Asteria’s Point of View Hindi naman ako nakapagsalita nang ilang segundo nang bigla ulit magsalita si Tiya Ana nang marinig niya na wala kami balak sumagot sa kanyang sinabi. “Oo nga pala, anak. Siya si Asteria, ang anak ng dati kong amo. Sadyang kay buti ng mga magulang niya sa akin. Dahil sa kanila ay nagkaroon tayo ng sarili nating bukid,” proud na wika niya habang ang mga kamay niya ay magkahawak at nakatapat sa kanyang puso na parang nananalangin. Hindi ko alam kung dapat ba akong makaramdam ng tuwa dahil nakatulong sila Mom sa ibang tao o makaramdam ng awa sa sarili ko dahil mabuti pa sa ibang tao ay may oras sila, kaysa sa sarili nilang anak. “Magandang hapon, señorita,” magalang na bigkas niya habang ang mga mata niya ay nakatitig sa akin. Agad naman akong napairap sa ikinilos niya, sanay ako na tinatawag ng mga katulong ng mga ma'am o señorita, pero parang ayaw kong marinig sa kanya ang pagiging pormal. And besides, kailangan kong makisama sa kanila nang mga ilang buwan o
Last Updated : 2021-06-21 Read more