Home / Paranormal / The Last Sacrifice / Kabanata 31 - Kabanata 40

Lahat ng Kabanata ng The Last Sacrifice: Kabanata 31 - Kabanata 40

55 Kabanata

Kaibigan na Itim

Gilda Point of View       Nakatingin ako ‘kay Carmen habang nagkwekwento siya sa akin. Ikinukuwento niya sa akin ang babaeng kapatid ni Glen na kagabi pa nawawala.       Naglaba lamang daw ito sa may batis pero hindi na umuwi ng kanilang bahay.       Tanging mga labada na lamang daw ang kanilang nakita sa may batis.       Sobrang nag aalala si Carmen dahil kaklase niya ang kapatid ni Glen na si Kendra.       Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong sabihin sa kanya.Sasabihin ko ba na napanaginipan ko ang babaeng tinutukoy niya? Pero paano kung sa akin mabali ang sisi nila.       Maniniwala ba sila na sa panaginip ko lamang nakita? Mas lalo niya kaming ididiin na kami ay mga kulto.       “Alam mo, pakir
last updateHuling Na-update : 2024-10-29
Magbasa pa

Pang Apat at Pang Lima

Third Person Point of View        Gabi na ngunit nasa labas pa si Glen. Pagod na ang kanyang mukha at mababakas mo ang kalungkutan sa kanyang mga mata.        Maghapon na niyang hinahanap ang kanyang nakababatang kapatid na si Kendra ngunit hanggang ngayon ay hindi nila ito makita.        Sanib pwersa na sila ng mga pulis ngunit hanggang sa ngayon ay wala pa ring balita ang mga ito sa kanya.        Ngunit kahit na ganoon ay hindi nawawalan ng pag – asa si Glen na mahahanap niya rin ang kanyang kapatid. Umaasa siya na ito ay buhay pa.        Abot langit ang kanyang pagdadasal na sana ay makita pa ni Glen ang kanyang kapatid.        Hindi niya mapapatawad ang kanyang sarili kapag may nangyaring masama rito.        Kung sana
last updateHuling Na-update : 2024-10-29
Magbasa pa

Totoo

Third Person Point of View        Kanina pa nakatingin si Gilda sa may salamin. Hind niya malaman kung paano niya tatanggalin ang boses na bumubulong sa kanyang isipan.        Gusto niyang ibigti ang kanyang leeg o laslasin ang kanyang kamay. Sigurado siya na sa kanyang kamatayan ay hindi na siya masusundan nito.        Ilang oras na siyang nakatingin sa salamin at pinagmamasdan ang sarili.        Nakatulala lang siya roon habang binubulungan siya ng mahiwagang kakaibang boses.        ‘Nais mo bang malaman ang katotohanan? Pwede mong tanungin sa salamin. Sasabihin niya sa iyo ang nais mong malaman. Tuturuan kita.’        “Sino ka ba? Bakit mo ako ginagambala?” tanong ni Gilda sa boses na ito. 
last updateHuling Na-update : 2024-10-29
Magbasa pa

XXXV

Gilda Point of View                “Anong ginagawa mo rito, Gilda? Namimiss mo ba ang iyong tatay?” tanong ni Maria sa akin.                Saan niya kaya dinala si tatay Dan? Ang sabi niya sa akin ay dito niya inilibing ang bangkay ng aking ama ngunit wala ito sa kabaong na nasa ilalim ng lupa.                Ang sabi sa akin ng boses na nakakausap ko ay nasa loob ng aming bahay. Literal ba? Pero bakit nasa loob ng bahay? Bakit nasa loob ng bahay ang isang patay?!                “Kanina pa kita hinahanap. Naisip ko na dito ka pumunta,” ani ni Maria.             
last updateHuling Na-update : 2024-10-29
Magbasa pa

XXXVI

Gilda Point of View                 Nalibot ko na ata ang buong bahay ay hindi ko pa rin makita ang bangkay ng aking ama. Saan kaya nila itinago iyon? Huwag mong sabihing nakabaon naman sa lupa kaya hindi ko makita.                 T-teka… Naalala ko…                 Sa… sa kwarto ni Maria. May masangsang na nangangamoy dati.                 Napailing iling ako. Hindi naman siguro niya gagawin iyon. Hindi naman siguro tama ang iniisip ko hindi ba? Walang dahilan para gawin niya iyon. Maghunos dili sya. Sinong matinong tao ang gagawin iyon.                 ‘Pero malay mo ay ta
last updateHuling Na-update : 2024-10-29
Magbasa pa

XXXVII

Maria Point of View                Lumabas ako ng CR pagkatapos kong maligo. Bumungad sa akin ang nakasimangot na mukha ni Teresa. Gusto niya ba akong mamatay sa gulat?                “L-lola Teresa,” tawag ko sa kanya. “Narito ka nap ala. Akala ko ay bukas pa kayo uuwi.”                “Kamusta ang anak ko?” tanong niya sa akin. “Nililinis mo bang mabuti ang kanyang bangkay?”                “Opo, pinapangalagaan kong mabuti ang katawan ni Dan,” ani ko sa kanya.                “Mabuti kung ganoon,” ani ni
last updateHuling Na-update : 2024-10-29
Magbasa pa

XXXVIII

Third Person Point of View            Maaga pa lamang ay binabagtas na ni Gilda ang daan patungo sa babuyan ng kanyang Lola Teresa. Doon siya itinuro ng boses na kanyang naririnig. Inutos sa kanya na pumunta siya roon pagka’t may sopresang nag aantay sa kanya.            Paniwalang paniwala si Gilda sa boses na kanyang naririnig. Pakiramdam niya ay iyon ang gagabay sa kanya at maglilitas sa mga masasamang tao sa kanilang bahay.            Pinangakuan siya ng boses na ito na proprotektahan siya at iingatan. Basta lamang makikinig siya rito at gagawin niyang kaibigan.            Sumang ayon si Gilda sa mga kasunduan nito dahil na rin napatunayan nito ang kanyang sarili sa kanya.       &nbs
last updateHuling Na-update : 2024-10-29
Magbasa pa

XXXIX

Gilda Point of View                 Daha dahan akong pumasok sa tahanan ni Lola Teresa. Maingat ang aking mga galaw. Sakto na sa pagdaan ng kusina ay napatigin sa akin si Maria.                 “Gising ka na pala,” aniya sa akin. “Bakit hindi ka bumaba kaninang umagahan? Kinakatok ko ang yong pinto ngunit hindi ka sumasagot?”                 Natuyo na ata ang lalamunan ko. Ang babaeng nasa harap ko ngayon. Isa siyang mamatay tao. Pero mabti at hindi niya alam na lumabas ako ng bahay.                 Hindi niya dapat ako mahalata dahil kung hindi ay malilintikan ako.               
last updateHuling Na-update : 2024-10-29
Magbasa pa

XXXX

Gilda Point of View                Tumingin ako sa aking orasan. Ganap na alas dose trenta ng umaga. Sigurado akong tulog na sila. Ngunit maghihintay muna ako ng ilang minuto para saktong ala una na ako aalis. Mas magandang sigurado. Mahirap nab aka mahuli nila ako.                Ang bawat segundo, at minuto ay tila isang araw sa paghihinatay. Napakatagal. Akala mo walang baterya ang aking relo at hindi gumagalaw ang oras. Mas mabagal pa sa isang pagong ang takbo nito.                Labis labis na ang aking kaba. Iniisip ko lamang ang pagtakas ay kinakabahan na ako. Balak ko sanang lumuwas na g maynila at doon manirahan. Bahala na kung anong buhay ang naghihintay sa akin doon. Mag – aapply ako ng trabaho. Kahit lansangan muna ako
last updateHuling Na-update : 2024-10-29
Magbasa pa

Baliw

Gilda Point of View                Dahan dahan kong ibinukas ang aking  mga mata dahil naramdaman ko na parang mahapdi ang aking anit. Nanlalabo ang aking paningin, at kailangan ko pang pumikit ng pumikit upang luminaw ito.                Noong makakit ako ng mas malinaw ay napatingin ako sa may salamin. Nanlaki ang aking mga mata sa aking nakita.                Nasa harap ako ng salamin habang ttumutulo ang dugo ko sa aking noo. Sa likod ko ay naroon si Maria. Nakangiti na animo ay isang baliw habang sinusuklayan ang buhok ko.                Sinubukan kong tumayo ngunit natigilan ako noong hindi ko magawa. Napatingin ako sa aking katawan. Nakatali ako
last updateHuling Na-update : 2024-10-29
Magbasa pa
PREV
123456
DMCA.com Protection Status