Chapter 58 (Part 1) “Zach, issue a cheque to these accounts immediately,” utos ni Alejandro sa sekretaryong kadarating pa lamang mula sa meeting na ibinigay niya rito. “Tumawag pala si Madam Ellaine. Nagtatanong tungkol kay Ms. Sunshine Kisses. Hindi mo raw sinasagot ang tawag niya.” “I’ll call her. Unahin mong lagyan ng pera ang bank account ni Pink.” Tipid lang na tumango si Zacheus sa kanya bago ito bumalik sa harap ng desktop nito para sundin ang utos niya. Wala kahit sino sa kanila nina Nexus na nagkaroon ng problema kay Zacheus kaya pati ang ilang bank account niya ay may access ito. He is trusted and his loyalty is for the Almeradezes since the beginning. Hindi niya alam ang buong istorya sa pagkatao nito pero ang alam niya lang ay ang ama niya ang nagsuporta ng pinansiyal sa magkapatid na Mojeco hanggang kaya na ng mga ito na tumayo sa sariling mga paa. Binalikan niya sa kanyang opisina ang ipinakilala sa
Chapter 58 (Part 2) Nilingon niya si Alejandro matapos mapanood sa telibisyon ang balitang binuksan muli ang kaso sa over-pricing na mga gusaling ipinatayo nito noong mayor pa lamang ang senador. Putok na putok sa media dahil malaking eskandalo iyon para sa kandidatong tumatakbo bilang pangulo ng bansa.Nakikipagharutan ang asawa niya kay Tori habang pinapakain nito ng solid food ang anak na nakaupo sa baby chair. Tumaas ang makapal at itim nitong kilay nang saglit siyang balingan ng sulyap. “Why?” Itinuro niya ang telibisyon. “May kinalaman ka ba riyan?” “I funded Torillo’s son.” Napanguso siya sa tipid nitong sagot kaya pinatay niya na ang telibisyon para lapitan ang mag-ama niya. “Tawag pa rin ng tawag si Mommy. Hindi ko na lang sinasagot.” “Good. Pagkatapos ng ginawa niya, hindi ako papayag na makalapit pa siya sa ‘yo.” Napangiti siya bago naglalambing na niyakap ang baywang ni Alejandr
Chapter 59 Dahil sa gulo sa siyudad, pinili ni Alejandro na sa Hacienda Constancia muna sila ni Vitoria manatili hanggang sa humupa na ang isyu at maging maayos ang lahat. Wala ng lagnat si Tori at himbing na himbing na ang tulog nito sa hospital bed. Gayunpaman, hindi niya pa rin mabitaw-bitawan ang maliit nitong kamay. Muntik niya na itong mabitawan kanina. Kung hindi lang mabilis ang reflexes niya, malamang ay lumagabog na ang maliit nitong katawan sa matigas na semento. Hindi niya mapapatawad ang sarili kung sakali mang nabitawan niya nga ang baby niya kanina. Galit na galit si Alejandro sa mga reporter. Ipinakuha nito ang CCTV sa labas ng hospital na kinaroroonan niya at inutusan ang family attorney ng mga Almeradez na sampahan ng kaso ang bawat isa sa mga iyon. Pribado siyang tao at hindi niya pinahintulutan kahit sino man na kuhanan siya ng larawan pati ang anak niya. Mas lalo na hindi siya makakapayag na nauwi pa
Chapter 60 “Nagawan na ng paraan ng bangko para kunin ang lahat ng mga natitirang ari-arian ng mga Torillo,” imporma ng family lawyer ng mga Almeradez sa bansa. “The government freezes other assets and bank account of the senator for further investigation.” “That’s all I want, Attorney.” Gumuhit ang ngisi sa mga labi ng matandang abogado na naninilbihan na sa pamilyang Almeradez binatilyo pa lang ang kanyang ama. Umiling-iling ito at tipid na tumawa. “You are so much like your father, Alejandro. Akala ko si Nexus lang ang nakakuha ng ugali ni Alexander na ubusan kung ubusan. Ikaw rin pala. I shouldn’t doubt you. You are the eldest son and Almeradez’s blood runs in your veins.” “I only did this for my wife. Gumaganti lang ako.” “Gumanti rin lang si Alexander nang bawiin niya lahat ng nakuha ni Leticia nang ikasal sila. Nexus’ mother tried to bring chaos between him and Ellaine. I don’t even want to remember how Ale
Chapter 61 “Happy birthday to you. Happy birthday to you,” masaya at sabay-sabay nilang kanta kay Baby Tori na nasa harap ng birthday cake nito. “Happy birthday, Baby Tori.” “Blow the candle!” the children shouted in unison. Mas excited pa sa birthday celebrant na nakangisi namang nakatingin sa kanila na para bang siyang-siya ito sa atensyon na nakukuha. “Tita, hindi naman nibo-blow ni Baby Tori,” sigaw ni Summer nang hindi pa rin kumilos si Tori kahit tapos na sila kumanta. “Ako na lang ang magbo-blow.” “Me. Me, I will,” si Giovanni na nagtataas pa ng kamay at humiwalay sa ama para makalapit sa kanila. “Tita SK, I’ll blow the candle for hey.” “Want blow.” Maging si Rozen ay nakigulo na rin. “Ako ang nauna. Back off!” “Baby Toyi is my cousin.” “Kids!” natatawang suway ni Alejandro sa mga ito nang nagsisimula na namang magtalo si Giovanni at Summer. “How about sabay-sabay—” Nabit
Chapter 62 Humagikhik si Vitoria nang gumawa siya ng tunog habang nakalapat ang labi niya sa tiyan nito. “Ah, you like that? Daddy will blow your stomach again?” Labas ang gilagid na sunod-sunod itong tumango. His baby will always be the adorable one. Ang kulay asul nitong mga mata ay nagpapaalala sa kanya ng bata pa siya. Sabi nga ng mommy niya, xerox copy niya raw ang panganay niyang ito. Huwag lang talagang mamana nito pati ugali niyang walang kasingkulit at tigas ng ulo. Siya ang hahabol-habol rito na magsuot ng damit o kaya diaper katulad ng pinagdaanan ng mommy niya sa kanya. Ibinalot niya ng mabuti ang diaper ni Tori na may lamang dumi bago itinapon sa basurahan pagkatapos niyang siguruhin na malinis at mabango na ang kanyang anak. Nasa mga bisig niya si Tori nang lumabas siya sa kwarto at bumaba ng hagdan. Sila lamang ang nasa loob ng mansyon dahil nasa pinauwi muna ni Nexus ang kasambahay ng m
Chapter 63 “Mahal na mahal mo talaga siya para umabot ka sa ganito?” “Oo!” “Kaya mo akong patayin at ang sarili mong apo para sa kanya?” “Hindi kita ginusto. Sinabi ko sa ama mo na hindi ko gustong mabuntis pa pero nagpumilit siya. Wala kang utang na loob. Pinanganak kita kahit kapalit niyon ay ang pagmomodelo ko.” “Ginusto mo ako. Hindi totoo na dinaaan ka sa takot ni Kuya Keith. May relasyon kayo.” “Wala kaming relasyon noon. Stalker ko siya noon at supplier ng droga. Pero hindi ko alam na siya pa pala ang tutuklaw sa akin.” “Mommy, tama na.” “Matatapos ito kung iu-urong niyo ang kaso laban kay Roger, ibabalik niyo ang kayamanan namin at hahayaan kaming makalabas ng bansa.” Kahit ilang buwan naman na ang nakalilipas, sariwa pa rin sa isip ni Sunshine Kisses ang usapan na iyon sa pagitan niya at ng kanyang ina. Na kahit sa pagtulog ay napapanaginipan niya iyon at gigis
Chapter 64 Ilan lamang ang bisita nila habang nagbibindisyon ang paring kakilala ni Mommy Ellaine dahil nasa trabaho pa raw. Nagpa-snack lang muna sila at hinayaang maglaro ang mga bata sa lawn ng bagong bahay nila habang silang mga babae ay nakatambay sa living room at nagke-kwentuhan. “Magkakapit-bahay na tayo. Let’s do this often kapag walang trabaho,” wika ni Neshara habang komportableng-komportable sa bean bag na kinalalagyan nito. “Sa ating lahat, ikaw lang ang numero unong walang trabaho.” Inirapan ni Mirethea ang babae. “Spoiled na spoiled ka sa mga in-laws mo.” “Mirethea Montes, i-best friend mo na kasi si Sir Amedeus.” Malakas na humalakhak ang babae na ikinasimangot ni Mrs. Funtellion. Mukhang hindi ito komportable sa father in-law nito. May mga ganon naman talaga. Swerte niya na nga lang dahil ang bait-bait sa kanya nina Daddy Alex at Mommy Ellaine. Minsan nga ay nahihiya siya sa pamilya ng asawa