Chapter 30 “Ma’am SK,” sinitsitan siya ni Amelia nang makita siya nitong papasok sa kanyang opisina. “Bakit ngayon lang po kayo?” Pasado alas-dyes na kasi ng umaga at kararating niya lang sa opisina. Hindi maganda ang mood niya nang magising kaninang madaling-araw. Parang nasusuka siya na hindi. Gusto sana niyang humilata na lang sa kama maghapon at huwag ng pumasok sa opisina, kaya lang naisip niya ang mga financial reports na hindi pa niya tapos. “I felt sick earlier. But I’m okay now.” Dinama ni Amelia ang kanyang noo’t leeg. Kapagkuwan, ay bumaba na naman ang tingin nito sa kanyang tiyan. “Hindi ka naman mainit.” Hinawakan niya ang babae sa palapulsuhan at hinila papasok sa kanyang opisina. Sumilip muna siya sa labas para siguraduhing walang tao bago niya hinarap ang usyuserang sekretarya. “I’m pregnant, okay?” Nanlalaki pa rin ang mata ng babae nang makumpirma ang hinala. Akmang titili
Chapter 31 Agad na napakapit si SK sa dulo ng kanyang mesa nang tuluyang lumabas si Alejandro sa kanyang opisina. Nanlalambot ang kanyang tuhod at halos pangapusan ng hininga sa tindi ng tensyon ng malamig at nagbabanta nitong boses. Sino bang hindi, kung pinagbantaan din nitong papatayin si Brent katulad ni Keith? Tataniman daw ng bala sa ulo—wala na talaga sa katinuan si Almeradez. Kung hindi pa pumasok si Amelia para tingnan siya ay baka tuluyan na siyang natumba sa kinatatayuan. Agad siyang dinaluhan ng babae at inalalayan patungo sa kanyang mesa. “Are you okay, Ma’am? Inaway po ba kayo ng asawa niyo?” Nag-aalang binigyan siya nito ng tubig dahil namumutla raw siya. “I’m okay, Amelia. Please don’t accept any visitors unless it’s very important. Kailangan ko ng tapusin ang mga ito,” wika niya sa mababang tinig. The earlier she finished the report, the faster she will be off from Alejandro’s scrutinizing and dan
Chapter 32 Mabilis niyang naisara ang cabinet nang makarinig siya ng yabag sa labas. Tarantang pinatay niya ang ilaw at nagtago sa gilid ng nakasarang pinto. She heard Alejandro’s voice outside. Mukhang may kausap ito sa cellphone dahil narinig niyang may tinawag itong sweetheart. Ngumiwi siya at rumulyo ang mga mata. Paniguradong si Leveyna ang kausap nito sa kabilang linya. Tumatawa-tawa pa na parang aliw na aliw. Sigurado siyang korni naman ang pinagsasabi ng babaeng iyon. Walang-wala sa humor niya! Biglang natahimik kaya napalingon siya sa nakasarang pinto. Lumabas na ba ito? Idinikit niya ang tainga sa dahon ng pinto upang pakinggan kung nasa loob pa ba ng opisina si Alejandro. Ilang sandali siyang walang narinig na kahit ano. Ngunit kapagkuwan ay narinig niyang muli ang boses nito. “Yeah, I’m going out. Wait me there.” Ang papalayong mga yabag ang sumunod niyang narinig. Nakahinga siy
Chapter 33 Wala na si Alejandro sa mansyon nang magising siya kinabukasan. Hindi niya alam kung anong oras ito umalis dahil ang himbing ng kanyang tulog. Hindi siya nito napilit na matulog ito sa tabi niya dahil pinagtulakan niya ito palabas ng kwarto kagabi kahit pa naka-towel lamang ang lalaki. Sabihan ba naman siyang hindi raw nito kayang magalit sa kanya dahil ang ganda niya raw. Napa-ismid siya nang maalala si Leveyna. Kung hindi nga ito galit sa kanya, bakit ito nangde-date ng iba? Speaking of the devil!Awtomatikong namataan ng kanyang mga mata si Leveyna na parang patong kumekendeng papasok ng BGC tower. Aba, namimihasa na ang babae na maglabas-masok sa pag-aari niya. Ipa-ban niya kaya ito sa buong kompanya, tingnan niya lang kung hindi pa magagalit si Alejandro. Buong kaplastikang ngumiti sa kanya ang babae bago siya tiningnan mula ulo hanggang paa. Anong problema ng babae? Bakit kung tingnan
Chapter 34 Iyak pa rin nang iyak si Sunshine Kisses habang nakatalukbong ng kumot sa kanyang higaan. Masama pa rin ang loob niya kay Brent. Pinagkukuskos na niya ang mga labi ng wet wipes ngunit hindi pa rin maalis sa kanya ng pagkadisgusto sa kapangahasan ng lalaking iyon. Naiiyak siya dahil pakiramdam niya ay nagtaksil siya sa kanyang asawa. Gustuhin man niyang magsumbong kay Alejandro ay hindi niya magawa dahil nahihiya siya. Baka sabihin nito na pagkatapos niyang sumama-sama kay Brent ay pupunta siya rito para magpakampi. Nakatulugan na niya ang pag-iyak. Madilim na sa labas nang muli siyang magising. Wala sa sariling lumabas siya ng kanyang kwarto at hinanap si Butler Richard. Gusto niya rin magpasalamat sa butler dahil sa ginawa nito kanina. Nakita niya itong papasok sa front door habang may dala-dalang mga kulay puting envelope. “These are for you, Young Lady,” wika nito nang tanungin niya kung ano ba ang m
Chapter 35 ESPEGEE!!! Inamin ni Sunshine Kisses sa sarili kung gaano niya na-miss si Alejandro mula ng walang kapaa-paalam siyang umalis ng Pilipinas. Pakiramdam niya ay lumulutang siya sa saya sa mga oras na iyon habang nakapaloob siya sa mga bisig ng asawa. Wala na ang garlic pasta nang lumabas siya kanina sa comfort room. Mukhang alam ng ginang kung ano ang nagpasama sa sikmura niya. Gayunpaman, hindi naman ito nagtanong kung buntis ba siya kahit pa halata naman sa mga mata nito ang kuryusidad. Pagkatapos ng dinner, dinala siya ni Alejandro sa VVIP room na inokupa nito sa hotel. Sa penthouse sana kaya lang ay doon daw nanatili ang mga magulang nito na lumipad pa talaga papuntang Pennsylvania para makita siya dahil nabalitaan na kasal na sila ni Alejandro sa napakaraming bansa. Nakahiga sila sa malaking sofa sa living room. Tanging ang malamlam na table lamp ang nagbibigay liwanag sa kanila. Nakayakap ito sa likuran niya habang tah
Chapter 36ESPEGEE!!! “Hi, Baby. I’m your daddy. Be good to mommy, okay?” Nagising siya sa mahina at puno ng pagsuyong boses na iyon. “She has a lot on her plate now and daddy is trying his best to help her. I promised that I will never let her go so you stay put in there, Buddy.” Nakagat niya ang pang-ibabang labi nang masuyong pinatakan nito ng halik ang ibabaw ng kanyang tiyan. Wala pa naman siyang sinasabi rito pero mukhang siguradong-sigurado na talaga ito na may laman ang kanyang sinapupunan. Paano ba namang hindi kung hindi naman contraceptive pills ang ibinili sa kanya. Her child is unplanned but she will love him like how she was seeing Alejandro worshipping her flat stomach. Ngumiti ito sa kanya nang magtama ang mata nila. H inalikan siya nito sa mga labi hanggang sa nauwi na naman sa mainit na tagpo ang umaga nila. Nakatatlong round sila kagabi. Kulang na kulang para kay Alejandro na inaabot
Chapter 37 Magkakalahating oras na ang nakalilipas simula nang iparada ni Alejandro ang sasakyan sa harap ng mansyon. Subalit, sa mga sandaling iyon ay hindi pa rin nito mabitaw-bitawan ang mga labi niya. “Stop na,” pigil niya sa lalaki ngunit ang mga labi ay tugon ng tugon naman sa mga h alik nito. Hinahawakan pa niya ang panga ng asawa at hinahaplos ang papatubong balbas nito na kumikiliti sa kanyang palad. “We should stop.” Mahina siyang natawa sa sinabi ng asawa. Tigil na raw pero tuka pa rin ng tuka sa mga labi niya. Miss na miss nga yata siya. Isa pang tugon sa h alik nito ay itinulak niya na si Alejandro. Umani iyon ng protesta mula rito ngunit wala naman nagawa nang mahina niyang tampalin ito sa bibig. “Naghihintay na sina Mommy at Daddy sa airport.” Kumusot ang ilong ni Alejandro. “Malalaki na sila. They can handle themselves. I want to be with you.” “Samahan mo na. Ilang oras lang
BONUS CHAPTER: SUMMER VESARIUS (Another sneak peek for Summer Vesarius’ story of Second Generation) It was their wedding anniversary. Ilang oras na siyang naghihintay sa pagdating ng asawa niya. Ilang raw niya ring pinagplanuhan ang candle light dinner para sa celebration ng first wedding anniversary nila. Subalit, halos makapangalahati na niya ang wine, wala pa rin Giovanni na sumusulpot sa harap niya. Her husband promised he will come. Akala niya ay ayos na silang dalawa ngunit nasaan ito? Ilang beses niya ng tinawagan si Ivanovich ngunit walang sumasagot. No’ng una ay sinabing male-late ito ng ilang minuto. Tinanggap niya ang dahilan na iyon. Giovanni never really loved her. Siya lang naman itong habol nang habol sa lalaki. She even stalked him! Nagpakasal lang naman sila dahil sa daddy niya. Oh, her dad who loves her so much! Naabutan sila nito sa kama matapos ang isang gabing p
BONUS CHAPTER: A NIGHT WITH GIDEON (Honeymoon) She groaned when Gideon’s mouth created lines at the side of her neck. Isinubsob niya ang mukha sa malambot na unan. “Gideon, I’m sore.” She heard him chuckled and continue kissing her bare back. Ang mainit at may kagaspangan nitong kamay ay humaplos sa kanyang baywang. Nawala ang pagkakasubsob niya sa unan nang hilahin siya nito. Tinigilan na nito ang pagh alik sa kanya kaya humarap siya sa asawa. “Good morning,” namamaos ang boses nitong malalim. “’morning.” Kusa niyang iniyakap ang mga braso sa leeg ng kanyang asawa. “Strawberry, your breast is tempting me.” Mas idiniin pa niya ang dalawang bundok na pinangigilan ni Gideon kanina. Umungol ito kasabay ng pagpisil sa kanyang baywang. “You’re sore and yet you’re being a tease.” Humagikhik siya at pa-cute na tiningnan ito. “Sorry, Sir. Kasalanan mo naman. Kapa
BONUS CHAPTER: THE CEO’S SPOILED WIFE “Daddy, look me,” ngising-ngisi ang tatlong taong gulang na si Jermanine Cathleen nang sinalubong siya nito sa living room. “What happened to you, Baby Kat?” Puputi na talaga ang buhok ni Alejandro sa pinaggagawa ng bunso niya. Kalat-kalat ang nakapahid na lipstick nito sa lips na umabot na hanggang pisngi. May bahid din ng powder ang pisngi. “Dydy, petty me.” Proud na proud pang inilagay nito ang likod ng palad sa kaliwang pisngi. Umuklo siya para maabot ang bulilit. “You look like a clown, Baby.” Pinunasan niya ang lipstick na nagkalat sa bibig ni Katkat gamit ang hinlalaki. Subalit, natigilan siya nang mapansing papangiwi na ang bibig nito. Nang bumuka na ang bibig nito, nataranta na siya. “Sh!t, I’m sorry.” Mas umatungal ng iyak si Katkat at nagpapalag sa yakap niya. “Not me clown naman pu. Bad, Daddy. Petty m
EXTRA CHAPTER 2: EL GRECO—LASKARIS NUPTIAL “Daddy, alive po si Lolo ko? I though he’s dead.” Hinigit-higit ni Amber ang laylayan ng kanyang damit habang ang mga inosenteng mata ay nakatingala sa kanya. “Your Lolo is alive because he’s a good man.” “If dead na ba, pwede pang maging alive?” Mahina siyang tumwa at inabot ng kanyang bibig ang tuktok ng ulo ni Amber para patakan ito ng h alik doon. “No, Baby. Your Lolo is not dead.” “Is it a joke lang po? But Mommy and I cried. So ugly naman ng joke. I don’t like that joke.” Inayos niya ang pagkakahawak kay Raegan bago hinarap ang panganay. “It calls white lies, Baby. We are lying for good reasons.” Lumabi si Amber at tumingala na parang nag-iisip. Kapagkuwan ay muli nitong ibinaling ang tingin kay Chelary at Luigi na nag-uusap sa dalampasigan. “Why Mommy is crying now?” “Because she’s happy. Tears of joy,” mapagpasensya
EXTRA CHAPTER 1: DINNER AT NORTHSHIRE Northshire village is peaceful. Iyon ang napansin ni Chelary nang ipinasok ni Riguel ang kotse nito sa malaking tarangkahan. Marami pa ring puno kahit hindi niya na mabilang kung ilang establisyemento na ba ang nakatayo. Nang unang beses niyang makapunta sa bahay nina Jenza, wala pang village roon. Tanging malaking mansyon pa lamang ng pamilyang Weinstein ang nakatayo sa malawak na lupain. Almost three fourth of the Northshire Land is owned by the Weinstein Family. Cale Ivanovich and his wife decided to make a village since their cousin—Funtellions wants to live near them. Funtellion and Rocc’s were the one of the pioneers in the village. Hanggang sa marami ng nagkainteres katulad nina Vesarius, Almeradez at Ralvan. “You okay there, my Love?” malumanay niyang tanong sa anak sa backseat. Inosente ang mga mata nitong tumingin sa kanya. “Aaway ba ako ni Su
SPECIAL CHAPTER(A sneak peek of Amber El Greco’s Story of Second Generation) “Who are you?” takang tanong ni Amber sa lalaking nakaupo sa harap ng pinto ng kanyang dormitory. Mula sa pagkakayuko nito, gulat ang mga matang napatayo. A nerd—braces, oily skin, pimples… He seems familiar to her. Nanginginig ang kamay na inabot sa kanya nito ang dalang palumpon ng bulaklak. Ang iba ay nabali na ang tangkay. “I-I’m—” Yumuko ulit, kinagit ang labi. Bahag na ang buntot lalo pa’t hindi niya kinuha ang bulaklak. “You need something?” she asked, kind as she can. “I-I just want to say t-that I-I like you,” anito sa matigas na ingles. Nginig na nginig ang boses na parang takot yata na ipahiya niya. Well, hindi naman iyon ang unang beses na may nagkagusto sa kanya. Simula nang lumipat siya sa Catherine International School sa Russia, hindi na niya mabilang kung ilan na ang nabast
EPILOGUE Lumipad si Riguel papunta Australia, ilang linggo bago siya manganak, para sabihin sa Daddy niya na gusto niyang kasama niya rin ito kapag nanganak na siya. Pero hindi iyon nangyari dahil bukod sa hindi pa ito sigurado kung ligtas na bang lumabas, matagal rin itong nawala. Chelary understands that. Isa pa, hindi niya na naman kasi makontak si Maude. Nang huling beses niya itong nakausap, pupunta raw ito sa Morocco. Ilang buwan na ang nakalilipas ay wala pa rin siyang nakukuhang balita tungkol rito. Tama nga talaga si Jenza sa sinabi nitong masyado siyang inosente sa mundong ginagalawan ng kanyang kapatid. She can’t imagine herself leaving the country and her family to deal with dangerous criminals. Sinabi niya kay Riguel na gusto niyang si Luigi ang maghahatid sa kanya kapag ikinasal sila sa simbahan. He understands and told her that he can wait. Nahulog na naman ang loob niya asaw
CHAPTER 71 “Pag-uuntugin ko kayo ni Daddy,” sigaw niya sa asawa na napakamot-kamot na lang sa ulo. Hanggang sa makauwi kasi sila at nagmumuryong pa rin siya. “I hate you.” “You don’t, Cherry.” Sumipa-sipa ang kanyang mga paa habang sinusuotan siya nito ng damit pangtulog. “Just wait bukas kapag gising na si Amber. Kakampihan niya ako.” Sa kanyang pagkapikon, tumawa lang si Riguel. Sinabunutan niya tuloy. “Nakita mo kung paano kami umiyak ni Amber nang malaman namin na patay na si Daddy. Tapos ikaw, alam mo pala.” “Dad wants me to do that.” “Nakiki-daddy ka na ngayon. Kapag narinig ka no’n, lagot ka.” Umungol ito sa pagkadisgusto, kapagkuwan. Na para bang naalala nitong ayaw nga ni Luigi. ““I’ll marry you again para payagan niya na ako.” “Okay,” aniya at nagtaas ulit ng kilay. “Nasaan si Daddy.” Tinabihan siya ni Riguel sa kama at paulit-ulit n
CHAPTER 70 Walang pag-iingat na hinablot ni Riguel ang braso ni Ingrid nang maabutan niya ito sa parking lot ng mall. “Regulus! Bitawan mo ako. I’m your mom, you disrespectful jerk!” “What did you tell to my wife?” galit niyang singhal rito. “What? Totoo naman ang sinasabi ko. Kahit anong sabihin mo, anak pa rin kita. Sa akin ka nanggaling.” “You’re not my mother. Hindi ka nagpaka-ina sa akin. You and Rufino dispose me like a f ucking dog.” Gumuhit ang galit sa mga mata ng babae. Lumagapak ang palad nito sa kanyang pisngi bago galit na galit siya nitong dinuro. “Hindi mo alam kung ano ang sinakrispisyo ko para sa ‘yo! Kung hindi ko tinuloy ang pagbubuntis sa ‘yo, wala ka sana sa mundong ito. You owe me your li—” “Ginusto mong dalhin ako. Rufino paid you to carry his f ucking heir. Ibinigay niya sa ‘yo lahat ng luho mo para ituloy mo ang pagbubuntis mo sa akin. Don’t act like you were the vi