NAPATIGIL si Alec sa ginagawang pag-scan ng mga litratong nakalitaw sa monitor ng computer na nasa kanyang harapan nang marinig niya ang malakas na tawa ni Kathleen na sinundan naman ng halakhakan ng grupo ng mga trainees. Kunot-noong tumayo si Alec at humakbang patungo sa maliit na bintanang nakaharap sa malawak na training ground. Nang sumilip siya roon ay mas lalo pang lumalim ang pagkakakunot ng noo niya. Hindi nga siya nagkamali. Ang grupo na naman ni Alexus ang narinig niya at si Kathleen na naman ang pasimuno sa ingay.
Yeah, what more would he expect? Kathleen is such a walking trouble. Sa buhay niya at sa lahat ng nasa loob ng Hunter's camp. Simula nang dumating ito ay hindi na nagkaroon ng katahimikan sa kampo. Hindi pa niya nakakalimutang umuwi ito isang gabi na lasing na lasing habang nakabuntot rito ang grupo ni Alexus. Galing ang mga ito sa Besmoth City. Mag-iisang buwan pa lang itong naroroon sa Hunter's camp ay matindi na ang naging impluwensiya nito sa mga hunters. Maging sina General Yamamori ay nauuto nito.
And, he got her and Alexus' group grounded until today.
Napahilot sa noo si Alec. If only he could throw her out of his life like what he always wanted to do since day one.
But that's impossible.
Dumako ang mga mata ni Alec sa brown na envelope na nakapatong sa ibaba ng kanyang mesa. Humakbang siya palapit doon at dinampot ang envelope. Bumuga muna ng hangin si Alec bago binuksan ang hawak na sa totoo lang ang ilang ulit na niyang binasa. Sinuri nang ilang beses at ipina-check na rin niya. And, the result was beyond his expectation. It was authentic!
Kinuha niya ang manilaw-nilaw at may kagaspangang papel na nasa loob ng envelope. At muli, sa hindi na bilang na pagkakataon ay muli niyang binasa ang nakasulat sa papel. Ang pinanghahawakang katibayan ni Kathleen at buong tapang na isinampal nito sa mukha niya nang mismong araw na dumating ito sa Hunter's camp.
Marriage of certificate
Alec Villarreal and Kathleen VadeenbergHumugot ng malalim na buntong-hininga si Alec. It's crazy. All he wanted to do was to mend his broken heart. Yet, he got himself an instant wife. And, he doesn't even know if it's a good thing or bad for him. All because of his one stupid mistake on one cold-lonely night.
"General!"
Napapitlag si Alec nang marinig ang malakas na sigaw ni Alexus. Ipinilig niya ang ulo bago ibinalik sa ibabaw ng mesa ang hawak na envelope pagkatapos na ibalik sa loob ang marriage certificate nila ni Kathleen.
"Why are so loud, Calderon?" malamig ang tinig na tanong niya sa kanyang lieutenant.
Humakbang si Alec palapit sa bintana at humawak doon para tingnan ang mga ito.
"Hi, popcorn!" sigaw ni Kathleen kay Alec na sinabayan pa nito ng kaway. Malapad din ang mga ngiti nito habang nakaupo sa tabi ni Phoenix.
Kaagad na nagsalubong ang malalagong kilay ni Alec nang sa hindi mabilang na pagkakataon ay muli niyang narinig ang tawag ni Kathleen sa kanya.
"Stop calling me 'popcorn'!" halos pasinghal niyang turan dito na bahagyang nilakasan ang boses.
"Ang kill joy mo naman. Halika rito!" muling sigaw ni Kathleen.
Sa halip na pansinin ang babae ay umalis si Alec sa tabi ng bintana at humakbang pabalik sa kanyang mesa. Marami pa siyang kailangang gawin at mamayang gabi ay may kailangan siyang puntahan para sa kanyang misyon.
******
"ATE KATHLEEN,"
Dahan-dahang sumilip si Kathleen sa labas ng pinto nang marinig ang mahinang boses ni Alexus mula sa nakasarang bintang ng kubo nila ni Alec. Kanina pang alas-sais ng hapon umalis ang lalaki kaya may pagkakataon siyang lumabas kasama sina Alexus. They're going to paint Besmoth City red.
"Shhh..." saway ni Kathleen dito nang tuluyang makalabas ng kubo.
"Bilisan natin bago pa tayo abutan ni General Villarreal." ani naman ni Ryland.
Hahakbang na sana ang mga ito paalis nang sabay-sabay na natigilan at napatunganga kay Kathleen na umangat naman ang kilay dahil sa kakatwang reaksyon ng apat na hunters.
"What?!" naka-angat pa rin ang kilay na untag ni Kathleen sa mga ito.
"Wow!" bulalas si Alexus na ilang ulit pang pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa si Kathleen.
"Hot babe!"
"Cool!"
"Spicy!"
Halos sabay namang turan nina Ryland, Phoenix at Thorn. Pare-parehong bakas sa mukha ng apat ang matinding paghanga kay Kathleen na napahalukipkip.
Nakasuot si Kathleen ng itim na tube blouse na umabot lang hanggang sa ibaba ng kanyang dibdib. Tenernohan niya iyon ng maluwag at kupas na pantalong maong at kulay puting sneakers sa paa. Hinayaan niyang nakabagsak ang mahabang buhok na malayang nililipad ng hangin. Nakasuot din si Kathleen ng kulay itim na sumbrerong dumagdag sa ayos nitong kung tawagin ni Thorn ay 'cool'.
"Ay, naku! Tigilan n'yo ako. Matagal ko nang alam na sexy at maganda ako," nakangusong turan ni Kathleen. "Tara na. Umalis na tayo. Bibiyahe pa tayo ng halos isa at kalahating oras." dugtong niya.
May kalayuan ang Besmoth City sa Hunter's Cavalry Camp at aabot din ng halos dalawang oras ang biyahe. Pero kung ganitong gabi na ay hindi na rin masyadong matraffic kaya isa at kalahating oras lang ang biyahe.
"Tara na!"
Dahil tatakas lang sila habang wala si Alec ay payuko-yukong naglakad nang dahan-dahan sina Kathleen para hindi sila makita ng mga bantay na kasalukuyang umiikot sa loob ng kampo. Sa halip na dumaan sa gate ay umikot sila sa likod patungo sa kinaroroonan ng lihera ng mga kubo na tinutuluyan ng mga trainees.
"Dito tayo..."
Payuko-yukong sumunod naman sina Kathleen kay Phoenix patungo sa malaking puno na ang sanga ay nakayungyong patungo sa kabilang bahagi ng may kataasang pader ng Hunter's camp.
"Ate Kathleen, mauna akong aakyat-"
Napatigil si Thorn sa pagsasalita nang malingunan nito si Kathleen na naka-akyat na sa puno.
"Paano kang napunta diyan?" gulat na tanong ni Alexus habang nakatingala sa itaas ng puno.
"Umakyat malamang," nakairap na sagot ni Kathleen. "Bilisan n'yong umakyat." aniya sa apat na nakatunganga pa rin sa kanya.
At, bago pa man muling makapagsalita ang mga ito ay mabilis na siyang lumipat sa sangang nakayungyong sa kabila ng pader. Nang makakuha ng tamang tiyempo ay walang pag-aalinlangang tumalon si Kathleen na mas lalong ikinagulat ng apat. Naiwan ang mga itong nakatulala at kung hindi pa tumawag si Kathleen sa mga ito mula sa kabilang bahagi ng pader ay hindi pa sana kikilos ang gulat na gulat pa ring sina Alexus, Phoenix, Thorn at Ryland.
"ATE Kathleen, sigurado ka bang darating ang kaibigan mo?" Tanong ni Phoenix kay Kathleen habang magkasama silang naglalakad patungo sa main road kung saan naghihintay ang kaibigan ng huli.Ngumisi si Kathleen bago tumango. "Trust me, guys..." she answered.May mahigit tatlong daang metro rin ang layo ng Hunter's camp sa main road. At, dahil wala silang dalang sasakyan ay kailangan muna nilang maglakad. Alerto din sila sakaling may matanaw na sasakyang parating at kaagad na nagtatago sa likod ng malalaking punong nasa gilid ng daan.Nang makarating sa main road ay sandaling nagpalinga-linga sa paligid si Kathleen. Kaagad na gumuhit ang masayang ngiti mula sa gilid ng mga labi niya nang matanaw ang kulay puting sasakyan, hindi kalayuan mula sa kinatatayuan nila. Tatlong beses ding nagpatay-sindi ang ilaw sa harapan nito na mas lalong nagpalawak ng ngiti ni Kathleen. It was their signal."It's her!" Ani ni Kathleen saba
Tiim ang anyo ni Alec habang ang mga mata ay nakatutok sa screen ng monitor kung saan kita ang magkabilang bahagi ng highway pati ang daang papasok sa Hunter's Cavalry Camp. Nakalimutan yata nina Alexus na hindi lang siya basta general ng West Branch. Siya rin ang head ng Intelligence And Security Team ng Claws And Arrows United. Maagang umalis si Alec kanina para pumunta sa Besmoth Museum. Nag-imbestiga siya tungkol sa nawawalang relic na pag-aari ng mga taong-lobo. Mahigpit ang security sa museum ng Besmoth kung kaya kataka-taka makukuha ang relic kung walang kasabwat mula sa loob ang kumuha. Iyon ay kung totoo nga'ng nawawala ang relic lalo pa't nang humingi siya ng kopya ng CCTV footage noong araw na sinasabing nawala ang relic ay walang maipakita ang head ng security ng museum. Ang sabi niyo sa kanya ay bigla daw nawalan ng power supply nang gabing pinasok ang museum kaya wala silang nakuhang record. It was impossible dahil kung sakali mang nakaroon nga ng blackou
"So, how was your assignment?"Napatigil si Kathleen sa pagmumuni-muni nang biglang sumulpot sa harap niya ang nakangising mukha ni Asher, kakambal ni Christine. Ang babaeng nagturo sa kanya ng lahat ng nalalaman niya ngayon.Sumimangot si Kathleen. "Kanina ka pa ba riyan?" Tanong niya rito bago umalis sa kinasasandalang pader.Naroon si Kathleen sa rooftop ng inuupahan niyang apartment na nakatayo sa tabi ng malawak na kalsada sa kahabaan ng Besmoth City.Mas lalong lumawak ang pagkakangisi ni Asher. Inagaw nito mula sa kamay ni Kathleen ang bote ng tubig."Not really..." hindi pa rin nawawala ang malawak na ngisi sa gilid ng mga labi na sagot nito sa napakunot-noong si Kathleen."Seriously?"Sumeryoso si Asher pagkuwa'y nagkibit-balikat. "Yes?" he answered while trying his hardest not to smile annoyingly.Umangat ang kilay ni Kathleen at tinitigan nang matalim si Asher na tulu
Mula sa madilim na sulok ng malawak ng kalsada, malayo sa magulo at maingay na lansangan ng Besmoth City ay dalawang anino ang pakubli-kubling tumakbo palapit sa mataas at malaking gusali ng Besmoth Museum. Sina Alec at Thorn...Parehong nakasuot ng itim na overall ang dalawa. May sukbit ding itim na bag sa likid ng mga ito. Hindi iyon kalakihan at sapat lang para malagyan ng ilang mahahalagang gamit. Maliksi ang mga galaw at hindi ma-ikaka-ilang sanay na sanay na ang mga ito sa ginawa base na rin sa mga kilos.Nang makarating sa mataas na pader na nakapalibot sa buong gusali ng musium ay tumigil ang sina Alec at kumubli sa likod ng dalawang magkatabing drum.Mabilis na kinuha ni Alec ang bag na nakasabit sa likod. Binuksan niya iyon at mula roon ay inilabas niya ang hindi kalakihang laptop. Si Thorn naman ay kinuha sa loob ng dala nitong bag ang ilang kagamitang p'wede nilang magamit sa pag-akyat sa mataas na pader. Lagpas
Kanina pa patagong nakasunod si Kathleen sa dalawang lalaki na parehong malalaki ang mga hakbang na naglalakad sa gitna ng kalsadang tumutumbok sa train station.Sina Alec at Ryland.Hindi alam ni Kathleen kung saan galing ang dalawa. Kumakain siya sa isang restaurant malapit doon nang matanaw niya ang dalawa na seryosong naglalakad. Agaw-pansin ang mga ito dahil parehong magagandang lalaki. Hindi rin maitago ng suot na jacket nina Alec at Ryland ang mga katawang tila hinulma ng pinakamagaling na manlililok.Lukot ang mukhang patuloy sa pagsunod si Kathleen. Gusto na niyang sigawan ang dalawa dahil sa bilis ng mga ito na maglakad. Palibhasa malalaking lalaki kaya pati ang mga hakbang ay malalaki rin. Lalo na si Alec na mas matangkad na hindi hamak kay Ryland."Kung bakit naman kasi ang bilis maglakad ng mga hinayupak na ito?!" Gigil na bulong ni Kathleen sa sarili.Napatigil si Kathleen pagsunod nang biglang huminto si
Abala si Alec sa pag-aayos ng mga papeles na nakatambak sa ibabaw ng kanyang mesa. Naipon na ang mga iyon dahil naging abala siya nitong mga nakaraang linggo. Isang impormasyon ang nakarating sa kanya ng bukod sa grupo ng sindikato ay mayroon pang ibang naghahangad sa kuwentas. Isang malakas na puwersang alam ni Alec na na magpapahirap sa kanya para magawa ang misyong ibinigay sa kanya ni Caelan.Isinalansan niya nang maayos ang mga folder na. Naglalaman ng mahahalaga at confidential na impormasyon. Inilagay niya ang mga folder na naglalaman ng malalaki at mabibigat na kaso sa loob ng steel cabinet. Hindi p'wedeng nandoon lang mga iyon sa ibabaw ng mesa niya.Sunod niyang inayos ang mga librong nagulo ni Kathleen noong naroon pa ang babae sa Hunters' Cavalry Camp.Biglang natigilan si Alec nang maalala ang makulit na babae. Mahigit dalawang linggo na ang nakalipas simula nang huli niyang makita sa Kathleen sa train station
ANG NAKARAAN..."Tangina, lasing na yata si Alec." Puna ni Akila habang hawak sa kamay ang hindi kalakihang pitcher na may lamang beer.Naroon silang tatlo sa kahabaan ng Besmoth City. Naka-upo sa tapat ng maliit na stall na nagtitinda ng beer at kung ano-ano pang mga inumin. Mayroong tumutugtog na banda sa gitna ng maliit na stage sa harapan nila. Abala sa pagkanta ang babaeng kulay dilaw ang buhok habang buong siglang umiindak. May mga tattoo ito sa braso na litaw sa suot nitong kulay itim at maliit na t-shirt. Maikli ang suot nitong maong na palda na umabot lang yata hanggang sa gitna ng hita nito."Hayaan mo nang malasing. Pagtulungan na lang nating iuwi sa kampo mamaya." Parang walang anumang sagot ni Tobias na ang mga mata ay hindi inaalis sa babaeng patuloy pa rin sa pagkanta. "Sexy..." Komento pa nito bago dinala sa bibig ang hawak na pitcher.Napasunod naman
Tahimik na nakaupo si Alec sa loob ng isang coffee shop na nakatayo sa isang bahagi ng abalang lansangan ng Besmoth City. Kagaya ng madalas mangyari ay kasama niya uli si Ryland na kagaya niya ay tahimik lang din habang sinisimsim ang kapeng laman ng kulay puting tasa. Kanina pa sila naroon at palihim na nakamasid sa paligid.May nangyaring pagpatay kagabi sa bahaging iyon ng lungsod ngunit walang nakakita o nakaka-alam kung sino ang may gawa. Isang lalaking taong-lobo ang natagpuang walang buhay sa isang madilim na eskinita. Sunog ang kalahati ng katawan nito mula ulo hanggang tiyan kaya hindi hindi kaagad natukoy ng mga otoridad ng Besmoth kung sino ang lalaki. Ngunit malaki ang kutob ni Alec na may kinalaman ang nangyari sa kasong palihim niyang hawak."General, sigurado ka bang nasa paligid lang ang gumawa ng krimen?" tanong ni Rylang pagkalipas ng ilang sandali.Isa ito sa nagustuhan niya sa lalaki. Hind
Naiiling na bumaba si Alec mula sa dala niyang kotse. Pinauna na niya si Ryland sa Hunter's camp dahil kailangan pa niyang daanan si Kathleen na ayon sa kaibigan nitong si Yhanna ay lasing na. Of course, he knew it. He saw her every actions on his cellphone. Lingid sa kaalaman ng lahat pati ni Kathleen ay may apat na maliliit na camera na naka-install sa kubo niya. He won't be the Claws And Arrows United's head in security and intelligence kung hindi siya maingat at sigurista. Sa kubo niya nakalagay ang mahahalagang impormasyon tungkol sa secret mission na ibinigay sa kanya ni Priam at Caelan kaya kailangan niyang magdoble-ingat. Naglagay din siya ng alarm sa isang bahagi ng kubo kung saan niya itinago ang mga reports na natatanggap niya tungkol sa mission na kapag mati-trigger ay kaagad niyang malalaman dahil naka-attach iyon sa mismong cellphone niya. Katulad ng karaniwang tanawin sa malawak at mahabang lansangan ng Besmoth City tuw
Patamad na nangalumbaba si Kathleen habang nakaupo sa tatlong baitang na hagdan sa kubo nila ni Alec. Mahigit isang linggo na rin siyang naroon sa Hunter's camp. Hindi siya pinayagan ng lalaki na bumalik sa apartmennt niya dahil baka raw doon naman siya puntahan at guluhin ni Simon o kung sino man raw sa mga ex niya. Take note, ipinagdiinan pa talaga ng walang-hiya ang salitang ex na para bang nakagawa siya ng malaking kasalanan dito. Sabagay, oo na. Aaminin na niyang mali nga na nakipagrelasyon pa siya sa iba kahit kasal na sila ng lalaki. Aba, nasaan ba ito? Saka hindi naman nito alam na kasal ito sa kanya.'Bakit, hindi mo rin ba alam?'Ah,basta! Kailangan din niya ng kalambingan, ah.'Lulusot ka pa, Kathleen. Maharot ka lang talaga.' Naka-ismid na kontra ng isang bahagi ng kanyang isipan. 'Mangangatwiran ka pa.' Dagdag pa ng kontrabidang bahagi ng kanyang pagkatao.Napanguso si Kathleen bago bumuga ng hangin. Sa t
Pagdating sa billard house na sinasabi ni Ryland ay kaagad na hinanap ni Alec ang lalaki. "What are we going to do here?" tanong ni Kathleen kay Alec na hawak pa rin ang kamay niya habang nakasabit naman sa balikat nito ang shoulder bag niya. Muntik na siyang matawa kanina dahil sa anyo nito. Awkward tingnan ang lalaking kagaya ni Alec na may nakasabit na bag ng isang babae sa balikat. Ngunit nang mapansin ni Kathleen ang naiinggit na mga tingin ng mga babaeng nadaanan nila ay kaagad siyang nakadama ng pagmamalaki. Umangat pa ang kilay niya nang makita ang klase ng titig ng mga ito kay Alec. Ngali-ngaling ihawin niya ang mga ito dahil sa gigil. Well, sorry na lang sila dahil hanggang tingin na lang ang mga ito sa asawa niya. Yes, asawa niya! Napangisi pa si Kathleen nang muling pumasok sa kanyang isipan ang katotohanang iyon. Taas-noo siyang umismid ng palihim at bahagya pang umirap. Alec Villarreal
Tahimik na tahimik si Kathleen habang ang mga mata ay nakatutok sa kaharap na baso ng nagye-yelong iced tea. Hindi niya mapigilang mapangiwi habang nilalaro ang straw na nakalagay sa loob ng mataas na baso. Pinitik-pitik niya ito na tila ba sa pamamagitan ng ginagawa niya ay mababawasan ang tensiyong nararamdaman niya nang mga sandaling iyon.Kagaya ng iced tea ay nagye-yelo din ang mga titig ni Alec sa kanya. Wala iyong kasing lamig kaya kahit malamig sa loob ng coffee shop na pinagdalhan sa kanya ng lalaki ay pinagpawisan pa rin siya. Pakiramdam tuloy ni Kathleen ay si Alec ang iced tea. Nagye-yelo na kagaya ng malamig na inumin. Siya naman ang baso. Pinagpapawisan kahit malamig."What were you thinking?" malamig ang tinig na tila nagpipigil sa galit na tanong ni Alec kay Kathleen.Kunot na kunot ang noo nito habang ang mga mata ay nakatitig sa kanya. Wala siyang makitang ibag emosyon doon maliban sa malamig nitong mga. Tingin.