Kabanata 1.2
Maingat akong naglakad paakyat, iniingatan hindi mabawasan ang alak. Sayang kasi. Rinig ko ang bawat yapak niya mula sa aking likod dahil sa hagdan naming gawa lang sa isang matibay na kahoy.
Una akong nakaakyat at nakapasok sa kuwarto, sumunod siya.
"Dito tayo...iinom?" tanong niya, muling pinapaikot ang mata sa bawat sulok ng kuwarto.
Maliit lang naman ito. May isang double-deck bed kung saan kami natutulog ni Kane. Katabi no'n ang isang maliit na study table na siyang inuupuan ko kapag nagsusulat ako ng kanta. Sa bawat dingding naman ay nakapaskil ang iilang litrato namin ng mga kabanda ko at mga idolo kong banda.
"Hindi. Doon tayo sa beranda." Itinuro ko iyong nasa tabi ng study table ko na bintana, kung nasaan ang daan patungo doon.He nodded. "Uh...I'll change my clothes first, susunod na lang ako sa'yo."
"Okay, sige." Nakabukas na naman ang bintana kaya hindi na ako nahirapan sa paglipat.
Habang hinihintay siya ay binuksan ko na ang balat ng chicharon at mga sitsiryang magiging pulutan namin. Pinuno ko rin ng inumin namin ang dalawang baso. Hindi tumagal ay naramdaman ko ang pag-upo niya sa tabi ko.
Katahimikan ang bumalot sa amin sa ilalim ng maliwanag na buwan at nakakalat na bituin sa langit. This is my favorite place of our house. Masarap ang hangin dito dahil sa saktong bugso nito. Dito ako pumupuwesto sa tuwing may problema kasama ang alak.
Ininom ko ang alak sa isang lagukan lang. Gumihit agad sa lalamunan ko ang init ngunit hindi ko na ininda iyon dahil sa sarap ng flavor nito.
"Tikman mo na, 'di ka magsisisi. Promise!" alok ko, iniusog ang baso sa kaniya.
Kinuha niya ang baso, ilang segundong pinagmasdan ito na para bang pinag-iisipan pa kung iinumin niya ito pero tinikman niya pa rin. Gaya ko ay nilagok niya rin ito, mukhang nasarapan tulad ko. Nang maubos niya ito ay muli kong binigyan ng laman ang bawat baso.
Tinutok ko ang tingin ko sa baba. Mula dito ay tanaw namin ang iilang maliwanag pa na bahay ng mga katabi namin.
"Hirap ng buhay, ano?" sabi ko.
Tumawa siya ng bahagya. "You looks so fine. Mukhang hindi uso sa'yo ang problema."
Gano'n rin ang sinasabi ng iba sa akin. Mukhang wala naman daw akong ibang iniisip kundi ang mga babae ko lang. Well, kung akala nila iyon lang, nagkakamali sila. Tao lang din ako.
"Hindi lang halata, guwapo kasi ako." biro ko at tumawa. "E ikaw, Mayor? Sigurado madali na lang ang buhay mo dahil sa yaman ng pamilya niyo."
He shook his head and smiled sadly. "My life seems so easy, but it's actually not. Para akong isang ibon na kinulong sa isang hawla. I didn't even know what freedom feels like."
He drank again.
"Alam mo 'yon? Simula nung bata ako—no, simula noong ipinanganak ako pakiramdam ko lahat ng mangyayari sa buhay ko planado na ng parents ko," patuloy niya, hindi man lang ako ginagawaran ng tingin. "I'm just like a puppet to them. Walang buhay, walang sariling desisyon. Halos lahat kontrolado nila. Bawat kilos at galaw ko dapat alam rin nila. Even the friends and girlfriend I have now, sila rin ang pumili."
Tahimik ko lang siyang minamasid. Sa tingin ko kasi hindi ko na kailangan magsalita. Ang kailangan ko na lang gawin ngayon ay pakinggan siya. Ni hindi ko nga lubos akalain na mag-o-open siya ng ganito.
Muli kong sinalinan ang baso niya na agad niyang tinungga.
Hindi pala umiinom, huh?
"They are always telling me what I need to do. Say this, say that. Do this, do that. Eat this, eat that. Lahat na lang ng utos nila sinusunod ko, and I'm so sick of it!" he hissed. "Kaya nga sinubukan ko na rin maging rebelde kahit minsan, but unluckily it did not turn out well. Pinagsisihan ko na ginawa ko pa iyon. Dahil doon ay mas lalong naging miserable ang buhay ko. Mas lalong humigpit. Mas lalo akong hindi makagalaw at makahinga ng panatag."
Given the moonlight I can clearly see how red his face now maybe because of the alcohol we are drinking. The sadness he felt was also evident in his hooded eyes. A tear dripped there that immediately flowed down the side of his sharp nose where I also noticed the small mole on its trunk.
Pinunasan niya iyon.
"I…I'm sorry." He chuckled. "Nagiging dramatic na yata ako. Pasensya na talaga. Hindi ko lang talaga mapigilan."
"Ayos lang. Mas maganda nga 'yan, e. At least nalalabas mo ang sama ng loob mo sa akin. Mas gagaan ang pakiramdam mo." Ngumuya ako ng chicharon."Pasensya na talaga," ulit niya. "Alam mo kasi 'yon? Dahil doon sa nagawa ko, heto ako ngayon, napilitang umupo sa dating pwesto ni Dad na hindi ko naman gusto. Nakakatawa nga, e. Ako nga itong tinanghal na alkalde pero hindi ako ang nagde-desisyon ng mga dapat kong gawin. Wala naman akong magawa because of my greedy father. Pinaupo niya lang ako dito para magawa pa niya 'yong mga hindi niya nagawa noong siya pa ang mayor. Sirang-sira na ang apelyido namin dahil sa kagagawan niya. Kinahihiya ko na naging Servantes pa ako."Masasabi ko pa palang naging swerte ako sa mga parents ko at kung anong buhay ang mayroon ako ngayon. Akala ko no'n kapag mayaman ka, wala ka ng aalalahanin pa. Isang tapal lang ng pera sa problema mo, maayos na agad. Pero ngayon na naririnig ko ang kuwento ni Nikkolai ay nag-iba bigla ang pananaw ko sa buhay. May mga bagay talaga na hindi basta-basta mabibili ng salapi.
Nagulat ako nang siya na mismo ang nagsalin sa baso niya at walang alinlangang ininom ito. Umulit ito ng dalawang beses, halos maubos na ang laman ng pitsel.
"I hate my life. I just want to end it…" aniya at isinubsob ang kaniyang ulo sa tuhod niya.
Nakaramdam ako ng awa habang patuloy pa ring nakatingin sa kaniya. Gusto ko man siyang i-comfort ngayon pero hindi ko nga alam kung papaano kaya ang ginawa ko na lang ay hinagod ko ang likod niya.
"Shh…" pagpapatahan ko nang maramdaman ang paggalaw ng kaniyang balikat at marinig ang pagsinghot. "Sige, iiyak mo lang 'yan hanggang sa mawala ang sakit. Darating din ’yong araw na makakangiti ka nang maluwag, ’yong araw na wala ka ng iisipin pa."
Gano'n ang ginawa ko sa halos kalahating oras na muling pagbalot sa amin ng katahimikan habang nakatingin sa mga bituin sa langit.
Tama kaya itong ginagawa namin ng pinsan ko? Baka hindi naman talaga tulad ng iniisip ni Nathalia si Nikkolai? Wala nga akong makitang bakas na gano'n sa kaniya. Baka hindi lang talaga niya trip na hawakan ang kamay nito at halikan dahil hindi naman niya siya mahal talaga.
Pero kailangan ko pa rin subukan ang plano ko ngayon.I need to do this for my dream.
"Mayor?" mahinang tawag ko, pero hindi siya sumagot. Tumingin ako sa kaniya at tinawag siyang muli ngunit gano'n pa rin. Tulog na? Lasing agad? Niyugyog ko ang kaniyang balikat at doon ay iniangat niya ang kaniyang ulo.
"Hmm?" sabi niya, nakapikit pa rin, malapit ng malaglag ang parisukat niyang salamin.
Mukhang lasing na nga.
"May itatanong lang sana ako. No offense meant, okay?" Hindi siya tumugon. Tumikhim ako bago nagsalita. "Are you… g-gay?" Halos hindi ko pa masabi ang huling salita.
"Huh? I…I am what?"
"Gay?”
He laughed. "Absolutely no!"
"Sigurado ka?"
"Absolutely yes!"
"Kahit gawin ko 'to?"
"Do what?"
Mariin akong napapikit, iniisip kung gagawin ko pa ba o hindi, pero dahil nanaig pa rin ang pangarap ko kaya…
"This." Mabilis kong inilapit ang aking mukha sa kaniya at pinagtagpo ang aming mga labi.
I can now taste the bitter-sweet flavor of his rosy pink lips. Mabilis ang tibok ng puso ko dahil sa kaba sa ginagawa ko. Sa paggalaw ng aking labi ay nasakop ko ang kaniya. Mabagal lang ang ginawa ko, hinihintay siya na pagalawin din ang kaniya.
Ito ang unang beses kong makahalik ng katulad kong lalaki!
It's so freaking different!
Freaking weird!
Freaking awkward!
Oh, Nikkolai, please! Gantihan mo na ang halik ko nang matapos na 'to!
Trenta segundos ang itinagal no'n pero nabigo lang ako. Kahit bahagya lang ay wala akong naramdamang paggalaw kaya kumalas na ako. Uminom agad ako ng alak upang mahimasmasan sa ginawa.Ngayon nakuha ko na ang sagot. Talagang praning lang at OA ang pinsan ko kaya napag-isipan niya ng gano'n ang boyfriend niya.
Nakapikit pa rin si Nikkolai nang sulyapan ko siya. Sana hindi niya na lang naramdaman iyon. Sana...
Tumayo ako at lumipat sa kuwarto ko. Kinuha ko ang aking cellphone sa study table, umupo sa kama saka nagtipa ng mensahe para kay Nathalia.
“Confirmed! Your boyfriend is not a gay!” I messaged her.
Kabanata 2.1"Are you sure?" Iyan ang bungad sa akin ni Nathalia kinaumagahan paggising ko.Magkasalubong ang kilay ko habang nakatingin ako sa kaniya, hinahalo ang tinimpla kong kape para sa akin. Hindi ko alam kung anong problema niya ngayon at bakit ang aga-aga niyang nandito sa bahay. Ala-sais palang kanina, halos wasakin na niya ang pinto namin sa sobrang lakas ng pagkatok niya.Umupo ako sa harap niya, humihikab pa rin dahil sa antok."I'm sure of what?"Nilabas niya mula sa kaniyang sling bag ang cellphone niya saka iniharap ang isang text message na pinasa ko sa kaniya kagabi. Kaswal ko lang iyong tinitigan."Kanina ko lang nabasa 'yan kaya nagmadali akong pumunta dito," paliwanag niya. "Sigurado ka ba diyan sa nalaman mo?'"Tipid lang akong tumango. Iyon naman talaga ang totoo. Sa boyfriend na rin naman niya galing ang sagot na hinihingi niya."I also heard na dito
Kabanata 2.2Mamayang alas diez pa ang simula ng practice namin, alas nuebe palang ngayon kaya may oras pa akong pumunta sa Municipal Hall. Dahil hindi naman gano'n kalayo ang bahay sa pupuntahan ko, ilang minuto lang ang tinagal ko sa paglalakad bago nakarating.Alon ng mga tao ang nadatnan ko pagpasok ko sa loob. Abala ang lahat, may kaniya-kaniyang kailangan gawin o kunin kaya nandito.Nilibot ko ang aking mata sa paligid. Isang beses na akong nakapunta dito pero hindi ko pa rin maiwasan ang hindi mamangha sa pagkakagawa nito. Dalawang palapag ito na malalawak. Kulay krema ang pintura ng bawat dingding kung saan nakasabit ang mga litratro ng mga nagtatrabaho na nakalagay sa malaking frame. Ang sahig naman ay gawa sa puting marmol. Sa mga gilid naman ay nakalagay ang mahahabang upuan na inuupuan ng iilan ngayon. Sa tabi nito ay ang mga halaman na nakalagay sa mga mamahaling vase."Good morning, Miss." bati ko sa dalawang re
Kabanata 3Pagdating sa studio namin ay agad namin sinimulan ang ensayo. Inis pa nga sa akin si Spencer at ang iba dahil doon. Pinalusot ko nalang na may dinaanan lang akong importante. Tuwing break time ay palagi akong sumusulyap sa aking cellphone, tinitingnan kung may natanggap na ba akong mensahe mula sa kaniya. Lumipas ang buong araw ng paghihintay ay wala akong napala kaya napaaga na rin ang tulog ko.Gano'n rin ang ganap sa sumunod na dalawang araw, maghapon akong naghintay ngunit wala pa rin siyang paramdam. Gusto ko na nga siyang puntahan ulit sa munisipyo pero ayaw ko siyang kulitin. Sinabi naman niya na siya mismo ang magsasabi kung nakabuo na siya ng desisyon.Napapanginaan na nga ako ng loob dahil aka sinabi niya lang iyon para mapaalis ako at ayaw naman talaga niya. Kaya nag-isip nalang ulit ako ng magiging back-up plan ko sa oras na hindi siya pumayag, pero wala akong maisip na iba. Lik
Kabanata 4"Seryoso, Kuya? Magkaibigan talaga kayo ni Mayor?" hindi makapaniwalang tanong ni Kylie habang hinahapag ang merienda namin sa glass table.Nakahiga ako ngayon sa sofa bed namin sa sala, nagpapahinga dahil sa tinapos kong gabundok na labahin namin. Tatlo na nga lang kami, pero ang mga nilahan ko parang pang-sampung tao na.Reklamo nga ng reklamo itong kapatid ko dahil doon. Bakit daw hindi nalang namin i-laundry sa may bayan para mas madali at hindi nasisira ang bagong manicure niyang kuko. Syempre ako gusto kong makatipid, sayang lang ang pera na ibabayad namin doon, e kaya ko naman labhan ang mga damit namin. Marunong naman ako dahil tinuruan ako ni Mama.Itinukod ko ang aking kamay sa ulo upang mas makakain ako ng maayos ng biscuit."Oo nga," pagod na sagot ko
Kabanata 5Sa mga sumunod na araw ay wala akong ginawa kundi ang asikasuhin ang schedule ko. Kailangan kong ibahin ito ngayon lalo na't nakikita ko na mas magiging busy pa ako sa susunod pa na araw kaya kailangan talagang i-manage ko ang oras ko.Kung dati ay apat na beses sa isang linggo kami kung mag-ensayo, ngayon ay ginawa kong isa nalang muna. Hindi na rin naman kasi namin kailangan ensayuhin pa iyon, kabisado na namin lahat ng kantang kakantahin namin sa pista ng La Castellion. Kaunting linis nalang naman ang gagawin at paunti-unting practice nalang sa audition piece na gagamitin namin sa oras na magtungo na kami sa SSE.Hindi naman kasi ibig sabihin na tutulungan nga kami ni Nathalia na makapasok doon ay petiks petiks nalang ng gagawin namin. Gusto kong ipakita na may ibubuga rin kami para hindi sila magsisi na pinapasok kami doon nang madalian.
Kabanata 6"A-aray!" daing niya habang dinadampian ko ng cotton bud na may antiseptic ang labi niya. "Dahan-dahanin mo naman, Kiro. Masakit na nga, mas lalo mo pang pinapasakit..."Tinanggal ko ang cotton bud at seryoso siyang tiningnan. Putok na putok ang gilid ng labi niya. Hindi tulad kanina ay hindi na ito masyadong a nagdurugo, pero halata pa rin ang malaking sugat doon.Naiinis pa rin ako hanggang ngayon habang iniisip kung paano siya bugbugin at halos patayin ni Lester.Kahit kailan talaga ay mayabang ang gagong iyon. Sa tuwing pupunta ako doon, palagi ko siyang nakikitang may mga sugat at pasa sa mukha. Halos lahat din ng mga tao sa baranggay nila ay pinanggigilan siya dahil sa ugali niya. Kung pwede ka nga lang na sapakin ko iyon kahit isang beses lang para mawala ang kayabangan ay ginawa ko na.
Kabanata 7"May tanong ako, Mayor," singit ko nang matapos silang mag-usap ng kaniyang sekretarya sa cellphone, pinag-uusapan ang magiging schedule niya ngayong araw.Wala naman siyang ibang gagawin ngayon kundi ang pumunta sa isang west wedding at siya ang magkakasal sa bride and groom doon. Well, it's part of his duties as a mayor of this town, kaya heto kami at on the way na sa venue sakay ang isang puting van.Hindi ko nga alam kung anong trip niya at sinama pa niya ako dito. Wala naman kaso sa akin iyon dahil tapos na naman ang dalawang araw naming ensayo. Basta para may kasama lang siyang kakilala niya doon, gano'n ang sabi niyang rason sa akin."Ano 'yon?" baling niya sa akin habang binubulsa ang kaniyang cellphone.Nilingon ko siya, he's right beside me. Iba ang porma niya ngay
Kabanata 8"Pang-ilang ulit na natin 'to, pre. Ayos ka lang ba?" tanong ni Levi, ramdam ko ang pagka-irita niya sa akin.I sighed. Inilapag ko ang aking gitara sa lapag saka umupo. Kinuha ko ang water bottle sa tabi ko, inubos iyon ng isang lagukan lang, napapamura pa sa isip ko. Maging ako ay naiinis na rin sa sarili ko. Hindi ko alam kung bakit ba ako nagkakaganito nalang bigla.Since last week nung mag-umpisa ulit kaming mag-ensayo, lagi nalang akong ganito. Kung hindi ako magkakamali sa mga chords, mapipigtas naman ang string ng gitara ko tulad ngayon. Wala naman akong sakit o ano. May isang bagay lang talaga ang naglalaro sa isipan ko ngayon at hindi ko maalis."Oo nga, pare. Baka may problema ka pala, hindi mo lang sinasabi amin," gatong ni Oliver habang pinaglalaruan ang kaniyang drum sticks.&
Kabanata 34"Kiro! Ano ba ang nangyayari? Hey, where the hell are you going?! Ano'ng ibig mong sabihing nasa panganib si Nikkolai?!" sigaw ni Nathalia habang hinahabol ako palabas ng hotel. Kahit madami ang tanong na naibato niya sa'kin magmula kaninang nasa kwarto ay wala akong sinagot kahit isa. Hindi na ako nag-abala pang lingunin siya, wala nang oras para pansinin siya sa ganitong klaseng sitwasyon. "Kiro! Kinakabahan na ako sa'yo! What the hell is really happening with Nikkolai?!" Again, I didn't bother to turned to her.Sinubukan kong muling tawagan ang numerong nag-send sa'kin ng message at picture ni Nikkolai na kalunos-lunos ang hitsura, pero cannot be reach na rin tulad ng numero niya. Napahawak nalang ako nang mahigpit sa cellphone ko. Oh, God! Please, answer the call! Pagdating sa labas ay marami akong nababanggang taong nagsasayawan. Hindi na ako nagtangka pang humingi ng dispensa dahil sa sobrang pagmamadali. Sinisigawan ako ng iba, at ang iba naman ay hindi na ako
Kabanata 33"Ayos ka lang ba, Kuya? Maganda naman dito pero bakit parang hindi ka naman nag-e-enjoy?" tanong ni Kylie, bakas sa kaniyang boses ang pagtataka."Oo nga, Kiro. Kanina ko pa napapansin 'yang pagiging aligaga mo. May hinahanap ka ba?" si Ate Lillian na ganoon din ang tono ng kaniyang boses.And because of that, I stopped looking around and shifted back my eyes on them. Puno man ng kolorete ang kanilang mukha ngayon ngunit bakas pa rin ang magkahalong pagtataka at pag-aaala doon. Kahit na balot ako ngayon ng agam-agam ay pinili ko pa rin silang bigyang ng ngiti."Ayos lang ako," palusot ko. "Tinitingnan ko lang ang kabuuan ng isla. Ganda kasi, e. Halatang naalagaan nang mabuti."I gave them my sweetest smile, umaasa ako na mapapawi no'n ang pag-aalala nila ngunit mukhang bigo ako."Sigurado ka?" tanong pa ni Ate Lillian.Mabilis akong tumango."Ayos lang talaga ako, Ate. Don't
Kabanata 32 Love is really sweeter in second time around. Iyon lang ang napagtanto ko simula nang magkabalikan kami ni Nikkolai. Sa bawat halik, bawat yakap, at bawat mga mahihinang bulong ng mga salita ay ramdam ko ang tamis. Ang tamis na akala ko ay nawala sa'min nung iwanan ko siya. Lumipas ang mga araw na naging maayos naman ang pagsasama naming dalawa. Sa pagkakataong ito, wala kaming ibang ginawa kundi ang bumawi sa isa't isa, pinupunan ang mga araw na nasayang namin noon. May mga oras din naman na hindi namin nakakasama ang isa't isa dahil may pinagkakaabalahan kaming pareho; siya sa bayan ng La Castellion, habang ako naman ay ang band career ko sa Manila. Twice a month na rin ako kung umuwi dito sa La Castellion at isang linggo na nanatili dito para makasama siya at ang pamilya ko. Isang taon ang lumipas na gano'n ang ginagawa ko, ginagawa namin. Sinisigurado ko talagang may quality time kaming dalawa.&nbs
Kabanata 31"Sigurado bang wala kayong problema sa akin? Kahit na ganito ako?" tanong ko habang abala ako sa pagtingin ng aking repleksyon sa harap ng salamin, inaayos ang aking itim na buhok gamit ang hair wax.Medyo kumapal na ito dahil medyo matagal na rin simula nung huli kong punta sa barber shop. I also changed my hair style when I was in Manila. From faux hawk cut, I changed it to quiff. Bumagay naman iyon sa diamond shape kong mukha."Sus. Anong problema sa'yo, p're? Hindi naman big deal sa'min 'yan." tugon ni Oliver habang sinusuot ang silver necklace niyaMula dito sa salamin ay kita kong napatingin silang lahat sa'kin sa gitna ng pag-aayos nila sa kanilang sarili para sa magaganap na concert ngayon. Time really flies so fast. Parang noong nakaraan lang ay pinagpaplanuhan palang namin ito, pero heto kami ngayon at naghahanda na.Nandito kami sa i
Kabanata 30"Sigurado kang kaya mong magmaneho? Puwedeng ako naman kung hindi mo kaya."Hindi ko alam kung ilang beses na ba niyang itinanong sa'kin 'yan. Simula palang nung naglalakad kami papunta dito ay kinukwestyon na niya ako tungkol dito."Oo nga. Ang kulit mo," natatawang sagot ko at pinisil ang kaniyang pisngi."I'm just worried. Sabi mo kasi masakit pa rin 'yang..." He pointed pll my butt using his lips. "Baka kasi hindi ka maging komportable sa pagmamaneho mo."Masakit pa rin naman talaga ngunit hindi na naman kasing-sakit tulad kagabi. Medyo mahapdi nalang at minsanan nalang ang pagkirot.Kaninang nag-almusal kami bago umalis sa apartment niya, komportable naman ang pag-upo ko kaya siguradong hindi naman ako mahihirapan sa pagd-drive."Ayos na ako. No need to worry, okay? Atsaka kung sumakit
Kabanata 29"Masakit pa ba?" malumanay na tanong niya mula sa'king likod, rinig ko sa boses niya ang pag-aalala.Kauuwi lang namin dito sa apartment niya. Dito na naming naisipan na umuwi pagkatapos ng nangyari sa'min sa ilalim ng tulay dahil bukod sa ayaw na naming makita kami ng mga tao doon na ganito ang histsura namin, maayos din ang banyo at puwestong pagpapahingahan namin dito.Marahan akong tumango, napapangiwi dahil sa sakit na nararamdaman ko."Medyo nalang. Hindi na katulad kanina."My butt is really in pain right now. Makirot na mahapdi, lalo na kanina habang naliligo kami sa banyo. Siya pa ang nagbuhos sa'kin ng tubig dahil sa panlalambot na naramdaman ko na para akong lalagnatin. Maging ngayon nga sa pag-upo ko sa kama niya ay dama ko pa rin ang nangyari sa'min kanina.That's my first time. Kadalasan kasi na ako ang
Kabanata 28Dalawang kamay ang nararamdaman ko na pilit binobomba ang aking dibdib. Malakas at mabilis na halos maramdaman ko nalang din ang paghingal sa kaniyang ginagawa. Kasunod no'n ay ang pagsakop ng isang malambot na labi sa aking bibig at walang humpay akong binibigyan ng aking sa loob.Salitan niyang ginawa ang dalawang iyon hanggang sa naging mabilis ang pag-akyat ng tubig sa aking lalamunan at ibuga iyon ng aking bibig. I gasped hardly after all the salty water came out from my mouth. Naging mabigat din ang aking paghinga, pilit na hinahabol ang hangin na nawala sa akin."Kiro! Kiro!" Iyon ang malabong boses na narinig ko ilang sandali pa nang bumalik ako sa wisyo.Masyadong mahina na umabot sa puntong karamihan sa mga sinasabi niya ay hindi pumapasok sa aking tainga.He softly tapped my cheeks, trying to wake me up while calling my name. Dahil d
Kabanata 27"Gano'n ba talaga si Mayor? He's a little bit grumpy..." Huminga ng malalim si Yaz matapos niyang sabihin iyon at malungkot na ngumiti.I know she's still offended of what Nikkolai said to her. Kung ako nga nagdamdam, siya pa kaya? Masakit para sa kaniya iyon dahil hindi naman talaga niya sinasadyang magkulang ang dala niya. She was just trying to give what she have, pero kagaguhan lang ang isinukli sa kaniya ni Nikkolai."Hayaan mo na siya. Gago talaga 'yon kahit kailan kaya walang nagkakagusto sa kaniya." Ngumiti ako para kahit papaano ay mapagaan ko man lang ang loob niya."You two were friends, right?" Tumango ako. "Is he really that bad?"Nagkibit ako ng balikat. Gusto kong sagutin 'yon ng "oo" pero ayaw ko naman na magsinungaling sa kaniya at ayaw kong mapasama pa si Nikkolai sa mata niya."Hindi naman. Sakto lang...gaya ko, pero mas guwapo ako sa kaniya, 'di ba? Kahit na gago ako." biro ko pa
Kabanata 26"Hey, kids! Ayusin niyo ang pila niyo para mag-umpisa na tayo," natatawang suway ni Yaz sa mga bata na nagkakaroon nga ng krisis sa kanilang pila.Paano ba naman, kung hindi sila nagpapaunahan sa pila, nagtutulakan naman sila na para bang mauubusan sa ibibigay sa kanila ni Yaz. Parang kanina lang ay magkakasundo pa sila sa laro nilang takbuhan, ngayon ay parang kalaban na ang turing nila sa isa't isa."Ganito nalang," singit ni Kylie na ngayon ang ipamimigay nila. "Kung sino sa inyo ang pinakatahimik, siya ang unang mabibigyan ng tsokolate, okay?"Dahil doon ay natahimik ang mga bata, lalo na si Toyang na pinaka-ingay at magulo sa kanilang lahat. Nasa gitna siya ng pila, magulo ang maiksing buhok at nakanguso ang maliit niyang labi."Tatlo ibigay mo sa'kin, Ate, ha? Nauubos kaya pera ko sa kanonood ko ng music video niyo sa computer shop!"