Home / Mystery/Thriller / Chain the Truth / Chapter 1 - Chapter 10

All Chapters of Chain the Truth: Chapter 1 - Chapter 10

50 Chapters

Prologue "Killer"

“Start praying,” sabi ko sa kanya habang nakatali ang kanyang paa at kamay sa upuan. Nakikita ko rin na pumapatak na rin ang sandamakmak na luha sa kanyang mga mata.“Parang awa mo na huwag mo akong patayin may anak pa ako at inaantay nila akong umuwi,” pagmamakaawa niya sa akin. Ngunit kahit anong gawin niya ay hinding hindi na magbabago at magda-dalawang isip na pasabugin ang kanyang ulo gamit ang hawak kong baril. “Paano naman ako?! Binigyan niyo ba ako nang pagkakataon? Naawa ba kayo sa akin noong naghi-hirap ako sa kamay ninyong lahat?” tanong ko sa kanya habang inaantay ko nalang ang oras na iputok ang baril.“Nakaraan na iyon. Please kalimutan na natin ang nakaraan. Maganda na ang buhay mo ngayon at alam kong hindi mo kayang pumatay nang tao. Mabait ka, busilak ang iyong kalooban. Patawarin mo na ako. Nag-bago na ako at pinagsisisihan ko iyon. Ayoko pang mamatay!” Medyo naiirita na rin ako sa boses niy
last updateLast Updated : 2021-07-18
Read more

1 Police Captain Luna Rose Enriquez

 Napahigop ako sa aking mainit na kape habang tinitingnan ang mga litrato na nakuha namin sa crime scene. Halos pinaliguan nang bala ang biktima sa kanyang katawan. Isa sa ulo at siyam sa kanyang dibdib.Hindi ito homicide, talagang may galit ang suspek sa taong ito. Sabi din sa autopsy ay dalawang araw na daw ang bangkay mula nang may nag-report nito at natagpuan namin sa abandonadong gusali.“Mukhang busy talaga ang kapitan namin ha.” sabi sa akin ni Celyn habang may bitbit nang supot na tinapay.“Ito oh. Miryenda. Huwag kang mag-alala, libre ko na yan. Nakuha ko na kase ang bonus natin.” Pangiting inabot niya sa akin ang isang pandesyal. Tinanggap ko naman ito gamit ang aking palad.“Sampung bala,” bulong ko sa aking sarili habang tinitingnan nang maigi ang mga litrato. Napahinto ako sa aking pagtitig nang kinalabit ako sa balikat ni Celyn at inutusan na kumain muna ako dahil alam niyang hindi pa ako nag
last updateLast Updated : 2021-07-18
Read more

2 Police Captain Luna Rose Enriquez

 Hindi ko maiwasan na mainis dahil wala kaming makitang lead. Walang silbi ang mga balang naiwan kung hindi man lang ito matutukoy kung sino ang pumatay. Huminga ako nang malalim at ipinikit ang aking mata. “Richard? Pwede bang ipagtimpla mo ako nang kape?” paghingi ko nang pabor sa kanya. Sinunod niya naman agad nag aking utos. Napahawak ako sa aking ulo at hinilot-hilot ang aking sarili.Pagbalik ni Richard ay may kasama na siyang ibang lalake na pumasok sa aking office. “Ma’am ito na po ang kape niyo. May ipag-uutos pa po kayo?” tanong niya sa akin sabay ipinatong ang baso sa aking lamesa.“Salamat, gusto kong maghanap ka pa nang mga kamag-anak nang biktima o kaya naman ang kapatid niya, baka kase may alam sila patungkol sa krimen na nangyare,” sabi ko sa kanya. Agad naman lumabas si Richard sa aking opisina at ginawa ang aking pinag-uutos.Binigyan pansin ko ang lalake na pumasok kasama ni Richard dito.
last updateLast Updated : 2021-07-18
Read more

3 Police Captain Luna Rose Enriquez

 Makalipas ang isang linggo na walang usad ang kaso ay tumambad sa aking lamesa ang isang pang murder case. “Ano to?” tanong ko kay Richard.“Bagong kaso po ma’am. Inutusan po ako ni Police Colonel Santos na ibigay sa ating headquarters ang kaso na ito,” sabi niya sa akin.Hindi ko naman masisisi si Colonel Santos dahil alam kong malaki ang tiwala niya sa namin na Special Crime Investigation. Pero hindi ko rin inaasahan na magkakaroon ulit agad nang panibagong murder case na kailangan maresulba.Hinawakan ko ang papel na nakalapag sa aking lamesa at binasa ang nakapaloob dito. “Emilio Perez, apat na put anim na taong gulang, kasal, nakatira sa Sta. Lucia Del Monte Street, isang business man na may apat na anak,” pagbabasa ko. Napahawak ako sa aking sentido dahil biglang sumakit ang aking ulo.Napatayo ako sa aking kinauupuan nang biglamg pumasok si Alexander sa pintuan nang hindi man lang kumakatok. &
last updateLast Updated : 2021-07-18
Read more

4 Police Captain Luna Rose Enriquez

“Bakit mo naisipang itanong sa kanyang motibo nang krimen?” tanong ko kay Alex. “Nagkaroon sila nang alitan nang kanyang asawa at sinabi niya pa na may babae ang kanyang mister. Posibleng paghihiganti, galit o puot ang nararamdaman niya nang malaman niya ito. Posible din na siya ang pumatay sa kanyang asawa. Sinusubukan ko lang siyang hulihin siya. Pero natunugan niya ako,” sagot niya sa akin. “Sabagay may punto ka rin, kaso lang sa iyong tanong ay hindi na tayo makakabalik sa bahay niya,” ani ko sa kanya. “Wala siyang magagawa, oras na malaman natin ang totoo, siya man o hindi ang pumatay ay magkikita pa rin tayo sa korte para ihain ang kaso na kinakasangkot nang suspek ngayon,” sagot sa akin ni Alexander. Muli kaming bumalik sa kanyang kotse at pumunta sa address na binigay sa amin ni Misis Perez bago niya kami palayasin sa kanyang bahay. Kumatok kami sa kanyang pinto nang nasabing babae ni Mister Perez at pinagbuksan kami nang isang singkit
last updateLast Updated : 2021-07-18
Read more

Killer

Gabi na ako nang nakauwi sa aking bahay binuksan ko ang telebisyon at pinapanood ang mga kapulisan na kinu-kolekta ang mga bala na naiwan sa krimen.“Ang tatanga niyo naman!” Sigaw ko sa kanila habang umiinom nang alak sa loob nang aking kwarto. Inilipat ko nang ibang channel ang telebisyon at napanood ko rin ang mga pamilyang nagpo-protesta sa mga kapulisan sa kadahilanang hindi pa umuusad ang kaso.“Mga inutil! Dapat lang sa kanila ang mamatay. Hindi binubuhay ang mga taong kagaya nila.” Nagpakawala ako nang isang malakas na halakhak habang pinaglalaruan ko ang baril sa aking kamay.“Hanggang kailan kaya nila malalaman ang totoo? Hanggang kailangan pa kaya sila iikot sa krimen na ginawa ko?” bulong ko sa aking sarili. Dalawang tao na ang napabagsak ko. Ilan pa kaya ang kulang? Hindi na ako makapag-hintay na ubusin silang lahat.Kinabukasan ay nag-jogging ako papuntang sementeryo at hinanap ang dalawang puntod nila Rob
last updateLast Updated : 2021-07-18
Read more

5 Police Captain Luna Rose Enriquez

Isang buwan na walang usad ang kaso. Napapa-isip nalang ako kung paano mare-resulba ang krimen na ito. Naisip ko rin kung kailan kaya muling aatake ang killer sa kanyang mga target. Hating gabi na at hindi pa rin ako mapakali sa kai-isip kung ano ba talaga ang motibo sa sa krimen.Tumayo ako sa aking pagka-higa dahil gusto kong uminom nang gatas. Nag-lakad ako papuntang kusina at nag-timpla.Huminga ako nang malalim at inilapag ang isang bagong gatas sa aking lamesa. Tumungo ako sa loob nang aking kwarto at kinuha ang aking laptop saka bumalik sa may kusina.            Binuksan ko ang aking laptop at muling tiningnan ang iba’t-ibang kuha nang litrato sa crime scene. Hindi pa rin maalis sa isip ko na baka isa itong series murder.Una, sampung bala at pangalawa ay siyam na bala ang nakuha sa loob nang crime scene at ang dalawang ito ay may tama sa kanilang ulo.Napa-hinga ako nang malalim
last updateLast Updated : 2021-07-30
Read more

6 Police Captain Luna Rose Enriquez

Pinanood namin ang video. Nakita ko ang isang tao na pabalik-balik sa abandonadong gusali sa lugar na kung saan pinatay si Mister Robert sa mga oras na bandang ala dyes hanggang alas dyes trenta.             “Ito lang ang nahagip nang cctv at wala na?” tanong ko kay Celyn. “Wala na akong makita. Sinubukan ko pang mga hanap pero ito lang ang na-recovered ko. Mukhang sinadyang burahin nang mga may- ari nang cctv ang mga record nila para hindi sila masangkot sa kahit ano mang pangyayare,” sagot sa akin ni Celyn. “Kailangan natin matunton at malaman kung sino man ang tao na iyon,” sabi ko sa kanila. “Ako na pong gagawa Captain Enriquez,” pagbu-boluntaryo naman ni Richard.             Ngayon ko lang napapansin si Richard na mag-mula nang sumama din siya sa aming team. Masipag siya at mapag-matiyag kaya pala inilagay siya sa amin ni Colonel Santos.
last updateLast Updated : 2021-07-30
Read more

7 Police Major Alexander Dawson

Day off ko ngayon at na-gising ako sa isang tawag galing kay Lucy. Sinabi niya sa akin na may nadiskubre pa daw siyang pwedeng mag-bigay nang lead sa killer. Nang dumating sa aking condo ang papel na nagla-laman ng blood type nang magka-ibang tao ay doon ko na kinuha ang aking cellphone para tawagan si Luna. Mas mabuting malaman niya ito dahil kailangan niya rin nang ideya. Ayokong pakawalan ang kaso na ito at pursigido akong masara ang kaso.             Nang makarating na dito so Luna ay sinabi ko sa kanya ang aking nalalaman at sinabi ko rin sa kanya na kailangan namin pumunta sa bahay ni Misis Elena Malinao. Andito na kami sa kanilang bahay at naka-harap na namin ang isang may edad na babae. “Andito kami para i-hatid sa inyo ang isang magandang balita. Nagkaroon na kami nang panibagong lead sa pagkamatay nang iyong asawa na si Mister Robert Malinao,” pagsasaad sa kanya ni Luna. “Maramin
last updateLast Updated : 2021-07-30
Read more

8 Police Major Alexander Dawson

“Salamat sa impormasyon Richard umupo ka muna dyan sa iyong silya at tulungan si Ma’am Celyn kung ano man ang ipaga-gawa niya sa iyo,” sagot ni Luna sa kanya.            Nag-padala pa pala si Colonel nang isa pang kasamahan namin. Napatayo kaming lahat nang dumating ang isang lalake na kasing tangkad ko.“Hi! I am Austin Gray. Pinadala ako ni Colonel Santos para tumulong sa pag-usad nang kaso, nakita ko na rin ang background nang dalawang biktima at nakakuha na rin ako nang copies sa lahat ng mga dokumento nila,” sabi niya sa amin. Inabot ko ang aking palad para makipag-kamay sa kanya.“I’m Alexander Dawson, Alex nalang,” pagpaki-kilala ko sa kanya at ganun din ang mga kasamahan ko sa loob.            Lima na kaming lahat para mag-tulong-tulong upang umusad lang ang kaso. Umaasa kaming lahat na any
last updateLast Updated : 2021-07-31
Read more
PREV
12345
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status