“Tatanungin ko ulit. Sinong nag-utos sa inyong lahat na pumunta dito?” Tumayo si Alex sa pasukan at nagsalita na may malamig na boses.Sa sandaling ito, si Phoebe, na nakarinig ng mga putok ng baril, ay tumakbo pababa ng hagdan sa takot. Isang puting tuwalya lang ang nakabalot sa katawan niya. Habang bakas sa mukha niya ang takot, sinabi niya habang naglalakad, “Hoy g*go, anong nangyari? Bakit ako nakarinig ng putok ng baril ngayon lang?”Pagkatapos, naglakad siya papunta sa pasukan. Nang makita niya ang grupo ng mga opisyal ng gobyerno na nakaluhod sa lupa, sa sobrang takot niya ay napasigaw siya.Hindi nakapulupot nang maayos ang kanyang tuwalya sa kanyang katawan. Nang tumakbo siya pababa sa hagdanan sa gulat kanina, medyo lumuwag ito.Sa sandaling ito, likas na bumitaw ang kanyang kamay, dahilan upang tuluyang lumuwag ang buhol na nakatali sa tuwalya.Nang makita ang puting tuwalya na malapit nang malaglag... Eh, karamihan sa mga dosenang opisyal sa harap ay mga lalaki. Kung talaga
Natigilan ang buong grupo ng mga opisyal.Puno ng pagdududa ang kanilang mga isipan. Ang Divine Constabulary ay kabilang din sa opisyal na departamento. Dapat nasa iisang panig sila. Bakit hindi ang mga kontrabida ang pinosasan kundi sila sa halip?Hindi ito makatwiran, at wala itong anumang kabuluhan.“Hindi kaya peke ang mga tauhang ito mula sa Divine Constabulary? Impostor ba sila?”Isang kapritso ang sumagi sa babaeng kapitan nang magkaroon siya ng ganoong saloobin. Agad siyang sumigaw, “Bitawan ninyo ako. Bitawan ninyo ako. Seryoso kong pinagdududahan ang mga pagkakakilanlan ninyo. Hindi kayo mga miyembro ng Divine Constabulary. Malamang mga impostor kayong lahat.”Walang may pakialam sa kanya.Ikinaway ni Zachary ang kanyang kamay. Agad namang kinaladkad ng mga miyembro ng Divine Constabulary ang isang dosenang miyembro ng mga opisyal ng Michigan, kabilang ang namatay na kapitan, at mabilis na umalis sa terrace na bahay ng pamilyang Larsen.“Uncle Zachary, sa’yo ba ibinigay ang
Pati laway niya ay tumulo na.Inabot niya agad ang isang piraso ng hipon at sinalpak iyon sa bibig niya.“Wow—!”Sa isang iglap, naranasan niya ang lasa na kailanman ay hindi pa niya natitikman. Parang sumabog ang panlasa niya. Sa sobrang sarap, halos malunok niya na ang buong hipon.“Paano? Bakit napakasarap?“Anong nilagay mo dito?”Kumikinang ang kanyang mga mata. Ang ekspresyon niya nung tumingin siya kay Alex ay parang alien yung tinitingnan niya. ‘Kung wala, paano natutong magluto ang lalaking tulad mo?’Kumunot ang noo ni Alex. “Hindi ka pa naghuhugas ng kamay, tama?”Nanlaki ang mga mata niya. “Hindi pa ba?”“Hindi pa!”“Ano naman? Kaliligo ko lang, at wala naman akong hinawakang iba!”“Maghugas ka nga ng kamay! Napakahusay mong doktor, pero ang dungis mo.”“Ah... sige na nga!”***Nang magsimulang maghapunan ang dalawa, tinawagan ni Easton Zimmer si Gordolf Goldman sa phone. “Uncle, kumusta na ang sitwasyon? Nahuli mo na ba ang kawawang talunan na iyon?”Kung hindi niya mahah
“Mga taga-Divine Constabulary?” Nagulat si Gordolf saglit.Gayunpaman, naging takot at galit ito sa sumunod na sandali dahil ang isang miyembro ng Divine Constabulary na namumuno sa koponan ay naglabas ng pares ng posas at agad na pinosasan si Gordon.Nang makita ang maitim, espesyal na ginawang mga posas, halos masiraan ng bait si Gordolf.Siya ang laging pumuposas sa ibang tao. Tapos ngayon, siya talagang itong pinosasan. Ang pangunahing punto ay, ginawa iyon sa harap mismo ng kanyang maraming mga tauhan. Paano niya pa magagawang iangat ang kanyang ulo sa hinaharap? Ilang tao ang tatawa sa kanya sa likod niya? Kakayanin pa ba niyang manatili doon?Kaya naman, nagpumiglas siya nang husto at umungol, “Ano ‘to? Anong nangyayari? Anong kahulugan nito? Ako si Gordolf Goldman. Anong karapatan ninyong mga taga-Divine Constabulary na posasan ako? Bitawan ninyo ako, kung hindi, hindi ko kayo tatantanan!”Napatulala lahat ng mga tauhan niya.Hindi nila alam ang nangyari.Gayunpaman, umasa si G
Tinuro ni Easton ang camera. “Naiintindihan ko naman iyan. Pero, anong nasa loob ng maliit na bote na ito?”Misteryosong ngumiti si Viole at may sinabi sa tenga ni Easton. Sa huli, tinapik niya ang tiyan nito at sinabing, “Ano? Hindi ba sobrang magmalasakit ang kapatid mo? Partikular kong hiniling sa isang tao mula sa Spain na bilhin ito para sa akin. Ginagarantiya kong buong magdamag kang walang humpay na masigla.”“Salamat!”Sa sandaling ito, dalawang tao ang sumugod sa clubhouse. Puno ng kalungkutan ang mga mukha nila.Diretso silang pumunta sa harap ni Viole. “Young Master Zimmer at Miss Zimmer, kailangan ninyong manindigan para sa ating Martin Zimmer!”Ang dalawang taong dumating ay walang iba kundi ang mga magulang ni Martin.Si Martin ay isang malayong pinsan ni Easton.Parehong natigilan si Easton at ang kanyang kapatid at sabay na nagtanong, “Anong nangyari kay Martin?”Malungkot na sinabi ng ama ni Martin na si Okeanos Zimmer, “Patay na ang Martin namin!”“Ano?”“Patay na si
Siyempre, hula lang ito ni Viole.Gayunpaman, ang ekspresyon sa kanyang mukha ay nagpapakita kung gaano hindi maipaliwanag na kalokohan ang naramdaman niya nang lumabas sa kanyang mga labi ang mga salita…“Imposible, paano naging posible iyon?“Yung lalaking iyon, kung ano mang suot niya, malamang hindi pa iyon umaabot sa isang libong dolyar. Damit lang iyon ng isang kawawang talunan. Ang sabihing isa siya sa mga nakatataas sa Divine Constabulary ay purong insulto sa kanila. Pero, bakit hindi ko magawang patahimikin ang pag-aalala sa puso ko?”Para naman kay Easton, na kanina pa kausap ni Okeanos, huminto muna siya bago sinabing, “Sisiguraduhin kong maiimbestigahan kong maigi ang bagay na ito. Ngayong iniisip ko, ang babaeng iyon, si Grace, ay parang hindi rin ordinaryong tao. Bagama’t nagretiro na siya, may kung ano pa rin sa hitsura ng kanyang mga mata... Ang lalaking dinala niya, may uutusan ako para maayos na siyasatin ang lalaking iyon! Bago ‘yan, huwag tayong padalos-dalos.”Nang
Sumisikat mula sa silangan ang araw, hindi ba?Hanggang sa sinabi ni Phoebe, “Hindi ako ang nagluto; si Alex. Puwede na.”Natigilan si Grace, at lalong bumuti ang kanyang impresyon kay Alex. Inaabangan din niya ang pagkain na niluto ni Alex ngayon... Para naman sa komento ni Phoebe sa pagkain, hindi siya pinansin ni Grace. Pamilyar siya sa kanyang anak, pagkatapos ng lahat. Kahit na instant noodles pa na nagkakahalaga ng tatlong dolyar, sasabihin pa rin ni Phoebe na puwede na.Gayunpaman, nang buksan ni Grace ang lalagyan at inilabas ang mga salansan ng maingat na pinagsama-samang mga putahe, at ang bahagyang amoy ng halimuyak ay lumabas, muli siyang nagulat.“Alex, ikaw lang ang nagluto nito?”Naghinala siya na binili ito bilang takeout mula sa isang restaurant.Si Phoebe ang sumagot, “Siya lang ang gumawa ng lahat ng ito, kahit na itaya ko pa ang reputasyon ko. May iniambag naman akong kaunti. Itong gulay, ako ang naghiwa nito.”Natulala na naman si Grace. “Marunong kang maghiwa ng g
Medyo nagulat si Alex.Hindi niya inaasahan na si Andrew pala ang taong iyon, ang espesyalista sa utak na nagtrabaho sa California. Bigla niyang naalala na binanggit ni Grace ang Swiss brain specialist na inimbitahan nito. Siya ba iyon?“Nandito ka ba para gamutin si Wayne Larsen?” tanong ni Alex.“Ay, oo. Ngunit, ang nag-utos sa akin na pumunta dito ay ang guro ko talaga, at sumama lang ako.” Agad na tinuro ni Andrew ang babaeng dayuhan na nakatayo sa likuran niya. Pagkatapos, sinabi niya kay Alex, “Ah, kung alam lang namin na narito ka, Master, hindi na namin kailangan pang pumunta.”Pagkasabi nito, masigasig na ipinakilala ni Andrew si Alex sa kanyang guro.Ang pangalan ng babaeng dayuhan ay Julia, at ang kanyang hitsura ay iba kaysa sa inaasahan ng lahat sa tipikal na babaeng dayuhan. Hindi siya matangkad, mga 1.65 metro lang. Medyo matanda na siya at nakasuot ng salamin, at maganda ang pananamit niya.“Kumusta, ang pangalan ko ay Alex Rockefeller.”Bilang paggalang sa nakatatanda,