"You should get yourself a boyfriend. Ilang taon ka na ring naghihintay," si Zeri nang magawi sa bakeshop ni Tita.Matingkad ang sikat ng araw nung araw na 'yon. Nasa Rouseau ako--- bakeshop ni Tita. Dumaan si Zeri para makita ako dahil madadaanan niya rin naman pauwi ang Rouseau."It's been years, and still counting," I said, almost laughing. Sumama ang tingin niya sa akin saka sumimsim sa juice niya. I cut a small slice on my cake and ate it. Napangisi ako dahil sa mukha ni Zeri na ngayon ay pekeng nakangiti sa akin.That's it! Naiinis na naman siya dahil sa katigasan ng ulo ko. Matagal niya ng pinagpipilitan na maghanap na ako ng nobyo. Sa aming dalawa, mas may pakealam pa siya sa buhay pag-ibig ko kesa sa akin. I just don't think that having no boyfriend should stress me. Wala naman akong nakikitang mali sa pagiging single. Isa pa, mas maganda iyon para mapagtuonan ko ng pansin ang mga bagay na ginagawa ko at gusto ko pang gawin. For me, bein
Read more