Home / Fantasy / Take #2: Para sa Forever / Chapter 1 - Chapter 4

All Chapters of Take #2: Para sa Forever: Chapter 1 - Chapter 4

4 Chapters

Prologue

KUNG magkakaroon ka ba ng pagkakataon na baguhin ang buhay mo susunggaban mo ba? Ako kasi ‘oo’ dahil miserable ang buhay ko ngayon. Marami akong nagawang bagay na pinagsisihan ko dahil sa katigasan ng aking ulo.Sabi ng Daddy ko , tapusin ko ang pagmamasteral ko dahil mas magkakaroon daw ako ng magandang buhay. Kung ang credentials ko lang daw kasi ng mag-college ako ang aasahan ko, malamang, walang kumpanya ang tumanggap sa akin. Sino ba naman kasi ang employer ang magtitiwala sa empleyadong puro tres ang marka?It’s not the grade, it’s the script!  Ikakatwiran naman niya sa amang nagsisilbing ‘kontrabida’ na abutin niya ang kanyang pangarap. Mula pa nu’ng mag-highschool siya ay pinangarap na niya ang maging manunulat kaya ng magkaroon ng scriptwriting workshop ay su
Read more

Chapter 1

KISAMENG puti ang unang namulatan ni Azenith na labis niyang ipinagtaka. Hindi naman kasi ganu’n ang hitsura ng kisame sa silid nila ni Zedric. Walang kisame ang kanilang bahay, bubong lang ang mayroon.  Maaari ngang pangit sa paningin niya ‘yung hitsura ng tinitirhan nila dahil maliit at simple lang tapos kulang-kulang pa sa kasangkapan pero pag-aari naman iyon ni Zedric. Pamana ng mga magulang nito na kawa pumanaw na.  “Mabuti naman at gising ka na.” Oh, my God! Gilalas niyang bulalas nang marinig niya ang boses ng ama -- si Manuel Esguerra. Matagal na kasi niyang pinananabikang muling marinig ang makapangyarihang boses nito ngunit gustuhin man niya’y hindi maaari. Four years ago, pumanaw na ito sanhi ng heart attack. Sa katotohanang iyon, hindi niya napigilang umiyak. Pakiramdam niya kasi’y ang sama-
Read more

Chapter 2 

“ANONG nangyayari sa’yo?” nag-aalalang tanong ng kanyang Mommy. Tatanungin na sana ni Azenith kung ano ang ibig nitong sabihin nang marinig niya ang sariling paghikbi. Umiiyak ba siya? Nakuha niyang itanong sa sarili ang sariling katanungan ay nasagot nang haplusin nito ang sariling pisngi. Napagtanto niyang umiiyak siyang talaga. Hindi niya kasi napigilan ang masaktan. Para ngang dinurog ng pinung-pino  ang kanyang puso habang siya’y siya’y nakatingin sa monitor ng kanilang TV. Pinanonood kung gaano ka-sweet si Zedric Nolasco sa kanyang leading lady sa pelikulang Ikaw na lang ang kulang. Ayon sa kanyang ina, Beauty daw ang pangalan pero Bruha sa kanyang paningin dahil obvious na
Read more

Chapter 3

KANINA pa malakas na malakas ang pintig ng puso ni Azenith ngunit hindi niya akalain na dodoble pa ang kanyang nararamdaman nang magsalubong na ang mga mata nila ni Zedric. Ganoon din ang naramdaman niya nang una silang magkita noon ni Zedric.“Nag-a-apply kang model?”Mula sa pagsusulat niya sa application form ay inangat niya ang kanyang tingin. Kung ikinabigla niya ang tanong ng lalaking nakatunghay sa kanya, higit naman siyang nabigla sa reaksyon ng puso niya nang magtama ang kanilang paningin. Parang tinatambol iyon kaya’t nahihiraan yata siyang huminga.“Miss, okay ka lang ba?” Hindi niya pingkaabalahang isipin at sagutin ang tanong nito. May tanong din kasi siya rito, “Anghel ka ba?”
Read more
DMCA.com Protection Status