"Nasaan si Zian?" tanong ni Ter nang makarating siya sa bahay kung saan nila isinasagawa palagi ang kanilang mga meetings. "Lumabas yata, Ter," sagot ni Ven na busy sa paglalaro sa kaniyang cellphone. "Bakit mo naman hinahanap si Zian, dahil ba roon sa lumabas na balita tungkol sa kaniya?" tanong naman ni Zer habang nagtatakang nakatingin kay Ter na mababakas ang saya sa mukha nito. "Hinahanap siya ni Yanna. Oras na maibigay ko sa kaniya kung nasaan si Zian at kung sino ang nag-uutos sa kaniya ay bibigyan niya ako ng magandang klase ng baril," sagot niya at napatingin siya kay Zer na natawa. "Napakatalino talaga ni Yanna, alam na alam niya ang mga gusto mo. So, ano ang plano mo? Sasabihin mo pa ba kung sino ang nag-uutos kay Zian?" tanong na naman ni Zer bago nagsindi ng sigarilyo at humithit doon. "Oo, alam ko naman na hindi tayo ipapahamak ni Yanna. Wala naman tayon
Read more