All Chapters of Sukdulan ng Buhay: Chapter 971 - Chapter 980

1942 Chapters

Kabanata 971

“Ano?! Patay na ang dakilang elder ng mga Coleman sa Missouri?”Ang pinuno ng pamilyang Stoermer, si Zayn, ay nabigla nang matanggap niya ang tawag at muntik nang mailaglag ang phone sa sahig. Gayunpaman, hindi nagtagal ay narinig niya ang tungkol sa kung paano pumunta si Terrance sa California upang hanapin si Alex, kasama ang plano nitong wasakin ang pamilya ni Alex. Sa halip, siya ang pinatay ni Alex. Galit na galit si Zayn nang marinig iyon. “Iyang si Terrance, talagang naghukay siya ng sariling libingan. Nalosyang na ba siya dahil sa katandaan? Noong narito siya, halos hindi niya maprotektahan ang sariling buhay sa ilalim ng mga kamay ng Master ni Alex. Namatay na tuloy siya ngayon. Mabuti iyan. Pagkatapos ng lahat, kung anong itinanim, siyang aanihin.”Nakatanggap si Xyla ng balita bago nito at sinabi, “Narinig ko ang impormasyon na inilabas ng pamilyang Coleman bago nito, na nagsasabing ang paglitaw ng master ni Alex sa tahanan ng mga Stoermer ay isang ilusyon lamang. Iyon sigur
Read more

Kabanata 972

Maya-maya, dumating sina Waltz at Azure.Matapos marinig ang nangyari, galit na galit si Waltz kaya malapit na niyang sugurin ang mga Coleman at patayin silang lahat.Saktong alas otso ng gabi, dumating si Nathan.8:08 pm, dumating si Michelle kasama ang pinuno ng pamilyang Yowell, si Keith.Matanda na si Keith Yowell, mas matanda kay Nathan, bukod pa doon ang katotohanang mga tatlo hanggang limang taon na lang ang natitira sa kanyang buhay. Gayunpaman, nagsanay siya ng tradisyunal na martial arts ng pamilyang Yowell, ang Slunce Jauda, ​​sa buong buhay niya, at ang kanyang antas ng cultivation ay katanggap-tanggap pa rin. Kaya maaari pa rin siyang makatulong.Nagpasya si Alex na huwag sayangin ang alinman sa kanyang mga mapagkukunan.8:15 ng gabi, nagmamadaling lumapit si Carey. “Nahanap ko na kung nasaan si Tristan. Nasa isang pribadong club siya na nagngangalang Red Mill.”“Tara na!” Nagtaas ng kamay si Alex at sinabi iyon.***Ang Red Mill ay nangungunang high-end-private-club sa is
Read more

Kabanata 973

“Hah...”“Bakit ikaw?!”Habang pinag-uusapan nina Tristan at Sven kung paano papahirapan at ipapahiya ang tatlong babae mula sa pamilya ng dating asawa ni Alex, hindi nila akalaing dadalhin nito ang mga tauhan nito at susugod sa club. Ano pa, habang nangyari iyon, isinasagawa nila ang lihim na diskusyon.Napasigaw silang dalawa sa gulat.Paano ito naging posible? Biro ba ito?!Hindi ba pumunta ang dakilang elder at si Byakko para dukutin siya?Paano niya nagawang magpakita rito?Bale nasaan ang dakilang elder?Maaari kayang hindi sila nagkrus ng landas?Sa sandaling iyon, may maganda at matangkad na babae na nakasuot ng high-waisted na tradisyunal na dress at puting takong ang sumugod kasama ang grupo ng mga security guard ng club sa likod niya.Dumiretso ang babae sa harapan ni Sven at iniyuko ang kanyang ulo bago sinabing, “Young Master, ang hamak na ito ay nagkaroon ng sandali ng kapabayaan at pinahintulutan ang grupo ng mga taong ito na makapasok, ginagambala ang dalawang young mas
Read more

Kabanata 974

Sa pagkakataong ito, ang nagsalita ay ang little devil, si Michelle Yowell.Nang matapos siyang magsalita, sinipa niya yung binti ni Sophia.Hindi nakayanan ni Sophia yung sipa, at agad siyang napaluhod.Galit na galit siya, pakiramdam niya parang luluwa na ang kanyang mga mata.Inaapi ba siya ng dalawang babaeng ito sa sarili niyang teritoryo? Anong mukha pa ang maihaharap niya?!Nang malinaw niyang tingnan ang hitsura ni Michelle, muli siyang natigilan. “Michelle Yowell? Ang lakas ng loob mong sipain ako? Anong ibig sabihin nito? Kahit na makipagtulungan pa ang pamilyang Yowell sa Thousand Miles, hindi pa rin sapat iyon para sampalin ang mukha ng isang taga-Coleman ng Missouri. Hinahanap mo talaga si kamatayan!”Bilang social queen bee, kakaunti lang ang mga taong hindi niya kilala.Gayunpaman, hindi mahalaga kung si Waltz man o si Michelle, alinman ay hindi gaanong mahalaga sa kanyang mga mata. Hindi maikukumpara ang Thousand Miles sa kung ano ang meron sila, at ang pamilyang Yowell
Read more

Kabanata 975

Medyo kampante pa rin naman ang pakiramdam ni Tristan sa kanyang sarili.Itinuring pa rin niya ang kanyang sarili bilang ang pinakabatang Earth Expert sa buong America.Kaya naman, nang sumugod ang apat na matataas na master ng koponan ni Alex, binalak niyang iantala ang labanan hanggang sa dumating ang kanyang ama. Mas mabuti kung ang dakilang elder, si Terrance, ay sumama rin sa kanya...Dahil tahimik niyang tinawagan ang numero ni Abel kanina habang hinuhukay ni Sophia ang sarili nitong libingan, ang tanging dahilan kung bakit hindi siya nanghimasok ay para magkaroon siya ng mas maraming oras.Gayunpaman, sa kanyang pagtatantya, kakailanganin pa rin ni Abel ng halos sampung minuto bago = makarating.Hindi niya alam na nakita ni Alex ang bawat kilos na ginawa niya ngayon. Ang tanging dahilan kung bakit hindi siya nito pinigilan ay dahil plano nitong hulihin silang lahat sa isang iglap.“Noong hindi ako pumapalag, akala ninyo ba isa lang akong may sakit, mahinang pusa? Akala ninyo ba
Read more

Kabanata 976

Tumama ang naturang liwanag sa leeg ni Tristan.Splat!Kung saan-saan tumalsik ang dugo, at may tumilapon na ulo sa ere.Pumailanglang ang ulo ni Tristan sa hangin, at nakita niya ang sariling katawan niyang bumubulwak ng dugo. Nanlaki ang mga mata niya habang sinusubukang alalahanin ang eksena bago siya mamatay. At sa kanyang puso, hindi niya maipaliwanag na naisip, ‘Buweno, hindi bale na. Mamamayapa na ako. Sa wakas, hindi ko na kailangan pang kumain ng kasuklam-suklam na putik!’“Hindi!”Umungol si Abel sa langit.Anak niya si Tristan, ang ipinagmamalaki niya sa kanyang buhay, at ito rin ang pinakamalaking pag-asa para sa mga Coleman ng Missouri. Umaasa sa kanya ang lahat na mabilis itong makakausad upang maiangat nito ang mga Coleman ng Missouri, winawasak ang mga posas ng walong maharlikang pamilya at aakyat nang mas mataas kaysa dati.Pero ngayon.Nawasak na ang lahat ng mga inaakala at pag-asa.Nagdurugo ang kanyang puso.“Ikaw, nangahas kang patayin ang anak ko?!“Naglakas-loob
Read more

Kabanata 977

Nagulat sina Wesley, Adam, at Jessica sa naturang boses.Dalubhasa sa martial arts ang dalawang lalaki, at kahit matandang lalaki na si Wesley, habang tumatanda, mas sumisigla ang inner force. Ngayong siya ay nasa 70 taong gulang na, nasa antas na siya ng Advanced Earth Expert. Sayang lang at wala na siyang pag-asang maging Grandmaster.Para naman kay Adam, ang ranggo niya ay Beginner Earth Expert.Nang marinig ng dalawa ang boses, agad nilang nalaman na master yung dumating para kumatok.Ang dagundong ay maihahalintulad sa leon, puno ng malakas na inner force. Bumukol at masakit ang tenga ng mga taong nakarinig nito. Isang ugong ang pumuno sa kanilang isipan. Tila nakakita ng mga bituin ang kanilang mga mata.“Rawr!!!”Mabangis na tinadyak ni Wesley ang kanyang paa, at umalingawngaw ang dagundong na parang sirang gong. Sinamahan din ito ng malakas na inner force upang masapawan ang pisikal na pagkairitang idinulot ng huling dagundong at itaboy ang inner force na nakakabit dito.“Sino
Read more

Kabanata 978

Sabi ni Zayn, “Ang pangalawang bagay ay ang maningil ng dalawang utang. Ang una ay yung sa pamangkin ng manugang ko na siyang pinatay ng apo mo, si Tristan. Ang pangalawa ay yung sa kagustuhan mong gamitin ang apo ko bilang hurno para sa apo mo. Kung hindi ko sisingilin ang dalawang utang para sa pamilyang Stoermer, hindi ba maiisip mo na ang ranggong hawak ko bilang Grandmaster ngayon ang magiging pinakanakakatawang biro sa mundo?”“Patay na si Tristan. Ano pa bang gusto mo?” tanong ni Adam.“Oo, patay na nga si Tristan. Pero kasi, buhay pa rin yung ibang Coleman ng Missouri?” sabi ni Zayn.“Bleugh...”Lumabas na naman ang dugo mula sa bibig ni Wesley, at umungol siya, “Ikaw… naparito ka para wasakin ang pamilyang Coleman? Zayn Stoermer, huwag mong kalimutan na may mga patakaran sa walong maharlikang pamilya na hindi natin maaaring patayin ang isa’t-isa.”Umiling si Zayn. “Hindi ko intensyon na wasakin ang pamilyang Coleman. Patay na si Tristan, kaya alinsunod sa kasalukuyang batas, m
Read more

Kabanata 979

Patay na si Tristan, gayundin si Abel.Pati si Sven ay patay na.Nagbigay siya ng mungkahi na kidnapin ang tatlong babae mula sa pamilyang Assex at pahirapan at ipahiya ang mga ito sa harap ni Alex. Para makapagbigay ng kahindik-hindik na suhestiyon, mas walanghiya siya kaysa kay Tristan. Hindi posible na hayaan siyang mabuhay para salubungin ang bagong taon.Lumabas si Alex sa Red Mill na may blankong tingin sa mukha.Sa pasilyo, nakita niya si Azure at ang babaeng mayabang, si Sophia Helton.Sa sandaling iyon, nakahilata sa sahig si Sophia, mabangis na nagwawala at patuloy na nagpupumiglas. Nakaupo si Azure sa katawan niya, dahilan para hindi siya makagalaw. Kahit paano mo pa ito tingnan, medyo mukhang mahalay talaga yung eksena.Natigilan si Alex.Wala sa mood si Waltz na ipagpatuloy ang panonood, at kinapa niya ang kanyang noo gamit ang palad habang sumisigaw, “Azure, anong ginagawa mo? Social queen bee mula sa mga Coleman ng California ang babaeng iyan. Hindi mo alam kung ilang la
Read more

Kabanata 980

Mabilis siyang magmumukhang kapatid ni Zendaya.Isa pa, ang ganda ng personalidad niya!Ang hawakan ang kanyang mga kamay ng makinis na mala-jade nitong mga kamay at tawagin siyang ‘manugang’, pati na rin ang pagtukoy nito sa sarili bilang kanyang ina, naninigas ang pakiramdam ni Alex.“A-auntie, sabihin ninyo lang,” sabi ni Alex, medyo nauutal ang dila.“Bakit Auntie pa rin ang tawag mo sa akin? Ang anak ko, na pinaghirapan kong palakihin, ay siyang magbibigay sa’yo ng anak. Hindi ba parang ang layo mo sa’kin kung pakikinggan? Ano kaya kung Mom na ang itawag mo sa’kin?”“Ito... P-Pwede ninyo ba akong bigyan ng oras?”“Oo naman! Pero, talagang manugang na ang tingin ko sa’yo... Ganito, napagpasyahan ni Zendaya na gusto niyang makibahagi sa Infernal Experience ng pamilyang Stoermer. Masyadong delikado iyon. Sa daang miyembro ng pamilyang Stoermer, isa o dalawang porsyento lamang ang lumalabas na buhay. Ganoon kapanganib sa lugar na iyon! Manugang... marunong lang kumanta, sumayaw, at um
Read more
PREV
1
...
96979899100
...
195
DMCA.com Protection Status