Home / Romance / Pakawalan mo ako, Mr. Hill / Chapter 1621 - Chapter 1630

All Chapters of Pakawalan mo ako, Mr. Hill: Chapter 1621 - Chapter 1630

2346 Chapters

Kabanata 1621

“Hindi ‘yan isang laruan. Para ‘yan sa pag-ihi.”Sa loob-loob niya’y ikinatutuwa ni Catherine na nagkaroon siya ng dalawang anak. Alam niya tuloy kung paano asikasuhin si Shaun sa kinalalagyan nito ngayon.“Oh.” Interesado ang mga mata ni Shaun. “Hindi ko na mapigilan. Tulungan mo ‘kong hubarin itong pang-ibaba ko.”Walang masabi si Catherine.Habang tinitignan niya ang lalaking nakahiga na mas matangkad pa sa kanya, napapaisip itong diretsuhin ang lalaki kung nananamantala na lamang ito.Subalit tanungin niya man ito, hindi rin naman siya mauunawaan ng lalaki.Ang tanging magagawa ni Catherine ay sumuko sa kapalaran nito at tulungan ang lalaki.Bagama’t nasubukan na nilang manirahan sa ilalim ng iisang bubong, hindi pa rin mapigilan ni Catherine na mamula sa kahihiyan nang nagtagpo ang kanilang mga mata.Nang matapos ang lalaki ay taimtim na nagsalita si Catherine. “Mula ngayon, huwag mo na ako tatawaging Aunty. Kahit Cathy na lang.”“Cathy?” Natulala ang mukha ni Shaun. “Ngu
Read more

Kabanata 1622

Napakamot si Shaun sa likod ng ulo niya sa sobrang pagkatulala. “Ikaw si… Kuya?”Hindi nakaimik si Lucas.Bagama't narinig na nina Lucas at Suzie ang kalagayan ng kanilang ama mula sa kanilang lola habang sila’y patungo sa ospital, nahirapan pa rin silang tanggapin kahit na nakita na nila ito sa sarili nilang mga mata.Marahang tinapik ni Catherine ang dalawang bata sa kanilang mga balikat. "Medyo nagkaro’n lang ng injury iyang daddy ninyo, kaya kailangan ninyo siyang alagaan, okay?"“Mommy, habang buhay bang ganito si Daddy?” Nalungkot si Suzie.Bakas ang pag-aalala sa mga mata ni Catherine. Gayunpaman, sinabi niya sa mga bata, "Makikipag-ugnayan kami ng Uncle Chester sa ilang mga doktor sa ibang bansa para pagalingin siya sa lalong madaling panahon."“Mm. Sige.” Napabuntong-hininga si Suzie. “Tatratuhin ko na lang muna siyang parang kapatid.”Nang walang magawa si Catherine, biglang nag-ring ang phone niya. Mula ito sa isang hindi kilalang numero.Kinuha niya ang kanyang phon
Read more

Kabanata 1623

Natawa na lamang si Catherine. “Kayo bahala, sira na rin naman na ang buhay ko simula nang dumating dito ang pamilya ninyo, ngunit parang hindi na lang sana pumunta ng Melbourne si Matthew…”“Ano’ng ibig mong sabihin?”“Kung tumungo siya ng Melbourne at siya’y nawala, ibig sabihin no’y may nadiskubre siyang bagay. Maaaring may mga taong gustong ibaon ang katotohanan kaya pinigilan siyang bumalik sa inyo. Ako rin naman ang masisisi doon dahil sana sinabihan ko siyang magdala ng maraming tao. Hindi ko lang inaasahang pupunta talaga siya ng Melbourne dahil hindi talaga siya naniniwala sa aking mga sinasabi.”Galit na ngumuso si Titus. “Sinasabi mo bang may kinalaman ito kay Rebecca?”“Mr. Costner, maaari ko bang malaman kung nagpa-DNA test ang inyong asawa kay Rebecca gamit ang isang hair sample?”“Ano’ng sinusubukan mong sabihin?” Walang pakialam na nagtanong si Titus.“Ang suspetya ko’y ibinigay ni Wesley ang buhok ko para gamitin iyon ni Rebecca.”Natawa si Titus. “Sinasabi mo b
Read more

Kabanata 1624

“Ito ay dahil mas naiintindihan ko sina Wesley at Rebecca. Hindi mo kailangang mag-alala masyado dahil mukhang buhay pa si Matthew. Marahil ay tinatago lamang nila ito bilang isang paraan ng pagprotekta sa kanilang sarili sa takot na matuklasan mo ang katotohanan."Matapos huminto sandali, idinagdag ni Catherine, “Mr. Costner, minsan maaaring hindi totoo ang sinasabi ng isang tao. Kung gusto mong maunawaan ang isang tao, dapat kang gumugol ng oras sa kanila upang pakiramdaman sila. Sa napakaraming taon mo na sa pagnenegosyo, hindi ba dapat ay mas magaling ka nang kumilatis ng mga motibo ng isang tao?"Bahagyang napailing si Titus. "Ipapaimbestigahan ko ang bagay na ito. Sana totoo yung sinabi mo."Nakahinga nang maluwag si Catherine. Alam niyang hindi pinagkakatiwalaan ni Titus ang kanyang mga sinasabi. “Palagay ko’y ginagawa ni Rebecca ang lahat para ipamukhang kami ni Shaun ang salarin sa lahat ng ito. Wala na sa akin ‘yung palagay ninyong mag-asawa, ngunit sana hindi kayo padalos
Read more

Kabanata 1625

“Papaano kita masisisi rito?” Biglang hinawakan ni Sheryl ang mga kamay ni Rebecca upang aliwin ito. “Masyado nating minaliit ang kalupitan ni Catherine. Dapat nga’y hindi na natin siya binigyan ng chance noong simula pa lamang.”Bakas sa mukha ni Rebecca ang pagkainis. “Hindi ko lang lubos na maisip kung bakit biglang aalis si Matthew nang walang pasabi. Siguro’y sinabihan siya ni Catherine na umalis?”“Posible.” Nang marinig iyon ni Sheryl at tinitigan nito si Titus. “Kausap niyo na siya simula pa lamang noon. Inosente si Catherine, ngunit tuos naman iyang si Catherine. Marahil ay naloko siya ng babaeng iyon.”“Sherry, huwag muna tayo mag-away-away ngayon. Hanapin na muna natin si Matthew.” Mahina ang tono ni Titus. Kahit ang kanyang pagtayo ay walang bakas ng kumpiyansa.Kinagat ni Rebecca ang kanyang labi. “Baka itanggi ‘yan ni Catherine.”Galit na galit si Sheryl nang marinig niya iyon. “Kapag tinanggi niya pa iyon, ako mismo ang kakausap kay Minister Snow. Kapag hindi niya p
Read more

Kabanata 1626

Matapos pumasok sa sedan, ang pinto ng passenger seat ay bumukas. Ang assistant ni Titus, si Samuel Light, ay pumasok. “President Costner, pupunta na ba tayo ngayon sa opisina ng prime minister?”Sumulyap si Titus kay Samuel. “Gaano katagal bago makarecover ang mga bodyguards natin?”Natulala si Samuel. “Nasaktan ang mga laman at buto nila, kaya pinakamabilis na ang dalawa hanggang tatlong buwan.”“Dalawa hanggang tatlong buwan?” Nagsimulang sumakit ang ulo ni Titus. “Hindi ko inakala na maloloko ako ng ganito kalala.”“President Costner, sa tingin ko ay ligtas naman si Young Master Costner. Baka gusto ka lang pagbantaan ni Catherine at ng iba pa,” inaliw ni Samuel ang lalaki.“Sa tingin mo rin si Catherine ang gumawa nito?” Ngumiti ng peke si Titus at nagtanong.“HIndi… Hindi ba siya ito?” Nagulat si Samuel.“Syempre hindi. Gayunpaman, hindi mo pwedeng banggitin ito sa harap ni Sheryl.”Nagsindi si Titus ng sigarilyo. Kung dati ay may 40 porsyento siyang tiwala kay Catherine,
Read more

Kabanata 1627

”Hangga’t may pera, mayroon ba tayong hindi magagawa? Mom, huwag kang mag-alala. Sisiguraduhin kong hindi nila sasaktan ang mga bata.” Muling ginarantisa ito ni Rebecca.… Sa ospital.Iniisip din ni Catherine ang usapin tungkol kay Matthew. Bahagya siyang nag-alala.Balisa ang pakiramdam, tinawagan niya si Chase. Saka lang niya nalaman na si Matthew ay nawala sa Melbourne at ang assistant nito ay patay na rin.“Rin, anong relasyon ng Matthew na ito sayo?” Sobrang curious ni Chase.“Kapatid ko siya mula sa ibang ama.” Nagbuntong hininga si Catherine. “Suspetya ko ay kagagawan ito ni Wesley. Kumusta ang impluwensya ng pamilyang Lyons sa Melbourne?”“Pamilyang Lyons ang tinutukoy mo?” Sagot ni Chase. Bahagyang naiinis siya. “Nung una, kami, ang pamilyang Harrison, ang kinokonsiderang big boss sa Melbourne. Gayunpaman, sinong mag-aakala na ang Golden Corporation ay patuloy na magiging mahusay? Ngayon, mahigit 90 porsyento ng taong may kapangyarihan dito ay sinusuportahan si Wesley,
Read more

Kabanata 1628

Matapos dalhin ni Elle lahat ng snacks sa ward, masigasig na kinain ni Shaun ang mga tsokolate.Halos maiyak si Hadley nang makita 'yun. "Sa wakas alam ko na kanino nagmana sa mga kagustuhan ang Little Miss."Bakit hindi niya napansin dati na gustong kumakain ni Young Master Hill ng tsokolate?Inisip ni Cathetine, 'Si Shaun ay inabuso ng kanyang yaya nung bata pa siya, kaya dati pa ay pinipigilan niya ang sarili niya. Matapos 'yun, ipinadala siya sa mental hospital. Paano siya makakakain ng mga tsokolate?'Tinuring niya nalang ito na pagbabalik kay Shaun sa kanyang masayang kabataan sa pagtrato sa kanya ng mas maayos mula ngayon.Nung gabi, sina Chester, Rodney, at Freya ay dumating.Si Shaun ay nagpapahingang nakasandal sa kama, masinsinang nanonood ng PAW Patrol. May chocolate cookie pa siya sa kamay niya at isang seryosong ekspresyon sa mukha niya. Talagang hindi niya napansin ang mga pumasok."T*ngina, Shaun. Paano kang nagkaganyan?" Na-heartbroken si Rodney. "Kumakain ka pa
Read more

Kabanata 1629

Nag-iisip na tumango si Rodney. “Edi pwede kong turuan si Shaun na makipag-date. Hindi magtatagal, magiging nasa isang relasyon ka na ulit kasama si Shaun.”“...”Walang masabi, tinukso siya ni Freya, “SI Sahun ay may katalinuhan lamang ng isang dalawang taong gulang ngayon. Simpleng tinatrato niya si Cathy bilang isang aunty. Pwede mo siyang turuan makipag-date, pero sa tingin mo ba makikipag-date siya sa isang aunty?”Pakiramdam ni Catherine ay tila sinaksak siya sa puso.Dagdag ni Freya, “Bukod pa rito, single ng 30 taon. Sa tingin mo ba matuturuan mo si Shaun kung paano makipagdate gamit ang mga abilidad mo? Kalimutan mo na ito. Huwag mo siyang i-mislead.”Pumintig ang ulo ni Rodney. “Freya Lynch, walang mag-aakala na pipi ka kahit na hindi ka magsalita.”Sumulyap si Freya sa lalaki, hindi namamangha. “Hindi ka pwedeng magalit dahil lang sinabi ko ang katotohanan, Ang kalalakihan ay dapat mas malaki ang puso.”Sumulyap si Rodney sa malaking tiyan ni Freya. Huminga siya ng ma
Read more

Kabanata 1630

Nang kakasabi palang ni Suzie, aksidenteng nakahulog si Shaun ng noodles mula sa tinidor, naging makalat ang mesa.“B*bo,” pagsasabi ni Suzie. Ang tono siya ay pareho sa pang-aasar sa kanya ni Lucas.Kinurap ni Shaun ang mga mata niya. Matapos, ngumuso siya sa direksyon ni Catherine at nagsimulang umiyak. “Cathy, hindi ako b*bo…”“Okay, hindi ka b*bo. Si Shaunny ang pinakamatalino.” Agad ni niyakap ni Catherine ang kanyang ulo at palihim na nilampaso ng isang sulyap si Suzie.“Mommy, ganun mo ako tinuruan, at agad kong natutunan ito,” sabi ni Suzie habang nakanguso.“Sigurado ka bang natutunan mo agad ito?” Inasar siya ni Lucas.“...Kahit ano ang mangyari, sa nakikita kong ganitong estado ni Daddy, ang pagtuturo sa kanya ay responsibilidad ko.”Kumibot ang mga sulok ng bibig ni Catherine. “Tama na, dapat niyo nang bilisan kumain. Ako ang magpapakain sa kanya.”Matapos niyang magsalita, hinawakan niyang ang mangkok at sinimulan pakainin si Shaun ng paisa-isang kutsara.Pakiramd
Read more
PREV
1
...
161162163164165
...
235
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status