Walang kasigurahan ang Buhay.Sabi nga nila, ang buhay ay punong puno ng mga pangyayaring hindi natin inaasahan.May mga pagkakataon na ayaw nating mangyari ang isang bagay pero nangyayari pa din. Kagaya ng mga taong hindi mo piniling makilala pero dumating pa din sa buhay mo. May mga tao din naman na kahit anong pilit nating alagaan, kusa nalang aalis at mawawala.Ganito talaga siguro ang buhay.Isang sugal na walang kasiguraduhan kung mananalo ka o matatalo.Isang sugal na ang tanging kabayaran ay ang iyong buhay.Sa edad kong labing pito hindi ko pa din alam kung ano ba ang purpose ko bakit ako nabubuhay sa mundong 'to.Matagal ko ng itinatanong 'to sa isipan ko, ngunit hanggang ngayon ay hindi ko pa din 'to masagot. Nananatili lang akong nakikisabay sa agos ng buhay."What happens, happens." Yan ang panata ko sa buhay. Kung ano ang nand'yan, okay lang. Kung wala naman, e 'di wala. Wala na akong panahon para alamin pa ang maaring mangyari sa hinaharap. Ang ka
Nakalipas na naman ang maghapon na wala na namang nangyari sa buong araw ko, maliban sa nakakilala ako ng isang babaeng mamatay na raw.Nakilala? Mali pala. Hindi ko pala s'ya nakilala. Hindi ko nga alam kung ano ba ang pangalan n'ya o kung sa'n s'ya nakatira.Hay buhay! Pabagsak akong nahiga sa kama ko habang nakatitig sa kisame. Ganito nalang ba talaga ako araw-araw? Walang direksyon at walang pinahahalagahan?Ipinikit ko ang aking mga mata, at sa muling pagdilat nito ay ang muling pagsikat ng ordinaryong bagong araw."Goodmorning 'nak." bati sa'kin ng nanay kong laging nakangiti. Hindi ko alam kung bakit hindi ko man lang namana sa kan'ya ang pagiging masayahin sa buhay."Goodmorning po. Papasok na po ako." walang emosyon kong tugon."Mag-iingat ka ha. Nga pala 'nak, wala ka bang dadalhin na kaibigan mo rito? Malapit na ang birthday mo ah." sambit n'ya habang inaayos ang aking babauning tanghalian."Ma, kelan ba 'ko nag-uwi ng kaibigan dito? 'Wag kana mag abal
Nang maramdaman naming hindi na namin kayang kumain pa ay napag-pasyahan na naming umuwi na."Medyo ginabi ka na ata 'nak? May project kayo sa school?" bungad sa'kin ni Mama habang pumapasok ako sa loob ng bahay."Hindi po. Kumain lang po kami ng kaibigan ko" sagot ko. Didiretso na sana ako sa kwarto ng marinig ko si Papa. Hindi ko man lang napansin na nasa sala pala s'ya at nakaupo sa sofa."Nak umupo ka muna rito. Mag kwentuhan tayo" nakangiti n'yang sabi. Wala na akong nagawa kundi ang umupo sa tapat niya. Umupo naman si Mama sa tabi ni Papa."Ano po ang pag-uusapan natin?" seryoso kong tanong."Medyo nagtaka lang kasi ako. Tama ba narinig ko 'nak? May kaibigan ka na?" tanong ni Papa na hindi maalis ang ngiti."Bakit hindi mo s'ya papuntahin dito sa weekend? Para naman makilala namin ang kaibigan mo." singit ni Mama."Ahh. Ehh kasi po, hindi ko talaga alam kung mag-kaibigan ba talaga kami. Nagka-usap lang po kami kasi may hinihiling s'ya sa'kin." nag-aalinlang
Ilang araw na rin ang nakalipas matapos kong makilala ang babaeng bumago ng pananaw ko sa buhay. Siya lang ang bukod tanging nagpalabas ng ngiti sa'king mga labi at ang laging nagpapabilis ng tibok ng puso ko.Sa t'wing maaalala ko ang mga ngiti n'ya, hindi ko maiwasang mapangiti ng patago. Oo, aaminin ko, napalagay na 'ko sa kan'ya. Pero sa loob ng isang linggong kasama ko s'ya, isang beses ko lang pinakita ang ngiti ko. 'Yun ay ang gabing nasa ferris wheel kami. Matapos 'yun ay bumalik na naman ako sa walang emosyong lalaki na nakilala n'ya.Sa loob ko ay alam kong nagbago na 'ko pero sa harap n'ya at ng iba, hindi ko pa 'yon pinapahalata. Kung maari ay gusto kong manatiling matigas sa harapan nila.Nagmadali akong nag-ayos ng gamit ko saka lumabas ng kwarto."Oh 'nak, ngayon ba ang outing na sinasabi mo nung nakaraan?" bungad na tanong ni Mama pag labas ko ng kwarto."Opo Ma. Isang gabi lang naman akong mawawala. Babalik din po ako bukas ng gabi.""Wala namang
Idinilat ko ang aking mga mata kasabay ng paggalaw ng aking mga labi. Ito na ata ang isa sa pinaka-masayang pag gising ko sa umaga.Hindi ko alam kung paano ako nakatulog ng mahimbing lalo na at hindi naman ako sanay na matulog nang may katabi. Siguro ay dahil na rin sa tama ng alak at sa masarap na hangin na dumadampi sa'king mga balat.Malapit ng pumutok ang araw kaya naisipan kong bumangon na. Dahan-dahan kong inialis ang kamay ng babaeng katabi ko, na nakayakap sa dibdib ko. Ayokong magambala s'ya sa kaniyang masarap na pagkakatulog.Matapos kong bumangon ay dumiretso na ako sa front desk ng hotel para mag order ng breakfast namin. Ayoko sana s'yang iwan pero wala akong magagawa. Safe naman ang resort kaya alam kong ligtas s'yang iwan pansamantala.Bumalik ako sa lugar kung saan kami natulog at nakita ko s'yang nakaupo na habang pinagmamasdan ang mga alon sa dagat."Goodmorning!" sambit ko na kinatingin n'ya."Goodmorning! Ano yang dala mo?" wika n'ya na halat
Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil ayoko ng maulit ang pagmamadaling nangyari sa'kin noong isang linggo. Sakto lamang ang gising ko kaya nagawa ko pang sabayan sa pagkain ng almusal ang magulang ko."Goodmorning po." pambungad kong bati sa kanila."Mas sakit ka ba?" seryosong tanong ni Papa kasabay ng paglapag n'ya ng kape sa lamesa."Huh?" Wala naman. Bakit n'yo naman po naitanong?" saad ko"Iba kasi ang kislap ng mga mata mo. Dahil ba yan sa kaibigan mo? Ano na nga pangalan nun?" nakangiting tanong ni Papa na halatang nang-iintriga."Honey, hayaan muna 'yang anak mo. Baka mapurnada pa ang panliligaw" singit na sabi ni Mama habang inihahain ang pagkain."Wala po akong sakit at wala akong nililigawan. Kayo po atang dalawa ang may sakit." sagot ko na kinatawa naman nila."Basta 'nak pag may nagustuhan ka na sabihan mo ako agad ha. Ituturo ko sa'yo lahat ng natutunan ko sa panliligaw." nakangising sabi ni Papa habang naglalagay ng kanin sa plato n'ya."Paaa
Matapos ang araw na malaman kong na-admit s'ya ay lagi na akong laman ng kwarto n'ya. Bago ako pumasok at umuwi ay dumadaan ako sa hospital para makita s'ya. Sa tuwing may bakanteng oras ako ay ginugugol ko lang ito para makasama s'ya.Kapansin-pansin din ang pagbagsak ng katawan n'ya. Hindi naman s'ya payat, maayos naman ang katawan n'ya, pero mapapansin mong nagbago 'to simula ng ma-admit s'ya dito sa hospital."Apat na araw ka nang pabalik-balik dito, hindi ka ba napapagod?" tanong n'ya habang nagbabalat ako ng prutas na binili ko para sa kan'ya."Wala namang nakakapagod sa ginagawa ko. Saka isa pa, wala kaming afternoon class kaya mababantayan kita." wika ko sabay abot ng ponkan na binalatan ko."Salamat." nakangiti nitong sabi. Tumayo naman ako at tumingin sa bintana ng kwarto n'ya. Kapansin-pansin na walang nakaparadang sasakyan sa parking lot."Alam mo bang may live concert sa parking lot mamayang hapon?" wika n'ya na kinagulat ko."Live concert? Sa Hospita
Matapos ang sandaling 'yon ay hindi na maalis-alis ang mga ngiti ko. Hindi ko lubos maisip na sa simpleng tugtog na 'yon ay mararanasan ko ang isang masayang gabi."How was it?" nakangiti n'yang tanong."Thank You." malayo kong sagot sa tanong n'ya. Sa totoo lang, sobrang saya ko talaga ng mga oras na 'yon."No. Thank You! Kasi kahit na hindi ka sanay sa kumpol ng mga tao, nagawa mo pa din akong samahan dito. See! Kaya mo naman palang ma-enjoy ang lugar na maraming tao." masaya n'yang tugon."Ikaw ang dahilan kung bakit ako nag-eenjoy." mabilis kong sagot."Naks! Pa-fall ka!" nakangisi nitong sabi sabay siko sa balikat ko. Duon ko lang naramdaman ang pag-bitaw n'ya sa kamay ko. Gusto ko sana 'tong hablutin pabalik sa palad ko, ngunit nag-alinlangan ako."Madami-dami pa ang kakantahin ng banda. May bala pa bang kanta ang cellphone mo na pangontra sa kanila?" natatawa n'yang tanong na halatang nang-iinis."Downloaded lahat ng kanta ng Westlife d'yan. Baka nga tapos
About the AuthorAcky Loowa is a corporate trainer, a freelance host, a visionary and a happy go lucky underrated writer in Nueva Ecija, Philippines, who writes to express and not to impress. He is a simple guy who has a big dream and wants to inspire individuals through his work. Year 2020 when he won in a one shot writing contest with his story “GARAPON: Tapayan ng mga Puso” which caused him to take writing seriously. He can do writes all kind of genre but tragic story is his first love.When he is not writing, Acky spends most of his time watching movies and traveling. An admitted Hunter X Hunter fanatic, he feeds his addiction by watching Anime movies and series every weekend. He also love taking care of children and sharing his faith as a believer of the Kingdom of the Lord, Jesus Christ.
"Saan ka pupunta?" nagtatakang tanong ni Mama ng makita akong pababa ng hagdan. Isang linggo narin ang nakalipas ng huli akong makalabas ng kwarto ko."Babalikan ko lang ang nakaraan Ma. Huwag kayong mag-alala babalik din po ako mayang gabi."Magsasalita na sana si Mama ng pigilan s'ya ni Papa."Mag-iingat ka 'nak." wika nito na sinagot ko naman ng isang ngiti.Naglakad na ako palabas ng bahay at sinimulang maglakad patungo sa waiting shed. Bawat hakbang ko ay muling nanunumbalik ang mga alaala naming magkasama.Ang mga sandaling magkasama kami sa tulay, gayun din ang paghihintay namin sa bus.Ilang minuto lang ang nakalipas ng may humintong bus sa kinatatayuan ko. Sa pag-akyat ko dito ay nakita ko s'yang nakaupo sa pinaka likod ng bus, sa upuan kung saan kami nakapwesto noon.Dahan-dahan akong naglakad habang nakatingin lang s'yang nakangiti sa'kin. Tumabi ako sa kan'ya at nakita ko na naman ang masaya n'yang mukha na kaysarap pagmasdan.Kinuha ko ang cellphone
I loved you before I even knew your name.🎵🎶And I wanted to give you my heart.🎵🎶But then you came back after leaving me one time.🎵🎶I knew that the heartache would start.🎵🎶Iminulat ko ang aking mga mata ng maramdaman ko ang malakas na hanging dumadampi sa balat ko na nagmumula sa bukas na bintana ng kwarto. Kasabay nuon ay ang banayad na tugtog na nanggagaling sa cellphone ko. Hindi pa rin siya nalolobat?Napangiti nalang ako ng maalala ang mga nangyari kanina. Hindi ko lubos akalain na mangyayari ang lahat ng 'yon sa loob lamang ng isang mag-damag.Iginapang ko ang kamay ko para maramdaman ang katawan n'ya ngunit bigla akong napabalikwas ng mapagtanto na wala na s'ya sa tabi ko. Saan s'ya nagpunta?Mabilis akong bumangon sa pagkakahiga at nilibot ang buong kwarto. Wala s'ya sa loob ng kwarto at wala din s'ya sa CR. Wala na din ang gamit n'ya ngunit napansin ko ang isang puting notebook na nakabalot pa ng pulang ribbon na nakapatong sa ibabaw ng study t
Matapos ang gabing 'yon ay mas naging makabuluhan ang gising ko. Ngayon mas naging malinaw na sa'kin kung ano ba talaga ang gusto ko sa buhay."Goodmorning!" masayang bati ng babaeng nakatayo sa dulo ng tulay na nilalakaran ko.Bigla akong napahinto ng makita s'ya. Paano s'yang nakalabas? Okay na ba s'ya?"Hindi naman ako multo para ganyan ang maging reaksyon mo!" nakangiti nitong sabi."Nakalabas ka na?" tanong ko na halos hindi makapaniwalang nasa harapan ko s'ya. Naka-suot na s'ya ng school uniform na halatang papasok na sa school."Galaw-galaw baka ka ma-stroke!" wika n'ya na kinakilos ko. Nang magkatabi na kami ay nagsimula na kaming maglakad patungo sa paaralan namin."Kelan ka pa nakalabas?" muling tanong ko."Kagabi din. Nung nagpasya kang umuwi, naisipan kong umuwi na din sa bahay. Ayokong mamatay sa hospital no." sambit n'ya na kinahinto ko."Anong ibig mong sabihin?""Naaah. Nevermind. Namiss ko ng mag-aral. Saka gusto kong makasama ngayon mga bestfr