Ilang araw na rin ang nakalipas matapos kong makilala ang babaeng bumago ng pananaw ko sa buhay. Siya lang ang bukod tanging nagpalabas ng ngiti sa'king mga labi at ang laging nagpapabilis ng tibok ng puso ko.
Sa t'wing maaalala ko ang mga ngiti n'ya, hindi ko maiwasang mapangiti ng patago. Oo, aaminin ko, napalagay na 'ko sa kan'ya. Pero sa loob ng isang linggong kasama ko s'ya, isang beses ko lang pinakita ang ngiti ko. 'Yun ay ang gabing nasa ferris wheel kami. Matapos 'yun ay bumalik na naman ako sa walang emosyong lalaki na nakilala n'ya.
Sa loob ko ay alam kong nagbago na 'ko pero sa harap n'ya at ng iba, hindi ko pa 'yon pinapahalata. Kung maari ay gusto kong manatiling matigas sa harapan nila.
Nagmadali akong nag-ayos ng gamit ko saka lumabas ng kwarto.
"Oh 'nak, ngayon ba ang outing na sinasabi mo nung nakaraan?" bungad na tanong ni Mama pag labas ko ng kwarto.
"Opo Ma. Isang gabi lang naman akong mawawala. Babalik din po ako bukas ng gabi."
"Wala namang problema at wala namang kayong pasok dahil weekend. Pero sino ba ang mga kasama mo dun? Buong klase n'yo ba? Nandun ba ang adviser niyo? Maayos ba ang lugar? Sigurado bang ligtas kayong lahat dun? Paano kung...."
"Maaaa! Ayos lang po ang lahat. Alam ko pong nag-aalala kayo pero huwag naman pong OA magtanong. Uuwi po ako bukas ng ligtas! Pangako! Aalis na po ako." paalam ko saka mabilis na naglakad palabas.
Hindi ako nagsinungaling sa magulang ko na may pupuntahan ako, pero hindi ko rin inamin kung ano ang gagawin ko ngayon. Ayokong tanungin pa nila 'ko ng kung ano-ano kaya sinabi ko nalang na may outing kami, dahil 'yun naman talaga ang totoo. Mag outing kami ng babaeng tinutulungan kong tuparin lahat ng list n'ya.
Habang naglalakad ako sa tulay ay nakita ko s'yang nakasandal sa puno habang iniintay ako. Nakasuot s'ya ng fitted na round neck shirt na binagayan niya ng skirt. Naka suot din s'ya ng ponytail na nakatali lang patalikod. May suot din siyang bagpack na sa tingin ko ay naglalaman ng mga gamit n'ya pang overnight.
"Hey! Buti naman sumipot ka." masayang bati n'ya sa'kin.
"Sigurado ka ba dito?" seryoso kong tanong habang naglalakad kami papunta sa waiting shed para mag-abang ng bus papunta sa batangas.
"Oo naman. Hindi naman kita aayain kung hindi ako sigurado. Saka isa pa, nangako ka na sasamahan akong tuparin ang lahat ng list ko 'di ba?"
"Hindi ako nangako. Pumayag akong samahan kang tuparin ang mga hiling mo. Mag-kaiba yun!" walang emosyon kong pagkakasabi.
"Okay. Mag-kaiba na kung magkaiba. Pero salamat talaga at pumayag ka." nakangiti niyang sagot habang umuupo sa waiting shed. Medyo bihira lang kasi ang sasakyan papunta sa batangas kaya sigurado akong matatagalan pa kami sa pag-hihintay.
"Gustuhin ko mang umayaw wala naman na akong magagawa. Saka isa pa, babae ka. Baka hindi ako patulugin ng konsensya ko pag may nangyari sayong masama dahil hindi kita sinamahan."
"Concern ka na talaga sa'kin hano?" sambit niya na nakatingin sa'kin. Ito na naman ang mga ngiti niyang talaga namang nagpapanginig sa'kin.
"Kapag sinuswerte ka nga naman. May bus na agad. Let's go!" masaya n'yang sabi ng huminto ang bus sa harapan ng waiting shed. Mabilis naman siyang sumakay at umupo sa bakanteng upuan. Wala akong nagawa kundi ang sundan s'ya at tabihan s'ya sa upuan.
"Bakit hindi mo sinama sila Belle at Julia?" pagbasag ko sa katahimikan. Hindi pa kasi kami nag-usap muli simula ng sumakay kami sa bus ilang minuto na ang nakakalipas.
"Di ba nasabi ko naman sayo nung unang araw palang ang dahilan? Na lahat ng gusto kong mangyari bago ako mawala ay dapat isang stranger lang ang dapat na kasama ko. Ayokong mag-alala ang mga bestfriend ko sa'kin kapag nalaman nila ang kalagayan ko. Ayokong pasanin nila ang burden ng sakit ko kapag nalaman nila 'to." wika n'ya na hindi man lang tumingin sa'kin. Tanging sa tanawin lang s'ya nakamasid ng mga sandaing 'yon.
"So you think, hindi magiging burden sa'kin na malaman ang kalagayan mo? Na okay lang sa'kin na mawala ka?" seryoso kong tanong na kinatingin niya.
"Hindi naman sa ganun. Sila kasi, kilala na nila ako. Matagal na kaming magkakaibigan. Mahihirapan silang tanggapin ang kahihinatnan ko. Sa case naman nating dalawa, alam kong hindi ka naman masasaktan kapag umalis na 'ko dahil hindi naman natin kilala ang isa't-isa. We're just strangers to each other, tama ba 'ko?"
"Siguro." mahikli kong sagot. Hindi ko nagustuhan ang takbo ng usapan namin kaya pinutol ko nalang ito. Kinuha ko ang cellphone at headset na nasa loob ng aking bag, para mabaling naman sa iba ang iniisip ko. Ayokong ipahalata na balisa ako ng mga sandaling 'yon.
"Ano 'yang pinapakinggan mo? Parinig naman." masaya n'yang tanong na bigla nalang hinablot sa kanang tenga ko ang piraso ng earphone at pinasok sa kaliwang tenga n'ya.
"Westlife song to 'di ba? Panahon pa 'to nila Papa." natatawa n'yang sabi.
"Fan ka din ba nila?" tanong n'ya.
"Hindi naman. Music lang talaga nila ang madalas kong pakinggan."
"Talaga? Bakit naman?" taka n'yang tanong.
"Ewan! Siguro dahil kapag malungkot ka mararamdaman mo ang comfort sa mga kanta nila. Kapag naman masaya ka, mas lalo kang sasaya sa mga kanta nila. Ganun!" sambit ko na kinangiti n'ya.
"May taste ka din pala sa music." wika nito saka biglang sumandal sa balikat ko na talaga namang kinabigla ko.
"Okay lang naman siguro na sumandal sa balikat mo 'di ba? Mahaba pa naman ang byahe natin kaya mag-papahinga muna 'ko." wika nito. Wala na akong nagawa kundi ang pumayag nalang sa gusto n'ya.
Napa-buntong hininga nalang ako ng mga sandaling 'yon habang pinaka-pakinggan ang kantang Evergreen ng Westlife.
Nakaramdam ako ng pagtapik sa balikat ko dahilan para magising ako. Napabalikwas ako ng makitang nakadantay na ako sa braso n'ya.
"Grabe ang sarap ng pagkakatulog mo ha. Nangawit yung balikat ko." nakangiti nitong sabi habang minamasahe ang balikat n'ya. Hindi ko namalayan na nakatulog din pala ako.
"Ilang oras ba akong nakatulog?" tanong ko sa kan'ya.
"Hindi ko din alam. Pag-gising ko kasi tulog ka na din. Halos mabali na ulo mo kaya inayos na kita ng higa. Kaso bigla ka nalang napadantay sa balikat ko. Sa bigat mo hindi ko nagawang alisin ulo mo kaya hinayaan nalang kita." nakangiting sagot n'ya.
"Sorry." nahihiya kong tugon.
"Wala 'yon. Parehas lang naman tayong nakatulog sa balikat ng isa't-isa, so it's a tie." masayang wika n'ya.
"Tara na? Excited na akong makita yung beach" dugtong nito na mabilis na tumayo at bumaba ng bus.
Pagbaba namin ay sumakay pa kami ng tricyle para madala kami sa underrated beach ng batangas. Hindi 'to gaanong kilala pero sobrang ganda naman talaga ng lugar. Pag-mamay ari ng isang Kano ang private beach na 'to na kung saan wala silang kalaban na ibang resort. Nag-iisa lang sila sa buong lugar. May pino at puting buhangin ang beach na masasabi mong perfect destination para sa mga gustong mag-relax at mag unwind.
"Ano? Iisang room lang tayo?" sigaw ko na hindi naman kalakasan. Nagulat lang ako ng sabihin n'ya na sa isang room lang kami matutulog.
"Dalawa yung pinareserved ko. Nagkamali sila ng pagkakaintindi kaya isang room lang ang nabigay sa'tin" nahihiyang sabi n'ya.
"Kumuha tayo ng isa pa. Hindi tayo pwedeng mag-sama sa iisang kwarto. Hindi naman tayo mag partner o mag-asawa para magsama sa iisang room. Saka isa pa, lalaki ako at babae ka." sambit ko na kinangiti naman n'ya.
"Bakit ngumingiti ka pa d'yan?" tanong ko.
"Alam ko naman yun! Saka isa pa, wala akong gagawin sayo no, unless ikaw ang may gustong gawin sa'kin. Pero sa sinabi mo, alam kong ligtas naman ako sa'yo. Gentleman ka din naman pala kagaya ng inaasahan ko. Tara na nga sa room at gusto ko na ding magpahinga muna." wika n'ya na mabilis na nagtatakbo papunta sa room namin.
"Wow! Napaka-ganda naman ng room na 'to. Buti nalang nagkamali yung nasa front desk kasi dahil duon, binigay n'ya sa'tin ang super deluxe nilang room na may 10% discount pa. Mas nakamura pa nga tayo." masayang wika n'ya. Lahat nalang ata ng gamit sa loob ng hotel ay ginalaw n'ya dahil sa sobrang pagka-amazed.
Totoo ang sinasabi n'ya, na napaka-ganda ng hotel. Sa katunayan, ay para itong condo. May queen size bed, may mini sala at may malaking ref. Lahat na ata ng hahanapin mo sa isang overnight staycation ay nandito na.
Naupo nalang ako sa sofa habang pinagmamasdan ang kinikilos n'ya. Para s'yang bata na lumulundag-lundag pa sa malambot na higaan.
Napahinto lang siya ng mapansin na nakatitig ako sa kan'ya.
"Maliligo lang ako tapos labas na tayo. Gusto ko makita ang paglubog ng araw." masaya n'yang sabi saka mabilis na naglakad papunta sa CR.
"Huwag mo akong sisilipan ha!" natatawa pa nitong sabi saka mabilis na sinara ang pinto ng CR.
Napabuntong hininga na lang ako ng mga sandaling 'yon.
Narinig ko ang paglagasgas ng tubig na nagpanginig sa'kin. Pinagpapawisan ako na parang ewan. Bigla kong isinindi ang TV at nanuod nalang para malibang.
Ilang minuto na din ang nakalilipas ng marinig ko ang hiyaw n'ya.
"Hey! Paki-abot naman yung face towel ko sa bag. Hindi ko nadala nung pumasok ako dito." sigaw n'ya. Pumunta naman ako sa kinaroroonan ng kaniyang bag. Pagbukas ko dito ay nagulat ako sa'king mga nakita. Nakaramdam ako ng matinding kaba at takot ng mga sandaling 'yon.
"Hey! Nakita mo na ba?" muling hiyaw n'ya na nagpabalik sa'kin.
"Ah. Oo. Hawak ko na" nauutal kong sagot. Nagpunta na 'ko sa labas ng CR at kumatok dito. Bigla akong tumalikod at inabot ang face towel sa kan'ya na hindi s'ya nakikita.
"Salamat" sambit nito. Nagmadali akong bumalik sa sofa para muling manuod.
Matapos n'yang maligo ay sumunod na din ako. Nang matapos ang aking pagligo ay lumabas na kami ng room at pumunta sa beach para makita ang sunset.
Nakakabighani ang ganda ng araw ng mga sandaling 'yon. Ang mga sinag nito na tumatama sa dagat ang isa sa nagpaganda ng tanawin. Isama mo pa ang masayang babae na nagtatampisaw sa pampang habang mag-isang nilalaro ang sarili. Mabagal s'yang tumatakbo at umiikot -ikot sa ilalim ng papalapit na takipsilim.
Sobrang saya n'yang tingnan. Mababakas sa mukha n'ya ang matinding kagalakan ng mga sandaling 'yon. Hindi ko lubos akalain na sa kabila ng masasaya niyang ngiti ay ang isang malubhang sakit na kan'yang pinagdaraanan.
"Uupo ka lang ba d'yan? Hindi mo ba ako sasamahan na mag-tampisaw?" sigaw n'ya sa'kin.
"Okay lang ako dito. Mag-enjoy ka lang d'yan" sigaw ko. Sa totoo lang, mas gusto ko pang pag-masdan s'ya sa kaniyang ginagawa kaysa samahan s'yang mag-tampisaw.
Ilang minuto pa ang lumipas ng napagod na rin s'ya. Lumapit s'ya sa'kin at tinabihan ako.
"List unlocked?" tanong ko habang tinataas baba n'ya ang kan'yang dalawang papa para matuyo ang mga 'to.
"Hindi pa."
"Ha? Nakakita kana ng sunset habang nasa beach tayo." sambit ko
"Hindi naman kasi 'yun ang nasa list ko. Kung sunset lang pala eh 'di sana hindi na tayo nagpunta dito. Sa likod ng school makikita din ang sunset 'di ba?"
"Oh eh ano pinunta natin dito?"
"Mamaya malalaman mo din." wika n'ya saka mabilis na tumayo.
"Tara na sa room. Nagugutom na 'ko." dugtong n'ya na sinunod ko naman.
Nakarating naman kami sa room na nakahanda na ang dinner namin. Halatang nakaayos na talaga ang lahat dito.
"Paano mo nalaman ang lugar na 'to?" tanong ko habang kumakain kami.
"Kay Julia. Balak namin nuon na mag-outing kaming tatlo, kaso hindi naman kami matuloy-tuloy. Naalala ko lang 'to nung sinusulat ko na mga Dying List ko." nakangiti nitong sabi.
Hindi na ako kumibo at nagpatuloy nalang kami sa pagkain.
"Gusto mong uminom?" tanong nito habang inilalabas ang bote ng alak na nasa ref.
"Binili mo ba 'yan? Underage pa tayo. Hindi pwede..."
"Relax. Hindi naman tayo malalasing dito. Susubukan lang naman natin." masaya niyang sabi saka mabilis na binuksan ang isang bote.
"Yan ba ang list mo? Ang malasing?" seryoso kong tanong.
"Nope. Nagkataon lang na may alak dito sa ref. Since mahikli narin naman ang buhay kaya itatry ko na din. Don't worry, kasi kapag light lang naman daw ang alak hindi naman nakakalasing tama ba?" nakangisi n'yang wika saka mabilis na tinungga ang alak.
"Wag mong i-bottoms up!" pag-pigil ko saka inagaw sa kan'ya ang bote. "Isalin nalang natin sa baso para hindi ganun kabigat sa'yo." wika ko na kinatawa n'ya.
"Alam ko na. Maglaro nalang tayo. Paunahan tayong makahula ng commercial na lalabas sa tv. Kung sino ang unang makahula maaring magtanong. Dapat masagot naman 'to ng natalo at syempre iinom din s'ya ng isang bote ng alak. Pero 'pag hindi n'ya 'to nasagot sa loob ng limang segundo, iinom pa s'ya ng isa pang basong alak. Game?" wika n'ya na hindi ko naman sinagot.
Nagpunta na kami sa sofa at binuksan ang TV habang inaayos n'ya ang mga gagamitin namin.
"Milo!" sigaw n'ya na kinagulat ko.
"Anong milo?"
"Yun yung commercial. Nauna ako. Talo ka." masaya n'yang sabi.
"Kakabukas mo palang ng TV ah. Hindi pa naman tayo nagkakasundo na okay na!" pagmamaktol ko.
"Ah basta game na 'yon. Una kong tanong, ano pangalan mo?" nakangiti n'yang sabi na kinagulat ko. Akala ko ba ayaw n'yang malaman name ko? Bakit tinatanong n'ya na ito sa'kin?
Mabilis akong uminom ng dalawang baso ng alak. Ayokong sabihin ang name ko sa kan'ya dahil napag-kasunduan namin na magiging strangers lang kami hanggang sa huli.
"Sabi ko na eh. Hinding-hindi mo talaga sasabihin sa'kin. Siguradong malalasing ka sa'kin." natatawa nitong sabi. Sa totoo lang, naboboringan ako sa larong 'to pero wala na 'kong magagawa kundi ang sakyan ang mga gusto n'ya.
"Clear!" sigaw ko na kinagulat n'ya.
"Andaya mo naman!" kamot ulo n'yang wika.
"Ginaya lang kita." nakangisi kong sagot pero binawi ko din 'to at nag seryoso.
"Sige na nga. Iinom na'ko." wika n'ya saka unimom ng isang baso ng alak.
"Ano tanong mo?"
"Mamamatay ka na ba talaga?" seryoso kong tanong na kinabigla n'ya. Ilang segundo din ang lumipas ng magsalita s'ya.
"Ano bang tanong 'yan? Oo naman. Bilang na ang araw ko. Wala akong itinatago sa'yo. Seryoso 'ko! Ang lahat ng Dying List ko ay totoo." saad n'ya saka muling uminom ng alak.
"Bakit ka uminom? Sinagot mo naman ang tanong ko 'di ba?"
"Dahil lumagpas na sa limang segundo bago ako sumagot." muling ngumiti ang kan'yang mga labi. Dahil patuloy pa rin naman na umeere ang TV Patrol ay
wala kaming ginawa kundi ang maghintay na magpatalastas na.
"Del Monte." sigaw niya ng lumabas si Drew Arellano habang hawak hawak ang pineapple juice ng del monte.
"Ha? Eh company name naman ang binanggit mo eh. Madami kayang del monte, pwedeng spaghetti sauce at pwedeng yaan na pineapple juice." sambit ko na kinatawa n'ya.
"Pwede na din 'yon. Saka pineapple juice naman 'yan kaya understood na 'yon. Talo ka!" natatawa nitong paliwang na talaga namang benta sa'kin, pero pinigilan ko ang sarili kong tumawa.
"Bakit ba ayaw mong makipag-kaibigan?" tanong n'ya na nagpalunok sa'kin. Hindi ko lubos akalain na simple lang ang mga tanong n'ya pero hindi ko masagot.
Uminom nalang ako ng dalawang basong alak senyales na ayokong sagutin ang tanong n'ya.
"Ang daya mo talaga. Lahat naman ata ng itatanong ko hindi mo sasagutin." pagmamaktol n'ya.
"Toyota Innova" pag-iiba ko ng lumabas ang commercial ng isang brand ng kotse.
"Ilang days nalang ang natitira bago ka umalis sa mundong 'to?" tanong ko na kinabigla n'ya. Kitang-kita ko sa mga mata n'ya ang lungkot pero nagawa n'ya pa ding ngumiti.
Uminom s'ya ng dalawang baso ng alak. Alam ko na ang ibig sabihin nun, ayaw niyang ipaalam kung kailan 'yon mangyayari. Akala ko open s'ya na sabihin 'yon sa'kin pero nanahimik lang s'ya.
Hanggang ang segundo ay naging minuto at ang minuto ay naging oras. Sa loob ng isang oras na paglalaro namin ay unti-unti na naming nakilala ang isa't isa. Kapwa na kami may tama na, pero alam ko pa naman ang ginagawa ko. Pero s'ya ay halatang lasing na.
"Matulog kana." sambit ko habang pinapanuod s'yang tumutungga pa din ng alak.
"Ang saya-saya talaga!" wika n'ya saka itinaas ang bote ng alak na naging dahilan para bumagsak s'ya sa sofa. Mabilis naman siyang tumawa ng mangyari sa kan'ya 'yon.
"Hindi na ako makatayo. Pwede bang buhatin mo ako at dalhin sa higaan. Please!" paglalambing n'ya na nagpahina ng tuhod ko. Sino naman ang makakatanggi sa kan'ya. Napaka-ganda n'ya at sa itsura n'yang 'yon, kahit sinong lalaki ay maaakit.
Mabagal akong tumayo at yumuko para buhatin s'ya. Ito na ata ang pinakamabagal na sandali ng buhay ko. Parang nag slow motion ang lahat habang buhat-buhat ko s'ya papunta sa higaan.
"Ang sweet mo naman. Siguro kung magkakilala tayo, ako na mismo manliligaw sa'yo. Ang gwapo mo naman kasi" natatawa niyang sambit na hindi ko pinansin. Pinipigilan ko ang sarili ko kaya nag-isip nalang ako ng kung ano-anong bagay para lang maiwaksi ko ang pag-iinit ng katawan ko.
"Maganda ba ako sa paningin mo?"
"Sexy ba ako?"
"Pwede mo ba ako mahalin?"
Mga tanong n'ya kasabay ng malakas nitong tawa. Halata namang iniinis n'ya lang ako pero sa mga sinasabi n'ya mas nahihirapan akong huminga.
"Magpahinga ka nalang! Lasing kana!" nauutal kong sabi habang pinag-papawisan ako ng matindi.
Dahan dahan ko siyang inihiga at mabilis naman n'ya akong kinabig na naging dahilan para mapabagsak ako sa kan'ya.
Mabilis na kumabog ang dibdib ko kasabay ng mabilisang paglabas ng pawis sa katawan ko, kahit na ang ginaw-ginaw naman sa kwarto.
"Sa tingin mo kung sakaling may mangyari sa'tin, pag-sisisihan mo ba?" pang-aakit n'ya. Ang pinagsamang amoy ng alak at mabango n'yang hininga ay lalong nagbigay sa'kin ng matinding pagnanasa.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko at hinawakan ko na ang dalawa n'yang kamay. Nakita ko ang pagkabigla sa mukha n'ya ng gawin ko 'yon.
"Anong ginagawa mo? Bitawan mo 'ko!" pag-pupumiglas n'ya.
"Hindi ba't ito naman ang gusto mo? Ito ang nasa Dying List mo!" matigas kong sabi habang ang mga mata ko ay punong-puno na ng pagnanasa.
"Ano ka ba! Nagbibiro lang ako. Bitawan mo nga ako! Ano ba!" sigaw n'ya na halos ikabingi na ng tenga ko.
"Matapos mo akong patigasin sasabihin mong nagbibiro ka lang?" nanggigigil kong sagot. Hindi ko alam kung ano na ang pumasok sa isip ko ng mga sandaling 'yon at kung bakit ganoon nalang ang nasabi ko.
Biglang tumulo ang mga luha n'ya na nagpabalik sa'kin sa katinuan. Nang mga sandaling 'yon ay natauhan na ako.
"So.. Sorry! So-rry!" nanginginig kong sambit saka ako mabilis na tumakbo palabas ng room.
Naiinis ako sa sarili ko. Bakit hindi ko man lang napigilan ang sarili ko na gawin ang bagay na 'yon. Hindi ko pwedeng sisihin ang alak sa katawan ko kasi nasa tamang pag-iisip pa naman ako.
Namalayan ko nalang ang sarili ko na nakaupo sa buhanginan habang pinagmamasdan ang makikislap na mga bituin na tumatama ang repleksyon sa dagat. Hinampas-hampas ko ang ulo ko kasabay ng pag-iisip kung paano ko maayos ang gusot na ginawa ko.
Ilang minuto din akong kinain ng katahimikan at tanging hampas ng alon sa dalampasigan lang ang tanging naririnig ko hanggang sa maramdaman ko ang pag-tabi ng isang pamilyar na babae.
"Pasensya na sa nagawa ko. Ako dapat ang sisihin sa nangyari." sambit nito na kinabigla ko. Paano n'ya ako nahanap? At bakit s'ya pa ang humihingi ng pasensya na dapat ako ang gumagawa.
"Hindi ko si....."
"Shhhhhh. Huwag ka ng magsalita. Alam kong nadala ka lang ng emosyon mo. Maling-mali talaga ako dun." pagpigil n'ya sa'kin. Hindi ko alam kung bakit nagawa n'ya akong patawarin agad. Alam kong mali ako pero kung iisipin ko ang kalagayan ko, nadala lang talaga ako dahil binigyan n'ya ako ng motibo.
"Ito yung sinasabi ko na isa sa dying list ko. Ang matulog sa ilalim ng maraming bituin habang dinadama ang malamig na simoy ng hangin. Matagal ko ng gustong mahiga sa buhanginan at pagmasdan mula sa itaas ang maliliit ngunit makikinang na mga bagay sa itaas. Maari mo ba akong samahan na matulog ngayon dito." request n'ya na kinabigla ko. Kitang-kita ko ang sincerity sa mga mata niya. Ngayon ko lang s'ya nakitang nagrequest na punong-puno ng pagsusumamo.
Hindi ko siya sinagot at naglakad ako papalayo sa kan'ya. Napansin ko pa ang mga tingin n'ya sa'kin bago ako umalis.
Makalipas ang ilang sandali, binalikan ko s'ya bitbit ang dalawang makapal na kumot at unan.
"Hindi naman siguro maganda kung matulog ka sa buhanginan na walang sapin." sambit ko habang inaayos ang isang kumot na magiging sapin namin.
"Okay na. Pwede ka ng mahiga." sambit ko na kinangiti n'ya. Nahiga naman s'ya at pinagmasdan ang mga bituin sa itaas.
"Napaka ganda ng mga kislap ng mga bituin hano? Kung titingnan sila parang ang lapit lang nila pero ang hirap-hirap nilang abutin. Kahit siguro ibagsak pa ang mga butuin sa langit o humingi ako ng sign sa kanila, hindi pa rin mababago ang katotohanang bilang na ang mga araw ko. Na darating din ang sandaling mawawala ang kinang ko sa mundo. Na kapag natapos na ang gabi, isang kakaibang liwanag na ang babalot sa kalupaan at tatangayin na nito ang liwanag ko na sa gabi mo lang makikita." malungkot n'yang sabi. Tagos sa puso ang mga salitang narinig ko sa kan'ya. Hindi ko magawang magsalita dahil natatakot ako. Natatakot ako na posibleng mangyayari 'to. Hindi pala posible, dahil talagang mangyayari.
"Kapag dumating ang sandaling 'yon, maari mo bang pagmasdan ang langit sa gabi sa loob ng...."
"Tama na! Ayokong marinig 'yan! Matulog ka na!" matigas kong sabi na kinatahimik n'ya. Ayoko sanang pigilan s'ya pero ayokong marinig ang pamamaalam n'ya. Ayokong isipin na darating ang araw na 'yon.
"Maari mo ba akong tabihan?" paglalambing nito.
"Wala naman na akong magagawa." wika ko at nahiga na sa tabi n'ya.
"Maraming-maraming salamat sa'yo. Hindi ko lubos akalain na ikaw ang ibibigay sa'kin ng Panginoon para matupad ang mga hiling ko. Sana masamahan mo pa din ako hanggang dulo.." sambit niya habang pinagmamasdan ang makikislap na mga bituin.
Hindi ako sumagot sa kan'ya. Kagaya n'ya ay nanatili lang akong nakatingin sa mga bituin.
Binalot kami ng katahimikan at matapos ang ilang minuto ay nagsalita na ako.
"Siguro ito na yung oras na masasagot ko ang unang tanong mo kanina. Tatanungin muna kita. Gusto mo ba talagang malaman ang pangalan ko?" tanong ko sabay tingin sa kan'ya. Duon ko lang nalaman na nakatulog na pala s'ya. Tinitigan ko s'ya ng ilang minuto at dahan-dahang inilapit ang mukha ko sa kan'ya.
Lumapit ako sa tenga n'ya at ibinulong ang pangalan ko. Matapos 'yon ay umayos na ako ng pagkakahiga at mahimbing na akong nakatulog sa ilalim ng makikislap at makikinang na mga bituin katabi ang babaeng hanggang ngayon ay hindi ko pa din kilala.
Idinilat ko ang aking mga mata kasabay ng paggalaw ng aking mga labi. Ito na ata ang isa sa pinaka-masayang pag gising ko sa umaga.
Hindi ko alam kung paano ako nakatulog ng mahimbing lalo na at hindi naman ako sanay na matulog nang may katabi. Siguro ay dahil na rin sa tama ng alak at sa masarap na hangin na dumadampi sa'king mga balat.
Malapit ng pumutok ang araw kaya naisipan kong bumangon na. Dahan-dahan kong inialis ang kamay ng babaeng katabi ko, na nakayakap sa dibdib ko. Ayokong magambala s'ya sa kaniyang masarap na pagkakatulog.
Matapos kong bumangon ay dumiretso na ako sa front desk ng hotel para mag order ng breakfast namin. Ayoko sana s'yang iwan pero wala akong magagawa. Safe naman ang resort kaya alam kong ligtas s'yang iwan pansamantala.
Bumalik ako sa lugar kung saan kami natulog at nakita ko s'yang nakaupo na habang pinagmamasdan ang mga alon sa dagat.
"Goodmorning!" sambit ko na kinatingin n'ya.
"Goodmorning! Ano yang dala mo?" wika n'ya na halatang kakagising lang.
"Breakfast natin. Mas masarap siguro kumain habang pinagmamasdan ang dagat 'di ba?" sagot ko habang inilalapag ang food tray sa harapan n'ya. Tumabi na din ako sa kan'ya ng mga sandaling 'yon.
"Breakfast in bed?"nakangiti n'yang tanong.
"Nope. Breakfast in buhanginan." nakangiti kong sabi na kinatawa n'ya. Dahil sa mga ngiti at tawa n'ya ay nanghina na naman ang mga tuhod ko. Iba talaga ang dating ng mga ngiti ni
'ya sa'kin.
"Kain na tayo?" alok ko saka inabot ang plato at nilagyan 'yon ng pagkain.
"Salamat ha." wika n'ya.
"Para saan?"
"Sa isang umagang kasama ka. Akala ko pag-gising ko wala ka na. Peron nandito ka pa rin."
"Bakit mo naman inisip na wala na 'ko pag-gising mo? Hindi ba ako dapat ang mag-isip na gigising nalang ako isang araw na wala ka na." sambit ko na kinagulat n'ya na kinagulat ko din. Bakit ko ba nasabi iyon?
"Sorry." nahihiya kong sabi.
"Wala 'yon. Kain na tayo." pag-iiba n'ya saka kami sabay ng kumain.
Habang kumakain kami ay pumasok sa isipan ko ang nakita ko sa bag n'ya kagabi. Hindi ko alam kung dapat pa ba na tanungin ko s'ya pero kailangan ko ng sagot.
"Mukhang may gusto kang itanong." wika n'ya na kinagulat ko. Nabasa n'ya ba ang naiisip ko?
"Huh?" pag-kukunwaring tanong ko kahit na ang totoo ay may gusto naman talaga akong itanong.
"Iba kasi yung kislap ng mga mata mo ngayon. Parang naguguluhan ka, kaya naisip ko baka may tanong na bumabagabag sa isipan mo." sambit n'ya saka isinubo ang kutsara.
"Sa totoo lang meron nga. Gusto ko lang itanong, handa ka na ba talagang mamatay anytime?" nauutal kong tanong habang nakatingin sa kaniya.
Inialis n'ya ang tingin n'ya sa'kin at ibinaling 'yon sa papalabas na araw. Bumuntong hininga muna s'ya bago tumingin sa'kin.
"Yung totoo, inihanda ko na ang sarili ko na darating talaga ang araw na mawawala na 'ko. Pero sa likod ng mga ngiti ko, sa kabila ng mga sayang pinapakita ko, nagtatago ang takot at lungkot. Ayoko pa talagang lisanin ang mundong 'to. Ang dami ko pang pangarap at gustong marating pero ganito talaga siguro ang buhay. Kailangan ko nalang tanggapin na darating ang araw na magdidilim din ang liwanag sa paligid ko." malungkot n'yang sabi kasabay ng pagbagsak ng mga luha sa pisngi n'ya.
"Tama nga ako. Alam kong pinapalakas mo lang ang sarili mo sa harap ng mga taong nakapaligid sa'yo. Nakita ko lahat ng gamot mo kagabi. Hindi ko akalain na ganun kadami ang gamot na iniinom mo para lang makipaglaban sa sakit mo. Huwag kang mag-alala dahil hanggat nabubuhay ka pa, sisiguraduhin kong matutupad mo lahat ng nasa list mo." sambit ko saka ko pinahid ang mga luha sa pisngi n'ya.
Bigla n'ya akong niyakap ng mahigpit. Yakap na punong puno ng pasasalamat. Isang paghaplos naman sa likod n'ya ang naging tugon ko.
Hinintay lang namin ang paglabas ng araw bago namin napag-pasyahan na bumalik na sa room at mag-ayos ng gamit para sa aming pag-uwi.
"Anong isusunod natin?" tanong ko habang nag-aayos kami ng mga gamit namin.
"Gusto kong matutong mag-motor." nakangiti n'yang sabi.
"Mag-motor? Bakit naman 'yun pa? Delikado yon!" seryoso kong sagot
"Gusto ko lang, bakit ba? Saka hindi ko naman sinabing magdrive ako sa highway. Gusto ko talaga masubukan."
"Marunong ka bang mag-bike?"
"Oo. Sabi nila pag marunong ka na mag bike, madali na lang ang pagmomotor."
"Totoo 'yon. Riding a motorcycle is all about balancing. Kung marunong kana mag bike, ibig sabihin kaya mo na nga ang mag motor." wika ko
"Matuturuan mo ba 'ko?" tanong niya.
Hindi ko s'ya sinagot at naglakad ako papunta sa gilid ng kwarto kung saan nakasabit ang landline. Tumawag ako sa front desk at nagtanong ng mga konting information about sa buong lugar ng resort.
"Tara na." wika ko na kinagulat n'ya.
"Tara na sa'n? Uuwi na tayo pero di mo dadalhin bag mo?"
"Hindi pa tayo uuwi. 12 nn pa check out natin. 7:00am palang naman." sagot ko
"Oh eh saan tayo pupunta?" nagtataka n'yang tanong
"Tutuparin natin 'yang isa sa mga list mo. Libutin natin ang buong lugar habang pinagmamaneho mo 'ko gamit ang motor." sambit ko sa kan'ya at naglakad na patungo sa pintuan ng kwarto.
"Seryoso?" wika n'ya. Kahit na kailan magulo talaga ang mga babae. Gusto n'ya daw matuto pero nagtatanong pa kung seryoso ako.
Hindi ko s'ya sinagot at tuluyan ng lumabas ng kwarto. Senyales na siguro ang pag-labas ko para malaman n'yang seryoso 'ko.
Narinig ko pa s'yang humihiyaw habang nagtatatakbo para habulin ako. Napangiti naman ako ng mga oras na 'yon.
Nasa harap na kami ng Rent A Bike Shop na pag-mamay-ari din ng resort na tinuluyan namin. Ibat-ibang klase ng motor ang pinapa-rent nila kaya maraming option na pag-pipilian ang babaeng kasama ko.
"Pili ka na." saad ko
"Ano ba ang mas maganda dito? E-Bike nalang para magaan lang idrive" wika n'ya habang hinahawakan ang manibela nito.
"Lahat ng motor kapag tumatakbo na, magaan lang." sagot ko na kinagulat n'ya.
"Oh talaga ba? Tumatakbo sila? Paano 'yon? Pag ba bumiyahe tayo, mag kakaroon na ng paa ang motor?" sambit n'ya na kinanuot ng noo ko.
"Walang nakakatawa." seryoso kong sabi na kinatawa n'ya. Wala naman kasing kakwenta kwenta ang jowk n'ya.
"Nagbibiro lang naman. Napaka seryoso mo naman kasi. Ikaw nalang mamili kasi ikaw naman mag tuturo sa'kin. Sa tingin mo, ano bagay sa'kin?"
Naglakad ako papunta sa lalaking bantay para magtanong. Sa dami ng motor na pinaparent nila lahat naman kasi pwedeng sakyan. Mas mainam na magtanong nalang ako para mabilis.
"Boss may pinaparent kayong combi-brake?"
"Saktong-sakto Sir ang pagkakatanong n'yo. Nag-iisa lang po ang combi-brake bike namin dito at bago pa po yang motor na 'yan. Pangatlo pa lang po kayong mag re-rent kay Tobie kaya siguradong maganda ang takbo n'yan." magiliw na sabi ni Manong na parang ahente kung makataas sa motor n'ya.
"Sino si Tobie?" takang tanong ng kasama ko.
"Pangalan po 'to ng motor ko Ma'am. Lahat ng motor dito pinangalanan ko para mas madaling tandaan. Ito pong motor na 'to ang pangalan niya Ella, ito naman Onyok, yung katabi n'ya......"
"Okay na Boss. Rent ko na si Tobie ng apat na oras." pag-putol ko. Baka kasi 'pag pinakilala n'ya lahat ng motor, abutin na kami ng alas dose.
"Bakit mo naman pinigilan si Manong na magkwento? Gusto ko pa naman makilala mga motor n'ya." wika ng magandang babae na kasama ko.
"Ano ba ang gusto mo, matutong mag motor o maging kaibigan lahat ng mga motor n'ya? Mamili ka." seryoso kong tanong habang itinutulak ang motor palabas ng shop.
"Syempre ang matutong mag motor. Medyo ang kulet kaya ni Manong. Nakakatuwa s'ya."
"Eh 'di sa kan'ya kana mag paturo." reply ko saka huminto sa pagtulak ng motor.
"Ang OA mag-react ha! Oo na, hindi na nga. Palabas na nga tayo 'di ba? Grabe ka pala magselos. Nakakatakot. Hehe" nakangiti n'yang tugon. Hindi ko na pinansin ang sinabi n'ya at dumiretso na kami sa kalsada.
Ang kagandahan sa private resort na 'to ay hindi sila nagpapapasok ng maraming turista dahilan para mapanatili ang maayos at maganda nitong lugar. Kaya maganda na rin itong pagkakataon para turuan s'yang mag motor dahil walang masyadong sasakyan sa kalsada.
"Okay! Upo kana!" panimula ko.
"Ang pinaka-nangungunang dahilan kung bakit naaaksidente ang driver ng motor ay lack of focus. Sa pagmamaneho mata ang pinaka-importante." dugtong ko pa
"Malamang. Kasi may nakita ka na bang bulag na nakapag-drive?" natatawa n'yang tanong. Nakita n'ya sigurong nagbago ang awra ng mukha ko kaya tumahimik na s'ya.
Sinimulan kong ituro sa kan'ya ang FAB ng motor para mas maging pamilyar s'ya sa pagmamaneho. Ako na din mismo ang nagtanong at sumagot ng mga FAQs dahil simula ng nag jowk s'ya ay tumahimik na s'ya dahil sa takot na hindi ko na s'ya turuan.
"Got it! Let's get rolling!" sigaw n'ya habang nakataas ang dalawang kamay.
"Safety gear first!" sambit ko saka ko ikinabit sa ulo n'ya ang helmet. Isinuot ko na din ang helmet sa ulo ko saka umupo sa likuran n'ya.
"Ako muna ang mag-drive ha tapos mamaya ikaw naman." wika ko na kinatango naman n'ya.
Hindi ako makapag-concentrate sa pagmamaneho dahil ang mukha ko ay nasa balikat n'ya. S'ya kasi ang nasa harapan ng meter panel. Para ko na s'yang yakap-yakap habang nag-dadrive. Medyo awkward ang lagay namin ng mga sandaling 'yon.
Bigla kong inihinto ang pagmamaneho dahil pinagpapawisan na 'ko kahit ang aga-aga pa naman.
"Bakit ka huminto?" tanong n'ya.
"Ah eh. Ikaw na mag drive. Antabay nalang ako. Basta make sure naka nuetral ka lagi kapag hindi ka pa ready'ng tumakbo ha." sambit ko. Sana naman hindi n'ya nahalata na kinakabahan ako ng mga sandaling 'yon.
"Yes coach! Push button - nuetral - throttle - brake!" sigaw n'ya
"Ready ka na ba?" dugtong pa n'ya na hindi man lang kinakabahan.
"Go!" maikli kong sagot.
Sinimulan n'ya ng mag drive. Nung una ay medyo may pa gewang gewang pa kami pero kalaunan ay nagamay n'ya na ang pagmamaneho. Mabagal lang s'yang mag-drive dahil sinasanay n'ya pa ang sarili n'ya pero matapos ang ilang minuto ay pabilis na s'ya ng pabilis.
"Hey hey hey! Medyo bumibilis!" pagpipigil ko.
"Magsimula ka ng magdasal coach!" natatawa n'yang sambit na mas binilisan pa ang takbo ng motor.
"Hoy dahan-dahan. Baka hindi ka sa sakit mamatay kundi sa aksidente!" wika ko na mas lalong kinatawa n'ya.
"Kung mamatay ako sa motor, sisiguraduhin kong kasama ka!" wika nito na mas lalo pang binilisan ang takbo.
"Ano ba! Ihinto mo!" sigaw ko na kinabagal n'ya.
"Jowk lang naman 'yon." natatawa n'yang sabi.
"Ihinto mo!" matigas kong sigaw na sinunod naman n'ya. Bumaba ako sa motor na kinagulat n'ya.
"Marunong ka ng mag drive 'di ba? 'Yun naman ang goal natin. Matuto ka lang. Okay na 'yung hindi gumaling ang mahalaga marunong kana ngayon. Tumayo ka dyan at ako na ang mag-mamaneho. Ikaw ngayon ang umangkas sa likod!" suhestyon ko. Kitang-kita ko sa mga mata n'ya ang pagkalungkot sa mga sinabi ko.
"Sorry!" paghingi n'ya ng paumanhin. Mas pinili kong mag-matigas para sundin n'ya 'ko. Wala na s'yang nagawa kundi ang maging angkas ko.
"Pataas ang daan kaya mahihirapan ang mga nag-aaral palang mag drive. Tutuparin pa natin ang iba mo pang list. Ayokong dito matapos ang lahat, kaya ako muna ang magmaneho. Mamaya sa patag ikaw naman, pag-pauwi na tayo. Sa ngayon, kumapit ka muna sa'kin at dadalhin kita sa paraiso." wika ko saka ko sinimulang patakbuhin ang motor.
Hindi ko maiwasang mapangiti habang binabaybay namin ang kalsadang papunta sa itaas. Damang-dama ko ang mahigpit n'yang pagkakayakap sa'kin para hindi siya malaglag sa motor.
Mula sa side mirror ay kitang-kita ko ang malawak n'yang ngiti habang nakatingin sa malawak na dagat sa gawing kanan namin, habang sa kabilang side naman ay ang naglalakihang mga puno.
Inihinto ko ang sasakyan ng marating namin ang tuktok ng bundok. Mula sa itaas ay matatanaw mo ang private resort na tinuluyan namin pati na rin ang malawak na karagatan.
"Ito pala ang sinasabi mong paraiso. Paano mo nalaman na merong ganito rito?" tanong n'ya.
"Sinabi ng receptionist sa front desk kanina nung tumawag ako." sagot ko habang pinagmamasdan ang magaganda n'yang ngiti.
"Salamat!"sambit n'ya saka muling itinaas ang kaniyang mga kamay at pumikit. Hindi ko alam kung nagdarasal ba s'ya pero ganitong ganito ang ginawa niya sa ferris wheel nuon.
"I love my life" sigaw n'ya saka ngumiti. Napangiti nadin ako ng mga sandaling 'yon. Kakaiba talaga ang babaeng 'to. Nakaka-adik ang mga ngiti n'ya.
"Salamat sa'yo. Marunong na akong mag drive. Sorry pala kanina." wika nito saka umupo sa lupa.
"Wala 'yon. Pwede kang dalhin ng four wheels dito, pero ang kagandahan sa motor, mas nagiging memorable ang takbo dahil pati kuluwa mo nakasakay sa bawat byahe mo." saad ko na hindi n'ya na gets. Hindi na ako nagpaliwanag pa at pinagmasdan nalang namin ang makinang na karagatan dahil sa sikat ng araw.
"Saan ka pupunta?" tanong ko. Bigla nalang kasi s'yang umalis sa tabi ko. Nakita ko s'yang pumunta sa likod ng malaking puno na nasa gawing gilid ng bundok.
"Hoy umalis ka d'yan, delikado!" sigaw ko saka mabilis na naglakad papunta sa kan'ya.
"D'yan ka lang! May sinusulat lang ako."
"Ha? Anong sinusulat mo? Alam mo bang sinasaktan mo ang puno? Lalabas ang mga dugo n'ya pag sinulatan mo." sambit ko na kinatawa n'ya.
"Dagta ang lalabas dito hindi dugo. Saka ang sinusulat ko ay mensahe ko sa'yo." wika n'ya habang masayang nakatitig sa malaking puno ng accacia.
"Ha? Bakit kailangan mo pang isulat? Pwede namang sabihin mo nalang sa'kin."
"Ah basta! Soon babalik ka dito para basahin 'tong mensahe ko sa'yo. Sana pag dumating ang araw na 'yon, nandito pa ang punong 'to." nakangiti n'yang sabi. Hindi ko naman maiwasang magtaka sa kinikilos n'ya. Bakit kailangan n'ya pang mag effort na sumulat sa puno kung pwede namang sabihin n'ya nalang. Ang dami talagang pakulo ng babaeng 'to.
"Tapos na!" masaya n'yang sabi saka lumapit sa'kin.
"Kung gusto mong malaman ang pangalan ko, nakasulat 'yun dun sa likod ng puno. Haha"
"Papahirapan mo pa ako pwede ko namang malaman 'yon sa mga kaibigan mo."
"Hindi ba mas masarap makuha ang isang bagay kapag pinaghirapan mo at naayon sa tamang oras at pagkakataon?" matalinghaga n'yang sabi na kinanuot nalang ng ulo ko.
"Tara na! Pumutok na ang araw. Baka mangitim ka sayang naman ang makinis mong balat." natatawa niyang sabi saka lumakad na papunta kay Tobie. Pinagmasdan ko muna ang puno ng accacia bago ako pumunta sa kan'ya. Habang naglalakad ako papunta kay Tobie at sa babaeng kasama ko ay iniisip ko pa din kung ano ba ang nakasulat sa punong 'yon.
Bumuntong hininga nalang ako at sinimulan na naming lisanin ang lugar na 'yon.
Paminsan minsan ay tinatanaw ko s'ya sa side mirror. Minsan nga ay nagtatama pa ang mga mata namin na nagiging dahilan para kapwa kami mapangiti. Hanggang sa makarating na kami sa resort at makapag check out na.
Marami kaming napag-kwentuhan habang nasa bus kami. Ikinuwento n'ya ang lahat tungkol sa pamilya n'ya at sa mga kaibigan n'ya. Gayundin ang lahat ng gusto at ayaw n'ya. Duon ko siya mas nakilala pa. Pero may isang bagay lang ang gusto kong malaman ngunit hindi n'ya naikwento. 'Yun ay ang about sa sakit n'ya.
Ayoko namang tanungin s'ya directly about dun kaya iniintay ko nalang na ikwento n'ya 'yon pero nabigo ako. Siguro hindi pa 'to 'yung tamang oras para malaman ko 'yon.
"Salamat ulit sa masayang dalawang araw. Na unlocked ko na yung dalawang nasa list ko. More to go." masaya n'yang sabi habang naglalakad kami patungo sa tulay na papunta sa amin.
"No worries. Tutuparin natin 'yan." sagot ko.
"Paano ba 'yan, see you ulit tomorrow?" nakangiti n'yang sabi.
"Bukas na ba ulit natin gagawin ang isa sa mga list mo?"
"Sa tingin ko hindi pa naman. Pero dadaanan nalang kita ulit bukas para sabay na tayong pumasok." nakangiti n'yang sabi.
"Okay. Mag iingat ka pauwi." sambit ko saka ako naglakad na paakyat ng tulay.
Napahinto ako at nilingon s'ya. Nakita ko s'yang masayang naglalakad na naging dahilan ng muli kong pag-ngiti. Tama lang siguro ang naging desisyon kong tulungan s'ya. Ngayon, mas nakikilala ko na din ang sarili ko.
Hinintay ko munang mawala s'ya sa paningin ko bago ako bumalik sa paglalakad. Nagpatuloy lang ako sa pagtawid sa tulay baon pauwi ang masayang alaala naming dalawa.