. Kahapon pa ako nakakaramdam nang pagkahilo. Tinatamad din ako kumilos. Hindi ako pumasok kahapon sa coffee shop dahil wala akong gana na kumilos. It's been more than a week since I saw Xander. Naiiisip ko, baka dahil namimiss ko lang siya kaya ganito ang nararamdaman ko. I tried to call him but it's better this way. Mawawala rin naman itong nararamdaman ko.Kung hindi nga lang sinabi ni Haya na pumunta ako ngayon, hindi talaga ako pupunta."I'm fine. Pagod lang ako. Mada

  • Beautiful Liar   Chapter Twenty One

    VENIXENAGDIDILIM ang paningin ko pagkagising. Maaga akong hinatid kagabi ni Cloud. Hindi rin naman ako uminom kagabi pero pakiramdam ko ay bumabaligtad ang sikmura ko.May meeting kami ngayon ng mga elders. Kahit na mabigat ang pakiramdam ko ay pinilit kong bumangon at maligo.Tinawagan na ako ni Cloud na susunduin niya ako. Tamad na tamad ang pakiramdam ko at gusto ko pang matulog. Alas onse na ng umaga ako nagising pero tila hindi pa rin sapat ang tulog ko. Nagsuot lang ako ng jeans at fitted na blouse.Pagbaba ko ay naabutan ko si Dorris na naglilinis sa sala."Ven, ayos ka lang ba? Para kang may sakit. Namumutla ka." Lumapit din ito sa 'kin at sinalat ang noo at leeg ko. "Hindi ka naman mainit.""Pagod lang ako Dorris. Alam mo naman, naging busy ako nitong mga nakaraan na araw.""Si Cloud kanina pa nasa labas. Sinabi ko nga na kumain muna, kaso doon na lang daw siya kotse niya maghihintay. Yayain mo nga at nang makakain muna kayo

Latest chapter

  • Beautiful Liar   Finale

    TWO YEARS LATERDAHAN-DAHAN na naglakad si Venixe habang papasok sa resort ni Angel. Huminga siya nang malalim at niyakap ang sarili dahil sa lamig ng simoy ng hangin. Malamig ang klima ng December lalo na at malapit sa dagat.Lumapad ang kaniyang pagkakangiti nang makita ang taong hinahanap.Si Xander.Hinayaan niya lamang ang sarili na pagmasdan muna ang lalaking minahal niya at mamahalin habang buhay. Dito niya pinuntahan dahil ang sabi ni Angel ay madalas ito nagpupunta sa kaniyang resort dahil umaasa ito na naroon siya. Umaasa raw ito na dito sila magkikita na dalawa dahil dito raw siya unang nakita ni Xander noon.Namasa ang kaniyang mata sa isipin na iyon na hinihintay siya ni Xander. Kinausap niya si Angel at Lucas upang hindi malaman ni Xander kung nasaan siya.Sa loob ng dalawang taon ay nagpunta siya ng Italy. Nag-aral siya doon

  • Beautiful Liar   Chapter Thirty Eight

    "Gusto kong makapagsimula ng bagong buhay, Xander. But I'm sorry... gusto ko iyon gawin na ako lang. Gusto kong hanapin ang sarili ko. Hindi ko alam kung makakabalik pa ako. Kung tayo talaga ang nakatadhana, magkikita at magkikita pa rin ang landas natin, Xander." Hinalikan ni Venixe sa labi si Xander pagkatapos nitong magpaalam sa binata.Umiling si Xander."If you need space, I'll give it to you. Just don't leave me, Ven. I need you. I love you... I love you... Huwag naman ganito, Ven..." lumuhod na yumakap si Xander kay Venixe habang umiiyak ito.Hindi niya kayang tanggapin ang desiyon nitong umalis at magsimula ng panibagong buhay na hindi siya kasama. "I can wait... Just tell me kung hanggang kailan. Kaya kita hintayin basta huwag mo ako iiwan nang hindi ko alam kung babalikan mo ba talaga ako. Please, Ven. I'm begging you."Pinilit ni Venixe na tanggalin ang braso ni Xander na nakapalibot sa maliit niyang baywang. "X-ander, please. Pakawalan mo na a

  • Beautiful Liar   Chapter Thirty Seven

    "Take care of her." Bilin ni Cloud kay Xander habang nakatitig kay Venixe na nakahiga sa hospital bed.Matindi ang naging tama ng bala sa katawan ni Venixe kaya hindi agad ito nagising. Hindi na rin nailigtas ang kanilang baby ni Venixe. Sina Alpha at Balmond ay lumaban pa sa mga tauhan nina Xander kaya namatay na rin sila. Si Sari ay tumakas ngunit nahuli na rin at kasalukuyan na nakakulong.Pinag-usapan na nina Cloud at Xander na ilalayo na ni Xander si Venixe upang makapagbagong buhay sila, malayo sa magulong buhay. Ang dasal nila ay gumising na si Venixe, lalo na si Cloud upang makapagpaliwanag pa kay Venixe at makapagpaalam din bago ang kaniyang flight. Aalis na ng bansa si Cloud at doon maninirahan sa America."I will."Pagkaalis ni Cloud ay nilapitan ni Xander si Venixe at hinawakan ang kamay. Kinakausap niya ang dalaga kahit hindi siya nito naririnig.Kinabukasan ay tinawagan siya ng Nurse ni Venixe at pinaalam na nagising na si

  • Beautiful Liar   Chapter Thirty Six

    GALIT NA GALIT si Balsier habang palakad-lakad sa kaniyang opisina. Kanina pa siya tinitingnan nina Alpha at Balmond. Kunot na kunot ang kaniyang noo at hindi mapakali. Tahimik lang na nakamasid ang dalawa sa kaniya."Magbabayad 'yang Karson na 'yan at ang anak niya!" galit nitong saad sa dalawa. Tumigil siya sa ginagawang pabalik-balik na lakad at umupo sa swivel chair.Namatay si Haya sa ginawang paglusob sa kanila ni Karson sa lumang gusali."Idagdag mo pa si Cloud," mariing wika ni Alpha saka sumimsim sa alak na hawak.Matalim na tinitigan ni Balsier si Alpha at napatiim bagang. Habang iniisip niya ang ginawang pagtatraydor sa kanila ni Cloud."Hanapin niyo si Venixe.Uunahan natin si Cloud. Hindi siya p'wedeng makuha nina Cloud at Karson! Siya ang gagamitin ko laban kina Cyb at Cloud," mariin nitong wika at nanlilisik ang kaniyang mga mata sa galit."Ako na ang bahala sa bagay na 'yan," wika ni Alpha."Alam kaya ni Venixe ang toto

  • Beautiful Liar   Chapter Thirty Five

    VENIXESINADSAD ko ang upuan kung saan ako nakatali at lumapit sa may edge ng cabinet at doon kinaskas ko ang tali sa kamay ko.'Shit!'Matatagalan ako sa pagkaskas dito dahil hindi ito matalim. Inikot kong muli ang paningin sa kabuuan ng silid baka may mahanap pa ako na pwede kong gamitin para makalas ang tali.May salamin ang isang cabinet na malapit sa bintana. Kung sisipain ko iyon para mabasag, maglilikha naman iyon nang ingay at maririnig ako sa labas. Pero isa iyon sa naisip kong pwedeng pangtanggal ko sa tali. Ang maliit na salamin sa ilalim ng cabinet ang napansin ko. Hindi iyon kalakihan kaya kapag sinipa ko para mabasag, hindi iyon masyadong maglilikha nang malakas na ingay.Iyon nga lang, mahihirapan ako na makuha ang basag na salamin kapag nasa sahig na dahil nakatali ang paa ko sa upuan. Hindi ako makakakilos nang maayos para maabot an

  • Beautiful Liar   Chapter Thirty Four

    VENIXEMABILIS ANG bawat kilos namin upang makatakas sa mga kalaban. Nasa basement kami at hindi kami basta-basta makakalabas dahil madami ang kalaban namin na nakaabang.'Kaninong tauhan kaya sila? Paano nga ba nila nalaman na nandito kami? Paano nila nalaman na nandito si Balsier? Mayro'n kayang traydor sa loob ng Balzi?'Hawak-hawak pa rin ako nang mahigpit ni Cloud sa kamay. Punong-puno nang takot ang dibdib ko hindi para sa sarili ko, kun'di para sa anak ko. Kung ako lang, kaya kong lumabas at makipagpatayan sa kanila. Wala akong pakialam kung mamatay ako pero hindi na ngayon.Huminga ako nang malalim at piping nagdarasal para sa kaligtasan namin ng anak ko at ni Cloud.Napayuko kami dahil biglang may nagpaputok. Nakita na nila kami. Nagtago kami sa gilid ng sasakyan. Patuloy lang namin naririnig ang maingay na sagutan ng putok ng baril.Pinayuko ako lalo ni Cloud para maprotektahan. Nagkatinginan kaming dalawa. Nakakaunawang tina

  • Beautiful Liar   Chapter Thirty Three

    VENIXEGULAT NA GULAT ako sa taong kaharap ko ngayon. Pinatawag ako ni Haya dahil may importante raw siyang sasabihin. Sinabihan niya akong huwag ipaalam kay Cloud na pinapunta niya ako rito kaya hindi ko kasama si Cloud. Pinasundo niya rin ako sa mga tauhan niya kanina.Doon pa lang ay kinutuban na ako kanina nang hindi maganda. At ito nga ang bumungad sa akin. Si Balsier!Finally... nagkita na rin kami pagkatapos ng labing limang taon. Ito ang araw na pinakahihintay ko."Balsier..." mahinang sambit ko sa pangalan ng taong kaharap ko ngayon. Naikuyom ko ang palad ko sa galit na nararamdaman ko sa mga oras na ito habang kaharap ko siya.Gusto kong ikasa ang baril na dala ko at itutok sa kaniya. Gusto kong tadtarin ng bala ang katawan niya. Mariin akong napapikit at kinalma ang sarili.Malaki siyang lalaki at kasing edad siguro ito ng daddy ko. Prente siyang nakaupo sa swivel chair at nakatingin sa akin. Gusto ko siyang sugurin ng suntok at t

  • Beautiful Liar   Chapter Thirty Two

    VENIXE"BAKIT BIGLAAN yata ang pagpapakasal niyo, Ven?" tanong sa akin ni Angel habang pumipili ako ng damit na susuotin sa kasal namin ni Cloud.Tatlong araw lang ang nakalipas simula noong nakita ko si Xander at Sari sa unit niya. Si Cloud na ang nag-aayos ng iba pang kailangan sa kasal namin. Civil wedding lang 'yon at sa bahay lang namin gagawin."Habang maliit pa ang tiyan ko," sagot ko sa tanong niya habang abala pa rin ako sa pagpili ng dress. Pinipilit kong maging malakas at matapang para sa anak ko. Lahat ng plano ko ay hindi natupad.Una, ang pagpatay kay Balsier. Pangalawa, itong plano namin ni Xander na magsasama. Pangatlo, ang pagsurpresa ko sana kay Xander tungkol sa anak namin. Handa akong lumaban para sa relasyon namin, para sa kaniya. Pero wala pala akong dapat ipaglaban dahil umpisa pa lang ay wala palang totoo sa pinakita niya at sinabi. Isa siyang manloloko. And I hate

  • Beautiful Liar   Chapter Thirty One

    VENIXEISANG PUTING silid ang bumungad sa paningin ko pagkagising ko. Pinilit kong bumangon pero may dextrose na na nakakabit sa kamay ko. Si Dorris ay natutulog sa couch na nasa loob ng silid. Medyo mabigat pa ang ulo ko at makirot ang likuran ko. Pati ang katawan ko ay masakit. Nanghihina ang pakiramdam ko.Bumukas ang pinto at pumasok si Angel at Miguel, kasunod si Cloud na nanatili lang sa may pintuan pagkasara ng pinto. May benda ang kamay niya at puro pasa ang kaniyang mukha. Visible na visible ang ebidensiya ng pakikipaglaban namin sa dalawang lalaki na nagtangka sa buhay ko."Kumusta ka Ven? Mabuti naman at gising ka na." Umupo sa edge ng kama si Angel."Ayos lang. Ang baby ko, Cloud?" agad kong tanong nang maalala ang baby ko."Sshh... calm down. Maayos ang lagay ng baby mo," sagot ni Angel. Alam na niya na buntis ako.Napayuko ako dahil inilihim ko ito sa kanila. Nagising na rin si Dorris at lumapit sa akin. Hinawakan ni Angel ang

DMCA.com Protection Status