Chapter 43 “Tita SK, your baby is a girl,” wika ni Summer nang lapitan siya nito sa lounge chair na kinaroroonan niya. Hinaplos niya ang bangs nito na bagay na bagay sa matambok nitong pisngi. Paladisisyon ang bata dahil hindi patanong ang tono nito. “Hindi ko alam, Baby. Maliit pa lang siya.” Ngumuso ito at inilapat ang maliit na kamay sa ibabaw ng tiyan niya. “Girl na po. Tito Nix’s babies are boys. Boy rin po ang brother ko. Wala na akong ka-play ng barbie.” “That’s okay, Summer. I’ll play with you,” si Nikolai na nasa tabi nito. Mabait talaga. Mas nanghahaba ang nguso ni Summer sa sinabi ni Nikolai. “You don’t like to play barbie naman. Nagpe-play ka lang kasi friends tayo. Kita ko kayo ni Van, play kayo no’ng guns and cars tapos super happy ka.” “I-I’m happy playing barbie too.” Naitago niya ang ngiti nang makitang naglilikot ang mga mata ng anak ni Mira. Mukhang ayaw naman talaga nito
Last Updated : 2022-08-07 Read more