IT’S Monday morning when Lark and I decided to start our plan for our task. Marami-raming tao sa library. Ang iba ay tumatambay lamang at nagpapalamig samantalang ang karamihan ay nakapwesto sa mga computers at may kani-kaniyang ginagawa.Magkaharap kami ni Lark sa isang table. As expected, siya ang nangunguna sa gagawin namin habang ako naman, sumasang-ayon lamang sa mga pinaplano niya. Hindi naman sa ayokong tumulong, ngunit kung ako lamang din naman ang magpapagulo ng project namin, hahayaan ko na lang siya ang magplano."How about, we distribute our questionnaires to different people living in that community according to their socioeconomic status?" suhestiyon niya. Gaya nang kanina ko pang ginagawa, tumango-tango na lamang ako't nagthumbs-up. Lahat naman kasi ng isuggest niya, okay lang sa akin at talagang magandang idea."So kailan tayo magsusurvey? Next next week na ang submission niyan." tanong ko. Nakakahiya naman kasi na puro sang-ayon na lang ako sa kaniya
Read more