Home / Romance / Pakawalan mo ako, Mr. Hill / Chapter 1361 - Chapter 1370

All Chapters of Pakawalan mo ako, Mr. Hill: Chapter 1361 - Chapter 1370

2346 Chapters

Kabanata 1361

Namutla ang mukha ni Cindy lalo na nang nakita niya ang labi ni Chester na may mantsa ng dugo at ang nagbabagang mata nito. Masasabi rin niya na napukaw ito dahil sa pundya niya.Hindi tanga si Cindy.Hindi niya magawang isipin ang katotohanan na palagi siyang hindi pinapansin ni Chester kahit gaanong pang-aakit ang gawin niya rito. Nagduda pa nga siya kung ito ba ang lalaki na may karanasan sa maraming babae dati.Sa saglit na iyon, naniwala siya.Hindi ito dahil sa hindi interesado si Chester sa mga babae kundi dahil hindi interesado si Chester sa kanya. Sa hindi inaasahan, sobrang nasabik ito noong kasama niya si Eliza.Napupuno siya ng pagseselos, pakiramdam niya ay parang sasabog na ang dibdib niya.Paanong ikukumpara si Eliza sa kanya? Gumamit siguro si Eliza ng masasamang taktika para akitin si Chester.P*ta! Kung nasa harap niya si Eliza ngayon, sinampal na siya ni Cindy ng dalawang beses para ilabas ang galit niya.Pagkatapos mapagtanto ni Ada, ang assistant ni Cindy,
Read more

Kabanata 1362

”Okay, naiintindihan ko. Umalis ka na.”Nagsalita si Chester.Ang mga tao na hindi kilala si Chester ay iisipin nila na walang pakialam si Chester sa bagay na iyon. Gayon pa man, naiintindihan siya ni Cindy, dahil mahabang panahon na rin niya ito kasama.Kapag mas lalong naiinis si Chester, mas nagmumukha siyang walang pakialam.Hindi inaasahan ni Cindy na magkakaroon ng pakialam si Chester kay Eliza. Nagngitngit siya ng ngipin. Ang shooting sa The Belle ay magsisimua na, at si Eliza ang gaganap sa isang supporting female role. Tiyak na may gagawin si Cindy para mapagtanto ni Eliza ang kahihinatnan ng sobrang taas ng tingin sa sarili at paglapit sa lalaki niya.Pagkaalis ni Cindy, sinipa nang malakas ni Chester ang coffee table.Dahil sa sipa niya, lahat ng nakapatong sa malaking coffee table ay naging magulo.Ang gwapo nyiang mukha ay nagdilim, habang ang mata niya ay naglalabas ng hindi maipaliwanag na emosyon.Pumasok si Shedrick at nakita ang dugo sa dulo ng labi ni Chester
Read more

Kabanata 1363

”Anong problema?” Hindi maintindihan ni Rodney si Chester.“Pagkatapos ko magtanong tungkol kay Eliza, nalaman ko na may madilim siyang nakaraan. Pigilan mo si Freya sa pakikipag-usap sa kanya.” Binaba ni Chester ang phone niya pagkatapos niya magsalita.Naglabas siya ng sigarilyo at malayang nagsigarilyo sa loob ng kotse.Bukod sa amoy ng sigarilyo, ang amoy ng labi ni Eliza ay nasa bibig pa rin niya.Sobrang tamis nito.Gayon pa man, ito ay parehas na matamis at nakakadiri sa saglit na iyon.…11:00 a.m.Nagmaneho si Shaun papunta sa seaside villa.Nagmamaneho siya ng excavator.Lumabas si Sarah nang namumutla. Pagkatapos marinig ang ingay, muntik na siyang umiyak. “Shaun, ano ang ginagawa mo?”’Ang mga halaman ang paborito niya, ngunit ginulungan niya lang ito lahat gamit ang excavator.Si Shaun ay may suot na salamin. Binaba niya ang bintana niya at nilabas ang mukha niya. “Siyempre, sinisira ko ito. Kahapon, sinabi ng judge na kailangan mo ibalik ang villa sa akin. Nan
Read more

Kabanata 1364

Nang matapos na si Shaun sa excavation ay tinawagan nito si Catherine.“Tignan mo, Cathy, mag-isa kong sinira ang villa sa tabi ng dagat.”Natigilan si Catherine na siyang nasa opisina pa tin nang makita nito ang kinatatayuan ng lalaki. Hindi niya inaasahang sisirain hanggang sa puntong iyon ang villa.“Wala ka talagang magawa, ‘no?” Walang masabi si Catherine. “Sinabi mo kaninang umaga na papasok ka sa trabaho, ngunit ngayo’y sinira mo lang ang villa. At papaano mo naman nagawa ‘yan?”“Gamit ang excavator?”“Marunong kang gumamit ng excavator?” Natulalang tinanong ni Catherine.“Mm. Kaninang umaga lang ako natuto.” Bahagyang ngumiti ang lalaki.“...”Walang masabi si Catherine.Hindi man lang ba nito inisip kung ano ang mararamdaman ng mga marunong talagang gumamit ng isang excavator? Kadalasa’y inaabot ng kalahating taon o kung hindi’y higit tatlo hanggang apat na buwang training ang mga natututong gumamit nito bago sila tuluyang makagamit ng isang excavator.“Congrats, at
Read more

Kabanata 1365

Nangalit ang mga ngipin ni Sarah. “Kakaiba ako. Ayoko kay Shaun, at gusto ko siyang patayin.”Seryosong itinaas ng lalaki ang kanyang mga kilay.Unti-unti itong nilapitan ni Sarah. “May naisip ako kung paano ko iyon gawin, syempre. Sumailalim na ito sa hypnosis ko noon, kaya’t may mga naiwan pa rin ako sa kanya.”Unti-unting naningkit ang mga madidilim na mga mata ni Wesley. “Oh?”“Totoo.” Tungo ni Sarah. “Umaabot din naman ang lahat sa puntong walang-wala na sila, ‘di ba? Katulad mo ngayon. Bagama’t hindi pa kayo hiwalay ni Catherine, alam na ng lahat ang tungkol sa kanila ni Shaun. Gabi-gabi silang magkasama. Hindi ka man lang ba nababahala?”Kinuyom ni Wesley ang kanyang mga kamao. Matapos nitong ma-trigger dahil sa mga sinabi ng babae ay naging mas mabangis pa ang mukha niyo. “Sarah, ito na ang huli mong pagkakataon upang ipakita mo ang iyong halaga.”“Sige.” Nangalit ang mga ngipin ni Sarah. “Ngunit bago ito, gusto kong mamatay si Thomas.”Tumaas ang mga kilay ni Wesley hab
Read more

Kabanata 1366

Lingid sa kaalaman ni Rebecca na mayroong isang taong nakatayo sa may glass window sa ikalimang palapag na siyang nanonood sa kanya.Nakapamulsa ang lalaking iyon.Naka-highlight buhat ng liwanag sa kanyang ulunan ang kanyang kulot-kulot na buhok na siyang umaabot sa kanyang mga balikat. Maraming lalaki ang kaaya-aya tignan kapag mahaba ang kanilang buhok, ngunit sa angking kagwapuhan ng lalaking iyon, masasabi na tulad ng isang demonyo ang kanyang kaaya-ayang mukha.Gayumpaman, mangangamba pa rin ang sinumang makakakita sa kanya dahil sa hindi maipalinawag na tingin ng kanyang mga mata. Kaya niyang pakilabutin ang sinumang tao.Alam ng lahat na gayon din ang tingin sa mga mata ng may-ari ng Neah Bay na si Titus Costner.Ang lalaking iyon ay ang anak ni Titus na si Matthew Costner—ang tagapagmana ng Neah Bay.“Young Master…” nilapitan siya ng isa sa kanyang mga subordinate “Pinagtanong ko na ho ang tungkol sa kanta. Jones ho ang kanyang apelyido at mula siya sa Australia.”“Jone
Read more

Kabanata 1367

Ngunit ikinatuwa ni Mattew na isipin na sa loob lamang ng ilang sandali ay kasindak-sindak naman ang magiging tingin mula sa kanyang ama.“Mommy, may maganda akong balita sa’yo.” Punong-puno ng galak ang mukha ni Matthew.“Ano’ng balita?” Nalilito ang tingin ni Sheryl.“Nakita ko na ang isa mo pang anak.” Pagkatapos na pagkatapos magsalita ni Matthew ay agad na dinampot ni Titus ang kanyang mga kuwelyo.“Ano’ng sabi mo?” Mula sa tingin nito’y parang gustong lamunin nang buo ni Titus ang lalaki.“Shoo!” Pagtaboy ni Sheryl kay Titus. “Noong pinakasalan mo ako. nangako kang tatanggapin mo ang anak ko kapag nakita ko sila sa susunod.”Nanatiling nakabukas ang bibig ni Titus. Bakas sa kanyang mukha ang kanyang mga hinaing.“Huwag kang mag-alala, kikilalanin ko lamang ang bata at wala na kaming gagawin ng dati kong asawa.” Marahan ang tono ni Sheryl.Noon lamang din nanlambot ang itsura ni Titus. “Sige. Huwag mo na ulit kausapin ang lalaking iyon, kundi’y sisirain ko talaga ang pamil
Read more

Kabanata 1368

Bahagyang nag-iba ang itsura ni Matthew, at sinuring mabuti ni Sheryl ang itsura ni Rebecca. “Alam mong anak kita, huh?”“Nakita ko po kayo sa mga litrato ni Granny.” Nagsimulang humikbi si Rebecca. “May nangyari ho matapos niyo akong ipanganak.”“Ano’ng nangyari?” Marahang tanong ni Sheryl, may nag-iba sa kanyang tingin ngunit walang nakapansin nito.Sa kasalukuyan niyang kinatatayuan, kailangan niyang maging alerto dahil maraming babae ang kusang lalapit sa kanya upang pamukhaing sila ang kanyang nawawalang anak.“Nasalanta ka ng isang napakalakas na bagyo.” Kinagat ni Rebecca ang kanyang mga labi. “Masyado pa akong bata noon, kaya’t hindi ako masyadong sigurado. Nalaman ko lamang iyon noong nabanggit sa akin iyon ni Grandma noong mga huling araw niya. Bigla ka raw tumungo ng Country T upang sagutin ang isang tawag. Noong mga panahong iyon, nagkaroon ng isang malakas na bagyo at nawala na raw ho kayo matapos no’n. Sinabi ng mga pulis na baka tinangay na nga raw ho kayo ng bagyo.
Read more

Kabanata 1369

“Anak ko siya, hubby. Hindi nagkakamali ang DNA test results.” Kakaiba ang tingin na ibinigay ni Sheryl kay Titus.Suminghal si Titus. “Kahit na sumailalim siya sa plastic surgery.”Nalaman niya iyon sa isang tingin lamang.Kinamumuhian ni Titus ang mga babaeng sumasailalim sa plastic surgery sapagkat nakikita niya ito bilang hindi tunay na anyo. Ni wala nga sa natural na mukha ni Sheryl ang mukha ni Rebecca.Kung isasaalang-alang na sa isang tingin pa lamang kay Sheryl ay nahulog na agad si Titus, gayon din dapat ang naramdaman niya sa anak nito, ngunit sa hindi maipaliwanag na paraan ay pakiramdam ni Titus na may kulang si Rebecca sa aura na ipinapakita ni Sheryl kahit na parehong-pareho ang mga itsura nito.Nanigas ang itsura ni Rebecca. “Hindi ko naman ho sinasadyang magpa-plastic surgery. May nakabangga lamang ho akong malalaking pangalan noon sa Australia kaya’t wala akong magagawa kundi magpa-plastic surgery at lumisan. Ito ho ang luma kong litrato.”Binuksan ni Rebecca an
Read more

Kabanata 1370

“Noong una’y isinisisi niya sa akin ang pagkamatay ni Granny, ngunit pinagutan ito nina Uncle at Aunty upang iligtas ako. Ilang gabi ho akong nagtangkang tumakas ng Melbourne at patago ho akong umalis ng Australia pagkatapos no’n.”“Ano?” Tuluyang nagbago ang itsura ni Sheryl.Tumatanaw ang isa ng matinding utang na loob sa kanilang mga magulang sa pagdadala sa kanila sa mundo. Noong naaalala niya ang ginawa ng naturang pinsan na iyon sa kanyang ina, gusto niya lamang patumbahin ni Sheryl ang taong iyon.“Napakalupit naman!” Sa matinding galit ni Matthew ay nagsimula na rin itong mamuna. “Pinatay niya ang kanyang mga magulang pati na ang kanyang lola? Papaanong nabubuhay pa rin ang gayong kalupit na babae?”“Pihado ko’y nagseselos siya. Noong na-engage kami ni Ethan, hindi tumutol sina Uncle at Aunty. Sa halip ay sinuportahan pa nga nila ito. Isa pa, naawa nga ho sa akin sina Uncle at Granny dahil sa aking pagkaka-kidnap noon, kaya’t ginawa nila ang lahat para bumawi sa akin. Hindi
Read more
PREV
1
...
135136137138139
...
235
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status