Naiiling na bumaba si Alec mula sa dala niyang kotse. Pinauna na niya si Ryland sa Hunter's camp dahil kailangan pa niyang daanan si Kathleen na ayon sa kaibigan nitong si Yhanna ay lasing na. Of course, he knew it. He saw her every actions on his cellphone.
Lingid sa kaalaman ng lahat pati ni Kathleen ay may apat na maliliit na camera na naka-install sa kubo niya. He won't be the Claws And Arrows United's head in security and intelligence kung hindi siya maingat at sigurista. Sa kubo niya nakalagay ang mahahalagang impormasyon tungkol sa secret mission na ibinigay sa kanya ni Priam at Caelan kaya kailangan niyang magdoble-ingat. Naglagay din siya ng alarm sa isang bahagi ng kubo kung saan niya itinago ang mga reports na natatanggap niya tungkol sa mission na kapag mati-trigger ay kaagad niyang malalaman dahil naka-attach iyon sa mismong cellphone niya.
Katulad ng karaniwang tanawin sa malawak at mahabang lansangan ng Besmoth City tuw
Sa gitna ng magulong lungsod ng Besmoth kung saan nakapalibot ang iba't-ibang libangan, makikita ang napakaraming tao sa gilid ng malawak na kalsada. Walang gabing hindi napupuno ang bahaging iyon kung saan masaya ang lahat. Pawang may masayang mga ngiti sa mga labi na para bang kahit katiting na problema ay wala ang mga ito. They were there to enjoy. The place was made for everyone to have fun and forget about everything. Everyone was there to escape from the reality of life. They were there to enjoy and feel the temporary ecstatic happiness.Ang Besmoth City ang tanging lugar sa buong Midland kung saan matatagpuan ang iba't-ibang klaseng nilalang. Ordinaryong tao, taong-lobo, bampira at mga mangkukulam. Ang lugar kung saan hindi malalaman kung sino at ano ang mga nakakasalumuha, araw at gabi. Ang lugar kung saan walang pakialam ang lahat sa kung ano at sino ka. Ang mahalaga lang ay ang pandaliang kasiyahang doon lang nila mararamdaman.Sa is
Bumaba si Alec sa sinasakyang motorbike at nagpasyang iwanan na lang iyon sa parking lot sa harap ng isang establishment. Lalakarin na lang niya ang lugar dahil sa sobrang dami ng nasa paligid ay mahirap nang magdala ng sasakyan, kahit ng motorbike. Nagpasya siyang maglakad-lakad sa bahaging iyon ng Besmoth kung saan buhay na buhay ang buong paligid pagsapit ng gabi.Habang naglalakad ay hindi mapigilan ni Alec na hindi mapangiwi. Napuno ang ilong niya ng pinaghalong amoy ng beer, sigarilyo at iba't-ibang klase ng pabango. Nakakahilo iyon at masakit sa ulo. Humapdi rin ang mga mata ni Alec dahil sa makapal na usok na nagmumula sa mga sigarilyo. Hindi niya alam kung tama ba ang pasya niyang doon unang maghanap pero alam niyang wala nang ibang perpektong lugar kundi iyon lang. Hindi lingid sa lahat na ang lungsod ng Besmoth ay lungga ng iba't-ibang klase ng nilalang.The perfect place to hide and also the most dangerous city in Midland. The place wherein everyone i
"Do the building blocks, both of you!" sigaw ni Alec sa dalawang trainee na kaagad namang sumunod.Naroon siya sa malawak na training ground ng Hunter's Cavalry camp. Katatapos lang din niyang mag-ensayo kasama si Alexus at naisipan niyang dumaan muna sa ground para tingnan kung mayroon bang improvements ang mga trainees. Tatlumpo ang mga ito at kasalukuyan pang sumasailalim sa mahigpit na training at screening. Bago matapos ang tatlong buwan ay iilan lamang sa mga ito ang tiyak niyang matitira dahil bawat linggo ay may nagpapaalam na ang kadalasang dahilan ay hindi nakayanan ang mahigpit na training. Kung hindi naman ay dahil hindi nakitaan ng improvements.Nagpatuloy sa pag-iikot si Alec hanggang sa mapansin niya ang isang trainee. Nag-iisa ito at maliit ang katawan. Kung pagbabasehan niya ang tindig at ayos ay natitiyak niyang wala itong kahit na basic background sa martial arts. He's doing it the wrong way as he continues punching the wood
NANG masigurong wala na si Alec ay nakangising isinara ni Kathleen ang pintong gawa sa plywood. Sumandal siya roon pagkuwa'y nangingislap ang mga matang itinaas ang kanang braso habang nakalahad ang kamay. Pinagmasdan niya ang kulay pulang pintura sa kuko niya at ibinaba ang kamay. Hinipan niya ang mga kuko bago bumungisngis.Kathleen look around the small hut. Simpleng-simple lang iyon. Gawa sa pinagdikit-dikit na mga kawayan ang dingding niyon at pinatuyong talahib naman ang bubong. May dalawang bintana sa magkabilang bahagi at ang sahig naman ay gawa rin sa kawayan. Bahagya iyong nakaangat sa lupa kaya mayroon iyong maliit na silong. Walang aircon at tanging ang nag-iisang ceiling fan lang ang naroroon. May hindi kalakihang papag sa isang bahagi na may sapin na manipis na kutson. Isang personal refrigerator at isang maliit na mesang gawa rin sa kawayan pati ang dalawang upuan. Bukod doon ay wala nang ibang gamit sa loob ng kubo ni Alec.Bum
Dahan-dahang pinihit ni Alec ang seradura ng pinto at kaagad na bumungad sa kanya ang babaeng nakahiga sa papag. Mahimbing ang tulog nito at bahagya pang naka-uklo ang katawan. Kumunot ang noo niya nang mapansin ang damit niyang nakapatong nang maayos sa katawan nito. Hinubad niya iyon kagabi at nakalimutan niyang ilagay sa marumihan.Mabibigat ang mga hakbang naglakad si Alec palapit sa natutulog na babae. Sa bawat paglapat ng mga paa niya sa sahig na kawayan ay lumilikha iyon ng langitngit. Nang marating ang papag ay sandaling nameywang sa Alec. Nagda-dalawang-isip siya kung gigisingin niya ba ito o hahayaan na lang munang matulog. Napailing pa siya nang makitang payapang-payapa ang tulog nito at may bahagyang ngiti pa sa mga labi. Pagkaraan ng ilang sandaling pag-alinlangan ay ipinasya niyang gisingin ito."Wake up..." bagot na turan ni Alec habang mahinang niyuyog ang balikat ng babae. "Hey, wake up, sleepy witch!" pag-ulit niya ngunit wal
NAPATIGIL si Alec sa ginagawang pag-scan ng mga litratong nakalitaw sa monitor ng computer na nasa kanyang harapan nang marinig niya ang malakas na tawa ni Kathleen na sinundan naman ng halakhakan ng grupo ng mga trainees. Kunot-noong tumayo si Alec at humakbang patungo sa maliit na bintanang nakaharap sa malawak na training ground. Nang sumilip siya roon ay mas lalo pang lumalim ang pagkakakunot ng noo niya. Hindi nga siya nagkamali. Ang grupo na naman ni Alexus ang narinig niya at si Kathleen na naman ang pasimuno sa ingay.Yeah, what more would he expect? Kathleen is such a walking trouble. Sa buhay niya at sa lahat ng nasa loob ng Hunter's camp. Simula nang dumating ito ay hindi na nagkaroon ng katahimikan sa kampo. Hindi pa niya nakakalimutang umuwi ito isang gabi na lasing na lasing habang nakabuntot rito ang grupo ni Alexus. Galing ang mga ito sa Besmoth City. Mag-iisang buwan pa lang itong naroroon sa Hunter's camp ay matindi na ang n
"ATE Kathleen, sigurado ka bang darating ang kaibigan mo?" Tanong ni Phoenix kay Kathleen habang magkasama silang naglalakad patungo sa main road kung saan naghihintay ang kaibigan ng huli.Ngumisi si Kathleen bago tumango. "Trust me, guys..." she answered.May mahigit tatlong daang metro rin ang layo ng Hunter's camp sa main road. At, dahil wala silang dalang sasakyan ay kailangan muna nilang maglakad. Alerto din sila sakaling may matanaw na sasakyang parating at kaagad na nagtatago sa likod ng malalaking punong nasa gilid ng daan.Nang makarating sa main road ay sandaling nagpalinga-linga sa paligid si Kathleen. Kaagad na gumuhit ang masayang ngiti mula sa gilid ng mga labi niya nang matanaw ang kulay puting sasakyan, hindi kalayuan mula sa kinatatayuan nila. Tatlong beses ding nagpatay-sindi ang ilaw sa harapan nito na mas lalong nagpalawak ng ngiti ni Kathleen. It was their signal."It's her!" Ani ni Kathleen saba
Tiim ang anyo ni Alec habang ang mga mata ay nakatutok sa screen ng monitor kung saan kita ang magkabilang bahagi ng highway pati ang daang papasok sa Hunter's Cavalry Camp. Nakalimutan yata nina Alexus na hindi lang siya basta general ng West Branch. Siya rin ang head ng Intelligence And Security Team ng Claws And Arrows United. Maagang umalis si Alec kanina para pumunta sa Besmoth Museum. Nag-imbestiga siya tungkol sa nawawalang relic na pag-aari ng mga taong-lobo. Mahigpit ang security sa museum ng Besmoth kung kaya kataka-taka makukuha ang relic kung walang kasabwat mula sa loob ang kumuha. Iyon ay kung totoo nga'ng nawawala ang relic lalo pa't nang humingi siya ng kopya ng CCTV footage noong araw na sinasabing nawala ang relic ay walang maipakita ang head ng security ng museum. Ang sabi niyo sa kanya ay bigla daw nawalan ng power supply nang gabing pinasok ang museum kaya wala silang nakuhang record. It was impossible dahil kung sakali mang nakaroon nga ng blackou
Naiiling na bumaba si Alec mula sa dala niyang kotse. Pinauna na niya si Ryland sa Hunter's camp dahil kailangan pa niyang daanan si Kathleen na ayon sa kaibigan nitong si Yhanna ay lasing na. Of course, he knew it. He saw her every actions on his cellphone. Lingid sa kaalaman ng lahat pati ni Kathleen ay may apat na maliliit na camera na naka-install sa kubo niya. He won't be the Claws And Arrows United's head in security and intelligence kung hindi siya maingat at sigurista. Sa kubo niya nakalagay ang mahahalagang impormasyon tungkol sa secret mission na ibinigay sa kanya ni Priam at Caelan kaya kailangan niyang magdoble-ingat. Naglagay din siya ng alarm sa isang bahagi ng kubo kung saan niya itinago ang mga reports na natatanggap niya tungkol sa mission na kapag mati-trigger ay kaagad niyang malalaman dahil naka-attach iyon sa mismong cellphone niya. Katulad ng karaniwang tanawin sa malawak at mahabang lansangan ng Besmoth City tuw
Patamad na nangalumbaba si Kathleen habang nakaupo sa tatlong baitang na hagdan sa kubo nila ni Alec. Mahigit isang linggo na rin siyang naroon sa Hunter's camp. Hindi siya pinayagan ng lalaki na bumalik sa apartmennt niya dahil baka raw doon naman siya puntahan at guluhin ni Simon o kung sino man raw sa mga ex niya. Take note, ipinagdiinan pa talaga ng walang-hiya ang salitang ex na para bang nakagawa siya ng malaking kasalanan dito. Sabagay, oo na. Aaminin na niyang mali nga na nakipagrelasyon pa siya sa iba kahit kasal na sila ng lalaki. Aba, nasaan ba ito? Saka hindi naman nito alam na kasal ito sa kanya.'Bakit, hindi mo rin ba alam?'Ah,basta! Kailangan din niya ng kalambingan, ah.'Lulusot ka pa, Kathleen. Maharot ka lang talaga.' Naka-ismid na kontra ng isang bahagi ng kanyang isipan. 'Mangangatwiran ka pa.' Dagdag pa ng kontrabidang bahagi ng kanyang pagkatao.Napanguso si Kathleen bago bumuga ng hangin. Sa t
Pagdating sa billard house na sinasabi ni Ryland ay kaagad na hinanap ni Alec ang lalaki. "What are we going to do here?" tanong ni Kathleen kay Alec na hawak pa rin ang kamay niya habang nakasabit naman sa balikat nito ang shoulder bag niya. Muntik na siyang matawa kanina dahil sa anyo nito. Awkward tingnan ang lalaking kagaya ni Alec na may nakasabit na bag ng isang babae sa balikat. Ngunit nang mapansin ni Kathleen ang naiinggit na mga tingin ng mga babaeng nadaanan nila ay kaagad siyang nakadama ng pagmamalaki. Umangat pa ang kilay niya nang makita ang klase ng titig ng mga ito kay Alec. Ngali-ngaling ihawin niya ang mga ito dahil sa gigil. Well, sorry na lang sila dahil hanggang tingin na lang ang mga ito sa asawa niya. Yes, asawa niya! Napangisi pa si Kathleen nang muling pumasok sa kanyang isipan ang katotohanang iyon. Taas-noo siyang umismid ng palihim at bahagya pang umirap. Alec Villarreal
Tahimik na tahimik si Kathleen habang ang mga mata ay nakatutok sa kaharap na baso ng nagye-yelong iced tea. Hindi niya mapigilang mapangiwi habang nilalaro ang straw na nakalagay sa loob ng mataas na baso. Pinitik-pitik niya ito na tila ba sa pamamagitan ng ginagawa niya ay mababawasan ang tensiyong nararamdaman niya nang mga sandaling iyon.Kagaya ng iced tea ay nagye-yelo din ang mga titig ni Alec sa kanya. Wala iyong kasing lamig kaya kahit malamig sa loob ng coffee shop na pinagdalhan sa kanya ng lalaki ay pinagpawisan pa rin siya. Pakiramdam tuloy ni Kathleen ay si Alec ang iced tea. Nagye-yelo na kagaya ng malamig na inumin. Siya naman ang baso. Pinagpapawisan kahit malamig."What were you thinking?" malamig ang tinig na tila nagpipigil sa galit na tanong ni Alec kay Kathleen.Kunot na kunot ang noo nito habang ang mga mata ay nakatitig sa kanya. Wala siyang makitang ibag emosyon doon maliban sa malamig nitong mga. Tingin.
Tahimik na nakaupo si Alec sa loob ng isang coffee shop na nakatayo sa isang bahagi ng abalang lansangan ng Besmoth City. Kagaya ng madalas mangyari ay kasama niya uli si Ryland na kagaya niya ay tahimik lang din habang sinisimsim ang kapeng laman ng kulay puting tasa. Kanina pa sila naroon at palihim na nakamasid sa paligid.May nangyaring pagpatay kagabi sa bahaging iyon ng lungsod ngunit walang nakakita o nakaka-alam kung sino ang may gawa. Isang lalaking taong-lobo ang natagpuang walang buhay sa isang madilim na eskinita. Sunog ang kalahati ng katawan nito mula ulo hanggang tiyan kaya hindi hindi kaagad natukoy ng mga otoridad ng Besmoth kung sino ang lalaki. Ngunit malaki ang kutob ni Alec na may kinalaman ang nangyari sa kasong palihim niyang hawak."General, sigurado ka bang nasa paligid lang ang gumawa ng krimen?" tanong ni Rylang pagkalipas ng ilang sandali.Isa ito sa nagustuhan niya sa lalaki. Hind
ANG NAKARAAN..."Tangina, lasing na yata si Alec." Puna ni Akila habang hawak sa kamay ang hindi kalakihang pitcher na may lamang beer.Naroon silang tatlo sa kahabaan ng Besmoth City. Naka-upo sa tapat ng maliit na stall na nagtitinda ng beer at kung ano-ano pang mga inumin. Mayroong tumutugtog na banda sa gitna ng maliit na stage sa harapan nila. Abala sa pagkanta ang babaeng kulay dilaw ang buhok habang buong siglang umiindak. May mga tattoo ito sa braso na litaw sa suot nitong kulay itim at maliit na t-shirt. Maikli ang suot nitong maong na palda na umabot lang yata hanggang sa gitna ng hita nito."Hayaan mo nang malasing. Pagtulungan na lang nating iuwi sa kampo mamaya." Parang walang anumang sagot ni Tobias na ang mga mata ay hindi inaalis sa babaeng patuloy pa rin sa pagkanta. "Sexy..." Komento pa nito bago dinala sa bibig ang hawak na pitcher.Napasunod naman
Abala si Alec sa pag-aayos ng mga papeles na nakatambak sa ibabaw ng kanyang mesa. Naipon na ang mga iyon dahil naging abala siya nitong mga nakaraang linggo. Isang impormasyon ang nakarating sa kanya ng bukod sa grupo ng sindikato ay mayroon pang ibang naghahangad sa kuwentas. Isang malakas na puwersang alam ni Alec na na magpapahirap sa kanya para magawa ang misyong ibinigay sa kanya ni Caelan.Isinalansan niya nang maayos ang mga folder na. Naglalaman ng mahahalaga at confidential na impormasyon. Inilagay niya ang mga folder na naglalaman ng malalaki at mabibigat na kaso sa loob ng steel cabinet. Hindi p'wedeng nandoon lang mga iyon sa ibabaw ng mesa niya.Sunod niyang inayos ang mga librong nagulo ni Kathleen noong naroon pa ang babae sa Hunters' Cavalry Camp.Biglang natigilan si Alec nang maalala ang makulit na babae. Mahigit dalawang linggo na ang nakalipas simula nang huli niyang makita sa Kathleen sa train station
Kanina pa patagong nakasunod si Kathleen sa dalawang lalaki na parehong malalaki ang mga hakbang na naglalakad sa gitna ng kalsadang tumutumbok sa train station.Sina Alec at Ryland.Hindi alam ni Kathleen kung saan galing ang dalawa. Kumakain siya sa isang restaurant malapit doon nang matanaw niya ang dalawa na seryosong naglalakad. Agaw-pansin ang mga ito dahil parehong magagandang lalaki. Hindi rin maitago ng suot na jacket nina Alec at Ryland ang mga katawang tila hinulma ng pinakamagaling na manlililok.Lukot ang mukhang patuloy sa pagsunod si Kathleen. Gusto na niyang sigawan ang dalawa dahil sa bilis ng mga ito na maglakad. Palibhasa malalaking lalaki kaya pati ang mga hakbang ay malalaki rin. Lalo na si Alec na mas matangkad na hindi hamak kay Ryland."Kung bakit naman kasi ang bilis maglakad ng mga hinayupak na ito?!" Gigil na bulong ni Kathleen sa sarili.Napatigil si Kathleen pagsunod nang biglang huminto si
Mula sa madilim na sulok ng malawak ng kalsada, malayo sa magulo at maingay na lansangan ng Besmoth City ay dalawang anino ang pakubli-kubling tumakbo palapit sa mataas at malaking gusali ng Besmoth Museum. Sina Alec at Thorn...Parehong nakasuot ng itim na overall ang dalawa. May sukbit ding itim na bag sa likid ng mga ito. Hindi iyon kalakihan at sapat lang para malagyan ng ilang mahahalagang gamit. Maliksi ang mga galaw at hindi ma-ikaka-ilang sanay na sanay na ang mga ito sa ginawa base na rin sa mga kilos.Nang makarating sa mataas na pader na nakapalibot sa buong gusali ng musium ay tumigil ang sina Alec at kumubli sa likod ng dalawang magkatabing drum.Mabilis na kinuha ni Alec ang bag na nakasabit sa likod. Binuksan niya iyon at mula roon ay inilabas niya ang hindi kalakihang laptop. Si Thorn naman ay kinuha sa loob ng dala nitong bag ang ilang kagamitang p'wede nilang magamit sa pag-akyat sa mataas na pader. Lagpas