Home / Paranormal / The Last Sacrifice / Kabanata 21 - Kabanata 30

Lahat ng Kabanata ng The Last Sacrifice: Kabanata 21 - Kabanata 30

55 Kabanata

Bagong Kakilala

Gilda Point of View           Kinuha ko ang panghilod sa may sabunan ng banyo. Hindi sa banyo ng may bath tub ng dugo na napupuno ng uod kundi dito sa palikuran na may shower at totoong tubig.           Gusto kong maiyak kanina sa ginawa ni Maria. Muntik ko na syang mamura at masabunutan dahil sa ginawa niyang pang lublob sa akin. Mabuti na lamang at napigilan ko ang sarili ko dahil mas matanda pa rin siya sa akin kahit papaano.           Napasuka pa ako ng marami dahil sa lansa at sa tuwing naiisip ko iyong ginawa niya ay nais kong maiyak.           Kinuskos ko ng mabuti ang aking balat. Feeling ko maninikit ang mabahong amoy sa akin. Bwiset kasi! Sinabi ko na sa kanya na ayaw ko tapos nilublob pa ako. Sino naman ang matutuwa sa ganoon diba?           Para siyang bida bidang kaklase ko. Although nag sorry naman na siya
last updateHuling Na-update : 2024-10-29
Magbasa pa

Kaibigan

Gilda Point of View         Napangiti ako habang naglalakad sa may palengke. Bakit pakiramdam ko ay ang ganda ganda ko ngayon?         Grabe kasi naman. Kung makikita niyo lamang ang gada ng kutis ko ngayon baka gustuhin niyong lumangoy sa dugong bath tub.         Pakiramdam ko nag niningning ako ngayon. Ang aking buhok. Kahit hindi ko na shampuhin at gamitan ng conditioner ay napakaganda.         Napakagat ako sa aking labi. Kung patuloy ko lamang gagawin ang itinuro sa akin ni Maria ay hindi ko na kailangan pang intindihin kung ano ang aking itsura dahil mananatili akong palaging maganda at sariwa habang patuloy akong naliligo sa bath tub ng dugo.         Kung iisipin ay hindi naman masama. Wala naman kaming natatapakan na ibang tao. Nag iinarte lang talaga ako.
last updateHuling Na-update : 2024-10-29
Magbasa pa

Pang una

Gilda Point of View        Nakauwi na kami ni Maria mula sa palengke. Gaya ng dati ay ako na nga ang nagbitbit lahat. Tila naging katulong ako ni Maria. Napakadami niya kung bumili ng stocks namin na animo ay magugutuman kaming tatlo.        Gusto ko nga sabihin sa kanya na maghunos dili siya kakabili. Ang dami naman pala nilang pera pero bakit ayaw ni Lola Teresa na mag aral ako? Hindi naman pala magiging hadlang ang katayuang pinansyal namin pero hanggang ngayon ay wala pa rin akong nakukuhang sagot.        Nalalapit na ang pasukan. Ayoko naman nang mangulit pa sa kanila baka lalong mapasama pa ang hinihintay ko.        Nakakalungkot lang. Kung siguro ay narito sina nanay at tatay ay baka nakapag enroll na agad ako.        Lalong lalo na si Nanay Lilybeth. Nako! Mas exc
last updateHuling Na-update : 2024-10-29
Magbasa pa

Ulam

Third Person Point of View            Isang malakas na panahaw ang maririnig ngayon sa kalsada. Panahaw ng isang ina na nawalan ng kanyang mahal na anak. Kanina pa ito humahagulgol mula ng makita ang kahindik hindik na sinapit ng kanyang anak.            Nagkakagulo ang mga tao ngayon habang pinagmamasdan ang dalagang wala ng buhay sa isang tabi na kalong kalong ng kanyang humahagulgol na ina.            “Ano ba iyan? Grabe? Hayop ba ang gumawa niyan?”            “Kakadiri! Ang salbahe! Bakit ginawa nila iyan!”            “Hindi tao ang kayang gumawa niyan!”            “
last updateHuling Na-update : 2024-10-29
Magbasa pa

Tunay

Gilda Point of View       Narito kami ngayon ni Maria sa aking kwarto. Nakasilip na ang buwan sa kalangitan at sinusuklayan niya ang aking mahabang buhok.       Sa lahat ng parte ng aking katawan ay gustong gusto niya ag buhok ko sa di ko malamang dahilan. Ewan ko ba. Basta gusto gusto niya itong sinusuklayan tuwing gabi.       “Nabalitaan niyo po ba ang nangyari kanina?” tanong k okay Maria habang nakatingin ako sa salamin.       Nabalitaan ko ang kahindik hindik na krimen kanina sa balita. Nag text muli sa akin si Carmen kaya muli nanaman akong binalot ng pangamba.       Pero alam ko namang hindi magagawa iyon ni Maria o ni Lola Teresa. Mabuti silang mga tao at ang mga katulad nila ay hindi babahidan ng kadumihan ang kanilang mga kamay.       Al
last updateHuling Na-update : 2024-10-29
Magbasa pa

Pangalawa

Third Person Point of View       Napahinga ng malalim si Kathy habang mahigpit na hawak hawak ang kanyang bag sa kanyang dibdib.       Kinakabahan sya dahil madadaanan niya nanaman ang mga lalaking nag iinuman sa tapat ng tindahan nila aling Linda.       Kung mayroon lamang ibang daraanan kahit malayo ay doon na lang dadaan si Kathy dahil natatakot siya sa mga tambay na lasenggo.       Lagi na lamang siyang napagtritripan ng mga ito sa tuwing umuuwi siya ng gabi.       Wala naman siyang magagawa dahil hanggang alas onse ng gabi ang kanyang trabaho at inaabot na siya ng alas dose ng gabi bago makauwi sa kanilang tahanan.       Wala rin siyang nakaksabay na makakasama dahil iba ang daan ng kanyang mga kasama sa kanilang trabaho.    &
last updateHuling Na-update : 2024-10-29
Magbasa pa

Kulto

Third Person Point of View        Nakaupo ang tatlong lalaki sa harap ng lamesa at kinukwestiyon sila ni Joselito dahil sa nangyaring krimen kagabi.        Natagpuan nila ang isang bangkay na kinikilala bilang si Kathy.        Ayon sa saksi na si Aling Linda kagabi ganap na mag aaladose ng umaga ay hinabol ng tatlong lalaki na sina Baldo, Carding at Samuel ang pauwing dalaga mula sa kanyang trabaho.        Matapos noon ay hindi na bumalik ang tatlong lalaki kaya siya na ang nagligpit ng mga naiwang kalat nito sa harap ng kanilang tindahan.        Pinukpok ng malakas ni Joselito ang lamesa gamit ang isang folder na gawa sa plastic. Malakas ang ginawang tunog nito na nakapag pagulat kila Baldo na animo ay nagising sa kanilang mahimbing na pagpapatansya.  &
last updateHuling Na-update : 2024-10-29
Magbasa pa

Sagot

Gilda Point of View        Sumubo ako ng isang kutsarang kanin na may sabwa at pasulyap sulyap kay Lola Teresa.        Humahanap ako ng timing kung paano siya kakausapin. Mukhang hindi maganda ang kanyang araw at nakabusangot siya ngayon sa hapunan.        “Narinig niyo po ba ang usap usapan dito sa ating baranggay?” basag ni Maria sa katahimikan. Naunahan niya akong magsalita.        “Anong mga balita?” tanong naman ni Lola Teresa sa kanya. “Mga balitang pagpatay? Krimen? Alam ko na iyan.”        “Bukod doon,” ani ni Maria at ibinaba ang kanyang hawak na kutsara.        May iba pang balita? Ano naman iyon? Hindi ko pa narinig. Akala ko ba ay walang nababalitaan itong si Maria. Mero
last updateHuling Na-update : 2024-10-29
Magbasa pa

Itim na Libro

Gilda Point of View       Akmang kakatok ako sa pintuan ni Maria noong may narinig ako na parang boses. Inilapat ko ang aking tainga sa pintuan ni Maria at doon ay narinig ko siyang nagsasalita. Medyo hindi ko lamang maulinigan mabuti ang mga salitang binibigkas niya ngunit panigurado akong mayroon siyang kausap.       Kausap? Mayroon siyang kausap? Dis oras ng gabi? Sino naman ang kakausapin niya ng ganitong oras       Ah baka sa cellphone o telepono. Mayroon ba siya noon? Parang hindi ko naman napapansin na may sarili siyang cellphone. Puro mga gagamitin sa kusina kasi ang hawak niya.       Ano kayang pinag uusapan nila? Kumunot ang aking noo. Ano raw? Dan? Nagkakamali ba ako?       Teka ano ba kasi ang sinasabi niya. Ang hinhin kasi ng boses. Hindi ko maulinigan.    
last updateHuling Na-update : 2024-10-29
Magbasa pa

Pangatlo

Third Person Point of View       Isang babae ang tumatakbo sa may talahiban. Pawis na pawis ito at palinga linga sa kanyang likuran.       May humahabol sa kanyang tatlong babaeng nakasuot ng mga itim na belo at itim na bestida.       Hinihingal na siya ngunit wala siyang balak tumigil. Kahit mamanhid na ang kanyang mga paa basta huwag lang siyang maabutan ng mga ito.       Nalingon ang babae sa kanyang likuran at lahat na ng santo ay kanyang natawag sa kanyang takot.       Hindi niya matanaw ang mga mukha nito. Mabibilis itong tumakbo na daig pa ang isang kabayo. Akala mo ay may lahing kidlat sa pagtakbo.       Hindi niya matanaw ang mga mukha nito dahil sa dilim ng gabi.       Nais niyang magsisi na hindi sya nakinig sa
last updateHuling Na-update : 2024-10-29
Magbasa pa
PREV
123456
DMCA.com Protection Status