Lahat ng Kabanata ng Sukdulan ng Buhay: Kabanata 961 - Kabanata 970

1942 Kabanata

Kabanata 961

Nakatalikod si Alex sa bandang pintuan, kaya hindi niya nakita si Claire nang una itong pumasok. Kaya naman si Carey, na nakaupo sa tapat niya, ang unang nakakita kay Claire.Nakakunot ang noo niyang sinabi, “Waitress, kung wala ka nang ihahain, sa labas ka muna! Huwag mong pakialaman yung pagkain at usapan namin dito.”Nasabi niya iyon dahil nakasuot si Claire ng pula at itim na tradisyonal na dress.Ang istilo ay halos kapareho ng mga suot ng mga waitress sa South Cali Dining. Iyon ang dahilan kung bakit inakala ni Carey na isang waitress si Claire.Halos mapasuka ng dugo si Claire dahil sa inis na nararamdaman.Naglakas-loob ang babaeng ito na tratuhin siyang bilang waitress? May mali ba sa mata niya?! Pero naalala niya ang sinabi ng kaibigan ni Adrianna, na ang babaeng ito ay mula sa pamilyang Stoermer ng Michigan, at ang katotohanan na isa itong taong may mataas na awtoridad at hindi dapat galitin.Kaya naman, pinigilan niya ang galit na naramdaman niya sa puso niya at sinabing, “
Magbasa pa

Kabanata 962

Dahan-dahang naglaho ang mapang-asar na ngisi ni Claire, at nag-alinlangan siyang tama ang narinig niya. “Anong sinabi mo?”“Sabi ko,” malamig na ulit ni Carey, “Lumayas ka na!”Malinaw itong narinig ni Claire sa pagkakataong ito. Hindi lamang siya napatulala, ngunit nauwi siya sa matinding galit!Sa pagkamainitin ba naman ng ulo niya, posible bang pigilan iyon?Siyempre hindi!“Hay, masasabi ko lang, ang taong katulad mo... bakit hindi ka makatuwiran? Nagkusang-loob na akong pumunta rito para pagsabihan ka, at hindi ka lang hindi nakinig, pero pinapalayas mo pa ako? Walanghiyang hamak iyan, at gusto mo pa ring makapiling iyan ng anak mo? Nanay ka ba talaga niya? Hindi ka naman siguro madrasta niya, tama? At gusto mong magpakasal yung anak mo sa sinungaling na katulad niyan?”Kung ibang tao ang sinabihan ni Claire ng mga salitang ito, malamang nagwala na ang kausap niya.Gayunpaman, manugang pa rin ng isang maharlikang pamilya si Carey. Nakatanim sa kanya ang maharlikang kagandahang-as
Magbasa pa

Kabanata 963

Habang nagkakatitigan sina Dorothy at Zendaya, walang nagpatinag sa kanila. Ang dakilang elder ng pamilyang Coleman sa Missouri, si Terrace Coleman, gayundin si Byakko mula sa Four Great Princesses, ay dumating naman sa harap ng Maple Villa 8.“Dakilang Elder, ito ang lugar kung saan nakatira si Alex,” sabi ni Byakko. “Pindutin ko na ba ang doorbell?”“Pindutin ang doorbell?” Ngumisi ang dakilang elder. “Pumunta ba tayo dito bilang mga bisita?”Pagkasabi noon ay itinaas niya ang kanyang paa at malakas na sinipa ang malaking bakal na gate ng villa.Boom!Kasing lakas ito ng isang pagsabog.Ang dalawang malalaking bakal na gate ay tumitimbang ng mahigit dalawang daang libra. Sa ilalim ng kanyang mapangwasak na kapangyarihan bilang Grandmaster, marahas niyang kinalas ang gate sa bakod at lumipad sa iyon ere, lumalampas sa sampu-sampung metro sa patyo bago malakas na humampas sa villa. Nawasak ang pinto at bintana, at pati ang mga dingding ay nabiyak.Lihim na natigilan si Byakko.Mahirap
Magbasa pa

Kabanata 964

Nabalisa si Zoey nang makita niyang nakalutang pa rin sa ere ang kanyang ina, kaya’t marahas niyang kinagat ang hita ni Terrance.“Hmph!”Isang malamig na singhal ang pinakawalan ng dakilang elder at bahagyang nagpakawala ng enerhiya palabas.Tumalsik ang dalawang ngipin sa harap ni Zoey dahil sa naturang enerhiya.Tumilapon din paatras yung maliit niyang katawan, at tumama siya sa lupa habang gumugulong. Huminto siya sa malapit na hardin, duguan ang ulo nang mawalan ng malay.“Ahhh!” Napasigaw si Hailey, biglang nakaipon ng lakas ng loob, at sinipa si Terrance sa pundya nito.“Ahh!”Kahit na hindi sapat iyon para matumba siya, wala siyang kapangyarihan ng Mystic armor na meron si Alex, at ganap na wala siyang depensa.Dahil sa paningin niya, isa lamang hamak na langgam si Hailey.Gayunpaman, nakalimutan niyang kahit kagat ng langgam ay masakit kapag sa parteng iyon.‘Bwisit!’ pagmumura ni Terrance sa kanyang puso. Pagkatapos ay hinawakan niya ang leeg ni Hailey at hinampas ito sa lupa
Magbasa pa

Kabanata 965

Nang makita ni Alex si Dorothy na lumitaw sa kwarto at nakaharap si Zendaya sa unang pagkakataon, naramdaman niya ang matinding sakit ng ulo.Dahil sa sobrang lamig ng mukha ni Dorothy, lalo siyang hindi mapakali.Hindi siya sigurado kung masyado ba siyang nag-iisip, ngunit mula nang maghiwalay sila, at bagama’t sa wakas may nangyari na sa kanilang dalawa, umaabot sa puntong nagsanib na sila ng laman at espiritu, kung saan dapat ay mas malapit na sila kaysa dati, ngunit tila nagkaroon ng kabaligtaran na epekto, lumilikha ng pader sa pagitan nila sa halip. Sila dapat ang pinakamalapit na tao ng isa’t-isa, ngunit parang hindi man lang magkalapit ang kanilang mga kaluluwa.Halimbawa, ngayon, ang malamig na tingin sa mukha ni Dorothy ay tila may aura sa paligid niya na hindi dapat kuwestiyunin.“Ehem. Dorothy, ganito kase…”Magsasalita pa lang si Alex, nang biglang tumunog ang phone niya.Tahimik siyang natuwa nang mangyari iyon, at naisip niya, ‘Sakto lang yung dating ng tawag. Kung sino
Magbasa pa

Kabanata 966

“Mom, nag-aalala ako sa kanya. Gusto kong sumunod,” sabi ni Zendaya kay Carey. Grandmaster iyon mula sa pamilyang Coleman, at meron na itong mga hostage ngayon sa mga kamay nito.“Sasamahan kita,” sabi ni Carey.Nasangkot si Alex sa pamilyang Coleman ng Missouri dahil sa pamilyang Stoermer ng Michigan, kaya paano niya magagawang tumayo at manood lang?Kaya naman, umalis din ang tatlong babae ng pamilyang Stoermer.Tanging si Claire lang ang naiwan na nakatingin sa gulo sa sahig, puno ng pagkalito.***Woosh!Sa isang iglap, lumitaw si Alex sa Maple Villa.Pagkatapos niyang gamitin ang kanyang ‘flash-mode,’ mas mabilis pa siya sa isang F1 racing car. Sa pagtakbo ng ganoon kabilis sa kalsada sa siyudad, wala man lang makaaninag sa kanyang mukha, at ang tanging nakikita lang nila ay ang bugso ng hangin na iniwan niya.Hindi niya na kinailangan ng kalahating oras.Wala pang sampung minuto, nakarating na siya sa Maple Villa 8.Nang makita niya kung paano nakaluhod si Hailey sa lupa, nakausl
Magbasa pa

Kabanata 967

“Naknamputa?”“Anong nangyayari?”Napatulala si Terrance, at ganoon din ang kalagayan ni Alex. Sobrang bilis ng pangyayari na hindi man lang niya ito napansin. Gayunpaman, ang palasong may gintong balahibo ay isang trickshot, at tumama ito sa mahalagang acupoint sa kanang balikat ni Terrance. Nabali nito ang lahat ng meridian sa brasong iyon.Sa loob ng isang segundo, ang kamay na ipinatong niya sa ulo ni Zoey ay ganap na nawalan ng silbi.Imposible nang mapatay niya si Zoey ngayon sa isang hampas lang.Ang unang naisip ni Alex ay lumingon at tingnan kung saan nanggaling ang palasong may gintong balahibo, ngunit pagkatapos, lumutang sa kanyang mga tainga ang malinaw, malamig at mahiwagang boses ng isang babae. “Ano pa ang hinihintay mo? Bilisan mo at iligtas mo siya!”Nanginig si Alex at agad na bumalik sa katinuan.Sumabog sa kanyang magkabilang binti ang lakas ng kulog, at naging malabo ang kanyang katawan, nagiging isang daloy ng liwanag na sumusugod patungo kay Terrance.Nakaramdam
Magbasa pa

Kabanata 968

Tapos na ang laban.Saka lang lumingon si Alex para tumingin. Natagpuan niya ang dalagang nakatayo sa tuktok ng mga puno na parang sinaunang at kagalang-galang na babae. Nakasuot ito ng itim at mukhang nasa edad bandang treinta. Mukha itong maselan at maayos, isang tiyak na walang katulad na kagandahan sa henerasyong ito. Kaya lang, ang kanyang mga ekspresyon ay napakalamig.“Salamat sa pagtulong mo sa akin, Senior.”Sa hindi inaasahang pagkakataon, bumuwelo ang babae at diretsong tinutok sa kanya ang isang palaso.Ang mabilis na kumikinang na palasong may gintong balahibo ay pinahiran ng siksik na Chi habang tumutusok ito sa hangin. Nanlaki ang mga mata ni Alex, at lumabas ang kanyang spiritual power, awtomatikong pinapagana ang kanyang Mystic armor. Ang palaso ay tila bumagal nang husto sa kanyang mga mata, at masasabi niya ang pupuntahan nito.‘Hindi naman pala nakatutok sa akin!’ agad niyang hinusga.Ang palasong may gintong balahibo ay dumampi sa kanyang balikat, tumatama kay Byak
Magbasa pa

Kabanata 969

Sinundan siya ng malamig na mga mata ng babaeng nakaitim ng ilang segundo bago ibinuka nito ang bibig. “Nakita na kita. Pero, hindi mo pa ako nakikita.”“Hah...”Natigilan si Alex.Pero nga pala, kritikal na ngayon si Zoey. Tila nagkaroon ng buhay ang Zharvakko na anting-anting, bumubuo ng makinang na pulang-dugo na daanan at nagmamadaling pumasok sa na maliit na katawan nito. Ang mga baling tadyang at ang mga sugat sa katawan nito ay nagsimulang magsara sa harap mismo ng kanilang mga mata.At mabilis ding humilom ang sugat sa ulo nito.Sa tulong ng dalagang naka-itim, tatlong minuto lamang ang ginugol ni Alex sa pagpapagaling sa mga sugat ni Zoey.“Ehem, ehem!”Nagising si Zoey, at dilat ang kanyang mga mata. Nagsimula siyang sumigaw nang may pag-aalala, “Bitawan mo yung nanay ko! Pakawalan mo na ang nanay ko…”Nanatili pa rin ang mga alaala ng batang babae nang inangat ni Terrance sa ere ang kanyang ina. Pagkatapos, nang makitang si Alex ang nasa harap niya, humagulgol siya at ibinao
Magbasa pa

Kabanata 970

“Zendaya? Bakit ka nandito?” tanong ni Alex.“Nag-aalala ako sa’yo?” Nakita ni Zendaya si Hailey na nakahandusay sa lupa. Alam niya ang tungkol kay Hailey, kung saan niya ito nakilala noon, at alam niya na si Hailey ang kinakapatid ni Alex. “Anong nangyari kay Ate Hailey? Ayos lang ba siya?”“Ayos lang. Sisimulan ko na siyang gamutin. Paki-alagaan mo muna si Zoey.”“Sige, Hubby.”Sa pagkakataong ito, malamig na tingin ang ibinigay ng dalagang nakaitim kay Zendaya at biglang ngumisi, “Hubby? Parang hindi mo naman siya asawa? Kwalipikado ka bang tawagin siyang ‘Hubby’?”“Ahh…”Namula sa kahihiyan si Zendaya dahil sa mga salitang sinabi ng dalagang nakaitim. “I-Ikaw… Sino ka?”“Hindi ka kwalipikado para alamin kung sino ako,” sagot ng dalaga.Tapos, malamig siyang suminghal kay Alex. “Ikaw, pilyong Rockefeller. Hindi pa nakakapaghiganti yung mga magulang mo, at hindi mo pa nga alam yung sarili mong background. Ano pang silbi ng magdamag na pagsandal sa mga bisig ng mga babae? Kung ako ang
Magbasa pa
PREV
1
...
9596979899
...
195
DMCA.com Protection Status