Home / Romance / Her Dying List / Ride A Ferris Wheel

Share

Ride A Ferris Wheel

Author: Ukiyoto Publishing
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56
 

 

Nang maramdaman naming hindi na namin kayang kumain pa ay napag-pasyahan na naming umuwi na.

"Medyo ginabi ka na ata 'nak? May project kayo sa school?" bungad sa'kin ni Mama habang pumapasok ako sa loob ng bahay.

"Hindi po. Kumain lang po kami ng kaibigan ko" sagot ko. Didiretso na sana ako sa kwarto ng marinig ko si Papa. Hindi ko man lang napansin na nasa sala pala s'ya at nakaupo sa sofa.

"Nak umupo ka muna rito. Mag kwentuhan tayo" nakangiti n'yang sabi. Wala na akong nagawa kundi ang umupo sa tapat niya. Umupo naman si Mama sa tabi ni Papa.

"Ano po ang pag-uusapan natin?" seryoso kong tanong.

"Medyo nagtaka lang kasi ako. Tama ba narinig ko 'nak? May kaibigan ka na?" tanong ni Papa na hindi maalis ang ngiti.

"Bakit hindi mo s'ya papuntahin dito sa weekend? Para naman makilala namin ang kaibigan mo." singit ni Mama.

"Ahh. Ehh kasi po, hindi ko talaga alam kung mag-kaibigan ba talaga kami. Nagka-usap lang po kami kasi may hinihiling s'ya sa'kin." nag-aalinlangan kong sagot.

"Importante ba ang hiniling n'ya sa'yo? Kasi kilalang-kilala kita. Kahit sinong mag request sa'yo hindi mo naman hihindian pero hindi mo rin tutulungan. 'Di ba?" natatawang sabi ni Papa. Isang hampas sa hita naman ang ibinigay ni Mama sa kan'ya.

"Nagbibiro lang si Papa mo 'nak. Pero mas mainam kung tulungan mo s'ya. Kaibigan mo man o hindi kakilala, dapat lagi tayong handa na tumulong sa kanila. I'm so proud sa'yo 'nak kasi nag e-explore kana. Gusto ko s'yang makilala soon." wika ni Mama na masayang nakangiti sa'kin.

Nagkwentuhan pa kami nila Mama at Papa tungkol sa kung ano-anong mga bagay bago ko naisipang magpahinga na.

Nagising ako sa sinag ng araw na dumadampi sa mukha ko. Pagtingin ko sa orasan ay alas syete na ng umaga. Nag madali akong bumangon at magbihis dahil ayokong malate sa klase ko.

"Goodmorning 'nak. Nalate ka ata ngayon." bungad sa'kin ni Mama sabay abot ng baunan ko.

"Alam kong hindi kana makakakain ng umagahan kaya dinagdagan ko na ang pagkain mo. Saka good for two na yan ha para sa'yo saka sa kaibigan mo." nakangiting sambit ni Mama. Oo nga pala, nakwento ko din sa kanila kagabi yung nangyari sa tanghalian ko.

"Sige Ma. Mauna na po ako." tugon ko habang nagmamadaling lumabas ng bahay.

Lakad takbo ang ginagawa ko para makarating sa tamang oras sa first subject ko.

Habang tumatawid ako sa tulay ay bigla nalang sumulpot sa likuran ko ang babaeng makulit na nakilala ko kama-kaylan lang.

"Goodmorning!" wika nito na malawak na naman ang ngiti sa'kin.

"Bakit ba lagi kang nand'yan? Hinihintay mo ba 'ko?" taka kong tanong

"Yeap. Ang tagal ko ngang nag-hintay sayo ngayon. Na-late ka ng gising?"

"Sino ba kasi nagsabing hintayin mo 'ko?" seryoso kong tanong habang mabilis na naglalakad.

"Wala! Ginusto ko lang. Bakit, masama bang hintayin ka? Madadaanan ko kasi 'tong tulay na papasok sa inyo kaya naisipan kong hintayin ka nalang para may kasabay kana pumasok."

"Hindi mo kailangang gawin 'yon. Sanay naman akong pumasok mag-isa ng walang kasabay."

"E 'di masanay ka na. Simula kahapon, araw araw ka ng may kasabay papasok." masaya n'yang sabi na kinahinto ko.

Humarap ako sa kan'ya at seryosong tumingin sa mga mata n'ya.

"Seryoso ka ba talaga sa mga sinasabi mo?"

"Mukha ba akong nagbibiro? Masayahin akong tao pero hindi naman ako sinungaling. Gusto ko lang talaga na makasabay kang pumasok at umuwi. May mali ba dun?" sambit n'ya na kinatahimik ko.

Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng pagkahiya. Ano bang ginagawa ng babaeng 'to sa akin? Simula ng makilala ko s'ya unti-unti na 'kong nagbabago.

"Hindi kana kumibo. Ibig ba nung sabihin pumapayag ka ng makasabay mo akong pumasok?" tanong n'ya.

Hindi ako sumagot. Ayokong sumang-ayon sa sinabi n'ya pero ayoko ring tumanggi. Hanggang sa makarating na kami sa campus.

"Oh paano ba 'yan. Pasok na ako. Kita nalang tayo mayang hapon?" sambit n'ya saka ako tinalikuran.

"Sandali." pag-pigil ko.

Napahinto siya at muli akong tiningnan. Ngumiti s'ya sa'kin na nakakaloko.

"Miss mo na 'ko agad?" natatawa niyang tugon. Isang pagtaas naman ng kilay ang naging tugon ko.

"Kung tatanungin mo kung bakit ako makikipag-kita sa'yo mamayang hapon, aayain sana kita sa plaza. Kung pwede mo sana akong samahan para matupad ang isa sa mga Dying List ko" wika niya.

"Pumayag na ako 'di ba? Hindi mo na kailangang ulit-ulitin sa'kin 'yon." walang emosyon kong sagot.

"Yun naman pala. Bakit mo 'ko pinahinto?"

"Kasi ano."

"Kasi....?" tanong niya

"Kung pwede mo sana akong samahan mag lunch mamaya? Dinamihan ko baon ko para sa'ting dalawa." nauutal kong reply. Hindi ko alam kung paano ko nasabi 'yon sa kan'ya. Kinakabahan kasi 'ko na parang ewan.

Isang malaking ngiti ang lumabas sa labi niya. "Walang problema. See you later." wika nito saka masayang naglakad papunta sa kan'yang classroom.

Naglakad na ako papunta sa classroom ko habang kinakamot ang buhok ko. Hindi ko kasi maintindihan ang sarili ko kung bakit ako napapangiti.

"Ohhh. Looks who's happy. Hey dude! You look like you woke up on the wrong side of the bed. First time kong makitang gumalaw ang mga labi mo ah. Are you smiling?" takang tanong ng pinaka-maingay na classmate kong si Bien. Kahit naman hindi ako nag-sasalita ay kilala ko silang lahat.

Hindi ko s'ya pinansin at dumiretso na sa pinakadulong upuan na malapit sa bintana.

"Is that your girlfriend?" muling tanong n'ya habang umuupo sa tabi ko. Kumuno't noo naman ako sa tanong n'ya.

"I mean, the girl you always walking to. Napansin ko lang kayo na magkasabay kahapon saka kanina. Are you hitting on her? Alam mo bang sikat yung babae na 'yun? She is indeed an attention stealer. Maganda, masayahin, and balita ko matalino din 'yun. Kapitbahay ko kasi yung bestfriend n'ya. And you know what dude...." napatahimik s'ya ng makita n'yang ipinapasok ko sa mga tenga ko ang earpiece.

"Weirdo talaga." wika pa nito saka umalis sa tabi ko at naglakad papunta sa upuan n'ya.

Natapos naman ang buong maghapon na walang nangyaring bago maliban sa nakasabay kong kumain ng tanghalin ang makulit na babaeng 'yon.

Nasa wisyo ako ng pag-alala ng nangyari kanina ng bigla s'yang sumulpot sa harapan ko kasama ang dalawang babae na sa tingin ko ay classmate niya.

"Hey!" bungad n'ya.

"This is Bell and Julia. My two bestfriends." masayang pagpapakilala niya.

"Hi Pogi." nakangiting sabi ng nag-ngangalang Julia.

"How are you related to my bestfriend?" seryosong tanong ni Bell. Sa itsura palang nito ay halata ng mataray ang personality n'ya. Halatang hindi niya ako gusto para sa kaibigan n'ya. What? Did I say hindi n'ya 'ko gusto para sa kaibigan n'ya? Ano ba tong iniisip ko! Arghh!

"Mag-kaibigan kami." masayang sabi n'ya.

"Since when?" mabilis na tanong ni Bell sa kaibigan n'ya.

"The other day?"

"Nung isang araw lang? Wow. Ang bilis ha. Natatandaan mo pa ba bago tayo naging mag kaibigan tatlo, dalawang taon ata tayong nagpapagalingan sa high school. Tapos 'tong lalaking 'to, nung isang araw lang?" inis na sabi ni Bell na nakatingin ng masama sa'kin.

"Hoy Bell, ayusin mo mga salita mo. He's so cute kaya. No! Hes not cute. Gwapo pala. So manly." kinikilig na sabi ni Julia na kinaasiwa ko naman.

"I don't care. Hoy ikaw! Kung sino ka man, huwag mo lang sasaktan 'tong bestfriend ko kasi pag-umiyak 'to, papatayin kita!" pagbabanta n'ya. Ganun talaga siya ka OA mag-isip?

"Gals tama na 'yan. Nakakahiya. Sige na mauna na kayo. May pupuntahan lang kami." wika n'ya na halatang nahihiya sa'kin dahil sa inasta ng mga kaibigan n'ya.

"Hey Guys!" sambit ng isang boses sa likuran ko. Pagtingin ko ay nakita ko si Bien na masayang papunta sa'min.

"Ohhh. So I guess you already know my classmate huh?" masayang sabi nito na biglang umakbay sa'kin. Kelan pa kami naging close para akbayan n'ya 'ko?

"Ahhh. Siya pala yung sinasabi mo na classmate mong weirdo? Yung hindi nagsasalita?" tanong ni Belle habang nakaduro ang daliri sa'kin.

"Opps. Sorry!" sambit ni Bien na bumitaw ang pagkaka-akbay sa'kin. Literal pala talagang madaldal itong lalaking 'to. Nai-kwento na pala ako sa iba. Magaling!

"Kaya pala! Pero you know what, ang gwapo mo talaga! Sayang kung mapapanis laway mo. Sa'kin nalang kaya. Ipasa mo sa bibig ko gamit ang labi mo." masayang sabi ni Julia na hinampas naman ni Belle.

"Kadiri ka. Humanap ka nalang ng ibang lalaki. Yung nagsasalita hindi yung lalaking walang emosyon na kagaya nito." wika ni Belle na walang ginawa kundi ang lusawin ako sa mga titig niya.

"If you want, I can give you some of my laway." natatawang sabi ni Bien kay Julia.

"Yuck! Ayoko sa mga englisherist na kagaya mo. 100% manloloko kayong lahat." saad ni Julia na kinatawa naman ni Belle.

"Why not try me first. Baka mag enjoy ka naman sa'kin." natatawang paghahamon ni Bien.

"Mauna na kami. Ang ingay n'yo." sambit nito sa kanila saka hinawakan ang kamay ko.

"Let's Go?" wika nito saka mabilis na nagtatakbo. Wala akong nagawa kundi ang tumakbo na rin dahil mahigpit niyang hawak-hawak ang kamay ko. Naririnig ko pa ang mga hiyaw ni Belle pero hindi nagpatinag ang babaeng kasama ko na walang tigil pa din sa pagtakbo.

Napahinto lang kami ng makalayo na kami sa campus. Halos habulin na namin ang aming paghinga dahil sa sobrang kapaguran.

"Bakit ba kasi tayo tumakbo?" tanong ko.

"Kung hindi natin 'yon ginawa malamang hanggang ngayon nakakarinig ka pa ng mga masasakit na salita kay Belle. Pagpasensyahan mo nalang 'yon, ganun talaga bibig nun pero mabait nama." sambit n'ya.

"Wala namang problema sa'kin. Hindi naman ako na-apektuhan." sagot ko.

"Talaga? Kung ganun may maganda din palang naidudulot ang walang emosyon na pag-uugali." natatawa niyang sagot.

Nagpahinga lang kami ng kaunti ng bigla na s'yang mag-ayang magpatuloy na kami.

"Okay ka na ba? Lakad na tayo kasi malayo-layo pa ang plaza dito."

"Ayaw mong mag bus nalang kasi baka gabihin tayo?" suhestyon ko

"Mag lakad nalang tayo para healthy. Saka mas maganda ang plaza pag gabi na."

"Ano ba gagawin natin dun?" tanong ko.

"May gusto akong itry na rides na hindi ko pa nasusubukan. At isa 'yon sa gusto kong masubukan." nakangiti n'yang sabi. Hindi ko na s'ya tinanong pa kung ano 'yon at nagpatuloy nalang kami sa pag-lalakad.

Inabutan na kami ng takip-silim ng makarating kami. Medyo marami na ring tao ang nagkalat sa plaza. Makikita mo talaga ang masasayang mukha na naririto.

Tiningnan ko ang babaeng kasama ko at nakita ko ang malaki niyang ngiti habang nakatingin sa mataas na ferris wheel sa pinaka gitna ng plaza.

"Yan ba ang sinasabi mong hindi mo pa nasusubukang sakyan na rides?" tanong ko.

"Yeah. Takot kasi ako sa matataas. Pero gusto kong subukan bago man lang ako mama..."

"Pwede bang gawin natin lahat ng Dying List mo hindi dahil mamatay kana, kundi dahil gusto mo lang tuparin 'to?" singit ko. Ayoko kasing marinig ang salitang 'yon. Ayokong isipin na darating yung araw na mawawala rin s'ya sa tabi ko.

"Okay. Let's go!" masaya n'yang sabi saka hinablot ang kamay ko para pumunta sa gitna ng plaza.

"Kuya ligtas naman itong sakyan 'di ba? First time ko kasi." kinakabahang sabi niya habang nilalock ng crew ang harang sa upuan namin.

"Ligtas na ligtas po 'yan Ma'am. Subok na po kami ng mahabang panahon. Kung first time n'yo po 'to, isang masayang alaala ang pwedeng mangyari sa inyong dalawa dito ni Sir. Alam ko naman pong hindi hahayaan ng boyfriend n'yo na may mang-yari sa inyo. 'Di ba Sir?" nakangiting sabi ng lalaki.

"Hindi ko siya gir...."

"Tama po kayo. Alam kong ligtas ako dito." mabilis niyang wika. Bakit hindi man lang siya kumontra ng sabihing boyfriend n'ya 'ko?

"Umaandar na." wika n'ya. Mababakas sa mukha n'ya ang talaga namang pagka-excite at ang matinding saya na matutupad na naman ang isa sa mga gusto n'ya.

"Bakit ka nanginginig?" tanong ko.

"First time ko nga 'di ba? Hindi ko alam ang feeling pag nasa taas na tayo." saad nito

"Hindi naman 'to kasing tindi ng ibang rides. Mabagal lang naman ang takbo nito. Kaya wala kang dapat na ipangamba."

"Pwede bang hawakan mo ang kamay ko? Para lang mawala ang panginginig ko?" wika n'ya na kinagulat ko. Hindi pa ako nagsasalita ng maramdaman ko ang dahan dahang paghawak n'ya sa kamay ko. Wala akong nagawa kundi ang tumugon dito.

Kasabay ng dahan-dahang pag-ikot ng ferris wheel ay ang mabilis na pagtibok naman ng dibdib ko. Parang may nagaganap na karera sa loob nito na anytime ay sasabog na 'ko.

Nararamdaman ko din ang matinding kuryenteng pumapalibot sa buong katawan ko dahil sa mahigpit n'yang pagkakahawak. Idagdag mo pa ang magkadikit naming mga balikat at ang maganda n'yang mga ngiti.

Napatigil lang ako sa pagkabalisa ng maramdaman ko ang pag-hinto ng ferris wheel kung saan nasa pinakatuktok pa kami.

"Anong nangyari? Bakit huminto?" takang tanong niya.

"Baka may sasakay." seryoso kong sagot.

Ilang minuto na din ang lumipas pero hindi pa din umiikot ito kaya kinabahan na ako.

"Mukhang may problema. Nasira ata ang pinaka motor." sambit ko. Imbis na mag-alala ay nakangiti lang siyang nakatingin sa maliwanag na buwan at sa mga nagkikislapang mga bituin.

"Alam mo, napaka saya ko ngayong gabi. Salamat ha." wika n'ya saka tumingin sa'kin na nakangiti pa rin.

"Salamat saan?" taka kong tanong.

"Sa lahat. Sa pagsama mo sa'kin dito. Sa pagtupad ng kahilingan ko."

"Wala 'yon. Maliit na bagay lang to."

"Para sa'kin, isang malaking bagay 'to. Hindi ko lubos akalain na mangyayari sa'kin ang napakasayang gabing 'to. Tingnan mo naman kasi, nasa ilalim tayo ng magandang kalawakan habang nasa baba naman natin ang makukulay na mga ilaw at masasayang tao. Yung simoy ng hangin na dumampi sa katawan natin. Tapos kasama pa kita dito sa tabi ko. Napaka perfect ng gabing 'to sa'kin." wika n'ya na nangingilid na ang luha sa mga mata n'ya.

"Huwag kang iiyak." pagbabanta ko.

"Hindi ako iiyak. Kung maiyak man ako ngayon, tears of joy 'to." saad nito saka binitawan ang pagkakahawak sa kamay ko. Ewan ko pero parang may something sa loob ko na nalungkot ako ng bitawan n'ya 'to.

Bigla n'yang itinaas ang dalawang kamay n'ya at pumikit. Parang nananalangin siya na parang ewan.

"Anong ginagawa mo?" tanong ko

"Dinadamdam ko lang ang hangin. Ipinapasok sa isip ko ang buong gabing 'to. Maaring hindi na kasi ito maulit kaya sinusulit ko." nakangiti nitong sabi saka dumilat at ibinababa ang kaniyang mga kamay.

"Pwede ba akong humiyaw?" wika n'ya na kinagulat ko.

"Huh? Nakakahiya."

"Anong nakakahiya sa paghiyaw? Tao din naman tayo kagaya nila." aniya na muling itinaas ang kaniyang dalawang kamay.

"I love my life!" sigaw nito na umalingawngaw sa buong plaza.

"Hoy! Tumahimik ka nga d'yan." pag-pigil ko sa kan'ya.

"Anong tumigil? Try mo kaya. Ang sarap sa pakiramdam." wika nito.

"Ayoko nga!" pag-tutol ko.

"Sige na try mo lang naman. Wala namang mawawala sa'yo kung susubukan mo." pagpupumilit niya.

"Naah. Ayoko nga. Okay na yung nasamahan kita rito."

"Please?" pag-mamaka-awa niya.

"Ayoko talaga. Hintayin nalang natin na magawa yung ferris wheel at makakababa na tayo."

"Hanggat hinihintay nating magawa, subukan mo muna ginawa ko. Sige na!" pag-lalambing n'ya. Pero kahit anong gawin n'ya ay hindi n'ya pa rin ako mapilit.

"Ah, ayaw mo ha! Sige bahala ka. Malalaglag tayo." aniya na nilikot ang sarili na naging dahilan para gumalaw ang inuupuan namin.

"Ano ba! Huwag kang malikot at baka malaglag tayo." pag-pigil ko sa kan'ya habang matindi ang pagkakahawak ko sa nakaharang sa amin.

"Hindi ako titigil hanggat hindi mo ginagaya ang ginawa ko." wika nito at mas lalong inugoy ang inuupuan namin.

"Naman. Ang kulit talaga. Eto na gagawin ko na nga." inis kong sabi na kinahinto niya.

"Talaga? Yes! Gawin mo na." masaya niyang sabi.

"Ano na?" muling sambit niya. Wala na akong nagawa kundi ang itaas ang dalawang kamay ko.

"Now, say I love my life" wika n'ya habang nakatitig sa'kin.

"I love my life." walang emosyong kong sabi saka ibinaba ang dalawa kong kamay.

"Yun na 'yon? Wala man lang emosyon? Tapos ako lang nakarinig. Lakas mo kaya saka dapat masaya ka kasi buhay ang pinag-uusapan dito." sambit n'ya na dumiretso sa puso ko.

Nang marinig ko ang sinabi n'yang "buhay ang pinag-uusapan dito" ay naalala ko ang dahilan kung bakit kami naririto. Ang tuparin ang mga list n'ya. Ang mapasaya s'ya sa huling sandali ng buhay n'ya.

"Okay. Gagawin ko na." saad ko.

"I love my life!" sigaw ko. Hindi ko alam pero parang nakaramdam ako ng matinding kapayapaaan ng sumigaw ako. Ewan ko pero bigla nalang ako napangiti ng mga sandaling 'yon.

"See! Ang sarap sa feeling 'di ba?" nakangiti n'yang sabi sa'kin. Ibinaba ko naman ang kamay ko dahil sa kahihiyan.

"You know what, mas bagay sa'yo pag lumalabas ang mga ngipin mo dahil sa pagngiti mo. Mas lalo kang nagiging gwapo." wika nito. Sanay naman na ako sa mga ganung compliment ng magulang ko at ng mga taong nagsasabi sa'kin nun pero bakit nung siya ang nagsabi parang kinilig ako.

"For the last time, gawin natin ng sabay?" wika niya saka hinawakan ang kamay ko. Wala na akong nagawa kundi sang-ayunan ang gusto niya.

"I love my life!" sabay naming sigaw saka kami nagtawanan. Sa unang pagkakataon ay nagawa akong ilabas ang saya ko sa ibang tao. Maaring tinutulungan ko s'ya na tuparin ang mga gusto n'ya pero ako naman talaga ang nagbe-benipisyo sa pagtulong sa kan'ya.

Ngayon sigurado na ako. Isusugal ko ang meron ako para sa babaeng 'to. Alam kong s'ya lang din ang makakatulong para mas makilala ko pa ang sarili ko.

Nanatili pa kami ng ilang minuto sa tuktok ng ferris wheel hanggang sa muling umandar ito senyales na makakababa na kami at matatapos na ang masayang gabi na 'to.

 

 

 

Related chapters

  • Her Dying List   Sleep Under The Stars

    Ilang araw na rin ang nakalipas matapos kong makilala ang babaeng bumago ng pananaw ko sa buhay. Siya lang ang bukod tanging nagpalabas ng ngiti sa'king mga labi at ang laging nagpapabilis ng tibok ng puso ko.Sa t'wing maaalala ko ang mga ngiti n'ya, hindi ko maiwasang mapangiti ng patago. Oo, aaminin ko, napalagay na 'ko sa kan'ya. Pero sa loob ng isang linggong kasama ko s'ya, isang beses ko lang pinakita ang ngiti ko. 'Yun ay ang gabing nasa ferris wheel kami. Matapos 'yun ay bumalik na naman ako sa walang emosyong lalaki na nakilala n'ya.Sa loob ko ay alam kong nagbago na 'ko pero sa harap n'ya at ng iba, hindi ko pa 'yon pinapahalata. Kung maari ay gusto kong manatiling matigas sa harapan nila.Nagmadali akong nag-ayos ng gamit ko saka lumabas ng kwarto."Oh 'nak, ngayon ba ang outing na sinasabi mo nung nakaraan?" bungad na tanong ni Mama pag labas ko ng kwarto."Opo Ma. Isang gabi lang naman akong mawawala. Babalik din po ako bukas ng gabi.""Wala namang

  • Her Dying List   Learn To Ride A Motorbike

    Idinilat ko ang aking mga mata kasabay ng paggalaw ng aking mga labi. Ito na ata ang isa sa pinaka-masayang pag gising ko sa umaga.Hindi ko alam kung paano ako nakatulog ng mahimbing lalo na at hindi naman ako sanay na matulog nang may katabi. Siguro ay dahil na rin sa tama ng alak at sa masarap na hangin na dumadampi sa'king mga balat.Malapit ng pumutok ang araw kaya naisipan kong bumangon na. Dahan-dahan kong inialis ang kamay ng babaeng katabi ko, na nakayakap sa dibdib ko. Ayokong magambala s'ya sa kaniyang masarap na pagkakatulog.Matapos kong bumangon ay dumiretso na ako sa front desk ng hotel para mag order ng breakfast namin. Ayoko sana s'yang iwan pero wala akong magagawa. Safe naman ang resort kaya alam kong ligtas s'yang iwan pansamantala.Bumalik ako sa lugar kung saan kami natulog at nakita ko s'yang nakaupo na habang pinagmamasdan ang mga alon sa dagat."Goodmorning!" sambit ko na kinatingin n'ya."Goodmorning! Ano yang dala mo?" wika n'ya na halat

  • Her Dying List   Chasing Butterflies

    Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil ayoko ng maulit ang pagmamadaling nangyari sa'kin noong isang linggo. Sakto lamang ang gising ko kaya nagawa ko pang sabayan sa pagkain ng almusal ang magulang ko."Goodmorning po." pambungad kong bati sa kanila."Mas sakit ka ba?" seryosong tanong ni Papa kasabay ng paglapag n'ya ng kape sa lamesa."Huh?" Wala naman. Bakit n'yo naman po naitanong?" saad ko"Iba kasi ang kislap ng mga mata mo. Dahil ba yan sa kaibigan mo? Ano na nga pangalan nun?" nakangiting tanong ni Papa na halatang nang-iintriga."Honey, hayaan muna 'yang anak mo. Baka mapurnada pa ang panliligaw" singit na sabi ni Mama habang inihahain ang pagkain."Wala po akong sakit at wala akong nililigawan. Kayo po atang dalawa ang may sakit." sagot ko na kinatawa naman nila."Basta 'nak pag may nagustuhan ka na sabihan mo ako agad ha. Ituturo ko sa'yo lahat ng natutunan ko sa panliligaw." nakangising sabi ni Papa habang naglalagay ng kanin sa plato n'ya."Paaa

  • Her Dying List   Attend A Live Concert

    Matapos ang araw na malaman kong na-admit s'ya ay lagi na akong laman ng kwarto n'ya. Bago ako pumasok at umuwi ay dumadaan ako sa hospital para makita s'ya. Sa tuwing may bakanteng oras ako ay ginugugol ko lang ito para makasama s'ya.Kapansin-pansin din ang pagbagsak ng katawan n'ya. Hindi naman s'ya payat, maayos naman ang katawan n'ya, pero mapapansin mong nagbago 'to simula ng ma-admit s'ya dito sa hospital."Apat na araw ka nang pabalik-balik dito, hindi ka ba napapagod?" tanong n'ya habang nagbabalat ako ng prutas na binili ko para sa kan'ya."Wala namang nakakapagod sa ginagawa ko. Saka isa pa, wala kaming afternoon class kaya mababantayan kita." wika ko sabay abot ng ponkan na binalatan ko."Salamat." nakangiti nitong sabi. Tumayo naman ako at tumingin sa bintana ng kwarto n'ya. Kapansin-pansin na walang nakaparadang sasakyan sa parking lot."Alam mo bang may live concert sa parking lot mamayang hapon?" wika n'ya na kinagulat ko."Live concert? Sa Hospita

  • Her Dying List   Watching Fireworks Under The Rain

    Matapos ang sandaling 'yon ay hindi na maalis-alis ang mga ngiti ko. Hindi ko lubos maisip na sa simpleng tugtog na 'yon ay mararanasan ko ang isang masayang gabi."How was it?" nakangiti n'yang tanong."Thank You." malayo kong sagot sa tanong n'ya. Sa totoo lang, sobrang saya ko talaga ng mga oras na 'yon."No. Thank You! Kasi kahit na hindi ka sanay sa kumpol ng mga tao, nagawa mo pa din akong samahan dito. See! Kaya mo naman palang ma-enjoy ang lugar na maraming tao." masaya n'yang tugon."Ikaw ang dahilan kung bakit ako nag-eenjoy." mabilis kong sagot."Naks! Pa-fall ka!" nakangisi nitong sabi sabay siko sa balikat ko. Duon ko lang naramdaman ang pag-bitaw n'ya sa kamay ko. Gusto ko sana 'tong hablutin pabalik sa palad ko, ngunit nag-alinlangan ako."Madami-dami pa ang kakantahin ng banda. May bala pa bang kanta ang cellphone mo na pangontra sa kanila?" natatawa n'yang tanong na halatang nang-iinis."Downloaded lahat ng kanta ng Westlife d'yan. Baka nga tapos

  • Her Dying List   Stay Awake For 24 Hours

    Matapos ang gabing 'yon ay mas naging makabuluhan ang gising ko. Ngayon mas naging malinaw na sa'kin kung ano ba talaga ang gusto ko sa buhay."Goodmorning!" masayang bati ng babaeng nakatayo sa dulo ng tulay na nilalakaran ko.Bigla akong napahinto ng makita s'ya. Paano s'yang nakalabas? Okay na ba s'ya?"Hindi naman ako multo para ganyan ang maging reaksyon mo!" nakangiti nitong sabi."Nakalabas ka na?" tanong ko na halos hindi makapaniwalang nasa harapan ko s'ya. Naka-suot na s'ya ng school uniform na halatang papasok na sa school."Galaw-galaw baka ka ma-stroke!" wika n'ya na kinakilos ko. Nang magkatabi na kami ay nagsimula na kaming maglakad patungo sa paaralan namin."Kelan ka pa nakalabas?" muling tanong ko."Kagabi din. Nung nagpasya kang umuwi, naisipan kong umuwi na din sa bahay. Ayokong mamatay sa hospital no." sambit n'ya na kinahinto ko."Anong ibig mong sabihin?""Naaah. Nevermind. Namiss ko ng mag-aral. Saka gusto kong makasama ngayon mga bestfr

  • Her Dying List   Leave A Note For Stranger

    I loved you before I even knew your name.đŸŽ”đŸŽ¶And I wanted to give you my heart.đŸŽ”đŸŽ¶But then you came back after leaving me one time.đŸŽ”đŸŽ¶I knew that the heartache would start.đŸŽ”đŸŽ¶Iminulat ko ang aking mga mata ng maramdaman ko ang malakas na hanging dumadampi sa balat ko na nagmumula sa bukas na bintana ng kwarto. Kasabay nuon ay ang banayad na tugtog na nanggagaling sa cellphone ko. Hindi pa rin siya nalolobat?Napangiti nalang ako ng maalala ang mga nangyari kanina. Hindi ko lubos akalain na mangyayari ang lahat ng 'yon sa loob lamang ng isang mag-damag.Iginapang ko ang kamay ko para maramdaman ang katawan n'ya ngunit bigla akong napabalikwas ng mapagtanto na wala na s'ya sa tabi ko. Saan s'ya nagpunta?Mabilis akong bumangon sa pagkakahiga at nilibot ang buong kwarto. Wala s'ya sa loob ng kwarto at wala din s'ya sa CR. Wala na din ang gamit n'ya ngunit napansin ko ang isang puting notebook na nakabalot pa ng pulang ribbon na nakapatong sa ibabaw ng study t

  • Her Dying List   The Untold Story

    "Saan ka pupunta?" nagtatakang tanong ni Mama ng makita akong pababa ng hagdan. Isang linggo narin ang nakalipas ng huli akong makalabas ng kwarto ko."Babalikan ko lang ang nakaraan Ma. Huwag kayong mag-alala babalik din po ako mayang gabi."Magsasalita na sana si Mama ng pigilan s'ya ni Papa."Mag-iingat ka 'nak." wika nito na sinagot ko naman ng isang ngiti.Naglakad na ako palabas ng bahay at sinimulang maglakad patungo sa waiting shed. Bawat hakbang ko ay muling nanunumbalik ang mga alaala naming magkasama.Ang mga sandaling magkasama kami sa tulay, gayun din ang paghihintay namin sa bus.Ilang minuto lang ang nakalipas ng may humintong bus sa kinatatayuan ko. Sa pag-akyat ko dito ay nakita ko s'yang nakaupo sa pinaka likod ng bus, sa upuan kung saan kami nakapwesto noon.Dahan-dahan akong naglakad habang nakatingin lang s'yang nakangiti sa'kin. Tumabi ako sa kan'ya at nakita ko na naman ang masaya n'yang mukha na kaysarap pagmasdan.Kinuha ko ang cellphone

Latest chapter

  • Her Dying List   About the Author

    About the AuthorïżŒAcky Loowa is a corporate trainer, a freelance host, a visionary and a happy go lucky underrated writer in Nueva Ecija, Philippines, who writes to express and not to impress. He is a simple guy who has a big dream and wants to inspire individuals through his work. Year 2020 when he won in a one shot writing contest with his story “GARAPON: Tapayan ng mga Puso” which caused him to take writing seriously. He can do writes all kind of genre but tragic story is his first love.When he is not writing, Acky spends most of his time watching movies and traveling. An admitted Hunter X Hunter fanatic, he feeds his addiction by watching Anime movies and series every weekend. He also love taking care of children and sharing his faith as a believer of the Kingdom of the Lord, Jesus Christ.

  • Her Dying List   The Untold Story

    "Saan ka pupunta?" nagtatakang tanong ni Mama ng makita akong pababa ng hagdan. Isang linggo narin ang nakalipas ng huli akong makalabas ng kwarto ko."Babalikan ko lang ang nakaraan Ma. Huwag kayong mag-alala babalik din po ako mayang gabi."Magsasalita na sana si Mama ng pigilan s'ya ni Papa."Mag-iingat ka 'nak." wika nito na sinagot ko naman ng isang ngiti.Naglakad na ako palabas ng bahay at sinimulang maglakad patungo sa waiting shed. Bawat hakbang ko ay muling nanunumbalik ang mga alaala naming magkasama.Ang mga sandaling magkasama kami sa tulay, gayun din ang paghihintay namin sa bus.Ilang minuto lang ang nakalipas ng may humintong bus sa kinatatayuan ko. Sa pag-akyat ko dito ay nakita ko s'yang nakaupo sa pinaka likod ng bus, sa upuan kung saan kami nakapwesto noon.Dahan-dahan akong naglakad habang nakatingin lang s'yang nakangiti sa'kin. Tumabi ako sa kan'ya at nakita ko na naman ang masaya n'yang mukha na kaysarap pagmasdan.Kinuha ko ang cellphone

  • Her Dying List   Leave A Note For Stranger

    I loved you before I even knew your name.đŸŽ”đŸŽ¶And I wanted to give you my heart.đŸŽ”đŸŽ¶But then you came back after leaving me one time.đŸŽ”đŸŽ¶I knew that the heartache would start.đŸŽ”đŸŽ¶Iminulat ko ang aking mga mata ng maramdaman ko ang malakas na hanging dumadampi sa balat ko na nagmumula sa bukas na bintana ng kwarto. Kasabay nuon ay ang banayad na tugtog na nanggagaling sa cellphone ko. Hindi pa rin siya nalolobat?Napangiti nalang ako ng maalala ang mga nangyari kanina. Hindi ko lubos akalain na mangyayari ang lahat ng 'yon sa loob lamang ng isang mag-damag.Iginapang ko ang kamay ko para maramdaman ang katawan n'ya ngunit bigla akong napabalikwas ng mapagtanto na wala na s'ya sa tabi ko. Saan s'ya nagpunta?Mabilis akong bumangon sa pagkakahiga at nilibot ang buong kwarto. Wala s'ya sa loob ng kwarto at wala din s'ya sa CR. Wala na din ang gamit n'ya ngunit napansin ko ang isang puting notebook na nakabalot pa ng pulang ribbon na nakapatong sa ibabaw ng study t

  • Her Dying List   Stay Awake For 24 Hours

    Matapos ang gabing 'yon ay mas naging makabuluhan ang gising ko. Ngayon mas naging malinaw na sa'kin kung ano ba talaga ang gusto ko sa buhay."Goodmorning!" masayang bati ng babaeng nakatayo sa dulo ng tulay na nilalakaran ko.Bigla akong napahinto ng makita s'ya. Paano s'yang nakalabas? Okay na ba s'ya?"Hindi naman ako multo para ganyan ang maging reaksyon mo!" nakangiti nitong sabi."Nakalabas ka na?" tanong ko na halos hindi makapaniwalang nasa harapan ko s'ya. Naka-suot na s'ya ng school uniform na halatang papasok na sa school."Galaw-galaw baka ka ma-stroke!" wika n'ya na kinakilos ko. Nang magkatabi na kami ay nagsimula na kaming maglakad patungo sa paaralan namin."Kelan ka pa nakalabas?" muling tanong ko."Kagabi din. Nung nagpasya kang umuwi, naisipan kong umuwi na din sa bahay. Ayokong mamatay sa hospital no." sambit n'ya na kinahinto ko."Anong ibig mong sabihin?""Naaah. Nevermind. Namiss ko ng mag-aral. Saka gusto kong makasama ngayon mga bestfr

  • Her Dying List   Watching Fireworks Under The Rain

    Matapos ang sandaling 'yon ay hindi na maalis-alis ang mga ngiti ko. Hindi ko lubos maisip na sa simpleng tugtog na 'yon ay mararanasan ko ang isang masayang gabi."How was it?" nakangiti n'yang tanong."Thank You." malayo kong sagot sa tanong n'ya. Sa totoo lang, sobrang saya ko talaga ng mga oras na 'yon."No. Thank You! Kasi kahit na hindi ka sanay sa kumpol ng mga tao, nagawa mo pa din akong samahan dito. See! Kaya mo naman palang ma-enjoy ang lugar na maraming tao." masaya n'yang tugon."Ikaw ang dahilan kung bakit ako nag-eenjoy." mabilis kong sagot."Naks! Pa-fall ka!" nakangisi nitong sabi sabay siko sa balikat ko. Duon ko lang naramdaman ang pag-bitaw n'ya sa kamay ko. Gusto ko sana 'tong hablutin pabalik sa palad ko, ngunit nag-alinlangan ako."Madami-dami pa ang kakantahin ng banda. May bala pa bang kanta ang cellphone mo na pangontra sa kanila?" natatawa n'yang tanong na halatang nang-iinis."Downloaded lahat ng kanta ng Westlife d'yan. Baka nga tapos

  • Her Dying List   Attend A Live Concert

    Matapos ang araw na malaman kong na-admit s'ya ay lagi na akong laman ng kwarto n'ya. Bago ako pumasok at umuwi ay dumadaan ako sa hospital para makita s'ya. Sa tuwing may bakanteng oras ako ay ginugugol ko lang ito para makasama s'ya.Kapansin-pansin din ang pagbagsak ng katawan n'ya. Hindi naman s'ya payat, maayos naman ang katawan n'ya, pero mapapansin mong nagbago 'to simula ng ma-admit s'ya dito sa hospital."Apat na araw ka nang pabalik-balik dito, hindi ka ba napapagod?" tanong n'ya habang nagbabalat ako ng prutas na binili ko para sa kan'ya."Wala namang nakakapagod sa ginagawa ko. Saka isa pa, wala kaming afternoon class kaya mababantayan kita." wika ko sabay abot ng ponkan na binalatan ko."Salamat." nakangiti nitong sabi. Tumayo naman ako at tumingin sa bintana ng kwarto n'ya. Kapansin-pansin na walang nakaparadang sasakyan sa parking lot."Alam mo bang may live concert sa parking lot mamayang hapon?" wika n'ya na kinagulat ko."Live concert? Sa Hospita

  • Her Dying List   Chasing Butterflies

    Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil ayoko ng maulit ang pagmamadaling nangyari sa'kin noong isang linggo. Sakto lamang ang gising ko kaya nagawa ko pang sabayan sa pagkain ng almusal ang magulang ko."Goodmorning po." pambungad kong bati sa kanila."Mas sakit ka ba?" seryosong tanong ni Papa kasabay ng paglapag n'ya ng kape sa lamesa."Huh?" Wala naman. Bakit n'yo naman po naitanong?" saad ko"Iba kasi ang kislap ng mga mata mo. Dahil ba yan sa kaibigan mo? Ano na nga pangalan nun?" nakangiting tanong ni Papa na halatang nang-iintriga."Honey, hayaan muna 'yang anak mo. Baka mapurnada pa ang panliligaw" singit na sabi ni Mama habang inihahain ang pagkain."Wala po akong sakit at wala akong nililigawan. Kayo po atang dalawa ang may sakit." sagot ko na kinatawa naman nila."Basta 'nak pag may nagustuhan ka na sabihan mo ako agad ha. Ituturo ko sa'yo lahat ng natutunan ko sa panliligaw." nakangising sabi ni Papa habang naglalagay ng kanin sa plato n'ya."Paaa

  • Her Dying List   Learn To Ride A Motorbike

    Idinilat ko ang aking mga mata kasabay ng paggalaw ng aking mga labi. Ito na ata ang isa sa pinaka-masayang pag gising ko sa umaga.Hindi ko alam kung paano ako nakatulog ng mahimbing lalo na at hindi naman ako sanay na matulog nang may katabi. Siguro ay dahil na rin sa tama ng alak at sa masarap na hangin na dumadampi sa'king mga balat.Malapit ng pumutok ang araw kaya naisipan kong bumangon na. Dahan-dahan kong inialis ang kamay ng babaeng katabi ko, na nakayakap sa dibdib ko. Ayokong magambala s'ya sa kaniyang masarap na pagkakatulog.Matapos kong bumangon ay dumiretso na ako sa front desk ng hotel para mag order ng breakfast namin. Ayoko sana s'yang iwan pero wala akong magagawa. Safe naman ang resort kaya alam kong ligtas s'yang iwan pansamantala.Bumalik ako sa lugar kung saan kami natulog at nakita ko s'yang nakaupo na habang pinagmamasdan ang mga alon sa dagat."Goodmorning!" sambit ko na kinatingin n'ya."Goodmorning! Ano yang dala mo?" wika n'ya na halat

  • Her Dying List   Sleep Under The Stars

    Ilang araw na rin ang nakalipas matapos kong makilala ang babaeng bumago ng pananaw ko sa buhay. Siya lang ang bukod tanging nagpalabas ng ngiti sa'king mga labi at ang laging nagpapabilis ng tibok ng puso ko.Sa t'wing maaalala ko ang mga ngiti n'ya, hindi ko maiwasang mapangiti ng patago. Oo, aaminin ko, napalagay na 'ko sa kan'ya. Pero sa loob ng isang linggong kasama ko s'ya, isang beses ko lang pinakita ang ngiti ko. 'Yun ay ang gabing nasa ferris wheel kami. Matapos 'yun ay bumalik na naman ako sa walang emosyong lalaki na nakilala n'ya.Sa loob ko ay alam kong nagbago na 'ko pero sa harap n'ya at ng iba, hindi ko pa 'yon pinapahalata. Kung maari ay gusto kong manatiling matigas sa harapan nila.Nagmadali akong nag-ayos ng gamit ko saka lumabas ng kwarto."Oh 'nak, ngayon ba ang outing na sinasabi mo nung nakaraan?" bungad na tanong ni Mama pag labas ko ng kwarto."Opo Ma. Isang gabi lang naman akong mawawala. Babalik din po ako bukas ng gabi.""Wala namang

DMCA.com Protection Status