Home / Romance / Pakawalan mo ako, Mr. Hill / Kabanata 1581 - Kabanata 1590

Lahat ng Kabanata ng Pakawalan mo ako, Mr. Hill: Kabanata 1581 - Kabanata 1590

2346 Kabanata

Kabanata 1581

Kinuha ni Rebecca ang oportunidad at sinabi, "Mom, magkaaway ba kayo ni Uncle Titus kamakailan? Sa study siya natutulog. Sa tingin ko hindi maganda para sa dalawang taong kasal na matagal na matulog ng magkahiwalay na tulugan. Mas madaling magbago ang mga nararamdaman. Pareho ang sinasabi ng karamihan sa mga librong nabasa ko. Dapat mong alalahanin ito.""Tama na, hindi mo kailangan mag-alala tungkol samin ni Titus." Hindi buong pusong tanong ni Sheryl, "Pumunta ka sa Hill Corporation nitong umaga. Kumusta?"“Gusto kong pumunta sa laboratory at factory ng Hill Corporation para tignan, pero pinigilan ako ng mga miyembro ng Liona ni Shaun. Hindi nila ako pinayagang pumasok. Sobrang nakakagalit ito.” Masama ang loob ni Rebecca. “Hindi ako naglakas loob na pwersahang labanan sila. Masakit na ang mukha ko sa pagkakasampal sakin ni Catherine kahapon.”Tumingin si Sheryl sa mukha ni Rebecca, na may makapal na layer ng foundation, at agad na naoverwhelmed sa galit. Ang anak niya ay binully
Magbasa pa

Kabanata 1582

Ang paraan kung paano niya inaddress si Sheryl ay hindi nagpasaya kay Titus. Gayunpaman, kailangan niyang aminin na talagang ang ginawa ni Sheryl ay hindi makatwiran.Gayunpaman, hindi pa siguro nahuhulaan ni Catherine na siya ang pwersa sa likod ng mga eksena na sinasabi ng babae.‘Yun siguro ang dahilan kung bakit niya sinabi ang mga plano niya sa lalaki. “Sigurado ka bang ligtas kang makakaalis?” Hindi mapigilan ni Titus na iangat ang mga kilay niya.Tinikom ni Catherine ang mga labi niya. Hindi niya pwedeng sabihin sa lalaki na sasakay siya sa private plane ni Brenna para umalis, tama?“Sasabay nalang ako sa agos. Kung makakaalis ako, aalis ako. Kung hindi man, pinakamalala, pwede nilang kunin ang buhay ko. Sana lang na ang taong ‘yun ay may natitira pang humanity para isalba ang mga inosenteng bata.” Mapait na tumawa si Catherine. “Pero ang taong ‘yun ay posibleng walang masasabi na humanity pa. Mr. Costner, kung…”Matapos pag-isipan ito, balisang umiling si Catherine. “Kun
Magbasa pa

Kabanata 1583

Bagama’t higit dalawampung taon na ang lumipas at mas nag-mature na ang mukha ni Sheryl, hindi maitatanggi na mas nagmukha itong kahali-halina.Gayumpaman, hindi nagbago ang mga mata nito pati na rin ang itsura ng kanyang ilong.Hindi nagkakamali si Catherine.Siya nga… ang taong ito.Slap.Malutong ang tunog ng isang sampal na ibinigay kay Catherine, sa puntong napaupo ito sa sofa sa lakas ng paghampas. Naririnig niyang may tumutunog sa kanyang ulo.Hindi makapaniwala si Catherine at natulala ito.Parang kani-kanina lamang ay iniisip niyang iyon ang babaeng nakita ni Joel, at malaki ang tiyansang siya ang tunay niyang ina.Ngunit bago pa man siya magsalita ay hinampas na agad siya ng babaeng inakala niya ay ang tunay niyang ina.Walang problema sa kanya kung ibang tao ang gumawa sa kanya nu’n.Ngunit, ang alam niya kasi ay iyon ang kanyang tunay na ina.Wala na siyang kinikilalang ina mula pagkabata, kaya gayon na lamang ang kanyang paghanga kay Sheryl sa tuwing nakaririni
Magbasa pa

Kabanata 1584

“Pakawalan mo ‘ko, Matthew. Pati ikaw nakikipagkita sa p*tang ito nang hindi ko nalalaman. Alam mo naman kung ano ang pinagsamahan namin niyang walanghiyang ‘yan.” Sa inis ni Sheryl ay kung ano-ano na lamang ang kanyang pinagsasasabi.May tumunog sa ulo ni Catherine nang marinig niya iyon.May pinagsamahan sila ng babaeng iyon?Ano ang kanilang pinagsamahan?Alam kaya nito noong simula pa lamang na anak niya si Catherine?Gulat na gulat si Matthew. Masyado makapag-isip ang kanyang ina. “Ma, hindi ito kagaya ng iniisip mo. Kaibigan ko si Catherine. Nagpapatulong siya sa mga problema niya, kaya nagpatulong din ako kay Dad.”“Pinagtatakpan mo rin ba ang iyong ama?” Hindi kumbinsido si Sheryl sa narinig nito. “At isa pa, tinuturing mo pa siyang kaibigan! Mag-ama nga kayo. Pareho niya pa kayong naloko. Disappointed ako sa’yo, Matthew.”Kinagat ni Matthew ang kanyang mga labi sa pagkabigo. Bakit ba hinayaan niyang madulas ang kanyang dila? “Ma, maniwala ka. Walang nasa pagitan nila ni
Magbasa pa

Kabanata 1585

Boom.Para bang may malakas na pwersang pumukpok sa dibdib ni Catherine.Gaano mang katibay ang kanyang loob, hindi niya mapigilang mapaiyak noong mga sandaling iyon.Mula sa tono ng babae, mahihinuhang alam na nitong anak niya si Catherine, subalit kung gayon nga ang nangyari, mas pipiliin niyang hindi magkaroon ng anumang koneksyon kay Catherine, na siyang tunay niyang anak?Ano kaya ang ibig nitong sabihin?“Sige po, Madam Costner. Wala naman hong problema kung ayaw niyo akong kilalanin. Maaaring pagkakamali ko nga iyon, ngunit ano ho ba ang ginawa ko sa inyo?” Iniba ni Catherine ang usapan at tinanong, “Bakit ho ba target na target ninyo ang Hill Corporation? May kinalaman din kayo sa biglang pagpapalit ng pagmamay-ari ng Hill Corporation, ‘di ba? Ano ho ba ang atraso ko sa inyo?”“Tama na sa pagpapanggap, Catherine.” Lumaki lamang ang galit sa mga mata ni Sheryl. “Alam na alam mo dapat kung ano ang iyong ginawa. Binabalaan kita, lumayo-layo ka rito sa asawa ko pati kay Matth
Magbasa pa

Kabanata 1586

Nahirapan si Catherine sabihin kay Shaun na ang lahat ng ito ay gawa ng tunay niyang nanay.Kalokohan ito.Sa huli, hindi niya matiis tawagan si Joel. “Dad…”Nang nagsimula na siya magsalita, humagulgol na siya.Nagulat si Joel. “Cathy, anong problema? Nag-aalala ka ba sa bagay sa Hill Corporation? Huwag ka masyado mag-isip. Kumikita naman ang logistics na kompanya ko. Kung naging malubha man ang sitwasyon, ako ang bubuhay sa iyo sa hinaharap.”“Hindi iyon…” Pagkarinig sa nag-aalalang boses ni Joel at ikinumpara niya ito sa malamig at malupit na boses ni Sheryl, mas naging malungkot si Catherine. “Dad, gusto ko lang malaman… ang mom ko ba… ay mabait talaga na tao?”Ayaw niya aminin na ang babae na baliw kanina ay ang nanay niya.Nagulat si Joel. Hindi niya maintindihan kung bakit ito biglang tinanong ni Catherine. “Cathy, oo naman, sobrang bait na tao ng mom mo.”“Dad, maaaring nawala siya ng 20 taon na ang nakaraan. Ngunit pagkatapos ng 20 na taon, sino ang nakakaalam kung nag
Magbasa pa

Kabanata 1587

Nagbuntong hininga si Catherine, “Dad, sa tingin ko ay hindi siya papayag. Sobrang maalaga siya sa kasalukuyan niyang pamilya.O sa halip… sobrang inaalagaan niya ang asawa niya. Kinausap ko lang ang asawa niya ng ilang saglit nang bigla niya ako sinermonan, sinasabi na inaakit ko ang asawa niya.”Mapait ang puso ni Joel. “Nagselos na rin ang mom mo dahil sa akin dati, ngunit palagi siyang kalmado…”Maaari kaya na… hindi siya minahal ng sapat ni Sheryl noon?Kahit na naisip iyon ni Joel, mas lalo siya naging malungkot. “Kung iyon ang kaso, kalimutan mo na. Gayon pa man, kapag tinamaan ka niya ulit sa susunond, tawagan mo ako. Kahit na siya ang babae na hindi ko makalimutan, hindi ko siya hahayaan na saktan ka. At saka, hindi siya maaari umarte ng ganyan bilang isang nanay.”“Mm.”Hindi kaya sabihin ni Catherine sa tatay niya na sobrang gwapo ni Titus. Mas gwapo pa siya kay Joel.Pagkatapos niya ibaba ang tawag, kumalma na si Catherine. Hinanap niya ang numero ni Matthew at tinawag
Magbasa pa

Kabanata 1588

"President Hill, huwag mo pag-isipan ng marumi ang relasyon ng ibang tao." Inayos ni Wesley ang salamin niya. "At saka, si Rebecca na ang major shareholder ng Hill Corporation ngayon. Ikaw, isang minor na shareholder, ay dapat mas maging mabait kapag kausap mo siya.""Tama iyon. Sa tingin mo ba ay teritoryo mo pa rin ito, Shaun?" Tinignan ni Rebecca ang opisina habang nakangiti. "Ang tanaw mula rito ay medyo maganda. Nagdesisyon na ako na ang opisina na ito ay akin na simula ngayon. Shaun, ang opisina mo ay malilipat sa unang baitang."Pagkatapos magsalita, sinenyasan ni Rebecca ang mga bodyguard gamit ang daliri niya. "Halika rito, tulungan mo si President Hill ilipat ang mga gamit niya. Kahit papaano, siya ang dati na chairman ng Hill Corporation. Ang paghihirap at kontribusyon niya ay marami rin. Siya nga pala, nakalimutan ko sabihin sa'yo ito. Hindi na ikaw ang chairman ng Hill Corporation. Gayon pa man, dahil marami ka magandang kontribusyon sa Hill Corporation, hahayaan kita ma
Magbasa pa

Kabanata 1589

Nag-constrict ang pupil ni Shaun.Nang iniisip niya ito, tumunog ang phone niya. Tinawagan siya ni Hadley. "Young Master Hill, masama ang mga bagay. May mga ilang tao na nagpunta sa pasukan ng laboratoryo at sinaktan ang mga miyembro ng Liona na nagbabantay. Pumasok sila sa loob ngayon at ilan sa mga technical staff natin ay nagtamo ng malaking sugat.""Naiintindihan ko." Tinignan ni Shaun si Rebecca.Tumalikod siya at naglakad palabas.Sa pinto, tatlong bodyguard ang biglang humarang sa kanya Natuwa si Rebecca sa paghihirap ni Shaun at sinabi, "Plano mo ba magpunta sa laboratoryo? Bakit naman kita hahayaan na magpunta doon para tulungan sila? Shaun, alam ko na pinapahalagahan mo lahat ng paghihirap mo. Kukunin ko ito lahat. Hindi ba at magaling ka at mapagmataas? Sa Melbourne noon, tinrato mo ako na parang langgam. Natatandaan ko kung paano mo ako pinahirapan. Simuka ngayon, aayusin natin ang utang natin isa-isa.""Hindi lang sa iyo." Umabante si Wesley, ang mata niya ay puno n
Magbasa pa

Kabanata 1590

"Sa panaginip mo! Kung sasaktan ng mga tauhan mo ang mga tao ko, hindi kita hahayaan magkaroon ng madaling kamatayan sa buhay na ito." Babala ni Rebecca. "Hindi mo nga alam kung sino ang ginalit mo. Kahit na humarang si Nathan Snow, hindi ka niya mapoprotektahan."Tinignan ni Catherine si Rebecca. Ang galit sa puso niya ay lumaki. "Hindi, Rebecca. Kilala ko kung sino ang ginalit ko. Huwag mo isipin na hindi ko alam na ang mga tao na dinala mo ay hindi mo tauhan. Pagmamay-ari sila ng pamilyang Costner. Hindi ba at nagmamataas ka sa mga nakaraang araw dahil umaasa ka sa pamilyang Costner ngayon?"Naguguluhan si Shaun pagkarinig noon. Ang pamilyang Costner?Mayabang na tumawa si Rebecca. "Tama iyon. Nasa likod ko ang pamilyang Costner. Ikaw, na isang probinsyana, ay hindi malalaman kung gaano kalakas ang pamilyang Costner.""Rebecca, inaamin ko na ikaw ang pinakamalakas na nakilala kong kalaban sa buhay ko. Siyempre, hindi dahil sa magaling ka, ngunit dahil sobrang sama mo at walang h
Magbasa pa
PREV
1
...
157158159160161
...
235
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status