Share

CHAPTER THREE

Author: Hiraya Neith
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

"Do the building blocks, both of you!" sigaw ni Alec sa dalawang trainee na kaagad namang sumunod. 

Naroon siya sa malawak na training ground ng Hunter's Cavalry camp. Katatapos lang din niyang mag-ensayo kasama si Alexus at naisipan niyang dumaan muna sa ground para tingnan kung mayroon bang improvements ang mga trainees. Tatlumpo ang mga ito at kasalukuyan pang sumasailalim sa mahigpit na training at screening. Bago matapos ang tatlong buwan ay iilan lamang sa mga ito ang tiyak niyang matitira dahil bawat linggo ay may nagpapaalam na ang kadalasang dahilan ay hindi nakayanan ang mahigpit na training. Kung hindi naman ay dahil hindi nakitaan ng improvements. 

Nagpatuloy sa pag-iikot si Alec hanggang sa mapansin niya ang isang trainee. Nag-iisa ito at maliit ang katawan. Kung pagbabasehan niya ang tindig at ayos ay natitiyak niyang wala itong kahit na basic background sa martial arts. He's doing it the wrong way as he continues punching the wooden dummy training. 

Kunot ang noo at halos magsalubong ang mga kilay na humakbang si Alec palapit sa nakatalikod na lalaki. Paano nakalusot ang isang kagaya nito sa unang screening kung saan sinusukat ang taglay na lakas at tatag ng isang trainee? 

"What are you doing?" Alec asked. Voice was firm and full of authority. 

Napaigtad ang lalaki at napatigil sa ginagawa. Napalingon ito kay Alec at kaagad na nanlaki ang mga mata nang makilala ang batang general ng Hunter's Cavalry, East Branch. 

"G-General..." the guy mumbled in a stuttering voice. 

Mas lalong lumalim ang pagkakakunot ng noo ni Alec. 

"Stand up straight!" matalim at may kasamang diin na ani ni Alec sa kaharap na trainee na kaagad namang tumayo nang tuwid. 

Sigurado ba talaga ito sa pinapasok nito? 

"Your name?!"

Sandaling umilap ang mga mata ng trainee bago sumagot. "Anton Cipriano, Sir!" anito nitong kaagad na sumaludo. 

Hindi pa rin nawawala ang pagkakakunot ng noo ni Alec. Hindi siya kumibo at ilang sandaling pinagmasdan ang kaharap. 

Matangkad naman ito at kung tama siya ay nasa limang pulgada at pitong talampakan ang taas nito. Nakasuot ito ng puting T-shirt na tenernuhan ng kulay itim na tactical cargo pants at combat shoes. Iyon ang uniform ng mga trainees sa Hunter's Cavalry. 

Naningkit ang mga mata ni Alec nang may mapansing kakaiba sa kaharap na trainee ngunit pinili niyang huwag nang kumibo. Huminga siya nang malalim bago ito tinanguan. Mabilis namang ibinaba ng trainee ang kamay nitong nakalagay sa gilid ng noo. 

"You are doing it the wrong way." ani ni Alec dito. "You'll hurt yourself if you continue doing that. Worse is, you might fracture your fingers or hand." Dugtong niya bago humakbang palait sa wooden dummy training na nakatayo isang dipa ang layo mula sa kinatatayuan ni Anton. 

Ibinaba ni Alec sa isang tabi ang hawak na walkie-talkie bago binalingan si Anton na nagtatakamg nakatingin sa kanya. 

"Look at me." Turan ni Alec bago hinarap ang wooden dummy training at sunod-sunod na nagpakawala ng suntok. "Always strike with the pointer and the middle of your finger knuckles as it is the strongest part of your hand." Aniya habang patuloy na sinusunok ang kahoy na sadyang ginawa para sa mga trainees. 

Maya-maya pa ay tumigil na si Alec. Sinenyasan niya si Anton na kahit alumpihit ay kaagad namang humakbang palapit. 

"Now, let me see if you can do it properly." turan ni Alec at itinuro kay Anton ang naghihintay na wooden dummy training. "Try it..."dugtong niya. 

Bahagyang tumango si Anton bago nagsimulang sumuntok sa kahoy. Nakaka-ilang suntok na ito bago muling nagsalita si Alec. 

"Good...that's good!" tumatangong sabi ni Alec. "Just don't forget to do the proper breathing." aniya pa bago tinapik ang balikat ng natigilang si Anton. 

Ilang sandali pa ay nagpasya nang bumalik sa sarili niyang kubo si Alec para maligo. Pasado alas-otso na rin ng umaga at kailangan na niyang asikasuhin ang ilang pipirmahang papeles na ipinadala ng South branch noon pang isang araw. 

Pasipol-sipol pa siyang naglalakad nang bigla na lang may isang pares ng brasong tila ahas na pumulupot sa leeg niya. 

"Hello, husband!"

Kasabay ng malamyos na boses ay ang paglapat ng mainit na bagay sa kanyang mga labi. Dahil sa pagkabigla ay napaawang ang mga labi ni Alec. Ilang sandali siyang hindi nakagalaw at walang kurap ang nanlalaking mga mata na napatunganga sa babaeng nakalambitin sa kanyang leeg habang ang mga labi ay nakalapat sa bibig niya. 

My goodness but what the hell is wrong with this woman?! 

Nakarinig ng sunod-sunod na sipol si Alec mula sa mga nakapalibot sa kanilang hunters na napatigil sa ginagawa at naki-usyuso sa kanila. Maging ang mga trainees ay tumigil sa pag-eensayo at nakatanaw din sa gawi nila. 

Pagalit na binaklas ni Alec ang mga braso ng babae sa leeg niya. "What the hell are you doing?! At, paano ka nakapasok dito?!" Halos umusok ang ilong sa galit na singhal niya rito. 

Matamis na ngumiti ang babae at tila walang anumang pinaglandas ang dila sa mga labi nito. Muling nanlaki ang mga mata ni Alec dahil sa ginawa nito. 

Shameless! 

Umikot ang mga mata si Alec sa paligid at nang makitang nakatingin sa kanilang dalawa ng babae ang lahat ay mas lalong uminit ang ulo niya. Kagaya niya ay nabigla din ang mga ito at iisa ang reaction. Pare-parehong awang ang mga labi at shocked na nakatitig sa babaeng bigla na lang sumulpot sa harapan niya. 

"All of you, get back to what you're doing!" Pagalit niyang turan sa mga ito kaagad namang sumunod. "And, you!" Pasinghal niyang turan sa babaeng umangat lang ang kilay at tila naghahamong tinitigan siya. 

"Yes, popcorn?" untag nitong bakas sa tinig ang pinaghalong pang-iinis at panunukso. 

"What are you doing —"

Ngunit hindi na natapos ni Alec ang sasabihin nang biglang sumulpot si Alexus sa harapan nila na hila-hila ang may kalakihang maleta. Kasunod nito si Ryland na blangko ang mukha habang hawak sa kamay ang isang carry-all bag. 

"General Villarreal, saan ho ba namin ilalagay ang mga ito?" tanong ni Alexus na bahagyang inginuso ang dalang maleta at ang carry-all bag na hawak ni Ryland.  "Sa kubo mo ba o doon sa bakanteng kubo na malapit sa ku—"

"Wait a minute!" naguguluhang pigil niya rito. "What are you talking about? Kanino ang mga iyan?" Kunot ang noo at buhol ang mga kilay na tanong ni Alec kay Alexus. 

"Sa Misis mo, General. Hindi namin alam na darating siya. Mabuti na lang pala at nakita namin siya ni Ryland sa labas ng gate. Ayaw nga sanang papasukin ni Cleo pero ang sabi niya ay siya raw si Mrs. Alec Villarreal at gusto ka raw niyang sorpresahin." 

Laglag ang pangang lumipad ang paningin ni Alec sa babaeng malawak ang ngiti habang tumatango sa bawat paliwanag ni Alexus. 

"You!" Pulang-pula ang mukhang turan ni Alec habang pilit na pinipigilan ang sariling tirisin ang walang-hiyang babae. "What's the meaning of this, Kathleen?!" may diin ang bawat salitang tanong niya rito habang ang dibdib ay mabilis na tumataas-baba dahil sa malalim at sunod-sunod na paghinga. 

Kathleen shrugged her shoulders. "I'm moving in here." tila walang anumang tugon nito bago binalingan sina Alexus at Ryland. "Doon sa kubo ni Alec, please." Matamis ang ngiting ani nito sa dalawa na kaagad namang tumango at tumalikod. 

"What the fuck, Kathleen?!" 

Related chapters

  • CLAWS AND ARROWS UNITED 2: ALEC VILLARREAL   CHAPTER FOUR

    NANG masigurong wala na si Alec ay nakangising isinara ni Kathleen ang pintong gawa sa plywood. Sumandal siya roon pagkuwa'y nangingislap ang mga matang itinaas ang kanang braso habang nakalahad ang kamay. Pinagmasdan niya ang kulay pulang pintura sa kuko niya at ibinaba ang kamay. Hinipan niya ang mga kuko bago bumungisngis.Kathleen look around the small hut. Simpleng-simple lang iyon. Gawa sa pinagdikit-dikit na mga kawayan ang dingding niyon at pinatuyong talahib naman ang bubong. May dalawang bintana sa magkabilang bahagi at ang sahig naman ay gawa rin sa kawayan. Bahagya iyong nakaangat sa lupa kaya mayroon iyong maliit na silong. Walang aircon at tanging ang nag-iisang ceiling fan lang ang naroroon. May hindi kalakihang papag sa isang bahagi na may sapin na manipis na kutson. Isang personal refrigerator at isang maliit na mesang gawa rin sa kawayan pati ang dalawang upuan. Bukod doon ay wala nang ibang gamit sa loob ng kubo ni Alec.Bum

  • CLAWS AND ARROWS UNITED 2: ALEC VILLARREAL   CHAPTER FIVE

    Dahan-dahang pinihit ni Alec ang seradura ng pinto at kaagad na bumungad sa kanya ang babaeng nakahiga sa papag. Mahimbing ang tulog nito at bahagya pang naka-uklo ang katawan. Kumunot ang noo niya nang mapansin ang damit niyang nakapatong nang maayos sa katawan nito. Hinubad niya iyon kagabi at nakalimutan niyang ilagay sa marumihan.Mabibigat ang mga hakbang naglakad si Alec palapit sa natutulog na babae. Sa bawat paglapat ng mga paa niya sa sahig na kawayan ay lumilikha iyon ng langitngit. Nang marating ang papag ay sandaling nameywang sa Alec. Nagda-dalawang-isip siya kung gigisingin niya ba ito o hahayaan na lang munang matulog. Napailing pa siya nang makitang payapang-payapa ang tulog nito at may bahagyang ngiti pa sa mga labi. Pagkaraan ng ilang sandaling pag-alinlangan ay ipinasya niyang gisingin ito."Wake up..." bagot na turan ni Alec habang mahinang niyuyog ang balikat ng babae. "Hey, wake up, sleepy witch!" pag-ulit niya ngunit wal

  • CLAWS AND ARROWS UNITED 2: ALEC VILLARREAL   CHAPTER SIX

    NAPATIGIL si Alec sa ginagawang pag-scan ng mga litratong nakalitaw sa monitor ng computer na nasa kanyang harapan nang marinig niya ang malakas na tawa ni Kathleen na sinundan naman ng halakhakan ng grupo ng mga trainees. Kunot-noong tumayo si Alec at humakbang patungo sa maliit na bintanang nakaharap sa malawak na training ground. Nang sumilip siya roon ay mas lalo pang lumalim ang pagkakakunot ng noo niya. Hindi nga siya nagkamali. Ang grupo na naman ni Alexus ang narinig niya at si Kathleen na naman ang pasimuno sa ingay.Yeah, what more would he expect? Kathleen is such a walking trouble. Sa buhay niya at sa lahat ng nasa loob ng Hunter's camp. Simula nang dumating ito ay hindi na nagkaroon ng katahimikan sa kampo. Hindi pa niya nakakalimutang umuwi ito isang gabi na lasing na lasing habang nakabuntot rito ang grupo ni Alexus. Galing ang mga ito sa Besmoth City. Mag-iisang buwan pa lang itong naroroon sa Hunter's camp ay matindi na ang n

  • CLAWS AND ARROWS UNITED 2: ALEC VILLARREAL   CHAPTER SIX(PART 2)

    "ATE Kathleen, sigurado ka bang darating ang kaibigan mo?" Tanong ni Phoenix kay Kathleen habang magkasama silang naglalakad patungo sa main road kung saan naghihintay ang kaibigan ng huli.Ngumisi si Kathleen bago tumango. "Trust me, guys..." she answered.May mahigit tatlong daang metro rin ang layo ng Hunter's camp sa main road. At, dahil wala silang dalang sasakyan ay kailangan muna nilang maglakad. Alerto din sila sakaling may matanaw na sasakyang parating at kaagad na nagtatago sa likod ng malalaking punong nasa gilid ng daan.Nang makarating sa main road ay sandaling nagpalinga-linga sa paligid si Kathleen. Kaagad na gumuhit ang masayang ngiti mula sa gilid ng mga labi niya nang matanaw ang kulay puting sasakyan, hindi kalayuan mula sa kinatatayuan nila. Tatlong beses ding nagpatay-sindi ang ilaw sa harapan nito na mas lalong nagpalawak ng ngiti ni Kathleen. It was their signal."It's her!" Ani ni Kathleen saba

  • CLAWS AND ARROWS UNITED 2: ALEC VILLARREAL   CHAPTER SIX (PART THREE)

    Tiim ang anyo ni Alec habang ang mga mata ay nakatutok sa screen ng monitor kung saan kita ang magkabilang bahagi ng highway pati ang daang papasok sa Hunter's Cavalry Camp. Nakalimutan yata nina Alexus na hindi lang siya basta general ng West Branch. Siya rin ang head ng Intelligence And Security Team ng Claws And Arrows United. Maagang umalis si Alec kanina para pumunta sa Besmoth Museum. Nag-imbestiga siya tungkol sa nawawalang relic na pag-aari ng mga taong-lobo. Mahigpit ang security sa museum ng Besmoth kung kaya kataka-taka makukuha ang relic kung walang kasabwat mula sa loob ang kumuha. Iyon ay kung totoo nga'ng nawawala ang relic lalo pa't nang humingi siya ng kopya ng CCTV footage noong araw na sinasabing nawala ang relic ay walang maipakita ang head ng security ng museum. Ang sabi niyo sa kanya ay bigla daw nawalan ng power supply nang gabing pinasok ang museum kaya wala silang nakuhang record. It was impossible dahil kung sakali mang nakaroon nga ng blackou

  • CLAWS AND ARROWS UNITED 2: ALEC VILLARREAL   CHAPTER SEVEN

    "So, how was your assignment?"Napatigil si Kathleen sa pagmumuni-muni nang biglang sumulpot sa harap niya ang nakangising mukha ni Asher, kakambal ni Christine. Ang babaeng nagturo sa kanya ng lahat ng nalalaman niya ngayon.Sumimangot si Kathleen. "Kanina ka pa ba riyan?" Tanong niya rito bago umalis sa kinasasandalang pader.Naroon si Kathleen sa rooftop ng inuupahan niyang apartment na nakatayo sa tabi ng malawak na kalsada sa kahabaan ng Besmoth City.Mas lalong lumawak ang pagkakangisi ni Asher. Inagaw nito mula sa kamay ni Kathleen ang bote ng tubig."Not really..." hindi pa rin nawawala ang malawak na ngisi sa gilid ng mga labi na sagot nito sa napakunot-noong si Kathleen."Seriously?"Sumeryoso si Asher pagkuwa'y nagkibit-balikat. "Yes?" he answered while trying his hardest not to smile annoyingly.Umangat ang kilay ni Kathleen at tinitigan nang matalim si Asher na tulu

  • CLAWS AND ARROWS UNITED 2: ALEC VILLARREAL   CHAPTER EIGHT

    Mula sa madilim na sulok ng malawak ng kalsada, malayo sa magulo at maingay na lansangan ng Besmoth City ay dalawang anino ang pakubli-kubling tumakbo palapit sa mataas at malaking gusali ng Besmoth Museum. Sina Alec at Thorn...Parehong nakasuot ng itim na overall ang dalawa. May sukbit ding itim na bag sa likid ng mga ito. Hindi iyon kalakihan at sapat lang para malagyan ng ilang mahahalagang gamit. Maliksi ang mga galaw at hindi ma-ikaka-ilang sanay na sanay na ang mga ito sa ginawa base na rin sa mga kilos.Nang makarating sa mataas na pader na nakapalibot sa buong gusali ng musium ay tumigil ang sina Alec at kumubli sa likod ng dalawang magkatabing drum.Mabilis na kinuha ni Alec ang bag na nakasabit sa likod. Binuksan niya iyon at mula roon ay inilabas niya ang hindi kalakihang laptop. Si Thorn naman ay kinuha sa loob ng dala nitong bag ang ilang kagamitang p'wede nilang magamit sa pag-akyat sa mataas na pader. Lagpas

  • CLAWS AND ARROWS UNITED 2: ALEC VILLARREAL   CHAPTER NINE

    Kanina pa patagong nakasunod si Kathleen sa dalawang lalaki na parehong malalaki ang mga hakbang na naglalakad sa gitna ng kalsadang tumutumbok sa train station.Sina Alec at Ryland.Hindi alam ni Kathleen kung saan galing ang dalawa. Kumakain siya sa isang restaurant malapit doon nang matanaw niya ang dalawa na seryosong naglalakad. Agaw-pansin ang mga ito dahil parehong magagandang lalaki. Hindi rin maitago ng suot na jacket nina Alec at Ryland ang mga katawang tila hinulma ng pinakamagaling na manlililok.Lukot ang mukhang patuloy sa pagsunod si Kathleen. Gusto na niyang sigawan ang dalawa dahil sa bilis ng mga ito na maglakad. Palibhasa malalaking lalaki kaya pati ang mga hakbang ay malalaki rin. Lalo na si Alec na mas matangkad na hindi hamak kay Ryland."Kung bakit naman kasi ang bilis maglakad ng mga hinayupak na ito?!" Gigil na bulong ni Kathleen sa sarili.Napatigil si Kathleen pagsunod nang biglang huminto si

Latest chapter

  • CLAWS AND ARROWS UNITED 2: ALEC VILLARREAL   CHAPTER SIXTEEN

    Naiiling na bumaba si Alec mula sa dala niyang kotse. Pinauna na niya si Ryland sa Hunter's camp dahil kailangan pa niyang daanan si Kathleen na ayon sa kaibigan nitong si Yhanna ay lasing na. Of course, he knew it. He saw her every actions on his cellphone. Lingid sa kaalaman ng lahat pati ni Kathleen ay may apat na maliliit na camera na naka-install sa kubo niya. He won't be the Claws And Arrows United's head in security and intelligence kung hindi siya maingat at sigurista. Sa kubo niya nakalagay ang mahahalagang impormasyon tungkol sa secret mission na ibinigay sa kanya ni Priam at Caelan kaya kailangan niyang magdoble-ingat. Naglagay din siya ng alarm sa isang bahagi ng kubo kung saan niya itinago ang mga reports na natatanggap niya tungkol sa mission na kapag mati-trigger ay kaagad niyang malalaman dahil naka-attach iyon sa mismong cellphone niya. Katulad ng karaniwang tanawin sa malawak at mahabang lansangan ng Besmoth City tuw

  • CLAWS AND ARROWS UNITED 2: ALEC VILLARREAL   CHAPTER FIFTEEN

    Patamad na nangalumbaba si Kathleen habang nakaupo sa tatlong baitang na hagdan sa kubo nila ni Alec. Mahigit isang linggo na rin siyang naroon sa Hunter's camp. Hindi siya pinayagan ng lalaki na bumalik sa apartmennt niya dahil baka raw doon naman siya puntahan at guluhin ni Simon o kung sino man raw sa mga ex niya. Take note, ipinagdiinan pa talaga ng walang-hiya ang salitang ex na para bang nakagawa siya ng malaking kasalanan dito. Sabagay, oo na. Aaminin na niyang mali nga na nakipagrelasyon pa siya sa iba kahit kasal na sila ng lalaki. Aba, nasaan ba ito? Saka hindi naman nito alam na kasal ito sa kanya.'Bakit, hindi mo rin ba alam?'Ah,basta! Kailangan din niya ng kalambingan, ah.'Lulusot ka pa, Kathleen. Maharot ka lang talaga.' Naka-ismid na kontra ng isang bahagi ng kanyang isipan. 'Mangangatwiran ka pa.' Dagdag pa ng kontrabidang bahagi ng kanyang pagkatao.Napanguso si Kathleen bago bumuga ng hangin. Sa t

  • CLAWS AND ARROWS UNITED 2: ALEC VILLARREAL   Chapter Fourteen

    Pagdating sa billard house na sinasabi ni Ryland ay kaagad na hinanap ni Alec ang lalaki. "What are we going to do here?" tanong ni Kathleen kay Alec na hawak pa rin ang kamay niya habang nakasabit naman sa balikat nito ang shoulder bag niya. Muntik na siyang matawa kanina dahil sa anyo nito. Awkward tingnan ang lalaking kagaya ni Alec na may nakasabit na bag ng isang babae sa balikat. Ngunit nang mapansin ni Kathleen ang naiinggit na mga tingin ng mga babaeng nadaanan nila ay kaagad siyang nakadama ng pagmamalaki. Umangat pa ang kilay niya nang makita ang klase ng titig ng mga ito kay Alec. Ngali-ngaling ihawin niya ang mga ito dahil sa gigil. Well, sorry na lang sila dahil hanggang tingin na lang ang mga ito sa asawa niya. Yes, asawa niya! Napangisi pa si Kathleen nang muling pumasok sa kanyang isipan ang katotohanang iyon. Taas-noo siyang umismid ng palihim at bahagya pang umirap. Alec Villarreal

  • CLAWS AND ARROWS UNITED 2: ALEC VILLARREAL   CHAPTER THIRTEEN

    Tahimik na tahimik si Kathleen habang ang mga mata ay nakatutok sa kaharap na baso ng nagye-yelong iced tea. Hindi niya mapigilang mapangiwi habang nilalaro ang straw na nakalagay sa loob ng mataas na baso. Pinitik-pitik niya ito na tila ba sa pamamagitan ng ginagawa niya ay mababawasan ang tensiyong nararamdaman niya nang mga sandaling iyon.Kagaya ng iced tea ay nagye-yelo din ang mga titig ni Alec sa kanya. Wala iyong kasing lamig kaya kahit malamig sa loob ng coffee shop na pinagdalhan sa kanya ng lalaki ay pinagpawisan pa rin siya. Pakiramdam tuloy ni Kathleen ay si Alec ang iced tea. Nagye-yelo na kagaya ng malamig na inumin. Siya naman ang baso. Pinagpapawisan kahit malamig."What were you thinking?" malamig ang tinig na tila nagpipigil sa galit na tanong ni Alec kay Kathleen.Kunot na kunot ang noo nito habang ang mga mata ay nakatitig sa kanya. Wala siyang makitang ibag emosyon doon maliban sa malamig nitong mga. Tingin.

  • CLAWS AND ARROWS UNITED 2: ALEC VILLARREAL   CHAPTER TWELVE

    Tahimik na nakaupo si Alec sa loob ng isang coffee shop na nakatayo sa isang bahagi ng abalang lansangan ng Besmoth City. Kagaya ng madalas mangyari ay kasama niya uli si Ryland na kagaya niya ay tahimik lang din habang sinisimsim ang kapeng laman ng kulay puting tasa. Kanina pa sila naroon at palihim na nakamasid sa paligid.May nangyaring pagpatay kagabi sa bahaging iyon ng lungsod ngunit walang nakakita o nakaka-alam kung sino ang may gawa. Isang lalaking taong-lobo ang natagpuang walang buhay sa isang madilim na eskinita. Sunog ang kalahati ng katawan nito mula ulo hanggang tiyan kaya hindi hindi kaagad natukoy ng mga otoridad ng Besmoth kung sino ang lalaki. Ngunit malaki ang kutob ni Alec na may kinalaman ang nangyari sa kasong palihim niyang hawak."General, sigurado ka bang nasa paligid lang ang gumawa ng krimen?" tanong ni Rylang pagkalipas ng ilang sandali.Isa ito sa nagustuhan niya sa lalaki. Hind

  • CLAWS AND ARROWS UNITED 2: ALEC VILLARREAL   CHAPTER ELEVEN

    ANG NAKARAAN..."Tangina, lasing na yata si Alec." Puna ni Akila habang hawak sa kamay ang hindi kalakihang pitcher na may lamang beer.Naroon silang tatlo sa kahabaan ng Besmoth City. Naka-upo sa tapat ng maliit na stall na nagtitinda ng beer at kung ano-ano pang mga inumin. Mayroong tumutugtog na banda sa gitna ng maliit na stage sa harapan nila. Abala sa pagkanta ang babaeng kulay dilaw ang buhok habang buong siglang umiindak. May mga tattoo ito sa braso na litaw sa suot nitong kulay itim at maliit na t-shirt. Maikli ang suot nitong maong na palda na umabot lang yata hanggang sa gitna ng hita nito."Hayaan mo nang malasing. Pagtulungan na lang nating iuwi sa kampo mamaya." Parang walang anumang sagot ni Tobias na ang mga mata ay hindi inaalis sa babaeng patuloy pa rin sa pagkanta. "Sexy..." Komento pa nito bago dinala sa bibig ang hawak na pitcher.Napasunod naman

  • CLAWS AND ARROWS UNITED 2: ALEC VILLARREAL   CHAPTER TEN

    Abala si Alec sa pag-aayos ng mga papeles na nakatambak sa ibabaw ng kanyang mesa. Naipon na ang mga iyon dahil naging abala siya nitong mga nakaraang linggo. Isang impormasyon ang nakarating sa kanya ng bukod sa grupo ng sindikato ay mayroon pang ibang naghahangad sa kuwentas. Isang malakas na puwersang alam ni Alec na na magpapahirap sa kanya para magawa ang misyong ibinigay sa kanya ni Caelan.Isinalansan niya nang maayos ang mga folder na. Naglalaman ng mahahalaga at confidential na impormasyon. Inilagay niya ang mga folder na naglalaman ng malalaki at mabibigat na kaso sa loob ng steel cabinet. Hindi p'wedeng nandoon lang mga iyon sa ibabaw ng mesa niya.Sunod niyang inayos ang mga librong nagulo ni Kathleen noong naroon pa ang babae sa Hunters' Cavalry Camp.Biglang natigilan si Alec nang maalala ang makulit na babae. Mahigit dalawang linggo na ang nakalipas simula nang huli niyang makita sa Kathleen sa train station

  • CLAWS AND ARROWS UNITED 2: ALEC VILLARREAL   CHAPTER NINE

    Kanina pa patagong nakasunod si Kathleen sa dalawang lalaki na parehong malalaki ang mga hakbang na naglalakad sa gitna ng kalsadang tumutumbok sa train station.Sina Alec at Ryland.Hindi alam ni Kathleen kung saan galing ang dalawa. Kumakain siya sa isang restaurant malapit doon nang matanaw niya ang dalawa na seryosong naglalakad. Agaw-pansin ang mga ito dahil parehong magagandang lalaki. Hindi rin maitago ng suot na jacket nina Alec at Ryland ang mga katawang tila hinulma ng pinakamagaling na manlililok.Lukot ang mukhang patuloy sa pagsunod si Kathleen. Gusto na niyang sigawan ang dalawa dahil sa bilis ng mga ito na maglakad. Palibhasa malalaking lalaki kaya pati ang mga hakbang ay malalaki rin. Lalo na si Alec na mas matangkad na hindi hamak kay Ryland."Kung bakit naman kasi ang bilis maglakad ng mga hinayupak na ito?!" Gigil na bulong ni Kathleen sa sarili.Napatigil si Kathleen pagsunod nang biglang huminto si

  • CLAWS AND ARROWS UNITED 2: ALEC VILLARREAL   CHAPTER EIGHT

    Mula sa madilim na sulok ng malawak ng kalsada, malayo sa magulo at maingay na lansangan ng Besmoth City ay dalawang anino ang pakubli-kubling tumakbo palapit sa mataas at malaking gusali ng Besmoth Museum. Sina Alec at Thorn...Parehong nakasuot ng itim na overall ang dalawa. May sukbit ding itim na bag sa likid ng mga ito. Hindi iyon kalakihan at sapat lang para malagyan ng ilang mahahalagang gamit. Maliksi ang mga galaw at hindi ma-ikaka-ilang sanay na sanay na ang mga ito sa ginawa base na rin sa mga kilos.Nang makarating sa mataas na pader na nakapalibot sa buong gusali ng musium ay tumigil ang sina Alec at kumubli sa likod ng dalawang magkatabing drum.Mabilis na kinuha ni Alec ang bag na nakasabit sa likod. Binuksan niya iyon at mula roon ay inilabas niya ang hindi kalakihang laptop. Si Thorn naman ay kinuha sa loob ng dala nitong bag ang ilang kagamitang p'wede nilang magamit sa pag-akyat sa mataas na pader. Lagpas

DMCA.com Protection Status