Maingay ang mga kuliglig, pati na rin ang mga ibon sa parang na wari ba'y nakikidalamhati sa bigat na aking nararamdaman. “Pagod na rin ako, Sierra,” banayad ngunit tila sigurado niyang sabi. Nang dahil sa isang dahon ng papel, nagkakilala kami. Ganoon lang kabilis, ganoon kabilis ko siyang nakilala at naging bahagi ng buhay ko, sana ganoon kabilis lang din siyang mawala sa sistema ko. Sana katulad ng dahon ng papel na mabilis na inanod ng tadhana sa akin sana ganoon lang din siya kadaling mawala sa akin, pero bakit ang bigat, ang hirap, ang sakit-sakit?Katulad ng kadalasang nangyayari sa mga musmos na pag-ibig, nahulog din kami sa ganitong usapan— ang pagtatapos.“Kung gayon ay...” sagot ko sa mas mahinang boses. “Ito na ang huli?”Muling nag-ingay ang mga ibon, maging ang hangin ay tila nagsasaad na ng matinding pagtutol ngunit may mga bagay lang talaga na mas maigi ng ‘wag ipagpatuloy
Last Updated : 2021-05-11 Read more