Lahat ng Kabanata ng Sukdulan ng Buhay: Kabanata 1331 - Kabanata 1340

1942 Kabanata

Kabanata 1331

‘Nasaan ang taong iyon?’Napatingin si Alex sa mga taong ito. Wala sa kanila ang pasok sa pamantayan; lahat sila ay mga third-rate na mandirigma.Ang sabihing mga third-rate na mandirigma sila ay pambobola lamang. Kung sila ay ilalagay sa Thousand Miles Conglomerate, magkakaroon sila ng mga pagkakakilanlan ng mga ordinaryong bayarang gangster, isang grupo ng mga hindi kapansin-pansing kampon na madaling mapapatay sa isang sulyap lamang mula kay Alex.Gayunpaman, wala siyang makitang namumuno sa mga taong ito.Ang lalaking nagsalita ay blonde ang buhok. Akala niya kaya niyang yurakan ang iba, kaya napangiti siya, “Mataas ang katayuan ng taong gustong makita ka. Bakit siya pupunta sa ganitong klaseng lugar para personal na makipagkita sa hamak na taong tulad mo? Sige, tama na satsat. Sumama ka sa amin ngayon. Hindi maganda kung mahuhuli ka ng dating.”Umiling si Alex. “Hindi ako puwede! Bumalik na lang kayo sa master ninyo at sabihin sa kanya na kailangan niyang pumunta dito kung gusto n
Magbasa pa

Kabanata 1332

Nagulat na sabi ni Alex, “Di ba ikaw na mismo ang nagsabi? Hindi ba gusto mong marinig ang tunog ng mga nabaling binti? Ngayon, narinig mo na. Sarap sa tenga, hindi ba?”“M-mortal na magkaaway tayo.”“Oh, mukhang kulang ang narinig mo.”Itinaas muli ni Alex ang kanyang paa. Sa pagkakataong ito, tinadyakan niya ang tuhod ng blondee na lalaki.Fibula niya na nabali kanina. Maaari itong ganap na gumaling kapag nalunasan. Gayunpaman, ibang usapan na ang tuhod. Kapag nabali na ang tuhod, hindi na ito maagapan pa.“Ah—! Kapal ng mukha mong gawin iyon?! Alam mo ba kung sino ako?!” Napasigaw ang blonde na lalaki habang pilit niyang iniilagan si Alex.Tanong ni Alex, “Sino ka ba?”Gayunpaman, nang matapos siyang magtanong, nilapatan niya na ng puwersa ang tuhod ng blonde na lalaki.Krak!Tunog ito ng buto na ganap na nadurog. Habang ang buto ay nadurog sa mga pira-piraso, ang bahagi ng tuhod ng blonde na lalaki ay bumigay sa kakaibang paraan.Sa pagkakataong ito, hinimatay kaagad ang blonde sa
Magbasa pa

Kabanata 1333

Sa sobrang galit ni Easton ay tumalon siya at sinipa nang malakas ang blond na lalaki sa nabali nitong binti.“Basura, basura! Mga basura kayong lahat!”Nagwala siya sa sobrang galit.Nang naisip niya kung paano ang babaeng pinapangarap niya, na matagal niya nang hinahabol, ay malapit nang humiga sa ilalim ng katawan ni Alex at lalasapin na ito, at ang walang prinsipyong magkasintahang ito ay gumagawa ng lahat ng klase ng kababalaghan sa isang bahay na walang pangatlo, halos mabaliw na siya.Lalo na nang maisip niyang muli ang napakaganda at kurbadong pigura ni Phoebe na kaya niyang yakapin nang hindi ito binibitawan, pakiramdam niya ay sasabog na siya sa galit dahil siya dapat ang nakabaon sa dibdib nito. Sa kasamaang palad, may nauna nang ibang lalaki.“Bro, dahan-dahan lang!” Nagsalita si Viole sa tabi niya.Sa sandaling ito, nakapagpalit na siya ng damit. Mukha siyang elegante, suplada ngunit mayabang habang nakasakay sa kanyang mataas na kabayo. Ang titig sa kanyang mga mata ay pa
Magbasa pa

Kabanata 1334

Napangiti si Alex. “Akala ko talaga ikaw na yung reyna of splits eh. Mali pala. Tandaan, huwag mo kailanman ilalahad ang binti mo sa isang lalaki. Lubhang mapanganib iyan, at madali iyang magdudulot ng mga disgrasya.”“Anong disgrasya?“E di sanggol!“Ikaw... ang halay mo talaga! Puwe!”Sa anumang kaso, si Phoebe ay isang dalaga na walang asawa na hindi kailanman umibig. Paano siya maihahambing sa diborsiyadong lalaki at beteranong manlalaro tulad ni Alex? Kahit na pumatol pa siya’t makipaglaro, ang sampung kopya ng Phoebe Larsen ay wala pa ring palag kay Alex.Matapos magbiro ay agad siyang binitawan ni Alex.Nakaramdam siya ng kaunting panghihinayang matapos makita kung paano ito natakot.Naisip niya, ‘Maaari kayang ang kanyang magandang paa ay may napakalakas na alindog? Dalawang sulyap lang ang ginawa ko at inamoy iyon, ngunit may pag-aalsa ng emosyon sa puso ko, at nagkaroon pa ako ng kasiya-siyang mga saloobin? Hindi ito dapat mangyari. Hindi ito dapat mangyari. Ito ang matalik n
Magbasa pa

Kabanata 1335

“Ano?”“Ito... Anong nangyayari?”Ang nangungunang kapitan ay lubos na natulala. Namilog ang mga mata niya habang bumibilis ang tibok ng puso niya.Totoong baril iyon eh!Kahit na makina pa, imposibleng durugin ang baril sa mga pulbos na bakal. Hindi kaya mas makapangyarihan ang kamay nito kaysa sa mabigat na makina ng industriya? Talagang hindi ito kapani-paniwala.Sa kabilang banda, walang pakialam na sinabi ni Alex, “Naiinis ako sa mga taong tinututukan ako ng baril!”Matapos mabigla ang nangungunang kapitan ng ilang sandali, agad siyang umatras at nag-utos, “Ang kontrabida na ito ay napakasama at tumangging sumunod sa utos ng opisyal. Kung lalaban siya hanggang dulo, patayin na lang siya agad!”Ang taong ito ay mula pala sa pamilyang Zimmer.Isa siyang kamag-anak.Lihim niyang natanggap ang tagubilin ni Easton kanina. Basta may pagkakataon, papatayin niya agad si Alex!Bang!Isang putok ng baril ang tumunog.Agad na tinutukan ng isang miyembro na nasa likod ang ulo ni Alex at nagpa
Magbasa pa

Kabanata 1336

“Tatanungin ko ulit. Sinong nag-utos sa inyong lahat na pumunta dito?” Tumayo si Alex sa pasukan at nagsalita na may malamig na boses.Sa sandaling ito, si Phoebe, na nakarinig ng mga putok ng baril, ay tumakbo pababa ng hagdan sa takot. Isang puting tuwalya lang ang nakabalot sa katawan niya. Habang bakas sa mukha niya ang takot, sinabi niya habang naglalakad, “Hoy g*go, anong nangyari? Bakit ako nakarinig ng putok ng baril ngayon lang?”Pagkatapos, naglakad siya papunta sa pasukan. Nang makita niya ang grupo ng mga opisyal ng gobyerno na nakaluhod sa lupa, sa sobrang takot niya ay napasigaw siya.Hindi nakapulupot nang maayos ang kanyang tuwalya sa kanyang katawan. Nang tumakbo siya pababa sa hagdanan sa gulat kanina, medyo lumuwag ito.Sa sandaling ito, likas na bumitaw ang kanyang kamay, dahilan upang tuluyang lumuwag ang buhol na nakatali sa tuwalya.Nang makita ang puting tuwalya na malapit nang malaglag... Eh, karamihan sa mga dosenang opisyal sa harap ay mga lalaki. Kung talaga
Magbasa pa

Kabanata 1337

Natigilan ang buong grupo ng mga opisyal.Puno ng pagdududa ang kanilang mga isipan. Ang Divine Constabulary ay kabilang din sa opisyal na departamento. Dapat nasa iisang panig sila. Bakit hindi ang mga kontrabida ang pinosasan kundi sila sa halip?Hindi ito makatwiran, at wala itong anumang kabuluhan.“Hindi kaya peke ang mga tauhang ito mula sa Divine Constabulary? Impostor ba sila?”Isang kapritso ang sumagi sa babaeng kapitan nang magkaroon siya ng ganoong saloobin. Agad siyang sumigaw, “Bitawan ninyo ako. Bitawan ninyo ako. Seryoso kong pinagdududahan ang mga pagkakakilanlan ninyo. Hindi kayo mga miyembro ng Divine Constabulary. Malamang mga impostor kayong lahat.”Walang may pakialam sa kanya.Ikinaway ni Zachary ang kanyang kamay. Agad namang kinaladkad ng mga miyembro ng Divine Constabulary ang isang dosenang miyembro ng mga opisyal ng Michigan, kabilang ang namatay na kapitan, at mabilis na umalis sa terrace na bahay ng pamilyang Larsen.“Uncle Zachary, sa’yo ba ibinigay ang
Magbasa pa

Kabanata 1338

Pati laway niya ay tumulo na.Inabot niya agad ang isang piraso ng hipon at sinalpak iyon sa bibig niya.“Wow—!”Sa isang iglap, naranasan niya ang lasa na kailanman ay hindi pa niya natitikman. Parang sumabog ang panlasa niya. Sa sobrang sarap, halos malunok niya na ang buong hipon.“Paano? Bakit napakasarap?“Anong nilagay mo dito?”Kumikinang ang kanyang mga mata. Ang ekspresyon niya nung tumingin siya kay Alex ay parang alien yung tinitingnan niya. ‘Kung wala, paano natutong magluto ang lalaking tulad mo?’Kumunot ang noo ni Alex. “Hindi ka pa naghuhugas ng kamay, tama?”Nanlaki ang mga mata niya. “Hindi pa ba?”“Hindi pa!”“Ano naman? Kaliligo ko lang, at wala naman akong hinawakang iba!”“Maghugas ka nga ng kamay! Napakahusay mong doktor, pero ang dungis mo.”“Ah... sige na nga!”***Nang magsimulang maghapunan ang dalawa, tinawagan ni Easton Zimmer si Gordolf Goldman sa phone. “Uncle, kumusta na ang sitwasyon? Nahuli mo na ba ang kawawang talunan na iyon?”Kung hindi niya mahah
Magbasa pa

Kabanata 1339

“Mga taga-Divine Constabulary?” Nagulat si Gordolf saglit.Gayunpaman, naging takot at galit ito sa sumunod na sandali dahil ang isang miyembro ng Divine Constabulary na namumuno sa koponan ay naglabas ng pares ng posas at agad na pinosasan si Gordon.Nang makita ang maitim, espesyal na ginawang mga posas, halos masiraan ng bait si Gordolf.Siya ang laging pumuposas sa ibang tao. Tapos ngayon, siya talagang itong pinosasan. Ang pangunahing punto ay, ginawa iyon sa harap mismo ng kanyang maraming mga tauhan. Paano niya pa magagawang iangat ang kanyang ulo sa hinaharap? Ilang tao ang tatawa sa kanya sa likod niya? Kakayanin pa ba niyang manatili doon?Kaya naman, nagpumiglas siya nang husto at umungol, “Ano ‘to? Anong nangyayari? Anong kahulugan nito? Ako si Gordolf Goldman. Anong karapatan ninyong mga taga-Divine Constabulary na posasan ako? Bitawan ninyo ako, kung hindi, hindi ko kayo tatantanan!”Napatulala lahat ng mga tauhan niya.Hindi nila alam ang nangyari.Gayunpaman, umasa si G
Magbasa pa

Kabanata 1340

Tinuro ni Easton ang camera. “Naiintindihan ko naman iyan. Pero, anong nasa loob ng maliit na bote na ito?”Misteryosong ngumiti si Viole at may sinabi sa tenga ni Easton. Sa huli, tinapik niya ang tiyan nito at sinabing, “Ano? Hindi ba sobrang magmalasakit ang kapatid mo? Partikular kong hiniling sa isang tao mula sa Spain na bilhin ito para sa akin. Ginagarantiya kong buong magdamag kang walang humpay na masigla.”“Salamat!”Sa sandaling ito, dalawang tao ang sumugod sa clubhouse. Puno ng kalungkutan ang mga mukha nila.Diretso silang pumunta sa harap ni Viole. “Young Master Zimmer at Miss Zimmer, kailangan ninyong manindigan para sa ating Martin Zimmer!”Ang dalawang taong dumating ay walang iba kundi ang mga magulang ni Martin.Si Martin ay isang malayong pinsan ni Easton.Parehong natigilan si Easton at ang kanyang kapatid at sabay na nagtanong, “Anong nangyari kay Martin?”Malungkot na sinabi ng ama ni Martin na si Okeanos Zimmer, “Patay na ang Martin namin!”“Ano?”“Patay na si
Magbasa pa
PREV
1
...
132133134135136
...
195
DMCA.com Protection Status