Chapter 56 Sumunod siya kay Glaiza pababa sa first floor ng villa. Diretso ang lakad nito habang nasa likod siya, hindi man lang nililingon ang ilang babaeng bisita na tinatawag ang pansin nito. “Look at the man on your left, SK,” wika ni Glazia nang makaupo sila sa isa sa mga nagkalat na benches sa hardin. Ang lalaking puti na rin ang buhok—may edad na, ang tinutukoy nito. “The current president of the country. Kilala mo naman siguro siya, hindi ba.” “Opo, Mommy.” Maganda ang pamamalakad sa bansa ng kasulukuyang presidente. Gumawa ito ng maraming trabaho, bumaba ang krimen sa bansa at tumaas ang ekonomiya kaya kahit may mga mamamayan na inuusig ito sa ilang pagkakamali, marami pa rin ang sumusuporta rito. “Roger wants her support for the election. Hindi pa siya naglalabas kung sino ang i-endorso niya kaya ang mag supporter niya ay wala pa ring kandidatong napipisil.” “Hindi po ba sila magk
Magbasa pa