Kabanata 1.1"Tuloy kayo, Mayor," I offered as soon as I opened the wooden door of our house. Nauna akong pumasok sa loob, dinampot ang mga nakakalat na balat ng sitsirya at papel sa sahig. Naramdaman ko ang pagsunod niya. "Pasensya ka na. Medyo makalat ngayon. Hindi siguro nakapaglinis ang mga kapatid ko." "No,it's okay. Hindi rin naman ako magtatagal dito," aniya, nililibot ang kaniyang mata sa paligid ng aming bahay. "Ite-text ko na lang ang driver ko na sunduin ako rito as soon as possible." Napamura ako sa isip ko. Hindi muna siya puwedeng makaalis ngayong may chance na akong mapaamin siya. May nabubuo akong plano sa isip ko na posibleng makapagpalabas ng tunay niyang kulay. "Uh…I think, it's not a better idea kung aalis ka agad. Sigurado nasa labas pa ang mga naghahabol sa atin kanina at hinahanap ka pa rin. Hindi natin alam kung anong posibleng gawin nila sa'yo," palusot ko at nilapag na ang guitar case sa maliit at
Last Updated : 2021-07-15 Read more