Chapter 55 (Part 3) Nilapitan niya ito at aliw na aliw na pinaghah alikan sa buong mukha. Tawa naman ng tawa ang baby niya. Baby’s laugh is always good to her ears. Hinding-hindi siya magsasawang pakinggan ang tawa nitong boses ng anghel sa pagkainosente. Kinabukasan, inignora pa rin niya ang mga text message ng mommy niya. ‘Hanggang kailan mo ako iignorahin? You can’t do this to me, SK. Hindi ka ba nakokonsenysa na kinailangan kitang maipanganak kaya nasira ang lahat ng mga plano ko noon sa buhay?’ Pinagalitan pa siya nito sa hindi niya pagsipot sa usapan ‘daw’ nila kahit ito lang naman talaga ang nagdisisyon niyon. Wala sana siyang balak lumabas kaya lang ay tumawag ang Mommy Ellaine niya na kung maaari raw ay mahiram ng mga ito si Baby Tori. Pansamantala munang nagcheck-in sa isang bakasyonan sa Maynila ang mag-asawa bago bumalik sa manyson. Para naman daw makapag-relax ang mag-asawang Almeradez dahil may hang-over pa raw ang m
Chapter 56 Sumunod siya kay Glaiza pababa sa first floor ng villa. Diretso ang lakad nito habang nasa likod siya, hindi man lang nililingon ang ilang babaeng bisita na tinatawag ang pansin nito. “Look at the man on your left, SK,” wika ni Glazia nang makaupo sila sa isa sa mga nagkalat na benches sa hardin. Ang lalaking puti na rin ang buhok—may edad na, ang tinutukoy nito. “The current president of the country. Kilala mo naman siguro siya, hindi ba.” “Opo, Mommy.” Maganda ang pamamalakad sa bansa ng kasulukuyang presidente. Gumawa ito ng maraming trabaho, bumaba ang krimen sa bansa at tumaas ang ekonomiya kaya kahit may mga mamamayan na inuusig ito sa ilang pagkakamali, marami pa rin ang sumusuporta rito. “Roger wants her support for the election. Hindi pa siya naglalabas kung sino ang i-endorso niya kaya ang mag supporter niya ay wala pa ring kandidatong napipisil.” “Hindi po ba sila magk
Chapter 57 Pakiramdam niya ay segundo lang ang itinagal ng kanyang tulog. Nagising siya sa malulutong na mura ng pamilyar na boses. Umaga na ngunit may pagod pa rin siyang nararamdaman. Hindi lang pisikal kundi maging emosyonal na aspeto. “P-tangina. Sinong gumawa nito asawa ko? Nasaan si Carullo? Pipilipitin ko ang leeg ng adik na iyon!” Si Alejandro ang nakita niyang pabalik-balik na naglalakad sa harap niya. Nakapameywang pa at galit na galit. Parang kahit anong oras ay sasabog na ito. “Nakuha na siya ng mga tao ko. Ako na ang bahala sa kanya. I’ll let him taste h ell.” “Sasama ako, Igor. Dudurugin ko ang b ayag niya.” “Ako muna ang maglalaro, Almeradez. Asikasuhin mo muna ang kapatid ko. Nanginginig siya kagabi at tinatawag ang pangalan mo.” Malamig at kalmadong-kalmado ang boses ng kapatid niya. Hindi katulad ng kay Alejandro na dinig yata hanggang kabilang kwarto. “Huwag mong papatayin. Ako ang p
Chapter 58 (Part 1) “Zach, issue a cheque to these accounts immediately,” utos ni Alejandro sa sekretaryong kadarating pa lamang mula sa meeting na ibinigay niya rito. “Tumawag pala si Madam Ellaine. Nagtatanong tungkol kay Ms. Sunshine Kisses. Hindi mo raw sinasagot ang tawag niya.” “I’ll call her. Unahin mong lagyan ng pera ang bank account ni Pink.” Tipid lang na tumango si Zacheus sa kanya bago ito bumalik sa harap ng desktop nito para sundin ang utos niya. Wala kahit sino sa kanila nina Nexus na nagkaroon ng problema kay Zacheus kaya pati ang ilang bank account niya ay may access ito. He is trusted and his loyalty is for the Almeradezes since the beginning. Hindi niya alam ang buong istorya sa pagkatao nito pero ang alam niya lang ay ang ama niya ang nagsuporta ng pinansiyal sa magkapatid na Mojeco hanggang kaya na ng mga ito na tumayo sa sariling mga paa. Binalikan niya sa kanyang opisina ang ipinakilala sa
Chapter 58 (Part 2) Nilingon niya si Alejandro matapos mapanood sa telibisyon ang balitang binuksan muli ang kaso sa over-pricing na mga gusaling ipinatayo nito noong mayor pa lamang ang senador. Putok na putok sa media dahil malaking eskandalo iyon para sa kandidatong tumatakbo bilang pangulo ng bansa.Nakikipagharutan ang asawa niya kay Tori habang pinapakain nito ng solid food ang anak na nakaupo sa baby chair. Tumaas ang makapal at itim nitong kilay nang saglit siyang balingan ng sulyap. “Why?” Itinuro niya ang telibisyon. “May kinalaman ka ba riyan?” “I funded Torillo’s son.” Napanguso siya sa tipid nitong sagot kaya pinatay niya na ang telibisyon para lapitan ang mag-ama niya. “Tawag pa rin ng tawag si Mommy. Hindi ko na lang sinasagot.” “Good. Pagkatapos ng ginawa niya, hindi ako papayag na makalapit pa siya sa ‘yo.” Napangiti siya bago naglalambing na niyakap ang baywang ni Alejandr
Chapter 59 Dahil sa gulo sa siyudad, pinili ni Alejandro na sa Hacienda Constancia muna sila ni Vitoria manatili hanggang sa humupa na ang isyu at maging maayos ang lahat. Wala ng lagnat si Tori at himbing na himbing na ang tulog nito sa hospital bed. Gayunpaman, hindi niya pa rin mabitaw-bitawan ang maliit nitong kamay. Muntik niya na itong mabitawan kanina. Kung hindi lang mabilis ang reflexes niya, malamang ay lumagabog na ang maliit nitong katawan sa matigas na semento. Hindi niya mapapatawad ang sarili kung sakali mang nabitawan niya nga ang baby niya kanina. Galit na galit si Alejandro sa mga reporter. Ipinakuha nito ang CCTV sa labas ng hospital na kinaroroonan niya at inutusan ang family attorney ng mga Almeradez na sampahan ng kaso ang bawat isa sa mga iyon. Pribado siyang tao at hindi niya pinahintulutan kahit sino man na kuhanan siya ng larawan pati ang anak niya. Mas lalo na hindi siya makakapayag na nauwi pa
Chapter 60 “Nagawan na ng paraan ng bangko para kunin ang lahat ng mga natitirang ari-arian ng mga Torillo,” imporma ng family lawyer ng mga Almeradez sa bansa. “The government freezes other assets and bank account of the senator for further investigation.” “That’s all I want, Attorney.” Gumuhit ang ngisi sa mga labi ng matandang abogado na naninilbihan na sa pamilyang Almeradez binatilyo pa lang ang kanyang ama. Umiling-iling ito at tipid na tumawa. “You are so much like your father, Alejandro. Akala ko si Nexus lang ang nakakuha ng ugali ni Alexander na ubusan kung ubusan. Ikaw rin pala. I shouldn’t doubt you. You are the eldest son and Almeradez’s blood runs in your veins.” “I only did this for my wife. Gumaganti lang ako.” “Gumanti rin lang si Alexander nang bawiin niya lahat ng nakuha ni Leticia nang ikasal sila. Nexus’ mother tried to bring chaos between him and Ellaine. I don’t even want to remember how Ale
Chapter 61 “Happy birthday to you. Happy birthday to you,” masaya at sabay-sabay nilang kanta kay Baby Tori na nasa harap ng birthday cake nito. “Happy birthday, Baby Tori.” “Blow the candle!” the children shouted in unison. Mas excited pa sa birthday celebrant na nakangisi namang nakatingin sa kanila na para bang siyang-siya ito sa atensyon na nakukuha. “Tita, hindi naman nibo-blow ni Baby Tori,” sigaw ni Summer nang hindi pa rin kumilos si Tori kahit tapos na sila kumanta. “Ako na lang ang magbo-blow.” “Me. Me, I will,” si Giovanni na nagtataas pa ng kamay at humiwalay sa ama para makalapit sa kanila. “Tita SK, I’ll blow the candle for hey.” “Want blow.” Maging si Rozen ay nakigulo na rin. “Ako ang nauna. Back off!” “Baby Toyi is my cousin.” “Kids!” natatawang suway ni Alejandro sa mga ito nang nagsisimula na namang magtalo si Giovanni at Summer. “How about sabay-sabay—” Nabit