Humithit si Chester sa sigarilyo niya, at naging malamig ang boses niya. “Para namang hindi niyo alam kung anong klase ng tao ako. Ayaw na ayaw ko sa mga tao na hindi sumusunod sa mga utos ko. Kabilang ang tatay ko. Maaari lang magkaroon ng isang boses sa kompanya. Pagkatapos ay tsaka lang lalawak lalo ang kompanya.”“Kalokohan. Ang mga ninuno ng pamilyang Jewell ang naglagay ng pundasyon para sa kompanya, at ako ang nag-iwan ng kompanya sa iyo. Kung hindi dahil maswerte kang isinilang sa pamilyang ito, mapupunta ba sa iyo ang Jewell Corporation?” Ani ni Michael. Hindi nagalit si Chester at kalmadong sinabi, “Dad, kailangan ko pa ba sabihin kung ano ang estado noong pinasa sa akin ang Jewell Corporation? Noong nasa kamay mo ito, ang posisyon ng pamilyang Jewell sa Canberra ay nasa mga pang sampu.”“Oo, ang pamilyang Jewell ay hindi makokonsidera na mayaman na pamilya sa bansa, o maikukumpara sa pamilyang Snow. Gayon pa man, alam ng mga tao sa loob ng kompanya kung gaano kumikita a
Magbasa pa