Home / All / Assassin's World / Chapter 32: Quality Time

Share

Chapter 32: Quality Time

last update Last Updated: 2021-07-15 18:59:38

ZAFFRIE's POV

Kasalukuyan kaming narito sa karinderya na nakita namin na malapit lang sa sementeryo. Masyado pang maaga nang dumalaw kami roon kaya pareho kami na hindi pa nakakakain kaya napagdesisyonan namin na kumain muna.

Nakatapos na kaming kumain at lahat ngunit wala pa ring nagnanais na mangunang magsalita. Hindi naman kami sanay na kami lang ang magkasama, lalo na’t kalaban siya ng aming grupo. Mayamaya ay agad kong narinig ang kaniyang pa-simpleng pag-ubo kaya agad akong napatingin sa kaniya.

“Ano nga palang ginagawa mo rito?” muling tanong niya kaya napa-irap na lang ako.

“Nako, paulit-ulit ka lang naman ng itinatanong. Ano pa ba ang ginagawa sa sementer

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

  • Assassin's World   Chapter 33: Fiancè

    ZAFFRIE’s POV“Welcome back, Momshie!” Nagulat ako nang pagpasok ko sa aming office ay biglang may nagputukan na mga confetti. Nang buksan ko ang aking mga mata ay nakita ko mula roon ang mga kaibigan kong baliw.“Kung makagawa naman kayo ng welcome party, parang galing ako sa ibang bansa,” natatawang sambit ko ngunit hindi nila iyon pinansin. Hinila nila ako papalapit sa dining table namin at inanyayahang kumain.“Kumusta naman ang bakasyon mo, Momshie?” tanong ni Cath bago sumubo ng salad na kasalukuyan niyang kinakain.“Mukha ba akong nagbakasyon? Dinalaw ko ang mga magulang ko.” Umirap ako at inis na sumubo ng spaghetti na medyo matig

    Last Updated : 2021-07-16
  • Assassin's World   Chapter 34: Fraternity

    DZION’s POV “Bakit hindi kita nakita sa pagpupulong kahapon?” bungad na tanong ko kay Dex nang makapasok ako sa office niya. “As usual, I did an investigation for Ate Golden’s case,” aniya habang abalang-abala sa pagkalikot ng kaniyang laptop kaya sumilip ako roon upang tingnan ang pinagkakaabalahan niya. Nakakita na naman ako ng isang ebidensya na maaaring magtuturo kung sino ang totoong suspect. Isa iyong gintong lighter at hindi pangkaraniwan iyon. Halatang mamahalin, pangmayaman at parang— “Parang pamilyar sa aking paningin ang lighter na ‘yan,” sabi ko kaya naagaw ko ang atensyon niya at napatingin sa akin.

    Last Updated : 2021-07-17
  • Assassin's World   Chapter 35: Yanna

    DZION’s POV Kasalukuyan akong nagmamaneho papunta sa office ni Dex. Nais kong makibalita kung ano na ang progress sa pag-iimbestiga niya. Nang makarating ako ay wala akong pasabi na pumasok doon dahilan upang magulat siya. “Hindi ka nagsabi na pupunta ka pala rito,” aniya at mababakas talaga sa kaniyang mukha ang pagkagulat. “May itinatago ka ba sa akin para magsabi pa ako sa ‘yo na pupunta ako rito?” taas-kilay kong tanong sa kaniya. “Ano namang itatago ko sa ‘yo?” tanong niya at umirap pa. Lumapit siya sa isang drawer at naglabas ng isang maliit na envelope at ibinigay sa akin. “May nagpadala na naman ng sulat.”

    Last Updated : 2021-07-18
  • Assassin's World   Chapter 36: Armies

    DZION’s POV Agad na nanlaki ang aking mga mata dahil sa sinabi niya. Hindi dahil sa sinabi niyang nakakakilig, kun’di sa itinawag niya sa akin. Siya ba? “Ikaw si Yanna?” hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya dahilan upang bumakas sa kaniyang mukha ang gulat. Hinawakan ko siya sa kaniyang balikat at tiningnan sa kaniyang mga mata. “Sumagot ka. Ikaw si Yanna, ‘di ba?” “Maniniwala ka ba kung sasabihin kong hindi?” tanong niya sa akin kaya agad akong napabitaw sa kaniyang balikat at hindi makapaniwalang tiningnan siya. “Ikaw ba ang nagpapadala ng mga sulat sa akin?” tanong ko sa kaniya ngunit iling lang ang kaniyang isinagot. Mapagkakatiwalaan ko ba ang mga sinasabi

    Last Updated : 2021-07-19
  • Assassin's World   Chapter 37: Cazburn

    DZION’s POVMaaga akong nagising dahil sa ingay na nagmumula sa labas ng aking kwarto. Nang makalabas ako ay nakita ko ‘yung tatlong bugok na parang may pinagkakaguluhan doon sa may office table ko. Dahan-dahan akong lumapit sa kanila para hindi nila maramdaman ang prisensya ko. Nang tuluyan na akong nakalapit, nakita kong may tinitingnan silang mga dokumento roon.“Ano ‘yan?” takang tanong ko ngunit tiningnan lang nila ako bago ibinalik muli ang atensiyon sa kanilang binabasa. Mayamaya, nagulat ako nang sabay-sabay na naman silang napatingin sa akin at mga nanlalaki na ang kanilang mga mata ngayon na parang nakakita ng multo.“Master, nariyan ka na pala. Bakit hindi ka nagsasabi?” uutal-utal na sambit ni Terson. Na

    Last Updated : 2021-07-24
  • Assassin's World   Chapter 38: Zian

    "Nasaan si Zian?" tanong ni Ter nang makarating siya sa bahay kung saan nila isinasagawa palagi ang kanilang mga meetings."Lumabas yata, Ter," sagot ni Ven na busy sa paglalaro sa kaniyang cellphone."Bakit mo naman hinahanap si Zian, dahil ba roon sa lumabas na balita tungkol sa kaniya?" tanong naman ni Zer habang nagtatakang nakatingin kay Ter na mababakas ang saya sa mukha nito."Hinahanap siya ni Yanna. Oras na maibigay ko sa kaniya kung nasaan si Zian at kung sino ang nag-uutos sa kaniya ay bibigyan niya ako ng magandang klase ng baril," sagot niya at napatingin siya kay Zer na natawa."Napakatalino talaga ni Yanna, alam na alam niya ang mga gusto mo. So, ano ang plano mo? Sasabihin mo pa ba kung sino ang nag-uutos kay Zian?" tanong na naman ni Zer bago nagsindi ng sigarilyo at humithit doon."Oo, alam ko naman na hindi tayo ipapahamak ni Yanna. Wala naman tayon

    Last Updated : 2021-07-24
  • Assassin's World   Chapter 39: Phone Call

    ZAFFRIE's POV Kasalukuyan akong may hawak na kwintas na gold at isusuot ko na dapat iyon ngunit naantala nang marinig ko ang busina ng sasakyan ni Zio na nagmumula sa labas. Narito ako ngayon sa bahay namin at once in a blue moon lang ako kung umuwi rito. Ang kapatid ko lang lagi ang nagbabantay rito at doon ako sa Underworld natutulog dahil hindi kami magkasundo. Nakakainis naman kasi talaga 'yung kapatid kong 'yon, lalo na kahapon. Magsindi ba naman ng lighter tapos gustong silaban 'yung gas stove, gusto yata niya ng fireworks, aba baliw talaga 'yon. "Zaff!" pagbati sa akin ni Zio pagkapasok sa pintuan ng bahay namin. Tuloy-tuloy lang siya na pumasok sa bahay namin at uupo na sana sa sofa pero bigla niya akong nilapitan at hinawakan ang kwintas na isusuot ko na dapat. "Turn around," utos

    Last Updated : 2021-07-24
  • Assassin's World   Chapter 40: Spy

    ZAFFRIE's POV"Brianna Zaffrie! Gumising-gising ka na at kanina pa naghihintay ang Prince Charming mo sa labas!" parang Nanay na sigaw ni Thyrie.Pagkamulat ko ng aking mga mata ay agad na bumungad sa paningin ko si Thyrie na may roller na pangkulot sa buhok at nakapamewang pa. Mukha talaga siyang Nanay na chismosa sa may tindahan."Saan ka pupunta at nagkukulot ka ng buhok?" takang tanong ko sa kaniya"Dito lang sa Underworld, maga-boy hunting kaming tatlo habang naga date kayo ni Papa Zio," sagot niya habang tumitirik pa ang mga mata nang dahil sa kilig."Date na naman?" gulat na tanong ko habang nanlalaki pa ang aking mga mata."Oo, date Momshie. Personal kang ipinagpaalam sa amin ni Zio my baby loves dahil gusto raw niyang mag-

    Last Updated : 2021-07-25

Latest chapter

  • Assassin's World   Chapter 56: Zio

    DZION's POV "Mahal na Hari, narito po ang inang Reyna," pag-aanunsyo ng isang kawal. Sinenyasan ko siya na papasukin si Mamita na agad naman niyang sinunod. Nang bumukas ang pintuan, iniluwa niyon si Mamita kasama ang isang maliit na batang lalaki. Nang makita ako nito ay bumitaw siya sa pagkakahawak ni Mamita at tumakbo papunta sa akin. Nang tuluyan na siyang nakalapit ay agad niya akong hinagkan. "Daddy..." sambit ng aking anak nang humiwalay siya sa akin mula sa pagkakayakap. "Yes, baby?" malambing kong tanong habang nakatingin sa kaniya ay nakangiti pa. "Nasaan si Mommy?" tanong niya. Agad namang kumunot ang aking noo nang dahil sa tanong ng anak ko. Nakita ko naman na tuluyan nang nakalapit sa akin si Mamita. Tumay

  • Assassin's World   Chapter 55: Wrong

    ZAFFRIE'S POVNakatulala akong naglalakad papasok sa aming bahay habang iniisip ang nangyari kanina nang magkita kami nina Terson. Bumalik ako sa katinuan nang maramdaman kong may biglang yumakap sa aking bewang. Nang lingunin ko kung sino iyon, nakita ko ang mukha ng inosente kong anak na nakangiti habang nakatingin sa akin.Nginitian ko rin siya at inilagay ang aking braso sa kaniyang balikat upang kayapin siya pabalik. Iginaya niya ako papunta sa sala at inalalayan pa ako sa pag-upo sa sofa."Mommy, how's your day po?" nakangiting tanong niya.Matapos niyon ay yumuko siya at nagulat ako nang bigla niyang kunin ang paa ko. Pinatong niya ang aking paa sa maliit niyang hita at hinubaran ng sapatos pati na rin medyas."Ang sabi ni teacher, kapag pagod daw ang parents namin

  • Assassin's World   Chapter 54: Back

    ZAFFRIE's POVKakatapos lang ng trabaho ko sa isang mall bilang isang promodiser. Nang makita kong wala nang customers ay dali-dali akong nagligpit ng mga gamit bago dumiretso sa locker room namin upang magpalit ng damit. Nang matapos na ako, dali-dali na akong lumabas ng store na iyon dahil gusto ko na ako ang magsusundo kay Yanna kahit alam kong susunduin naman siya ni Caz.Habang naglalakad ako palabas ng store ay napansin kong dumarami ang tao sa floor kung nasaan 'yung store na pinagtatrabahuhan ko. Dahil medyo chismosa ako ay medyo tumitingkayad ako para makita kung ano ang pinagkakaguluhan nila roon ngunit wala pa rin akong makita.Mayamaya lamang ay humawi ang dagat ng mga tao at nakita kong lumabas mula roon ang higit sa sampung mga guwardya na parang may pinoprotektahan sa kanilang likuran o gitna. Nang masiguro na nila na safe rito sa floor

  • Assassin's World   Chapter 53: ID

    ZAFFRIE'S POVIsinara ko ang aparador ng mga damit ni Yanna bago lumapit sa aking anak. Nakita ko si Caz na nakasandal sa dingding na katabi ng pintuan at kulang na lang ay panlisikan niya ako ng mga mata habang may laser na lumalabas doon at tatama sa akin."Ate, sigurado ka na ba talaga d'yan sa desisyon mo?" nag-aalalang tanong ni Caz habang binibihisan ko si Yanna ng kaniyang uniporme."Pang-ilang beses mo nang tinanong 'yan, Caz. Paulit-ulit ko na ring sinasagot. Nakakainis ka na," may bakas ng inis na sagot. Wala siyang nagawa kun'di ang mapakamot na lang sa kaniyang ulo. Pang-ilang beses na rin niyang ginagawa iyan tuwing sumasagot ako nang pareho pa rin ang sagot."Mommy at Tito, 'wag na kayong mag-away. Ang turo ninyo sa akin ay laging magmahalan tapos kayo pa 'yung nag-aaway d'yan," nakabusangot na pan

  • Assassin's World   Chapter 52: Silver

    ZAFFRIE's POV"Mission succeeded!" sabay-sabay naming sigaw bago nagpalakpakan."Good job, everyone! Pwede na kayong umuwi," sambit ng Manager namin at iniwan na kami.Katatapos lang naming mag-intindi ng isang birthday party. Ang theme ng party niya ay cafè kaya naman ang buong crew rito ang nag-asikaso ng mga kailangan kanina. Kakatapos lang ng party niya kaya naman nagliligpit na kami upang makauwi na. Baka naghihintay na si Yanna sa bahay, kawawa naman at wala siyang kasama roon."Grabe! Ang yaman nila, ano? Nagawa nilang rentahan ang buong cafè at oras ng buong crew," napapailing na ani Hans. "Binibili lang nila ang oras natin nang walang pagod. Samantala ang mga katulad natin, kailangan pang kumayod nang kumayod para may maipangkain tayo.""Oo nga pala

  • Assassin's World   Chapter 51: Marriage

    ZAFFRIE's POVKakatapos ko lang maglako ng isda kanina. Kumukuha kasi ako ng iba't-ibang racket para may maitustos ako sa mga kailangan namin ni Yanna. Bilang isang ina, kailangan ko nang mas pagtuunan ang mga pangangailangan niya at hindi ko na dapat pairalin pa ang mga luho ko katulad nang dati kong buhay."One cappuccino, please," narinig kong sambit ng costumer na nasa harapan ko. Dumukot siya sa kaniyang wallet at iniabot sa akin ang pera kaya malugod ko namang tinanggap iyon.Sanay na ako sa ganito dahil ganito rin naman ang mga nagiging trabaho ko habang Assassin ako noon. Medyo nakakapanibago na nga lang ngayon dahil tanging ang trabahong ito na lang ang inaasahan kong magbibigay ng pera sa akin."Miss, nasaan na 'yung order ko? Ang tagal naman!" narinig kong reklamo ng nag-order kanina dahilan upang bum

  • Assassin's World   Chapter 50: Revelations

    After 6 years... ZAFFRIE's POV | Continuation of Chapter One | "Yanna!" sigaw ng isang tinig mula sa aming likuran dahilan upang sabay kaming napatingin ng aking anak. Oo nga pala, pareho kami ng pangalan. "Daddy!" masayang sambit ni Yanna. Bumitaw siya sa pagkakahawak mula sa aking kamay bago mabilis na takbo papunta sa direksiyon ni Caz at sa kasamang si Hans. "Ito, may dala kaming pasalubong para sa inyo," aniya. Itinaas niya ang hawak na plastic upang ipakita sa amin bago kami iginaya papasok sa loob ng aming bahay. "Daddy, ang dami namang foods!" masayang ani Yanna. Bilang kaniyang ina, kinuhanan ko siya ng fried chicken bago iniabot iyon. Magalak naman niyang tinanggap iyon at nakangiting kinag

  • Assassin's World   Chapter 49: The Result

    DZION's POV Habang naghihintay kami ng resulta, kasabay rin niyon ay ang mabilis na paglipas ng araw. Nakalabas na rin ako ng hospital noong araw rin na nagising ako. Noong una nga'y gusto pa akong i-confine ng mga doctor kahit na stressed lang ako pero hindi ako pumayag dahil alam kong pineperahan lang nila ako. Kahit na maayos na ang aking pakiramdam, pinipilit pa rin nila na manatili ako roon. Sa bawat paglipas ng oras, mas kinakabahan ako habang nag-iintay ng resulta sa DNA test ni Yna. Kahit saang anggulo, hindi ko makita kung paano siya naging si Golden. Although may pagkakapareho sila pero hindi niya kamukha si Golden. Kung totoo man ang sinasabi niya, baka naman naninibago lang ako sa kaniyang mukha dahil matagal ko na siyang hindi nakikita. It has been seventeen years since I last saw her and we were only eight years old when s

  • Assassin's World   Chapter 48: DNA

    DZION's POVPagmulat ko'y bumungad agad sa akin ang puting kisame. Nang igala ko ang aking paningin ay nakita kong nandito sa loob ng iisang kwarto ang buong Fencers at Gungsters kung nasaan ako."Gising ka na pala," sambit ni Yna na kagigising lang din. Nilingon ko naman agad siya. Nag-inat muna siya na animo'y galing sa mahimbing na pagkakatulog sa gilid ng higaan ko."Anong nangyari?" tanong ko sa kaniya at medyo umatras ng kaunti upang dumistansiya sa kaniya."Nawalan ka ng malay kagabi kaya narito ka ngayon. Dahil sa stress at shock kaya narito ka ngayon," paliwanag niya sa akin. Agad naman akong napakapit sa aking ulo nang bigla itong kumirot. Unti-unting bumalik ang mga ala-ala ko kag

DMCA.com Protection Status