Home / Mystery/Thriller / Assassin's World / Chapter 51 - Chapter 57

All Chapters of Assassin's World: Chapter 51 - Chapter 57

57 Chapters

Chapter 50: Revelations

After 6 years... ZAFFRIE's POV   | Continuation of Chapter One | "Yanna!" sigaw ng isang tinig mula sa aming likuran dahilan upang sabay kaming napatingin ng aking anak. Oo nga pala, pareho kami ng pangalan.   "Daddy!" masayang sambit ni Yanna. Bumitaw siya sa pagkakahawak mula sa aking kamay bago mabilis na takbo papunta sa direksiyon ni Caz at sa kasamang si Hans.   "Ito, may dala kaming pasalubong para sa inyo," aniya. Itinaas niya ang hawak na plastic upang ipakita sa amin bago kami iginaya papasok sa loob ng aming bahay.   "Daddy, ang dami namang foods!" masayang ani Yanna. Bilang kaniyang ina, kinuhanan ko siya ng fried chicken bago iniabot iyon. Magalak naman niyang tinanggap iyon at nakangiting kinag
Read more

Chapter 51: Marriage

ZAFFRIE's POV Kakatapos ko lang maglako ng isda kanina. Kumukuha kasi ako ng iba't-ibang racket para may maitustos ako sa mga kailangan namin ni Yanna. Bilang isang ina, kailangan ko nang mas pagtuunan ang mga pangangailangan niya at hindi ko na dapat pairalin pa ang mga luho ko katulad nang dati kong buhay. "One cappuccino, please," narinig kong sambit ng costumer na nasa harapan ko. Dumukot siya sa kaniyang wallet at iniabot sa akin ang pera kaya malugod ko namang tinanggap iyon. Sanay na ako sa ganito dahil ganito rin naman ang mga nagiging trabaho ko habang Assassin ako noon. Medyo nakakapanibago na nga lang ngayon dahil tanging ang trabahong ito na lang ang inaasahan kong magbibigay ng pera sa akin. "Miss, nasaan na 'yung order ko? Ang tagal naman!" narinig kong reklamo ng nag-order kanina dahilan upang bum
Read more

Chapter 52: Silver

ZAFFRIE's POV "Mission succeeded!" sabay-sabay naming sigaw bago nagpalakpakan. "Good job, everyone! Pwede na kayong umuwi," sambit ng Manager namin at iniwan na kami. Katatapos lang naming mag-intindi ng isang birthday party. Ang theme ng party niya ay cafè kaya naman ang buong crew rito ang nag-asikaso ng mga kailangan kanina. Kakatapos lang ng party niya kaya naman nagliligpit na kami upang makauwi na. Baka naghihintay na si Yanna sa bahay, kawawa naman at wala siyang kasama roon. "Grabe! Ang yaman nila, ano? Nagawa nilang rentahan ang buong cafè at oras ng buong crew," napapailing na ani Hans. "Binibili lang nila ang oras natin nang walang pagod. Samantala ang mga katulad natin, kailangan pang kumayod nang kumayod para may maipangkain tayo." "Oo nga pala
Read more

Chapter 53: ID

ZAFFRIE'S POV Isinara ko ang aparador ng mga damit ni Yanna bago lumapit sa aking anak. Nakita ko si Caz na nakasandal sa dingding na katabi ng pintuan at kulang na lang ay panlisikan niya ako ng mga mata habang may laser na lumalabas doon at tatama sa akin. "Ate, sigurado ka na ba talaga d'yan sa desisyon mo?" nag-aalalang tanong ni Caz habang binibihisan ko si Yanna ng kaniyang uniporme. "Pang-ilang beses mo nang tinanong 'yan, Caz. Paulit-ulit ko na ring sinasagot. Nakakainis ka na," may bakas ng inis na sagot. Wala siyang nagawa kun'di ang mapakamot na lang sa kaniyang ulo. Pang-ilang beses na rin niyang ginagawa iyan tuwing sumasagot ako nang pareho pa rin ang sagot. "Mommy at Tito, 'wag na kayong mag-away. Ang turo ninyo sa akin ay laging magmahalan tapos kayo pa 'yung nag-aaway d'yan," nakabusangot na pan
Read more

Chapter 54: Back

ZAFFRIE's POV Kakatapos lang ng trabaho ko sa isang mall bilang isang promodiser. Nang makita kong wala nang customers ay dali-dali akong nagligpit ng mga gamit bago dumiretso sa locker room namin upang magpalit ng damit. Nang matapos na ako, dali-dali na akong lumabas ng store na iyon dahil gusto ko na ako ang magsusundo kay Yanna kahit alam kong susunduin naman siya ni Caz. Habang naglalakad ako palabas ng store ay napansin kong dumarami ang tao sa floor kung nasaan 'yung store na pinagtatrabahuhan ko. Dahil medyo chismosa ako ay medyo tumitingkayad ako para makita kung ano ang pinagkakaguluhan nila roon ngunit wala pa rin akong makita. Mayamaya lamang ay humawi ang dagat ng mga tao at nakita kong lumabas mula roon ang higit sa sampung mga guwardya na parang may pinoprotektahan sa kanilang likuran o gitna. Nang masiguro na nila na safe rito sa floor
Read more

Chapter 55: Wrong

ZAFFRIE'S POV Nakatulala akong naglalakad papasok sa aming bahay habang iniisip ang nangyari kanina nang magkita kami nina Terson. Bumalik ako sa katinuan nang maramdaman kong may biglang yumakap sa aking bewang. Nang lingunin ko kung sino iyon, nakita ko ang mukha ng inosente kong anak na nakangiti habang nakatingin sa akin. Nginitian ko rin siya at inilagay ang aking braso sa kaniyang balikat upang kayapin siya pabalik. Iginaya niya ako papunta sa sala at inalalayan pa ako sa pag-upo sa sofa. "Mommy, how's your day po?" nakangiting tanong niya. Matapos niyon ay yumuko siya at nagulat ako nang bigla niyang kunin ang paa ko. Pinatong niya ang aking paa sa maliit niyang hita at hinubaran ng sapatos pati na rin medyas. "Ang sabi ni teacher, kapag pagod daw ang parents namin
Read more

Chapter 56: Zio

DZION's POV   "Mahal na Hari, narito po ang inang Reyna," pag-aanunsyo ng isang kawal. Sinenyasan ko siya na papasukin si Mamita na agad naman niyang sinunod.   Nang bumukas ang pintuan, iniluwa niyon si Mamita kasama ang isang maliit na batang lalaki. Nang makita ako nito ay bumitaw siya sa pagkakahawak ni Mamita at tumakbo papunta sa akin. Nang tuluyan na siyang nakalapit ay agad niya akong hinagkan.   "Daddy..." sambit ng aking anak nang humiwalay siya sa akin mula sa pagkakayakap.   "Yes, baby?" malambing kong tanong habang nakatingin sa kaniya ay nakangiti pa.   "Nasaan si Mommy?" tanong niya. Agad namang kumunot ang aking noo nang dahil sa tanong ng anak ko.   Nakita ko naman na tuluyan nang nakalapit sa akin si Mamita. Tumay
Read more
PREV
123456
DMCA.com Protection Status