ZAFFRIE's POV "Momshie, guess what?" ani Thyrie at pakendeng-kendeng pang naglalakad papalapit sa akin. Nang nakalapit, para siyang isang beauty queen na kailangan ng magpakilala. Tinaasan ko naman siya ng kilay upang ituloy ang kaniyang sinasabi. "Ito na ang misyon natin and I, thankyou!" Kinuha ko naman ang envelope na ibinigay niya sa akin at saka binuksan iyon. Bumungad sa akin ang litrato ng duguang babae na may hindi mabilang na saksak sa iba't-ibang bahagi ng katawan. Siniyasat ko pa ang ibang bahagi ng dokumento kung saan nakasulat ang mga gagawin namin. Sana nama'y hindi na magkasalungat ang misyon namin ni Zio, gayong nagkakabutihan na kami ngayon. "So, anong nakalagay?" tanong ni Frizza habang nakataas ang kaniyang kilay at naghihintay na sabihin ko kung ano ang magiging misyon namin. "As usual, kaila
Last Updated : 2021-07-29 Read more