Nang matapos na si Shaun sa excavation ay tinawagan nito si Catherine.“Tignan mo, Cathy, mag-isa kong sinira ang villa sa tabi ng dagat.”Natigilan si Catherine na siyang nasa opisina pa tin nang makita nito ang kinatatayuan ng lalaki. Hindi niya inaasahang sisirain hanggang sa puntong iyon ang villa.“Wala ka talagang magawa, ‘no?” Walang masabi si Catherine. “Sinabi mo kaninang umaga na papasok ka sa trabaho, ngunit ngayo’y sinira mo lang ang villa. At papaano mo naman nagawa ‘yan?”“Gamit ang excavator?”“Marunong kang gumamit ng excavator?” Natulalang tinanong ni Catherine.“Mm. Kaninang umaga lang ako natuto.” Bahagyang ngumiti ang lalaki.“...”Walang masabi si Catherine.Hindi man lang ba nito inisip kung ano ang mararamdaman ng mga marunong talagang gumamit ng isang excavator? Kadalasa’y inaabot ng kalahating taon o kung hindi’y higit tatlo hanggang apat na buwang training ang mga natututong gumamit nito bago sila tuluyang makagamit ng isang excavator.“Congrats, at
Nangalit ang mga ngipin ni Sarah. “Kakaiba ako. Ayoko kay Shaun, at gusto ko siyang patayin.”Seryosong itinaas ng lalaki ang kanyang mga kilay.Unti-unti itong nilapitan ni Sarah. “May naisip ako kung paano ko iyon gawin, syempre. Sumailalim na ito sa hypnosis ko noon, kaya’t may mga naiwan pa rin ako sa kanya.”Unti-unting naningkit ang mga madidilim na mga mata ni Wesley. “Oh?”“Totoo.” Tungo ni Sarah. “Umaabot din naman ang lahat sa puntong walang-wala na sila, ‘di ba? Katulad mo ngayon. Bagama’t hindi pa kayo hiwalay ni Catherine, alam na ng lahat ang tungkol sa kanila ni Shaun. Gabi-gabi silang magkasama. Hindi ka man lang ba nababahala?”Kinuyom ni Wesley ang kanyang mga kamao. Matapos nitong ma-trigger dahil sa mga sinabi ng babae ay naging mas mabangis pa ang mukha niyo. “Sarah, ito na ang huli mong pagkakataon upang ipakita mo ang iyong halaga.”“Sige.” Nangalit ang mga ngipin ni Sarah. “Ngunit bago ito, gusto kong mamatay si Thomas.”Tumaas ang mga kilay ni Wesley hab
Lingid sa kaalaman ni Rebecca na mayroong isang taong nakatayo sa may glass window sa ikalimang palapag na siyang nanonood sa kanya.Nakapamulsa ang lalaking iyon.Naka-highlight buhat ng liwanag sa kanyang ulunan ang kanyang kulot-kulot na buhok na siyang umaabot sa kanyang mga balikat. Maraming lalaki ang kaaya-aya tignan kapag mahaba ang kanilang buhok, ngunit sa angking kagwapuhan ng lalaking iyon, masasabi na tulad ng isang demonyo ang kanyang kaaya-ayang mukha.Gayumpaman, mangangamba pa rin ang sinumang makakakita sa kanya dahil sa hindi maipalinawag na tingin ng kanyang mga mata. Kaya niyang pakilabutin ang sinumang tao.Alam ng lahat na gayon din ang tingin sa mga mata ng may-ari ng Neah Bay na si Titus Costner.Ang lalaking iyon ay ang anak ni Titus na si Matthew Costner—ang tagapagmana ng Neah Bay.“Young Master…” nilapitan siya ng isa sa kanyang mga subordinate “Pinagtanong ko na ho ang tungkol sa kanta. Jones ho ang kanyang apelyido at mula siya sa Australia.”“Jone
Ngunit ikinatuwa ni Mattew na isipin na sa loob lamang ng ilang sandali ay kasindak-sindak naman ang magiging tingin mula sa kanyang ama.“Mommy, may maganda akong balita sa’yo.” Punong-puno ng galak ang mukha ni Matthew.“Ano’ng balita?” Nalilito ang tingin ni Sheryl.“Nakita ko na ang isa mo pang anak.” Pagkatapos na pagkatapos magsalita ni Matthew ay agad na dinampot ni Titus ang kanyang mga kuwelyo.“Ano’ng sabi mo?” Mula sa tingin nito’y parang gustong lamunin nang buo ni Titus ang lalaki.“Shoo!” Pagtaboy ni Sheryl kay Titus. “Noong pinakasalan mo ako. nangako kang tatanggapin mo ang anak ko kapag nakita ko sila sa susunod.”Nanatiling nakabukas ang bibig ni Titus. Bakas sa kanyang mukha ang kanyang mga hinaing.“Huwag kang mag-alala, kikilalanin ko lamang ang bata at wala na kaming gagawin ng dati kong asawa.” Marahan ang tono ni Sheryl.Noon lamang din nanlambot ang itsura ni Titus. “Sige. Huwag mo na ulit kausapin ang lalaking iyon, kundi’y sisirain ko talaga ang pamil
Bahagyang nag-iba ang itsura ni Matthew, at sinuring mabuti ni Sheryl ang itsura ni Rebecca. “Alam mong anak kita, huh?”“Nakita ko po kayo sa mga litrato ni Granny.” Nagsimulang humikbi si Rebecca. “May nangyari ho matapos niyo akong ipanganak.”“Ano’ng nangyari?” Marahang tanong ni Sheryl, may nag-iba sa kanyang tingin ngunit walang nakapansin nito.Sa kasalukuyan niyang kinatatayuan, kailangan niyang maging alerto dahil maraming babae ang kusang lalapit sa kanya upang pamukhaing sila ang kanyang nawawalang anak.“Nasalanta ka ng isang napakalakas na bagyo.” Kinagat ni Rebecca ang kanyang mga labi. “Masyado pa akong bata noon, kaya’t hindi ako masyadong sigurado. Nalaman ko lamang iyon noong nabanggit sa akin iyon ni Grandma noong mga huling araw niya. Bigla ka raw tumungo ng Country T upang sagutin ang isang tawag. Noong mga panahong iyon, nagkaroon ng isang malakas na bagyo at nawala na raw ho kayo matapos no’n. Sinabi ng mga pulis na baka tinangay na nga raw ho kayo ng bagyo.
“Anak ko siya, hubby. Hindi nagkakamali ang DNA test results.” Kakaiba ang tingin na ibinigay ni Sheryl kay Titus.Suminghal si Titus. “Kahit na sumailalim siya sa plastic surgery.”Nalaman niya iyon sa isang tingin lamang.Kinamumuhian ni Titus ang mga babaeng sumasailalim sa plastic surgery sapagkat nakikita niya ito bilang hindi tunay na anyo. Ni wala nga sa natural na mukha ni Sheryl ang mukha ni Rebecca.Kung isasaalang-alang na sa isang tingin pa lamang kay Sheryl ay nahulog na agad si Titus, gayon din dapat ang naramdaman niya sa anak nito, ngunit sa hindi maipaliwanag na paraan ay pakiramdam ni Titus na may kulang si Rebecca sa aura na ipinapakita ni Sheryl kahit na parehong-pareho ang mga itsura nito.Nanigas ang itsura ni Rebecca. “Hindi ko naman ho sinasadyang magpa-plastic surgery. May nakabangga lamang ho akong malalaking pangalan noon sa Australia kaya’t wala akong magagawa kundi magpa-plastic surgery at lumisan. Ito ho ang luma kong litrato.”Binuksan ni Rebecca an
“Noong una’y isinisisi niya sa akin ang pagkamatay ni Granny, ngunit pinagutan ito nina Uncle at Aunty upang iligtas ako. Ilang gabi ho akong nagtangkang tumakas ng Melbourne at patago ho akong umalis ng Australia pagkatapos no’n.”“Ano?” Tuluyang nagbago ang itsura ni Sheryl.Tumatanaw ang isa ng matinding utang na loob sa kanilang mga magulang sa pagdadala sa kanila sa mundo. Noong naaalala niya ang ginawa ng naturang pinsan na iyon sa kanyang ina, gusto niya lamang patumbahin ni Sheryl ang taong iyon.“Napakalupit naman!” Sa matinding galit ni Matthew ay nagsimula na rin itong mamuna. “Pinatay niya ang kanyang mga magulang pati na ang kanyang lola? Papaanong nabubuhay pa rin ang gayong kalupit na babae?”“Pihado ko’y nagseselos siya. Noong na-engage kami ni Ethan, hindi tumutol sina Uncle at Aunty. Sa halip ay sinuportahan pa nga nila ito. Isa pa, naawa nga ho sa akin sina Uncle at Granny dahil sa aking pagkaka-kidnap noon, kaya’t ginawa nila ang lahat para bumawi sa akin. Hindi
"Mom…" Nang mapansin ni Rebecca na natutulala si Sheryl, agad niyang tinawag ang babae sa takot na baka may maalala ito.Nanumbalik si Sheryl sa kanyang ulirat at mapagpaumanhing sinabi, "Matthew, ipapaubaya ko na sayo si Catherine para asikasuhin. Kailangan niyang magbayad para sa ginawa niya sa anak ko.""Walang problema, Mom. Pupunta ako sa Australia na may mga kasama bukas," agad na sinabi ni Matthew. "Nagkataon din, sawa na 'kong manatili sa Neah Bay araw-araw.""Hindi mo kailangang magmadali. Ngayon na alam ko na kung saan ang hometown ko, talagang babalik ako at magbibigay respeto sa mga magulang ko," malungkot na sabi ni Sheryl, "At para sa kapatid ko, kailangan kong humanap ng paraan para mahanap siya. Pagdating ng panahon, sabay kaming pupunta 'ron. Pwede mong isama maglibot si Rebecca para maging pamilyar siya sa Neah Bay sa panahong 'to."“Edi sige.” Nag-aatubiling sinunod ni Matthew ang utos ng kanyang ina.Samantala, nasiyahan si Rebecca sa kanyang loob. Sa tulong ng