Share

Kabanata 970

“Zendaya? Bakit ka nandito?” tanong ni Alex.

“Nag-aalala ako sa’yo?” Nakita ni Zendaya si Hailey na nakahandusay sa lupa. Alam niya ang tungkol kay Hailey, kung saan niya ito nakilala noon, at alam niya na si Hailey ang kinakapatid ni Alex. “Anong nangyari kay Ate Hailey? Ayos lang ba siya?”

“Ayos lang. Sisimulan ko na siyang gamutin. Paki-alagaan mo muna si Zoey.”

“Sige, Hubby.”

Sa pagkakataong ito, malamig na tingin ang ibinigay ng dalagang nakaitim kay Zendaya at biglang ngumisi, “Hubby? Parang hindi mo naman siya asawa? Kwalipikado ka bang tawagin siyang ‘Hubby’?”

“Ahh…”

Namula sa kahihiyan si Zendaya dahil sa mga salitang sinabi ng dalagang nakaitim. “I-Ikaw… Sino ka?”

“Hindi ka kwalipikado para alamin kung sino ako,” sagot ng dalaga.

Tapos, malamig siyang suminghal kay Alex. “Ikaw, pilyong Rockefeller. Hindi pa nakakapaghiganti yung mga magulang mo, at hindi mo pa nga alam yung sarili mong background. Ano pang silbi ng magdamag na pagsandal sa mga bisig ng mga babae? Kung ako ang
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status