All Chapters of CLAWS AND ARROWS UNITED 2: ALEC VILLARREAL: Chapter 1 - Chapter 10

18 Chapters

CHAPTER ONE

 Sa gitna ng magulong lungsod ng Besmoth kung saan nakapalibot ang iba't-ibang libangan, makikita ang napakaraming tao sa gilid ng malawak na kalsada. Walang gabing hindi napupuno ang bahaging iyon kung saan masaya ang lahat. Pawang may masayang mga ngiti sa mga labi na para bang kahit katiting na problema ay wala ang mga ito. They were there to enjoy. The place was made for everyone to have fun and forget about everything. Everyone was there to escape from the reality of life. They were there to enjoy and feel the temporary ecstatic happiness. Ang Besmoth City ang tanging lugar sa buong Midland kung saan matatagpuan ang iba't-ibang klaseng nilalang. Ordinaryong tao, taong-lobo, bampira at mga mangkukulam. Ang lugar kung saan hindi malalaman kung sino at ano ang mga nakakasalumuha, araw at gabi. Ang lugar kung saan walang pakialam ang lahat sa kung ano at sino ka. Ang mahalaga lang ay ang pandaliang kasiyahang doon lang nila mararamdaman. Sa is
last updateLast Updated : 2021-06-28
Read more

CHAPTER TWO

Bumaba si Alec sa sinasakyang motorbike at nagpasyang iwanan na lang iyon sa parking lot sa harap ng isang establishment. Lalakarin na lang niya ang lugar dahil sa sobrang dami ng nasa paligid ay mahirap nang magdala ng sasakyan, kahit ng motorbike. Nagpasya siyang maglakad-lakad sa bahaging iyon ng Besmoth kung saan buhay na buhay ang buong paligid pagsapit ng gabi. Habang naglalakad ay hindi mapigilan ni Alec na hindi mapangiwi. Napuno ang ilong niya ng pinaghalong amoy ng beer, sigarilyo at iba't-ibang klase ng pabango. Nakakahilo iyon at masakit sa ulo. Humapdi rin ang mga mata ni Alec dahil sa makapal na usok na nagmumula sa mga sigarilyo. Hindi niya alam kung tama ba ang pasya niyang doon unang maghanap pero alam niyang wala nang ibang perpektong lugar kundi iyon lang. Hindi lingid sa lahat na ang lungsod ng Besmoth ay lungga ng iba't-ibang klase ng nilalang.The perfect place to hide and also the most dangerous city in Midland. The place wherein everyone i
last updateLast Updated : 2021-06-30
Read more

CHAPTER THREE

 "Do the building blocks, both of you!" sigaw ni Alec sa dalawang trainee na kaagad namang sumunod. Naroon siya sa malawak na training ground ng Hunter's Cavalry camp. Katatapos lang din niyang mag-ensayo kasama si Alexus at naisipan niyang dumaan muna sa ground para tingnan kung mayroon bang improvements ang mga trainees. Tatlumpo ang mga ito at kasalukuyan pang sumasailalim sa mahigpit na training at screening. Bago matapos ang tatlong buwan ay iilan lamang sa mga ito ang tiyak niyang matitira dahil bawat linggo ay may nagpapaalam na ang kadalasang dahilan ay hindi nakayanan ang mahigpit na training. Kung hindi naman ay dahil hindi nakitaan ng improvements. Nagpatuloy sa pag-iikot si Alec hanggang sa mapansin niya ang isang trainee. Nag-iisa ito at maliit ang katawan. Kung pagbabasehan niya ang tindig at ayos ay natitiyak niyang wala itong kahit na basic background sa martial arts. He's doing it the wrong way as he continues punching the wood
last updateLast Updated : 2021-07-02
Read more

CHAPTER FOUR

 NANG masigurong wala na si Alec ay nakangising isinara ni Kathleen ang pintong gawa sa plywood. Sumandal siya roon pagkuwa'y nangingislap ang mga matang itinaas ang kanang braso habang nakalahad ang kamay. Pinagmasdan niya ang kulay pulang pintura sa kuko niya at ibinaba ang kamay. Hinipan niya ang mga kuko bago bumungisngis. Kathleen look around the small hut. Simpleng-simple lang iyon. Gawa sa pinagdikit-dikit na mga kawayan ang dingding niyon at pinatuyong talahib naman ang bubong. May dalawang bintana sa magkabilang bahagi at ang sahig naman ay gawa rin sa kawayan. Bahagya iyong nakaangat sa lupa kaya mayroon iyong maliit na silong. Walang aircon at tanging ang nag-iisang ceiling fan lang ang naroroon. May hindi kalakihang papag sa isang bahagi na may sapin na manipis na kutson. Isang personal refrigerator at isang maliit na mesang gawa rin sa kawayan pati ang dalawang upuan. Bukod doon ay wala nang ibang gamit sa loob ng kubo ni Alec. Bum
last updateLast Updated : 2021-07-11
Read more

CHAPTER FIVE

 Dahan-dahang pinihit ni Alec ang seradura ng pinto at kaagad na bumungad sa kanya ang babaeng nakahiga sa papag. Mahimbing ang tulog nito at bahagya pang naka-uklo ang katawan. Kumunot ang noo niya nang mapansin ang damit niyang nakapatong nang maayos sa katawan nito. Hinubad niya iyon kagabi at nakalimutan niyang ilagay sa marumihan. Mabibigat ang mga hakbang naglakad si Alec palapit sa natutulog na babae. Sa bawat paglapat ng mga paa niya sa sahig na kawayan ay lumilikha iyon ng langitngit. Nang marating ang papag ay sandaling nameywang sa Alec. Nagda-dalawang-isip siya kung gigisingin niya ba ito o hahayaan na lang munang matulog. Napailing pa siya nang makitang payapang-payapa ang tulog nito at may bahagyang ngiti pa sa mga labi. Pagkaraan ng ilang sandaling pag-alinlangan ay ipinasya niyang gisingin ito. "Wake up..." bagot na turan ni Alec habang mahinang niyuyog ang balikat ng babae. "Hey, wake up, sleepy witch!" pag-ulit niya ngunit wal
last updateLast Updated : 2021-07-11
Read more

CHAPTER SIX

 NAPATIGIL si Alec sa ginagawang pag-scan ng mga litratong nakalitaw sa monitor ng computer na nasa kanyang harapan nang marinig niya ang malakas na tawa ni Kathleen na sinundan naman ng halakhakan ng grupo ng mga trainees. Kunot-noong tumayo si Alec at humakbang patungo sa maliit na bintanang nakaharap sa malawak na training ground. Nang sumilip siya roon ay mas lalo pang lumalim ang pagkakakunot ng noo niya. Hindi nga siya nagkamali. Ang grupo na naman ni Alexus ang narinig niya at si Kathleen na naman ang pasimuno sa ingay.Yeah, what more would he expect? Kathleen is such a walking trouble. Sa buhay niya at sa lahat ng nasa loob ng Hunter's camp. Simula nang dumating ito ay hindi na nagkaroon ng katahimikan sa kampo. Hindi pa niya nakakalimutang umuwi ito isang gabi na lasing na lasing habang nakabuntot rito ang grupo ni Alexus. Galing ang mga ito sa Besmoth City. Mag-iisang buwan pa lang itong naroroon sa Hunter's camp ay matindi na ang n
last updateLast Updated : 2021-08-02
Read more

CHAPTER SIX(PART 2)

 "ATE Kathleen, sigurado ka bang darating ang kaibigan mo?" Tanong ni Phoenix kay Kathleen habang magkasama silang naglalakad patungo sa main road kung saan naghihintay ang kaibigan ng huli. Ngumisi si Kathleen bago tumango. "Trust me, guys..." she answered. May mahigit tatlong daang metro rin ang layo ng Hunter's camp sa main road. At, dahil wala silang dalang sasakyan ay kailangan muna nilang maglakad. Alerto din sila sakaling may matanaw na sasakyang parating at kaagad na nagtatago sa likod ng malalaking punong nasa gilid ng daan. Nang makarating sa main road ay sandaling nagpalinga-linga sa paligid si Kathleen. Kaagad na gumuhit ang masayang ngiti mula sa gilid ng mga labi niya nang matanaw ang kulay puting sasakyan, hindi kalayuan mula sa kinatatayuan nila. Tatlong beses ding nagpatay-sindi ang ilaw sa harapan nito na mas lalong nagpalawak ng ngiti ni Kathleen. It was their signal. "It's her!" Ani ni Kathleen saba
last updateLast Updated : 2021-08-03
Read more

CHAPTER SIX (PART THREE)

Tiim ang anyo ni Alec habang ang mga mata ay nakatutok sa screen ng monitor kung saan kita ang magkabilang bahagi ng highway pati ang daang papasok sa Hunter's Cavalry Camp. Nakalimutan yata nina Alexus na hindi lang siya basta general ng West Branch. Siya rin ang head ng Intelligence And Security Team ng Claws And Arrows United. Maagang umalis si Alec kanina para pumunta sa Besmoth Museum. Nag-imbestiga siya tungkol sa nawawalang relic na pag-aari ng mga taong-lobo. Mahigpit ang security sa museum ng Besmoth kung kaya kataka-taka makukuha ang relic kung walang kasabwat mula sa loob ang kumuha. Iyon ay kung totoo nga'ng nawawala ang relic lalo pa't nang humingi siya ng kopya ng CCTV footage noong araw na sinasabing nawala ang relic ay walang maipakita ang head ng security ng museum. Ang sabi niyo sa kanya ay  bigla daw nawalan ng power supply nang gabing pinasok ang museum kaya wala silang nakuhang record. It was impossible dahil kung sakali mang nakaroon nga ng blackou
last updateLast Updated : 2021-08-03
Read more

CHAPTER SEVEN

 "So, how was your assignment?"Napatigil si Kathleen sa pagmumuni-muni nang biglang sumulpot sa harap niya ang nakangising mukha ni Asher, kakambal ni Christine. Ang babaeng nagturo sa kanya ng lahat ng nalalaman niya ngayon. Sumimangot si Kathleen. "Kanina ka pa ba riyan?" Tanong niya rito bago umalis sa kinasasandalang pader. Naroon si Kathleen sa rooftop ng inuupahan niyang apartment na nakatayo sa tabi ng malawak na kalsada sa kahabaan ng Besmoth City. Mas lalong lumawak ang pagkakangisi ni Asher. Inagaw nito mula sa kamay ni Kathleen ang bote ng tubig. "Not really..." hindi pa rin nawawala ang malawak na ngisi sa gilid ng mga labi na sagot nito sa napakunot-noong si Kathleen. "Seriously?"Sumeryoso si Asher pagkuwa'y nagkibit-balikat. "Yes?" he answered while trying his hardest not to smile annoyingly. Umangat ang kilay ni Kathleen at tinitigan nang matalim si Asher na tulu
last updateLast Updated : 2021-08-03
Read more

CHAPTER EIGHT

 Mula sa madilim na sulok ng malawak ng kalsada, malayo sa magulo at maingay na lansangan ng Besmoth City ay dalawang anino ang pakubli-kubling tumakbo palapit sa mataas at malaking gusali ng Besmoth Museum. Sina Alec at Thorn... Parehong nakasuot ng itim na overall ang dalawa. May sukbit ding itim na bag sa likid ng mga ito. Hindi iyon kalakihan at sapat lang para malagyan ng ilang mahahalagang gamit. Maliksi ang mga galaw at hindi ma-ikaka-ilang sanay na sanay na ang mga ito sa ginawa base na rin sa mga kilos. Nang makarating sa mataas na pader na nakapalibot sa buong gusali ng musium ay tumigil ang sina Alec at kumubli sa likod ng dalawang magkatabing drum. Mabilis na kinuha ni Alec ang bag na nakasabit sa likod. Binuksan niya iyon at mula roon ay inilabas niya ang hindi kalakihang laptop. Si Thorn naman ay kinuha sa loob ng dala nitong bag ang ilang kagamitang p'wede nilang magamit sa pag-akyat sa mataas na pader. Lagpas
last updateLast Updated : 2021-08-03
Read more
PREV
12
DMCA.com Protection Status