.45 Caliber, I love You (Cale Ivanovich's Story)-- D reame Lion's Temptation (Zech Leon Funtellion's Story)-- Dreame A Night with Gideon (Gideon Vesarius)---GoodNovel The CEO's Spoiled Wife (Alejandro Almeradez)---GoodNovel Babysitting My Billionaire Ex-Husband (Nexus Almeradez) Marrying the Tyrant Cowboy (Castiel Revamonte)---GoodNovel
Chapter 26 “We will set another meeting to make an appeal.” Bakas ang pagod sa mukha ni Brent nang sumalampak ito ng upo sa tabi niya. “Wala silang karapatan na tanggihan ka. Uncle Vito and Aunt Serena put their names as your parents. You’re the only heir. F-ck them all.” Nasa BGC tower sila na siyang isa sa pinakamataas na building sa buong Pennsylvania. Katatapos pa lamang ng meeting nila sa Board of Directors ng Brenneman Group of Companies. Nakipagtalo si Brent—na siyang tumatayo bilang abogado niya—nang sabihin ng mga matatandang iyon na hindi pumapayag ang mga ito na siya ang magiging CEO at presidente ng kompanya. Sigurado siyang walang kinalaman ang pagiging ampon niya sa disisyon ng mga ito dahil malinaw na walang alam ang mga iyon tungkol roon. Kung may alam man, hindi iyon magiging problema dahil legal siyang anak. Ang mas ikina-init pa ng ulo ng kanyang matalik na kaibigan ay ang pagbanggit ng mga ito sa asawa niya. The Board
Chapter 27 “Dad, why Uncle Ali looks like a beggar?” narinig niyang tanong ni Nikolai sa ama nito na kapapasok pa lang sa cabin na kasalukuyang inoukupa niya. “He’s out of his mind, Son.” Napa-ungol siya sa pagkadisgusto nang marinig ang sagot ni Funtellion sa anak na kasama na naman. Sinasanay yata si Zacharias sa mundong ginagalawan nito. After all, the kid will take over the organization in the future. “I am not out of my mind, you Dimwit.” Masakit ang ulong bumangon siya mula sa pagkakahiga sa sahig at pinilit ang sariling tumayo upang maabot ang baso at hang-over pill sa ibabaw ng counter. Masyado yata siyang naparami ng inom nang nagdaang gabi dahil halos minamartilyo ang ulo niya sa sakit. “Oh, d-mn it!” Napamura siya nang nabasag ang basong may lamang tubig nang masagi niya iyon. Gigil na ibinagsak niya ang hawak na gamot sa ibabaw ng mesa at tumihaya na naman sa marmol na sahig ng kusina. “Go to the liv
Chapter 28Sa kulay brown na nakamunban nitong buhok natuon ang tingin niya. Bigla-bigla ay parang gusto niyang takbuhin ang kinaroroonan nito at sabunutan ang lalaki dahil sumagi sa utak niya ang eksena kung saan hinaplos iyon ni Leveyna habang nagpapakuha ng picture sa media. Tanga siya dahil sa halip na kalimutan ang dalawa ay naghanap pa talaga siya ng iba pang balita tungkol kay Leveyna. May mga video clip pa siyang nakita kung saan panay ang hawak ni Leveyna kay Alejandro at ang hudyo naman ay mukhang enjoy na enjoy dahil hindi man lang sinaway ang babae. Umirap siya at tumalikod na bago pa man siya makita ni Alejandro. Ngunit anong malas ba naman niya dahil bigla na lang may sumulpot na babae mula sa kung saan at tinawag siya. “Mrs. Tucker?” Anak ng tinapa! Nagsilingon tuloy sa kanya ang mga empleyado pati na rin ang mga board of directors na kausap ni Alejandro. Kukutusan niya ang babaeng ito! Hindi man lang marunong makiramdam.
Chapter 29 “Come again?” ani Brent nang hindi agad rumehistro sa utak nito ang sinabi niya. “Buntis ako.” Napayuko siya, hindi makatingin sa kaibigan. Kinagat niya ang kanyang pang-ibabang labi at pinaglaruan ang steak na nasa harapan. Hiyang-hiya siya sa kaibigan dahil nagpabuntis siya sa lalaking kaaway niya. “Bubuhayin ko ng mag-isa ang baby ko. I hate the father but I will never hate my child. Mamahalin ko siya katulad ng pagmamahal sa akin nina Papi at Kuya Keith.” Hindi niya pa rin matawag na “papa” ang nakamulatang nakatatandang kapatid. Gusto niya, kuya niya pa rin iyon at ang Papi niya lang ang tanging ama niya. “Hindi niya mararamdaman na wala siyang ama dahil ako ang tatayong mama at papa—” “Ako ang tatayong ama. Papakasalan kita,” putol nito na ikinamulagat niya. “A-Ano?” Mas lalong naging seryoso ang mukha ni Brent. Ang mga labi ay lapat na lapat sa isa’t isa habang
Chapter 30 “Ma’am SK,” sinitsitan siya ni Amelia nang makita siya nitong papasok sa kanyang opisina. “Bakit ngayon lang po kayo?” Pasado alas-dyes na kasi ng umaga at kararating niya lang sa opisina. Hindi maganda ang mood niya nang magising kaninang madaling-araw. Parang nasusuka siya na hindi. Gusto sana niyang humilata na lang sa kama maghapon at huwag ng pumasok sa opisina, kaya lang naisip niya ang mga financial reports na hindi pa niya tapos. “I felt sick earlier. But I’m okay now.” Dinama ni Amelia ang kanyang noo’t leeg. Kapagkuwan, ay bumaba na naman ang tingin nito sa kanyang tiyan. “Hindi ka naman mainit.” Hinawakan niya ang babae sa palapulsuhan at hinila papasok sa kanyang opisina. Sumilip muna siya sa labas para siguraduhing walang tao bago niya hinarap ang usyuserang sekretarya. “I’m pregnant, okay?” Nanlalaki pa rin ang mata ng babae nang makumpirma ang hinala. Akmang titili
Chapter 31 Agad na napakapit si SK sa dulo ng kanyang mesa nang tuluyang lumabas si Alejandro sa kanyang opisina. Nanlalambot ang kanyang tuhod at halos pangapusan ng hininga sa tindi ng tensyon ng malamig at nagbabanta nitong boses. Sino bang hindi, kung pinagbantaan din nitong papatayin si Brent katulad ni Keith? Tataniman daw ng bala sa ulo—wala na talaga sa katinuan si Almeradez. Kung hindi pa pumasok si Amelia para tingnan siya ay baka tuluyan na siyang natumba sa kinatatayuan. Agad siyang dinaluhan ng babae at inalalayan patungo sa kanyang mesa. “Are you okay, Ma’am? Inaway po ba kayo ng asawa niyo?” Nag-aalang binigyan siya nito ng tubig dahil namumutla raw siya. “I’m okay, Amelia. Please don’t accept any visitors unless it’s very important. Kailangan ko ng tapusin ang mga ito,” wika niya sa mababang tinig. The earlier she finished the report, the faster she will be off from Alejandro’s scrutinizing and dan
Chapter 32 Mabilis niyang naisara ang cabinet nang makarinig siya ng yabag sa labas. Tarantang pinatay niya ang ilaw at nagtago sa gilid ng nakasarang pinto. She heard Alejandro’s voice outside. Mukhang may kausap ito sa cellphone dahil narinig niyang may tinawag itong sweetheart. Ngumiwi siya at rumulyo ang mga mata. Paniguradong si Leveyna ang kausap nito sa kabilang linya. Tumatawa-tawa pa na parang aliw na aliw. Sigurado siyang korni naman ang pinagsasabi ng babaeng iyon. Walang-wala sa humor niya! Biglang natahimik kaya napalingon siya sa nakasarang pinto. Lumabas na ba ito? Idinikit niya ang tainga sa dahon ng pinto upang pakinggan kung nasa loob pa ba ng opisina si Alejandro. Ilang sandali siyang walang narinig na kahit ano. Ngunit kapagkuwan ay narinig niyang muli ang boses nito. “Yeah, I’m going out. Wait me there.” Ang papalayong mga yabag ang sumunod niyang narinig. Nakahinga siy
Chapter 33 Wala na si Alejandro sa mansyon nang magising siya kinabukasan. Hindi niya alam kung anong oras ito umalis dahil ang himbing ng kanyang tulog. Hindi siya nito napilit na matulog ito sa tabi niya dahil pinagtulakan niya ito palabas ng kwarto kagabi kahit pa naka-towel lamang ang lalaki. Sabihan ba naman siyang hindi raw nito kayang magalit sa kanya dahil ang ganda niya raw. Napa-ismid siya nang maalala si Leveyna. Kung hindi nga ito galit sa kanya, bakit ito nangde-date ng iba? Speaking of the devil!Awtomatikong namataan ng kanyang mga mata si Leveyna na parang patong kumekendeng papasok ng BGC tower. Aba, namimihasa na ang babae na maglabas-masok sa pag-aari niya. Ipa-ban niya kaya ito sa buong kompanya, tingnan niya lang kung hindi pa magagalit si Alejandro. Buong kaplastikang ngumiti sa kanya ang babae bago siya tiningnan mula ulo hanggang paa. Anong problema ng babae? Bakit kung tingnan