Chapter 21 “Oh God!” napatalon sa gulat si Ellaine nang muntik na itong mabangga ni Alejandro na pumasok sa kusina. “Magdahan-dahan ka nga, Ali. Batang ‘to. Kapag nabangga mo ako, siguradong sa ospital ang bagsak ko.” Hanggang dibd ib niya lang ang mommy niya at dobleng katawan nito ang katawan niya. Kaya tatalsik ito panigurado kapag malakas itong nabangga ng batak sa training niyang katawan. “Morning, ‘My,” yumuko siya at hinalikan ito sa pisngi. Nasa kamay ng ina ang isang tray na may lamang tubig at gamot. “Good morning. Nasaan si SK? Bakit hindi pa bumababa? Alas-nwebe na, tulog pa ba?” “Is dad fine?” sa halip ay tanong niya nang mabistahan kung para saan ang gamot. “Oo, ayon nirarayuma. Matanda na kasi,” hagikhik ng mommy niya. “Isusumbong kita.” “Kahit magkampihan pa kayong mag-ama, hindi kayo mananalo sa akin,” irap nito sa kanya na ikinatawa niya lang. “Right.” When he was sti
Huling Na-update : 2022-07-21 Magbasa pa