Pumasok ako sa kusina at umupo sa harapan niya. Hinubad ko ang nakasukbit na guitar case sa akin, inilagay iyon sa may katabing upuan. Isang irap ang iginawad niya sa akin nang tingnan ko siya.
Seriously? Pinapunta niya ba ako dito para irapan lang?
"Ano bang problema mo't nagmamadali kang papuntahin ako rito? May kailangan ka ba? May maitutulong ba ako?" sunod-sunod kong tanong.
Kailangan kong bilisan kung ano man ito. Gusto ko nang umuwi dahil masyado akong pagod sa buong araw na pag-e-ensayo namin ng aming banda para sa nalalapit na pista dito sa La Castellion. Gusto ko nang mahiga at matulog nang mahimbing dahil panigurado bukas ay isang nakakapagod na araw na naman ang haharapin ko."Bakit ba kasi antagal mo? Dalawang oras na ang lumipas simula noong tawagan kita, ha!" She raised her perfect eyebrow.
I shrugged. "Alam mo naman na abala akong tao, Nathalia."
"Abala? Saan? Sa mga babae mo?"
Sinamaan ko siya ng tingin. Here she goes again, reminding me how womanizer I am. Oo, babaero ako! Pero hindi naman ibig sabihin no'n ay nasa kanila lang ang atensyon ko. May banda rin ako!
"May sasabihin ka ba talaga? Kasi kung wala, uuwi na lang talaga ako." Umamba akong tatayo, pero agad niyang nahawakan ang aking braso at pinaupo ulit.
"Fine. I'm sorry, okay? Nagbibiro lang ako. Masyado kang pikon!" Humalakhak siya. "Manang, pakihapag na ang merienda na ipinahanda ko, please!"
Mabilis na umaksyon ang dalawang katulong. Inihapag nila ang dalawang baso sa lamesa, isang pitsel na naglalaman ng orange juice at isang kahon ng dark forest cake. Bago sila umalis ay isang matamis na ngiti ang iniwan nila, gano'n din ang ginawa ko. Sinalinan nila ang mga baso ng inumin.
Binalingan ko ulit ang pinsan ko na ngayon ay may ibig sabihin ang tingin sa akin. Hindi ko iyon pinansin. Humiwa ako ng isang pirasong cake at inilagay iyon sa platito saka sumimsim sa aking inumin.
"Naaalala mo pa ba ang biggest dream mo na sinabi mo sa akin noong mga bata pa tayo?" panimula niya na nagpakunot sa aking noo. "Na you want to have your own band, magkaroon ng milyon-milyong fans, at sumikat ang lahat ng gagawin niyong kanta? That's your biggest dream in life, isn't?"
Bumalik sa isipan ko ang araw na nagsabihan kami ng mga pangarap namin sa buhay. Maging isang dancer ang gusto niya, samantalang ako ay makabuo ng isang banda.
And now, tulad ng pangarap niya dati ay naging isang magaling na mananayaw nga siya. Siya ang main dancer sa kanilang grupo. Samantalang ako, heto nakabuo na nga ng banda kasama ang mga kaibigan ko last year. Ako rin ang leader at gagawa ng aming mga kakantahin na kanta. Isa nalang ang goal ko para makamit ang akin, at iyon ang maging sikat kami.
Alam ko naman na hindi importante iyon ngunit aminin man natin o hindi ay alam kong iyon din ang gusto nating lahat. Kapag kasi sikat ka, maraming susuporta sa'yo. Kapag maraming sumusuporta sa inyo ay mas lalo kayong gaganahan gawin ang trabaho.
Inilapag ko ang baso sa mesa.
"So, what's with my dream?"
"Well," she smiled playfully, "I think I can help you with that now."
Tinaasan ko siya ng kilay. "And how would you do that?"
"Well, may gusto lang naman sa akin ang CEO ng SSE. Kahit wala akong gusto sa kaniya ay sa tingin ko naman ay kaya kong pagsamantalahan ang feelings niya para sa akin at matulungan kayong makapasok doon na hindi dumadaan sa butas ng karayom."
Parang nawala ang antok at pagod ko dahil sa narinig. Stepping Stone Entertainment. Isa iyon sa sikat na talent agency dito sa Pilipinas. Lahat ng hawak nilang talents ngayon ay sobrang sikat na, not just here but over the world. Isa na doon ang girl group nina Nathalia.
Iyon din ang rason kung bakit nagpupursigi kami, lalo na ako, para makapasok doon. Maselan kasi kaya ayaw naming madaliin. Kailangan pa namin hasain ang mga sarili namin.
"Seryoso ka?" Halos abot tainga na ang ngiti ko. "Oo naman. Alam ko naman na ito ang pangarap mo, and as your beautiful cousin, I'll help you to reach that dream of yours," tugon niya at sinimulan kainin ang hiniwa niyang cake.Dang! I can't believe it! Matutupad na rin sa wakas ang pangarap ko!"Thank you so much Nathal—" Natigilan ako nang maarte niyang itaas ang kaniyang kamay. "Don't thank me yet because I will not help you for free.""Anong ibig mong sabihin?" tanong ko, unti-unting nawawala ang ngiti ko sa labi.
Sumimsim din siya sa kaniyang inumin, nilapag iyon nang matapos. "Syempre, kung tutulungan kita, dapat tulungan mo rin ako. Wala ng libre ngayon, remember?"
What the f*ck?
Tulong naman saan?
"Anong klaseng tulong naman ang kailangan mo?" I asked, nakakunot ang noo.
"Help me with my boyfriend,” tugon niya.
"May boyfriend ka?!" Hindi makapaniwalang tanong ko.
Sumimangot siya na para bang na-offend sa sinabi ko. What's wrong with that? Nagtatanong lang ako.
"Syempre! Hindi ka ba updated? Pinsan ba talaga kita?" she hissed and rolled her eyes again.
"Sino?"
"Mayor Nikkolai Froy Servantes."
Namilog ang bibig at mata ko sa sinabi niya. Nikkolai Servantes? Ang lalaking kinababaliwan niya? Ang lalaking kahit na anong gawin niya ay hindi siya nito pinapansin? Wow! Paano?
"Nakakagulat ba? Well, thanks to my Dad."
Tumango ako. Sabagay. Ayon sa pagkakaalam ko ay magkakilala si Tito Namiel at 'yung ama ng alkalde kaya siguro ang dating imposible para sa pinsan ko ay ngayo'y naging posible na.
Pero kung meron nga siyang boyfriend…
"Ano naman ang maitutulong ko?"Ngayon ay napalitan ng lungkot ang nakaukit kanina sa mukha niya. Bumuga muna siya ng hangin sa ilong bago nagsalita.
"Ganito kasi 'yan.” Pinagsalikop niya muna ang kaniyang mga daliri. "Eh, hindi ba nga boyfriend ko na siya? Ang problema ko ay kahit na may relasyon na kami ay hindi man lang niya ako hinalikan kahit isang beses sa tuwing may date kami. Ni hindi man nga lang niya mahawakan ang kamay ko! Hindi ko alam kung nandidiri ba siya sa akin or what!"Pinunasan niya ang luhang pumatak mula sa kaniyang mga mata. Dang! Dapat pala ay naging artista na lang siya kaysa dancer, mas bagay sa kaniya iyon. "Naiintindihan ko naman kung he can't love me back yet. Naiintidihan ko. I can wait. Ang akin lang naman, sana ay hindi niya ginagawa iyon na para bang wala lang ako sa kaniya!""Oh, tapos?" I raised my right thick eyebrow. Wala naman kasi akong mahanap na puwede kong itulong. Sila ang dapat na umaayos no'n, right?"At dahil sa ganoong pakikitungo niya sa akin, tingin ko tuloy ay isa siyang…" Pumikit siya at kunwaring binali ang kamay niya sa ere. Ilang segundo ko rin tinitigan iyon bago ko nakuha. Humagalpak ako ng tawa. What the f*ck, right? Seryoso ba siya doon? Ang alkalde na si Nikkolai Servantes ng La Castllion na siyang boyfriend niya ay isang…"What the hell are you laughing at, huh?" she asked, maasim ang mukha. Kusa akong natigilan dahil sa reaksyon niya."Seryoso ka ba riyan sa hinala mo?" "I…I don't know. Kaya nga kailangan ko ang tulong mo." Mukang seryoso nga…"Anong klaseng tulong nga? Just get straight to the point, Nathalia."Muli akong uminom ng juice dahil sa pagod kakatawa.
Muli siyang napapikit ng mariin at kinagat ang ibabang labi."I want you to make him fall in love with…you!" Naibuga ko lahat ng orange juice sa bibig ko, may naramdaman din akong umagos sa butas ng aking ilong dahil doon. Fall in love with who? With me?! I faced her again, still in shock. Siya naman ngayon ang humahalakhak na may kasama pang pandidiri sa kaniyang mata."Anong sabi mo?!" I exclaimed. "Tama ba ang narinig ko?""Yes, you heard it right, Kiro. Kung kaya mong paikutin ang mga babae, for sure kaya mo rin sa mga gaya niya."
"No." Umiling ako. "Hindi ko gagawin 'yan"
She smirked. "Fine. You can now kiss your precious dream goodbye."Napamura ako. Kung hindi ko susundin ang gusto niya, mawawala na ang madaling daan para makapasok kami sa SSE at matupad ang pangarap ko.
"Ano? Madali lang naman ang gagawin mo. Akitin mo lang siya ng akitin hanggang sa lumabas ang tunay niyang kulay," paliwanag niya. "And after that, ako naman ang kikilos for you." Hindi ko alam kung kaya ko ba iyon. Masyadong imposible lalo na't kung hindi sigurado itong pinsan ko sa hinala niya. "At ano naman ang gagawin mo sa oras na lumabas nga ang tunay niya na kulay?" seryosong tanong ko. Nagkibibt-balikat siya. "Hindi ko pa alam sa ngayon. I still love him. Bahala na kapag nagkaalaman na..." Katahimikan ang bumalot sa amin habang nag-iisip ako. This is a rare chance. Hindi ko alam kung tatanggapin ko iyon.Grab it, Kiro! Ipagsawalang bahala mo na muna ang pride mo para sa pangarap mo! Huminga ako ng malalim. Tama! Hindi lang naman ako ang makikinabang sa gagawin ko. Paniguradong matutuwa ang mga kaibigan ko na makakapasok kami sa SSE na hindi dumadaan sa hirap. Bahala na. Kaya ko naman siguro 'to."Okay. Basta kahit ano man ang kakalabasan ng plano mong 'to, tutulungan mo ako, ha?" paaalala ko.
"Okay. So, ano? Deal?" Nilahad niya ang kamay niya.Tinanggap ko iyon. "Deal…"
Para sa pangarap!Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil nga sa aming ensayo ng aming banda. Pagdating sa studio ay malugod kong ibinalita sa kanila ang balitang may posibilisad na nga kaming makapasok sa SSE, tulad ng inaasahan ay grabe ang tuwa nila gaya ko. Nagsimula na kaming mag-rehearse pagkatapos no'n. Tinugtog namin ang mga kantang gagamitin namin para sa nalalapit na pista. Karamihan doon ay mga rock songs, OPM, at dalawang indie songs. Alas-singko na ng hapon nang matapos kami. Mabilis akong naligo sa banyo ng studio bago umalis papuntang Municipal Hall. I'm just wearing a plain white v-neck shirt, black ripped jeans, and white shoes. Bitbit ko rin a balikat ko ang aking guitar case. Nagsimula na akong maglakad. Malapit lang naman kaya hindi na ako nag-abala pang sumakay ng tricycle, isa pa ay sayang din ang pamasahe na ibabayad ko. Matapos ang kinse minutos ay sa wakas, nakarating na rin ako. Tulad ng dati ay naabutan ko na naman ang iilang mga tao na nagwe-welga. May mga dala silang itlog at nabubulok na kamatis na mukhang ibabato na naman nila mamaya. Syempre ay hindi rin mawawala ang malalaking kariton kung saan nakasulat ang…'Patalsikin ang mga Servantes sa luklukan ng bayan''Magnanakaw ang mga Servantes, mga walang puso'
'Huwag gibain ang minahan, iyon na lang ang tangi naming pinagkakakitaan.'
Napailing nalang ako habang nakatutok ang mga mata doon. Hindi ko naman masisisi ang mga tao sa ginagawa nila. Mali nga naman kasi ang pamamalakad ng mga Servantes dito sa La Castellion. They should have do better for the sake of their constituents. Pero wala naman akong pakialam sa kanila, basta ba'y hindi rin nila ako pinapakialaman sa pambababae ko. Ilang sandali pa ay nakita ko ng isa-isang lumalabas ang mga guwardiyang suot ang kanilang itim na uniform at may tig-i-isang mga shield. Minuto ang nagdaan ay nasimulan ko ng maaninag ang hinahanap ko.I ready myself for the upcoming chaos."Nandiyan na ang mga magnanakaw!" sigaw ng isa at doon na nag-umpisang magsiliparan ang mga itlog at kamatis na tumatama sa mga shield. Kahit na ganoon ay parang hindi man lang iyon pansin ng alkalde na ngayon ay nakasuot ng long-sleeve polo na nakatupi hanggang braso na hapit sa magandang hubog ng kaniyang katawan, at parisukat na eye glasses. Diretso lang ang tingin niya, tila walang pakialam sa mga nagkakagulong mga tao. Pababa na sana sila nang natigilan siya dahil may ibinulong ang kaniyang ama na nasa gilid niya saka ito muling pumasok.Hindi na ako nagsayang pa ng oras at nagsimula ng makipagsiksikan at makipagtulakan sa mga tao. Sinubukan ko rin hawiin ang mga guwardiya at nagtagumpay naman akong makalapit kay Nikkolai Servantes.Madali kong hinawakan ang kaniyang kamay, ilalabas ko na sana siya pero pinigilan ako ng isa sa mga guard.
"Anong ginagawa mo? Bitaw!" sita niya.
"Don't worry, I'm a good friend." I smiled to assured him.
Mukhang nalito pa siya kung papayag ba siya o ano. Hindi ko na hinintay ang kaniyang tugon at mabilis na inilabas na doon ang alkalde. Halos lakad-takbo ang ginawa namin dahil hinabol pa kami ng mga nagwewelga. Hindi ko na rin inalintana ang mga malagkit na likido ng itlog na tumama sa akin hanggang sa makahanap kami ng isang eskinita at nakalayo sa kanila.
We stopped running when he take off his hand on me and seriously looked T me.
"Who are you?" he asked using his cold and baritone voice that made him more manly.
Bading ba talaga 'to?
Mapaglaro akong ngumisi at nilahad ang kamay ko.
"Kiro Amir Verona, your number one and hottest fan, Mr. Mayor."
Hindi ko na siya hinintay pa at ako na mismo ang kumuha sa kamay niya. Maghanda ka Mayor Nikkolai Froy Servantes dahil sisiguraduhin kong malulunod ka sa fake love ko at hindi ka na kailanman pa makakaahon.
Kabanata 1.1"Tuloy kayo, Mayor," I offered as soon as I opened the wooden door of our house. Nauna akong pumasok sa loob, dinampot ang mga nakakalat na balat ng sitsirya at papel sa sahig. Naramdaman ko ang pagsunod niya. "Pasensya ka na. Medyo makalat ngayon. Hindi siguro nakapaglinis ang mga kapatid ko.""No,it's okay. Hindi rin naman ako magtatagal dito," aniya, nililibot ang kaniyang mata sa paligid ng aming bahay. "Ite-text ko na lang ang driver ko na sunduin ako rito as soon as possible."Napamura ako sa isip ko. Hindi muna siya puwedeng makaalis ngayong may chance na akong mapaamin siya. May nabubuo akong plano sa isip ko na posibleng makapagpalabas ng tunay niyang kulay. "Uh…I think, it's not a better idea kung aalis ka agad. Sigurado nasa labas pa ang mga naghahabol sa atin kanina at hinahanap ka pa rin. Hindi natin alam kung anong posibleng gawin nila sa'yo," palusot ko at nilapag na ang guitar case sa maliit at
Kabanata 1.2Maingat akong naglakad paakyat, iniingatan hindi mabawasan ang alak. Sayang kasi. Rinig ko ang bawat yapak niya mula sa aking likod dahil sa hagdan naming gawa lang sa isang matibay na kahoy.Una akong nakaakyat at nakapasok sa kuwarto, sumunod siya."Dito tayo...iinom?" tanong niya, muling pinapaikot ang mata sa bawat sulok ng kuwarto.Maliit lang naman ito. May isang double-deck bed kung saan kami natutulog ni Kane. Katabi no'n ang isang maliit na study table na siyang inuupuan ko kapag nagsusulat ako ng kanta. Sa bawat dingding naman ay nakapaskil ang iilang litrato namin ng mga kabanda ko at mga idolo kong banda."Hindi. Doon tayo sa beranda." Itinuro ko iyong nasa tabi ng study table ko na bintana, kung nasaan ang daan patungo doon.He nodded. "Uh...I'll change my clothes first, susunod na lang ako sa'yo.""Okay, sige." Nakabukas na naman ang bintana kaya hindi na ako n
Kabanata 2.1"Are you sure?" Iyan ang bungad sa akin ni Nathalia kinaumagahan paggising ko.Magkasalubong ang kilay ko habang nakatingin ako sa kaniya, hinahalo ang tinimpla kong kape para sa akin. Hindi ko alam kung anong problema niya ngayon at bakit ang aga-aga niyang nandito sa bahay. Ala-sais palang kanina, halos wasakin na niya ang pinto namin sa sobrang lakas ng pagkatok niya.Umupo ako sa harap niya, humihikab pa rin dahil sa antok."I'm sure of what?"Nilabas niya mula sa kaniyang sling bag ang cellphone niya saka iniharap ang isang text message na pinasa ko sa kaniya kagabi. Kaswal ko lang iyong tinitigan."Kanina ko lang nabasa 'yan kaya nagmadali akong pumunta dito," paliwanag niya. "Sigurado ka ba diyan sa nalaman mo?'"Tipid lang akong tumango. Iyon naman talaga ang totoo. Sa boyfriend na rin naman niya galing ang sagot na hinihingi niya."I also heard na dito
Kabanata 2.2Mamayang alas diez pa ang simula ng practice namin, alas nuebe palang ngayon kaya may oras pa akong pumunta sa Municipal Hall. Dahil hindi naman gano'n kalayo ang bahay sa pupuntahan ko, ilang minuto lang ang tinagal ko sa paglalakad bago nakarating.Alon ng mga tao ang nadatnan ko pagpasok ko sa loob. Abala ang lahat, may kaniya-kaniyang kailangan gawin o kunin kaya nandito.Nilibot ko ang aking mata sa paligid. Isang beses na akong nakapunta dito pero hindi ko pa rin maiwasan ang hindi mamangha sa pagkakagawa nito. Dalawang palapag ito na malalawak. Kulay krema ang pintura ng bawat dingding kung saan nakasabit ang mga litratro ng mga nagtatrabaho na nakalagay sa malaking frame. Ang sahig naman ay gawa sa puting marmol. Sa mga gilid naman ay nakalagay ang mahahabang upuan na inuupuan ng iilan ngayon. Sa tabi nito ay ang mga halaman na nakalagay sa mga mamahaling vase."Good morning, Miss." bati ko sa dalawang re
Kabanata 3Pagdating sa studio namin ay agad namin sinimulan ang ensayo. Inis pa nga sa akin si Spencer at ang iba dahil doon. Pinalusot ko nalang na may dinaanan lang akong importante. Tuwing break time ay palagi akong sumusulyap sa aking cellphone, tinitingnan kung may natanggap na ba akong mensahe mula sa kaniya. Lumipas ang buong araw ng paghihintay ay wala akong napala kaya napaaga na rin ang tulog ko.Gano'n rin ang ganap sa sumunod na dalawang araw, maghapon akong naghintay ngunit wala pa rin siyang paramdam. Gusto ko na nga siyang puntahan ulit sa munisipyo pero ayaw ko siyang kulitin. Sinabi naman niya na siya mismo ang magsasabi kung nakabuo na siya ng desisyon.Napapanginaan na nga ako ng loob dahil aka sinabi niya lang iyon para mapaalis ako at ayaw naman talaga niya. Kaya nag-isip nalang ulit ako ng magiging back-up plan ko sa oras na hindi siya pumayag, pero wala akong maisip na iba. Lik
Kabanata 4"Seryoso, Kuya? Magkaibigan talaga kayo ni Mayor?" hindi makapaniwalang tanong ni Kylie habang hinahapag ang merienda namin sa glass table.Nakahiga ako ngayon sa sofa bed namin sa sala, nagpapahinga dahil sa tinapos kong gabundok na labahin namin. Tatlo na nga lang kami, pero ang mga nilahan ko parang pang-sampung tao na.Reklamo nga ng reklamo itong kapatid ko dahil doon. Bakit daw hindi nalang namin i-laundry sa may bayan para mas madali at hindi nasisira ang bagong manicure niyang kuko. Syempre ako gusto kong makatipid, sayang lang ang pera na ibabayad namin doon, e kaya ko naman labhan ang mga damit namin. Marunong naman ako dahil tinuruan ako ni Mama.Itinukod ko ang aking kamay sa ulo upang mas makakain ako ng maayos ng biscuit."Oo nga," pagod na sagot ko
Kabanata 5Sa mga sumunod na araw ay wala akong ginawa kundi ang asikasuhin ang schedule ko. Kailangan kong ibahin ito ngayon lalo na't nakikita ko na mas magiging busy pa ako sa susunod pa na araw kaya kailangan talagang i-manage ko ang oras ko.Kung dati ay apat na beses sa isang linggo kami kung mag-ensayo, ngayon ay ginawa kong isa nalang muna. Hindi na rin naman kasi namin kailangan ensayuhin pa iyon, kabisado na namin lahat ng kantang kakantahin namin sa pista ng La Castellion. Kaunting linis nalang naman ang gagawin at paunti-unting practice nalang sa audition piece na gagamitin namin sa oras na magtungo na kami sa SSE.Hindi naman kasi ibig sabihin na tutulungan nga kami ni Nathalia na makapasok doon ay petiks petiks nalang ng gagawin namin. Gusto kong ipakita na may ibubuga rin kami para hindi sila magsisi na pinapasok kami doon nang madalian.
Kabanata 6"A-aray!" daing niya habang dinadampian ko ng cotton bud na may antiseptic ang labi niya. "Dahan-dahanin mo naman, Kiro. Masakit na nga, mas lalo mo pang pinapasakit..."Tinanggal ko ang cotton bud at seryoso siyang tiningnan. Putok na putok ang gilid ng labi niya. Hindi tulad kanina ay hindi na ito masyadong a nagdurugo, pero halata pa rin ang malaking sugat doon.Naiinis pa rin ako hanggang ngayon habang iniisip kung paano siya bugbugin at halos patayin ni Lester.Kahit kailan talaga ay mayabang ang gagong iyon. Sa tuwing pupunta ako doon, palagi ko siyang nakikitang may mga sugat at pasa sa mukha. Halos lahat din ng mga tao sa baranggay nila ay pinanggigilan siya dahil sa ugali niya. Kung pwede ka nga lang na sapakin ko iyon kahit isang beses lang para mawala ang kayabangan ay ginawa ko na.
Kabanata 34"Kiro! Ano ba ang nangyayari? Hey, where the hell are you going?! Ano'ng ibig mong sabihing nasa panganib si Nikkolai?!" sigaw ni Nathalia habang hinahabol ako palabas ng hotel. Kahit madami ang tanong na naibato niya sa'kin magmula kaninang nasa kwarto ay wala akong sinagot kahit isa. Hindi na ako nag-abala pang lingunin siya, wala nang oras para pansinin siya sa ganitong klaseng sitwasyon. "Kiro! Kinakabahan na ako sa'yo! What the hell is really happening with Nikkolai?!" Again, I didn't bother to turned to her.Sinubukan kong muling tawagan ang numerong nag-send sa'kin ng message at picture ni Nikkolai na kalunos-lunos ang hitsura, pero cannot be reach na rin tulad ng numero niya. Napahawak nalang ako nang mahigpit sa cellphone ko. Oh, God! Please, answer the call! Pagdating sa labas ay marami akong nababanggang taong nagsasayawan. Hindi na ako nagtangka pang humingi ng dispensa dahil sa sobrang pagmamadali. Sinisigawan ako ng iba, at ang iba naman ay hindi na ako
Kabanata 33"Ayos ka lang ba, Kuya? Maganda naman dito pero bakit parang hindi ka naman nag-e-enjoy?" tanong ni Kylie, bakas sa kaniyang boses ang pagtataka."Oo nga, Kiro. Kanina ko pa napapansin 'yang pagiging aligaga mo. May hinahanap ka ba?" si Ate Lillian na ganoon din ang tono ng kaniyang boses.And because of that, I stopped looking around and shifted back my eyes on them. Puno man ng kolorete ang kanilang mukha ngayon ngunit bakas pa rin ang magkahalong pagtataka at pag-aaala doon. Kahit na balot ako ngayon ng agam-agam ay pinili ko pa rin silang bigyang ng ngiti."Ayos lang ako," palusot ko. "Tinitingnan ko lang ang kabuuan ng isla. Ganda kasi, e. Halatang naalagaan nang mabuti."I gave them my sweetest smile, umaasa ako na mapapawi no'n ang pag-aalala nila ngunit mukhang bigo ako."Sigurado ka?" tanong pa ni Ate Lillian.Mabilis akong tumango."Ayos lang talaga ako, Ate. Don't
Kabanata 32 Love is really sweeter in second time around. Iyon lang ang napagtanto ko simula nang magkabalikan kami ni Nikkolai. Sa bawat halik, bawat yakap, at bawat mga mahihinang bulong ng mga salita ay ramdam ko ang tamis. Ang tamis na akala ko ay nawala sa'min nung iwanan ko siya. Lumipas ang mga araw na naging maayos naman ang pagsasama naming dalawa. Sa pagkakataong ito, wala kaming ibang ginawa kundi ang bumawi sa isa't isa, pinupunan ang mga araw na nasayang namin noon. May mga oras din naman na hindi namin nakakasama ang isa't isa dahil may pinagkakaabalahan kaming pareho; siya sa bayan ng La Castellion, habang ako naman ay ang band career ko sa Manila. Twice a month na rin ako kung umuwi dito sa La Castellion at isang linggo na nanatili dito para makasama siya at ang pamilya ko. Isang taon ang lumipas na gano'n ang ginagawa ko, ginagawa namin. Sinisigurado ko talagang may quality time kaming dalawa.&nbs
Kabanata 31"Sigurado bang wala kayong problema sa akin? Kahit na ganito ako?" tanong ko habang abala ako sa pagtingin ng aking repleksyon sa harap ng salamin, inaayos ang aking itim na buhok gamit ang hair wax.Medyo kumapal na ito dahil medyo matagal na rin simula nung huli kong punta sa barber shop. I also changed my hair style when I was in Manila. From faux hawk cut, I changed it to quiff. Bumagay naman iyon sa diamond shape kong mukha."Sus. Anong problema sa'yo, p're? Hindi naman big deal sa'min 'yan." tugon ni Oliver habang sinusuot ang silver necklace niyaMula dito sa salamin ay kita kong napatingin silang lahat sa'kin sa gitna ng pag-aayos nila sa kanilang sarili para sa magaganap na concert ngayon. Time really flies so fast. Parang noong nakaraan lang ay pinagpaplanuhan palang namin ito, pero heto kami ngayon at naghahanda na.Nandito kami sa i
Kabanata 30"Sigurado kang kaya mong magmaneho? Puwedeng ako naman kung hindi mo kaya."Hindi ko alam kung ilang beses na ba niyang itinanong sa'kin 'yan. Simula palang nung naglalakad kami papunta dito ay kinukwestyon na niya ako tungkol dito."Oo nga. Ang kulit mo," natatawang sagot ko at pinisil ang kaniyang pisngi."I'm just worried. Sabi mo kasi masakit pa rin 'yang..." He pointed pll my butt using his lips. "Baka kasi hindi ka maging komportable sa pagmamaneho mo."Masakit pa rin naman talaga ngunit hindi na naman kasing-sakit tulad kagabi. Medyo mahapdi nalang at minsanan nalang ang pagkirot.Kaninang nag-almusal kami bago umalis sa apartment niya, komportable naman ang pag-upo ko kaya siguradong hindi naman ako mahihirapan sa pagd-drive."Ayos na ako. No need to worry, okay? Atsaka kung sumakit
Kabanata 29"Masakit pa ba?" malumanay na tanong niya mula sa'king likod, rinig ko sa boses niya ang pag-aalala.Kauuwi lang namin dito sa apartment niya. Dito na naming naisipan na umuwi pagkatapos ng nangyari sa'min sa ilalim ng tulay dahil bukod sa ayaw na naming makita kami ng mga tao doon na ganito ang histsura namin, maayos din ang banyo at puwestong pagpapahingahan namin dito.Marahan akong tumango, napapangiwi dahil sa sakit na nararamdaman ko."Medyo nalang. Hindi na katulad kanina."My butt is really in pain right now. Makirot na mahapdi, lalo na kanina habang naliligo kami sa banyo. Siya pa ang nagbuhos sa'kin ng tubig dahil sa panlalambot na naramdaman ko na para akong lalagnatin. Maging ngayon nga sa pag-upo ko sa kama niya ay dama ko pa rin ang nangyari sa'min kanina.That's my first time. Kadalasan kasi na ako ang
Kabanata 28Dalawang kamay ang nararamdaman ko na pilit binobomba ang aking dibdib. Malakas at mabilis na halos maramdaman ko nalang din ang paghingal sa kaniyang ginagawa. Kasunod no'n ay ang pagsakop ng isang malambot na labi sa aking bibig at walang humpay akong binibigyan ng aking sa loob.Salitan niyang ginawa ang dalawang iyon hanggang sa naging mabilis ang pag-akyat ng tubig sa aking lalamunan at ibuga iyon ng aking bibig. I gasped hardly after all the salty water came out from my mouth. Naging mabigat din ang aking paghinga, pilit na hinahabol ang hangin na nawala sa akin."Kiro! Kiro!" Iyon ang malabong boses na narinig ko ilang sandali pa nang bumalik ako sa wisyo.Masyadong mahina na umabot sa puntong karamihan sa mga sinasabi niya ay hindi pumapasok sa aking tainga.He softly tapped my cheeks, trying to wake me up while calling my name. Dahil d
Kabanata 27"Gano'n ba talaga si Mayor? He's a little bit grumpy..." Huminga ng malalim si Yaz matapos niyang sabihin iyon at malungkot na ngumiti.I know she's still offended of what Nikkolai said to her. Kung ako nga nagdamdam, siya pa kaya? Masakit para sa kaniya iyon dahil hindi naman talaga niya sinasadyang magkulang ang dala niya. She was just trying to give what she have, pero kagaguhan lang ang isinukli sa kaniya ni Nikkolai."Hayaan mo na siya. Gago talaga 'yon kahit kailan kaya walang nagkakagusto sa kaniya." Ngumiti ako para kahit papaano ay mapagaan ko man lang ang loob niya."You two were friends, right?" Tumango ako. "Is he really that bad?"Nagkibit ako ng balikat. Gusto kong sagutin 'yon ng "oo" pero ayaw ko naman na magsinungaling sa kaniya at ayaw kong mapasama pa si Nikkolai sa mata niya."Hindi naman. Sakto lang...gaya ko, pero mas guwapo ako sa kaniya, 'di ba? Kahit na gago ako." biro ko pa
Kabanata 26"Hey, kids! Ayusin niyo ang pila niyo para mag-umpisa na tayo," natatawang suway ni Yaz sa mga bata na nagkakaroon nga ng krisis sa kanilang pila.Paano ba naman, kung hindi sila nagpapaunahan sa pila, nagtutulakan naman sila na para bang mauubusan sa ibibigay sa kanila ni Yaz. Parang kanina lang ay magkakasundo pa sila sa laro nilang takbuhan, ngayon ay parang kalaban na ang turing nila sa isa't isa."Ganito nalang," singit ni Kylie na ngayon ang ipamimigay nila. "Kung sino sa inyo ang pinakatahimik, siya ang unang mabibigyan ng tsokolate, okay?"Dahil doon ay natahimik ang mga bata, lalo na si Toyang na pinaka-ingay at magulo sa kanilang lahat. Nasa gitna siya ng pila, magulo ang maiksing buhok at nakanguso ang maliit niyang labi."Tatlo ibigay mo sa'kin, Ate, ha? Nauubos kaya pera ko sa kanonood ko ng music video niyo sa computer shop!"