Isang salitang kinatatakutan ng lahat na mangyari.Isang pangyayaring hindi gugustuhin ng lahat na maganap. Sabi nga nila, iisa lang ang kahahantungan ng lahat, ‘yun nga ang kamatayan. Ang nag-iisang pangyayaring maghihiwalay sa pisikal nating kaanyuan at ating kaluluwa. Isa si Isabela sa mga taong pinalad na malaman ang araw ng kan’yang kamatayan. Matagal na n’yang inihanda ang kan’yang sarili sa pagdating ng araw na ‘to, at sinugurado n’yang magiging makabuluhan ang nalalabing araw n’ya sa mundo. Ngunit sa kahandaan n’ya sa pagdating ng araw na ‘yon, ay nakakilala s’ya ng isang istrangherong walang paki-alam sa buhay ng iba – ang lalaking seryoso, tahimik, walang kaibigan, at kailanman ay hindi makitaan ng ngiti sa kan’yang mga labi. Sa pag-krus ng kanilang mga landas, matulungan kaya si Isabela ng isang matamlay na istranghero na matupad ang lahat ng nasa Dying List n’ya? O s’ya ang tutulong dito, para makita nito ang makulay na
Read more